Wika at Edukasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

 

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon


 
INTRODUKSYON
 
Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maramingtanong sa
isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ngsarili. Sa paaralan,
tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikangpambansa. Ang isang bansa na
may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ayisang paraan ng komunikasyon.
Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sabawat lugar, komunidad, at bansa.
Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.
 
 Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit angibang
Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng
mgamamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa
mgamasasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa
Pilipinona dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang
Pambansaay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.
 
Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag dingvarayti ng
wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipinodahil ang
Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan manmagpunta sa
buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sakahalagahan ng ating
Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino,makakaya ring mapaunlad ang
sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi panga ng bayaning Pilipino na si Dr.
Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higitpa sa malansang isda." Kaya
pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundisa gawa. Mahalaga talaga ang
wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroongsariling wikang maipagmamalaki ang
mga Pilipino.
 
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating angmga
nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usapsa kapwa
kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan
, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t
ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari
natumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.
 
 Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para
sapagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng
kanyangmga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad
obansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng
panlipunangpagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatiliang mga
damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

 Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika angpinakamabisang


paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang angkasaysayan at mga tala
ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mgakasalukuyang mamamayan ang
mga hakbangin na ginawa noong unang panahon upang maipatuloyito sa mabuting paraan at maiwasan
ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito angmagsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga
naudlot na pangarap noong simula pa.
 
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandataupang
maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan atbahagi ng
ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayanupang maibuhos sa
kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
 
Maipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng sariling wika ang laman ng damdamin, ang lalimng
pagkatao, ang katangian ng ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kultura at sining, angkabihasaan sa
anumang larangan at ang katotohanan ng pag-iral. Sa kabuuan, ang wika angnagsisilbing kaparaanan
upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap nabansa ang isang bansa.
 
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sakanyang
kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habangnakikinig
ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kungsaan ang guro ay
magtatanong at ang mag-
aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan.
Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o samga
nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa
opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente silang kakausapin,ito ay isang pakikipagtalastasan.
Ito ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ayisang gawaing pang-araw-araw.
 
 Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos atmaari
ring makahikayat ng paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandangpangako
upang makuha ang panig ng mga tagatanggap ng mensahe. Ito rin ay nakakatulong sapagbuo, pag-unlad,
pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng isipan,damdamin at saloobin.Ito ay
sining ng pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng wikana may kaayusan
at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsulat, pagbasa atpagsasalita. Lahat ng mga
ito, samakatuwid ay nagpapatunay na ang mabisang pakikipagtalastasanay proseso ng paghatid ng
kaalaman, ideya o mensahe kung saan ang tagapakinig aylubos na nakauunawa sa kahulugang nais
ipahatid ng lubos na nakauunawa sa kahulugan ngnais ipahatid ng nakikipagtalastasan.
 
 
  Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa ibat-ibang
kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagangimpormasyon at
mensaheng nais nating ibahagi upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kungsakaling hindi natin
naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang wikang Filipino na siyangsumasalamin sa
pagiging isang tunay na Pilipino.
 
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
 Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik angwika sa
komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon anggumagamit
nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini atnararamdaman.
 
Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng mgasikreto sa
pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang termpaper, sa mga
oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay angepektibong pagkatuto
at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina,
kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebelupang magamit ito nang maayos. Kaya naman may
mga kurso tayo sa grammar o balarila, at saliterature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito,
lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang
makamit nila ang kanilang mga nais gawin.May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat,
sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kungwala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa
pagbabasa ay inaasahang umuunlad dinang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang
Filipino upang mas lalo pangnagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.
Katawan/ Nilalaman
 
Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang Ingles
 
Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino
kungikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles. Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang
prosesong intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan ding maintindihan ng mga tao na ang
atingwika ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino,
hindi
pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag
-aralan ng ibang tao mula sa ibang
bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y gagamitin sa pang
-araw-araw na buhay.
Bukod pa rito, hindi rin ito magiging madaling proseso kung ito’y ituturo sa mg
a mamamayan. Sakabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga nais magtaguyod
ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino.

 
 
Mataas ang respeto sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga nais mangyari ay hindi
ito nagiging hadlan
g upang silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil
maintindihan din kung bakit hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawatlarangan.
Bukod sa hindi magiging simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod angsariling wika. Ang
intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating panahon ngayon,hindi rin ito lubusang
magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang katotohanang Ingles parin ang unibersal na
wika.
WAKAS O KONGKLUSYON
 
Wika na Mas Kailangang Hasain
 
Bilang isang Filipino mas piniprefer na hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang banyaga.Dahil ang
wikang filpino ang nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang maipagmamalaki natinsa ating
bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sapagkatmalaki ang
maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak napagsusurimasasabi nating ang
paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong anumang uri ng kaalaman aynakapagpapabilis sa proseso ng
edukasyon. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalagakumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang
Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi na masginagamit nga karamihan kahit saan man sila
magpunta sa mundo. Pero para sa amin at sa mga masnakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino
ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahilito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang
Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang atingsariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang
ating gamitin katulad ng bansang Japan. Maspinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kaysa sa
ibang wika kahit ganito napapaunlad parinnila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa
pinakamaunlad na bansa sa buongmundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi
marunoong magmahal sa sarilingwika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino
pahalagahan natin ang ating sarilingwika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
Mapapansin na hindi umunladang wika sa loob ng napakahabang panahon dahil hindi na kailangan pang
pag aralan ng mgabanyaga ang wikang Pilipino.Tunay na isang paraan na magkaunawaan ang
magkaibang wika sapamamagitan ng wikang Ingles, ngunit isipin naman ng mga Filipino na hindi
obligasyon na magsalitang Ingles kung nasa sariling bayan. Sa katunayan hindi isyu kung alin ba talaga
ang dapat na gamitingopisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ang tunay na isyu dito ay ang kalidad
ng edukasyon. Sahuli ay nasa estudyante pa rin kung paano siya magsusumikap upang tumaas ang
kanyang kaalamansa paggamit ng Wikang Ingles at pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino .

Gamit ng Wika sa Pulitika


Ginagamit ang wika sa mga usaping pulitika sa pamamagitan ng pangangampanya tuwing sasapit ang
halalan o eleksyon.
Ginagamit ang wika ng mga pulitiko lalo na ang Pangulo ng Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon.
Nang dahil sa wikang gamit ng mga pulitiko, nagkakaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga
nagaganap at nangyayari sa pamahalaan o gobyerno.
Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala ang tamang pulitiko na kanilang ihahalal
upang mamamahala at mamumuno sa bansa at sa bayan.
Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa
mga pulitiko, sa radyo at telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
Wika ang ginagamit ng mga pulitiko upang mahusay na makipag-ugnayan sa isa't isa tungo sa maayos na
pamamahala at pagpapaunlad ng bansa.
Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga opinyon, saloobin at hinaing ukol sa
pamahalaan.
Kakabit na ng wika ang kapangyarihang kontrolin ang isipan ng mga tao kaya hindi na maiaalis ang
paggamit nito upang itago ang katotohanan at bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita. Hawak ng
tao ang susi kung papaano mapabuti ang lipunan—ang wika.
Ang wika bilang instrumento ng Komunikasyon  
Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang
gamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y
isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.  
Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon dahil ginagamit ang wika upang ipahayag
ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.  
Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay
nating magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito
ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong
mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa
iba't-ibang larangan at disiplina.  
Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa
bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan,
ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na
nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng
bansa. 

You might also like