SINTAKTIKA3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

1

NUNG : SINTAKTIKANG PAGSUSURI SA ESTRUKTURA


NG WIKANG FILIPINO

Panimula

Naipadarama ng wika ang lawak at lalim ng isip. Sa wika naipahayag ang


halaga at pagkakilanlan ng bawat pangkat ng kultura. Wika ang nagsisiwalat ng
katotohanan ng isang intensyon. Wika ang naghahatid ng damdamin ng
kagalakan, lungkot, pag-asa, kabiguan. Sa wika makikita at maririnig ang
kagandahan ng pasasalamat, paghanga at maging ang pag-ibig na nais iparating
ninuman.

Mahalagang maunawaan ng sinumang mag-aaral kung bakit dapat pag-


aralan ang sintaks ng wika na kanyang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa,
pangkat o institusyong kanyang kinabibilangan at maging sa pakikipag-ugnayan
sa Dakilang Lumikha.

Sa pag-aaral ng wika sa makabagong kapanahunan ay hindi natin lubos na


ipinopokus ang buong pansin sa sintaks o kayarian ng wika o sa estruktura nito.
Higit nating binibigyang pansin ang paglinang ng kakayahang komunikatibo ng
mga estudyante.

Gayon pa man huwag nating kaligtaan ang pag-aaral sa iba’t ibang bahagi
ng pananalita, nakatutulong nang malaki ang kaaalaman sa estruktura ng wikang
Filipino sa pagkakamit at paglilinang ng kakayahan para sa mabisang
komunikasyon.

Binanggit ni Santiago et. al sa aklat na Makabagong Balarila,ang Sintaks o


palaugnayan ay ang mga Sistema ng pagsama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga
salita upang bumuo ng mga pangungusap.

Ang pag-unawa sa sistema ng estruktura ng wika ay nakadepende sa


yaman at pagbuo ng kaalaman na nirerepresenta nito. Kailangan sa bawat
pahayag ang pangungusap.
2

Sa linaw ng diwa o kaisipang dala ng pangungusap nakasalalay ang


madaling pag-unawa sa alinmang pakikipagkomunikasyon.

(Consolacion,et.al,(2004).

Inilahad ni Jonathan C. Malicsi sa Adyenda ng Pananaliksik sa Estruktura


sa Wikang Filipino ang ilang partikular na problema sa gramatika ng Filipino,na
sa kumbensyonal na Filipino,marami nang pagbabago ang
nagaganap.Halimbawa,dumadalas na ang gamit ng ‘yung sa halip na ang at nung
sa halip na ng .Ipinapakita ng mga ito at mga katulad nito na ang gramatika ng
impormal na Filipino,lalo na ng pasalita,ay iba sa gramatika ng pormal at pasulat
na Filipino.

Kung kaya tatangkaing talakayin o susuriin ng mananaliksik kung anong


mga pattern sa Tagalog ang hindi ginagamit sa Filipino partikular sa
pagkahalinhinan ng ng sa nung sa kumbersasyonal na sitwasyon.

II.Paglalahad ng Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaaral na ito ang mailahad ang gamit ng nung sa


pangungusap.Tiniyak sa pagtatalakay ang mailahad ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga kumbersasyonal na sitwasyon(sa bahay,trabaho,simbahan


,paaralan,pook pasyalan tulad ng restaurant,sinehan atbpa)sa mga teksto kung saan
ginagamit ang nung sa halip na ng.

2. Mailahad ang gamit ng nung sa mga kumbersasyonal na sitwasyon.

3. Makabubuo ng pamantayan upang matugunan ang maling gamit ng nung o


kung ito ba ay bahagi ng pagbabago o pambabastos sa tuntunin ng paggamit ng ng
sa pangungusap.
3

Kaligiran ng Paksa

Ang pag-aaral ay nakapokus sa madalas na paggamit ng nung sa halip na


ng sa mga kumbersasyonal na sitwasyon.Ngunit aalamin muna natin kung ano ang
wika at kung ano ang etimolohiya ng ng.

Tinalakay ni Henry Gleason, (1961) sa wika, na ang wika raw ay


masistemang balangkas. Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos
sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog
na ito. Kapag ang ponema na ito ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng
maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Kapag ang morpema ay
pinag-ugnay ay maaaring makabuo ng pangungusap. Ang pangungusap na ito ay
ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa kaya nagkakaroon ng diskurso.

Ayon pa rin kay Gleason,ang wika ay sinasalitang tunog.Hindi lahat ng


tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.Sa tao,ang
pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayon kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man sa lahat ng pagkakataon ay tunog na
sinasalita.

Ayon ni Aram Noam Chomsky, (1928) lahat ng tao ay may language


acquisition device(LAD). Idinagdag niya na,” everyone is born with some sort of
universal grammar in their brains_basic rules which are similar across all
languages.” Ito ay nagsasaad na ang kakayanan ng isang indibidwal upang matuto
ng gramar ay kusang lulutang kahit hindi pa siya tinuruan at wala pa siyang
masyadong kaalaman tungkol sa wikang iyon. Sinabi pa niya na ang
pinakamahalaga at pinakadistink na aspeto ng wika ay ang pagiging malikhain
nito.

Isa sa mahalagang konseptong tinalakay ay ang pagkakaiba ng


LANGUAGE at PAROLE_dahilan kung paano nakakapagsalita at nakaintindi ang
isang indibidwal sa kanyang wika. Ferdinand de Saussure ,(1938).
4

Si Carrol , (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga


sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting
paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon,ngunit sa isang panahon ng kasaysayan. Ito ay tinutukoy na isang set
ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’tibang
antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Si Archibald Hill, (1956) sa kanyang papel na What is Language? ay


nagsabi na ang wika raw ang pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado
at simetrikal na istraktura. Wika ang nagiging tulay sa pakikipagkomunikasyon sa
kapwa upang makaangkop at makahalubilo at nang makapamuhay nang maayos
sa lipunang kanyang ginagalawan.
Si Leonard Bloomfield naman ay nagsabi na ang bawat wika ay may
magkakaugnay na istraktyur kaya sinasabing bawat wika ay may isang
sistema na katangi-tangi sa kanya

Ayon kay Constantino(1996),ang wika ang pangunahing instrumento


ng komunikasyong panlipunan.Bilang instrumento,maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan
ng tao.Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga
gawain ng lipunan upang ,matamo ang mga pangangailangang ito.

Binanggit naman sa aklat nina Ceña at Nolasco(2012), na


pinamagatang Gramatikang Filipino,ang teorya ng balarila na tinatawag na
Dulog Prinsipyo at Parametro. Sa dulog na ito,ipinapalagay na ang pagbuo
ng balangkas ng mga kayarian sa lahat ng wika ng tao ay umaalinsunod sa
Balarilang Pang-unibersal(universal grammar[UG]). May dalawang bahagi
ang UG:mga prinsipyong pang-unibersal(universal principles) at mga
parametrong pang-unibersal (universal parameter). Ang mga prinsipyong
pang-unibersal ay nagtatakda ng mga posibleng kakanyahan at kayarian ng
5

mga wika ng tao. Ang mga parametrong pang-unibersal naman ang


nagtatakda ng limitasyon sa uri at lawak ng pagkakaiba-iba ng mga wika ng
tao. Ang halimbawa ng prinsipyong pang-unibersal, ang prinsipyong
lokalidad,na nagsasabing ang lahat ng mga ugnayang pangbalangkas ay
nangyayari sa pagitan ng mga pinakamagkakalapit na tugmang sangkap.

Ang sintaks ay kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng parirala


at ang pagsama-sama ng pariralang ito upang makabuo ng pangungusap. Ito
ay may dalawang bahagi,linear at hierarchical (Hilario:2009)

Sinasabing ang pangungusap ay kalipunan ng mga salita na nagpapahayag


ng isang buong kaisipan. Samantala, may mga pangungusap din na sambitla
lamang at may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ang
nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot sa kausap (Santiago:2003).

Sa aklat na Gramar ng Filipino ni Jonathan Malicsi(2013),nakasaad ang


estruktura ng batayang pangungusap.Ito ang pangungusap na
pinakasimple,pinakakaunti ang mga bahagi,nakatuon sa isang proposisyon(isang
kahulugan ng pangungusap na maaaring totoo o hindi,tama o mali),at ginagamit
upang bumuo ng mas mahaba at komplikadong mga pangungusap.Mahahati sa
dalawang bahagi ang batayang pangungusap-ang panaguri at ang simuno. Ang
panaguri ang nagbibigay ng bagong impormasyon at ang simuno ang tinutukoy
nito.Gagamitin muna ang terminong simuno para sa pariralang
pangngalan(pangngalan o panghalip) na minamarkahan ng focus(pantukoy na
ang/si para sa pangngalan,at pormang ang para sa panghalip).Ginagampanan nito
ang theta role na tinaguriang”theme”,pero upang maiba sa theme na
iginagalaw,tatawaging “topic” ang simuno ng panaguring di-verbal.Ang mga
pangungusap na may panaguring di-verbal ay nagsasaad ng
klasipikasyon,identidad,katangian,bilang,lugar,panahon,kadalasan,at iba pang mga
kahulugan na dala ng pangngalan,pang-uri,pamilang at pang-abay.Lumalabas na
di-verbal ang mga ito dahil walang pandiwa sa Filipino(walang” stative” o
6

“ascriptive” na pandiwa,gaya ng be sa Ingles,o ser at estar sa Espanyol) na


nagdurugtong sa mga kategoryang nabanggit at sa simuno. Sa pinakasimpleng
estruktura ng pangungusap,kasunod ng panaguri ang mga pariralang pangngalan o
panghalip na maaaring magsilbing komplemento o pang-abay. Sa pag-aaral na ito
tinatawag na komplemento ang mga pariralang pangngalan o panghalip na
obligadong gamitin para mabuo ang batayang pangungusap.Maaaring ifokus ang
alin sa kanila,at ang may focus ang nagsisislbing gramatikal na simuno.Bawat
komplemento ay may sariling marker na nagsasaad kung ano ang tungkulin nito sa
pagganap ng pandiwa.Kapag sinaniban ng focus na morpema,nagiging ang ang
marker ng komplemento,o pormang ang naman ang mga panghalip.

Mapapansing maraming komplemento ang magkakapareho ng marker,at


baka maisip na dapat pagsamahin na lang ang mga ito sa isang kategorya.Kung
porma lang ang batayan maaari nga pero itinatag ang pag-aaral ng estruktura ayon
sa theta role ang mga komplemento-partikular na relasyon ng komplemento sa
pandiwa.Narito ang marker na ng at kung ano ang gamit nito sa pangungusap o sa
parirala.Ang ng bilang agent,halimbawa:Ginawa ng binata ang lahat tinapos niya
ang relasyon niya.Ang ng bilang experiencer,halimbawa:Dinamdam ng atleta ang
pagkatalo niya ikinalungkot niya ito.Ang ng bilang
preceptor,halimbawa:tiningnan ng proctor ang test paper pinakinggan niya ang
hinaing naming.Ang ng bilang reciprocal agent halimbawa:pinag-usapan ng
drayber at konduktor ang solusyon sa trapik pinagtulungan nila ang paghanap ng
solusyon.Ang ng bilang patient,halimbawa: Sumulat si Farah ng thesis.Ang ng
bilang theme,halimbawa:Nag-abot ang drayber ng sukli.Ang ng bilang reference
halimbawa:Nag-isip ang nasasakdal ng palusot.

Kapag pinagsama ang panaguri at mga kailangang komplemento,buo na


ang batayang pangungusap.Pero para mas maging detalyado ang
pagsasaad,maaaring magdagdag ng mga pang-abay bilang panuring sa
panaguri.Ang mga pang-abay na kataga ay inilalaagay kasunod ng panaguri,at
inilalagay naman ang mga pang-abay na parirala pagkatapos ng mga
7

komplemento.Itinuturing na adjunct sa batayang pangungusap ang mga pang-


abay.

Tinalakay pa rin sa aklat ni Malicsi ang tungkol sa pang-ukol na


tumatalakay sa pang-ukol na ng .Ang pang-ukol ay morpema na nangunguna sa
pariralang pangngalan(kasama ang panghalip)upang makabuo ng pariralang pang-
ukol na nagsisilbing komplemento o pang-abay.Mga halimbawa nito ay ang mga
katagang ng at sa .Sa linyang alab ng puso sa dibdib mo’y buhay ,pinalalawak
nito ang kahulugan ng pangungusap sa pagsasaad ng
lokasyon,direksyon,panahon,tagapakinabang,dahilan,tinutukoy,paraan,proseso at
iba pa.

Dagdag pa sa pagtatalakay ni Malicsi,na maraming pagkakataon,lalo na sa


usaping legal tungkol sa yaman o ari-arian,na ang pariralang minamarkahan ng ng
ay nagiging sentro ng kontrobersya dahil sa pagkakaroon nito ng maraming
interpretasyon.Halimbawa,may kaparehong plaka ang kotse ni Corona.Madaling
inakala ng mga nakabasa o nakarinig nito na pag-aari ni Corona ang kotse,ngunit
ipinaliwanag ng abogado niya na inupahan lang ang naturang sasakyan.Tama pa
ring sabihin kotse ni Corona ngunit hindi nangangahulugang kotse na pag-aari ni
Corona,kundi kotse na inuupahan/ginagamit ni Corona.Sa ganitong paraan ng
paglilinaw,lumalabas na ang pagsasaad ng pagmamay –ari ay isa lamang sa
maaaring ituring na kahulugan ng ng,ayon sa panaguri ng pinaghanguang
pangungusap.Sa pag-intindi ng parirala na may ng,hindi maaaring sabihing tiyak
na pagmamay-ar ang kahulugan nito.Kung gayon ang ng ay ang orihinal na
marker ng di-nakafokus na agent.Maaari ring gamiting panaguri ang mga
pangngalang kaugnay o pag-aaari,o iba pang salitangkatulad ng mga itoang
kahulugan,at ang ng ay lalabas na marker ng di –nakafokus na topic.

Tinalakay din sa teorya ng Syntactic Structure ayon sa


Transformational Grammar.Ang Transformational Grammar ay isang
8

aparato para sa pagbuo ng mga pangungusap ng isang wika. Ito ay nabubuo


lamang ayon sa tamang ayos o gramatikang kaayusan ng tamang pangungusap ng
isang wika na may layong makabuo ng mga panuntunan at pananaw na nasa isip
at utak ng mga neytiv-ispiker.Ang pagbabagong anyo ng proseso ng Syntactic
Structure ayon sa transformational grammar ay maaaring ibuod sa pamamagitan
ng pagdagdag,pagtanggal,paglipat,at pagpapalit ng mga salita.Ang mga
pagbabagong ito ay nagaganap sa pamamagitan ng mga partikular na
panuntunan.Sa pangkalahatan, ang anumang estruktura ng pangungusap ay
naglalaman ng isang pariralang pangngalan(NP) at isang pariralang pandiwa(VP).

Inilarawan batay sa pangungusap ang paliwanag ng transformational


grammar: Sa pangungusap: "Vicki laughed." "Vicki" ay isang NP at "laughed" ay
isang VP. Ang pangungusap ay maaaring magbago sa: "Ang babae ay tumawa."
"Ang babae" ay ang NP at "natawa" ay ang VP. Maaari mong pahabain ang
pangungusap sa: "Si Vicki na nakatira malapit sa akin ay tumawa." "Si Vicki na
nakatira malapit sa akin" ay ang NP; Ang "tumawa" ay ang VP. Pagpapalawak ng
pangungusap, "Si Vicki na nakatira malapit sa akin ay tumawa nang malakas"
Ang NP ay binubuo ng "Vicki na nakatira malapit sa akin" at ang VP ay "natawa
nang malakas."

Ayon sa aklat na “Sintaks sa Filipino” Kabanata 1 Parirala, Kategoryang


Pansintaktika, ang mga sangkap ng pangungusap (panlapi, salita, parirala, sugnay)
na nagsasalo sa isang bigkis ng mga morposintaktikong katangian (hal., mga
salitang banghay sa kasing-: kasingkulit, kasingbait) at nagkakamukha ang
tungkuling pangbalangkas (hal., panturing ng pangngalan) ay bumubuo ng isang
kategoryang pangsintaktika. Kilala ang ilan sa mga kategorya sa tawag na mga
bahagi ng pananlita; halimbawa, pangngalan, pang-uri, pantukoy at mga
katulad.Ang mga parirala ay kabilang din sa mga kategoryang pansintaktika. Ang
kategorya ng isang parirala ay ang ay kategorya ng ulo nito.Kung ang ulo ay
pangngalan,ang parirala ay pariralang pangngalan”noun phrase”.Ang pariralang
bahay sa bukid ay isang pariralang pangngalan sapagkat ang ulo nito ay isang
9

pangngalan.Samakatuwid,ang isang parirala ay walang iba kundi isang malaking


balangkas ng salitang ulo.

Tinalakay sa aklat na Manwal sa Masinop na Pagsulat ng Komisyon ng


wikang Filipino ang gamit ng “ng” at “nang” sa pangungusap,isang malimit na
pagtaluhan kahit ng mga eksperto sa Filipino ang wastong gamit ng “ng”(maikli)
at “nang”(mahaba).May mga nagmumungkahi tuloy na alisin na ang “ng” at
“nang” na lamang ang gamitin sa pagsulat.Isang panukalang paurong ito dahil
ganoon na nga ang ugali bago ang Balarila ni Lope K. Santos.Ang higit na dapat
tandaan ay ang tiyak na gamit ng “nang” at lima lamang ang
tuntunin.Una,ginagamit ang” nang” na kasingkahulugan ng
noong.Halimbawa:”Umaga na nang barilin si Rizal.Nang umagang iyon ay
lumubha ang sakit ni Pedro.”Ikalawa,ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng
upang at para.Halimbawa:”Sa isip ng mga Español,kailangang bitayin si Rizal
nang matakot ang mga Filipino.”Ikatlo,ginagamit ang nang katumbas ng
pinagsamang na at ng .Halimbawa:”Sobra nang hirap ang dinanas ni
Pedro.”Ikaapat,ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan at sukat.(pang-
abay na pamaraan at pang –abay na panggaano.Halimbawa:”Binaril nang
nakatalikod si Rizal.”Ikalima,ginagamit angnang bilang pang-angkop ng inuulit
na salita.Halimbawa:”Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siya mamamatay
sa puso ng mga kababayan.

Ang ibang pagkakataon,bukod sa nabanggit na lima,ay kailangang gamitan


ng ng .”Halimbawa:Ipinabaril ng mga Español si Rizal.Ingatan ang pinagdikit na
“na” at “ang”.Malimit mapagkamalang nangang kontraksyon ng ng at ang,gaya sa
pangungusap na”Laganap nang himagsik ang pagbaril kay Rizal.”Kailangang
isulat ito nang may kudlit(‘) upang ipahiwatig ang naganap na kontraksyon ng na
at ng ,ang gaya sa pangunngusap na”Laganap na’ng himagsik ang pagbaril kay
Rizal”.
10

Ipinaliwanag nina Bernales et.al sa kanilang aklat ang wastong gamit ng


Ng at Nang sa pangungusapAng salitang Ng ay sumasagot sa tanong na ano at
nino.Ang mga gamit ng Ng ay tinatalakay sa ibaba:

1. Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) sa pagpapahayag ng pag-


aari.
Sa ganitong paggamit, ang salitang ng ay isinusulat sa pagitan ng dalawang
pangngalan (noun). Ang pangngalan na sinusundan ng salitang ng ang
nagmamay-aring unang pangngalan na binanggit.

Nakasulat sa ibaba ang mga halimbawa ng paggamit ng salitang ng sa


pagpapahayagng pag-aari:
N Prep (Poss.) N N Prep.

(poss.)

pagkainng aso magulang ngmga bata


N Prep. NN Prep. ( Poss.)N

kalabawng magsasaka inahinng mga sisiw


N Prep. ( Poss.)N Nprep.(poss.)N.
karne
ngpresyo ibon ngkagubatan
N Prep. (Poss.)N N Prep. ( Poss.)N

kahuluganng kapayapaan simula ngdigmaan


Ang pag-aaring ginagamitan ng salitang ng ay tumutukoy sa pag-aari ng anumang
pangngalan (tao, bagay, lugar, hayop, ideya, o pangyayari), maliban sa mga
pangngalang pantangi na tumutukoy sa ngalan ng tao, karakter, o hayop (proper
nounsfor people, characters, or animals). Maaaring gamitin ang ngsa ganitong
paraan
(Dem.)Pro. Art. N Prep. PN

Ito ang laruan ng bata.


Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng
salitang
ng na nagpapahayag ng pag-aari. Tandaan na ang salitang ng ay sumasagot sa
11

mga
tanong na ano at nino.
(a) Ang Tagalog ang basehan ngwika natin. (Ang Tagalog ay basehan ng ano?)
Ang nag-aari ng basehan ay ang wika. Kapwa pangngalan ang mga salitang
basehan atwika.
(b) Basag ang salamin ngbintana. (Basag ang salamin ng ano?)
Ang nag-aari ng salamin ay ang bintana at kapwa pangngalan ang mga ito. Ang
salaminaybahagingbintana.
(c) Ang sagot ngmag-aaral ay tama. (Ang sagot nino ang tama?)
Tandaan na kahit na may pang-uri (adjective) ang pangngalan na sinusundan ng
salitang ng, ang salitang ng ay ginagamit pa rin. Tingnan ang binagong
pangungusapsa ibaba.
(d) Ang Tagalog ang basehanngpambansang wika natin. (Ginamit ang pang-uring
panlarawan (descriptive adjective) na pambansa.)
(e) Basag ang salamin ng malaking bintana. (Ginamit ang pang-uring panlarawan
na malaki.)
(f) Ang sagot ng dalawang mag-aaral ay tama. (Ginamit ang pang-uring pamilang
(numerical adjective) na dalawa.)
2. Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na pananda ng layon ng
pandiwa(direct object of the verb).
N V Prep. DO

(a) Si Ate April ay nagluto ng empanada. (Si Ate April ay nagluto ng


ano?/Ano anginiluto ni Ate April?)
Ang pandiwa (verb) ay ang nagluto at ang layon ng pandiwa ay ang
empanada. Ang empanada ang tumanggap ng aksiyon. Ang empanada
ang iniluto.

V Prep. DO
12

(b) Magtatanim ng palay ang mga magsasaka. (Ang mga magsasaka ay


magtatanim ng ano?/Ano ang itatanim ng mga magsasaka?)
Ang pandiwa ay ang magtatanim at ang layon ng pandiwa ay ang palay. Ang
palay
ang tatanggap ng aksiyon.
Tandaan na kahit na may pang-uri ang layon ng pandiwa, ang salitang ng ay
ginagamitpa rin. Tingnan ang binagong pangungusap sa ibaba.
V Prep. Adj. DO

(d) Si Ate April ay nagluto ng masarap na empanada. (Ginamit ang pang-uring


panlarawan na masarap.)
V Prep. Adj. DO

(e) Si Ate April ay nagluto ng sampung empanada. (Ginamit ang pang-uring


pamilang nasampu.)
V Prep. DO Ad jP.N

(f) Si Ate April ay nagluto ng empanadang Ilocos. (Ginamit ang pang-uring


pantangi naIlocos.)
3. Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na pananda ng tagaganap
ngpandiwa (doer of the action verb).
V Prep. D

(a) Ibinigay ng guro ang sulat kay Mario. (Ibinigay nino kay Mario ang sulat?)
Ang pandiwa ay ang ibinigay at ang tagaganap ng pandiwa (o ang gumawa ng
kilos) ay ang guro.
V Prep. D

(b) Ang matanda ay tinulungan ng pulis. (Ang matanda ay tinulungan nino?)


Ang pandiwa ay ang tinulungan at ang tagaganap ng pandiwa ay ang pulis.
V Prep. D

(c) Isinulat ng anak ni Henry ang liham na ito. (Isinulat nino ang liham na ito?)
Ang pandiwa ay ang isinulat at ang tagaganap ng pandiwa ay ang anak.
Tandaan na kahit na may pang-uri ang tagaganap ng pandiwa, ang salitang ng ay
ginagamit pa rin. Tingnan ang mga binagong pangungusap sa ibaba.
13

V Prep. Adj. D

(d) Ibinigay ng magandang guro ang sulat kay Mario. (Ginamit ang pang-uring
panlarawan namaganda.)
V Prep. Adj./PN D

(e) Ang matanda ay tinulungan ng Bikolanong pulis. (Ginamit ang pang-uring


pantangi
naBikolano.)
V Prep. Adj. D

(f) Isinulat ng pangalawang anak ni Henry ang liham na ito. (Ginamit ang pang-
uringpamilang napangalawa.)
Ayon sa aklat na “Makabagong Balarilang Filipino” ni Alfonso O.
Santiago at Norma G. Tiangco, mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangngusap, halimbawa ay ng
dalawang salita o ng dalawang parirala o ng dalawang siugnay. Tatlo ang mga
pang-ugnay: (1) pangatnig, (2) pang-angkop at (3) pang-ukol.

Ang mga pananda ay mga katagang nagsisilbing tagapagbadya ng gamit


ng isang salita o kaayusan ng mga bahagi ng pangungusap. Dalawa ang mga
pananda: (1) ang mga pantukoy at (2) ang katagang ay na sa aklat na ito ay
binibigyan ng katagang pangawing.

Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa 1:

Ang pagsugpo sa bisyo at krimen puspusang isinasagawa ng mga


tagatupad ng batas.

(Ang at ay pangatnig na nag-uugnay sa mga salitang bisyo at krimen.)


Halimbawa 2:

Ang pag-aalsa ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay ay mabisang


pang-agdong sa kinikita.
14

(ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga pariralang pag-aalaga ng


hayop at pagtatanim ng mga gulay.)

Halimbawa 3:

Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang puso nito.

(ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na ang ama ay


haligi nga tahanan at ang ina ang puso nito.)

May dalawang panlahat na pangkat ng mga pangatnig,yaong nag-uugnay


ng magkatimbang na yunit at yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit.

Sa unangpangkat kabilang ang mgapangatnig


naat,pati,saka,o,ni,maging,ngunit,subalit atbp.Ang mga pangatnig na ito ay nag-
uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na
kapwa makapag-iisa.

Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na kung,


nang bago, upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon,
sana atbp.Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang siugnay na hindi
timbang, na ang ibig sabihin ay pantulong lamang sa sugnay. Nasa unahan ng
sugnay na pantulong ang pangatnig na ito.

Ang unang pangkat ay maari pa ring uriin sa maliit na dibisyon. Ang o, ni


at maging ay mga panghalip na pamukod. Ang ngunit, subalit, datapwat, habang
at bagamat ay mga pangatnig na paninsay o panalungat.

Samantala naman, sa ikalawang pangkat ay may mga pangatnig na


panubali, tulad ng kung, kapag o pag. Ang dahil sa, sapagkat at palibhasa ay mga
pangatnig na pananhi. Ang kaya, kung gayon, at sana ay mga pangatnig na
panlinaw.

Ang mga pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at


salitang tinuturingan. Ito ang katuturang pangkayarian nito. Walang maibibigay na
15

katuturang pansemantika para sa pang-angkop sapagkat wala itong taglay na


kahulugan. Nagpapaganda lamang ito ng mga pariralang pinaggagamitan.

Halimbawa:

Ang magandang talon ng Pagsanjan ay hinahangaan ng lahat.

(ang -ng ng pang-uring maganda ay nag-uugnay sa panuring na ito at sa


pangngalang binigbigyanng-turing, ang pangngalang talon.)

Dalawa ang pang-angkop sa filipino: (1) ang + na at (2) ang -ng. Ang
simbolong (+) sa + na ay nangangahulugang ang pang-angkop nan a ay hindi
ikinakabit sa salitang inaangkupan. Ang simbolong (-) naman ay
nangangahulugag ang pang-angkop na –ng ay ikinakabit sa salitang inaangkupan.

Magkaiba ng distribusyon ang dalawang pang-angkop na ito. Ginagamit


ang -ng kungang inaangkupan ay nagtatapos na tunog na patinig o ponemang /n/.
ginagamit naman ang + na kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa ponemang
katinig maliban sa /n/.

Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang


pangngalan sa iba pang salita sa pangngusap.

Halimbawa:

Malapit nang matapos ang mahabang haywey sa Gitnang Luzon.

(angsaay pang-ukol na nga-uugnay sa pnagngnalang Gitnang Luzon sa


pangngalang haywey.)

Ang pang-ukol at ang kasunod nitong pangngalan o panghalip ay bumubuo


ng pariralang pang-ukol. Sapangungusap sa itaas, ang pariralang pang-ukol ay sa
Gitnang Luzon. Ang pariralang pang-ukol na ito ay panuring sa pangngalang
haywey.
16

Sa pansemantikang katuturan, masasabing ang pang-ukol ay kataga o mga


katagang gingamit upang ipakilala na ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari ay
inilaan o inuukol sa isa pang taobagay, pook, o pangyayari.

Ang pantukoy ay katagang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip


na ginagamit sa simuno o kaganapang pansimuno, o pamuno sa alinman sa
dalawa. Ang mga pantukoy, samakatwid, ay pananda ng gamit na palagyo ng
pangngalan o panghalip.

Sa kahulugang pansemantika, masasabing ang mga pantukoy ay kataga o


mga katagang lumilinaw sa kailanan ng kasamang pangngalan o panghalip at
kung ito ay tumutukoy sa tao o sa bagay o pook.

May dalawang uri ng pantukoy: (1) pantukoy sa pantanging ngalan ng tao


at (2) pantukoy sa iba pang uri ng pangngalan.

Si at sina ang mga pantukoy sa pantanging ngalan ng tao. Ang at ang mga ang
mga pantukoy sa pangngalang pambalana at pangngalang pantanging ngalan ng
pook o bagay. Nasa kailanang isahan ang si at ang; nasa kailanang maramihan ang
sina at ang mga.

Teoritikal na Batayan

Ang teorya na pinagbatayan ng pagtatalakay na ito ay ang Generative


Grammar. Ayon sa pananaw na ito ang isang pangungusap ay hindi lamang
string ng magkakasunod na mga salita sa pangungusap,sa halip ito ay pinagsama-
samang mga salita na inaasimila sa iba pang mga salita upang lumikha ng isang
hierarchichal tree-structure.

Ang derivasyon ng simpleng tree-structure na ito ay ipinapakita sa


pangungusap na:”The dog ate the bone”(Ang aso ay kinain ang buto).Ang
determiner(det.) ay ang “the”(ang) at ang noun(pangngalan) ay” dog”(aso) ay
pinagsama upang lumikha ng noun phrase(pariralang pangngalan) na “the
dog”(ang aso).Ang pangalawang noun phrase ay “the bone”(ang buto) na
17

mayroong determiner na “the” at noun na “bone”.Ang verb(pandiwa) na” ate” ay


isinama sa pangalawang parirala na “the bone”upang bumuo ng verb
phrase(pariralang pandiwa) na” ate the bone”(kinain ang buto).At pagkatapos ang
unang parirala pangngalan na “the dog” ay isinama sa pariralang pandiwa na “ate
the bone” para kumpletuhin ang isang pangungusap na;”The dog ate the
bone”.Ipinakita sa diyagram sa ibaba ang derivasyon na ito at ang resulta ng
estruktura.

Konseptwal na Batayan

Sa bahaging ito ay itatalakay ang konseptong nabuo sa pagsusuri ganuon


din ang maayos na daloy nito para mas lalong mabigyan ng linaw at pag-unawa
ang ginawang pagsusuri.

Sa pamamagitan ng teoryang Generative grammar ay ilalarawan at


susuriin ang gamit ng nungsa pangungusap.Isa-isang ianalisa ang hierarchical na
estruktura ng pangungusap upang matukoy ang gamit ng nung at matugunan ang
layunin ng pag-aaral.Ipinapakita sa iskema ng pag-aaral ang pagsusuri kung ano
ang gamit ng nung sa pangungusap.
18

Mga Kumbersasyonal na Sitwasyon


(teksto, wattpad, lyrics ng awitin)

Generative GAMIT NG Generative


Grammar NUNG Grammar

Pamantayan sa Paggamit ng Nung


19

Mapapansin sa unang kahon ang mga pangungusap na kumbersasyonal na


sitwasyon na hinango mula sa teksto katulad ng wattpad.lyrics ng awitin at iskrip
ng mga teleserye na siyang ginamit sa pagsusuri.Ang arrow ang nagrerepresenta
sa mga nabanggit patungo sa isa pang kahon kung saan isa-isahin ang mga
parirala at aanalisahin ang gamit ng nung.

Makikita rin sa iskema ang mga arrow na paarko ang


porma,nangangahulugan ito ng proseso ng pag-aanalisa sa mga pangungusap
upang matukoy ang gamit ng nung sa pangungusap.Nakapalibot naman sa arrow
ang teorya na angkop gamitin para sa pagsusuri para matugunan ang layunin ng
pag-aaral.

Pagkatapos ng pagsusuri saka pa lamang makabuo ng pamantayan hinggil


sa paggamit ng nung.

III.Paglalahad/Pagsusuri

Makikita sa ibaba ang mga pangungusap na ginamit sa kumbersasyonal na


sitwasyon na pagbatayan ng pagsusuri.

Mula sa Pantaserye na Wansapanataym:


“Hindi naman gaanong kamahalan ang tuition doon at sakto lang na ma-afford
nung mga average na taong tulad ko….”
“Mahirap na,baka mamaya eh hanapin ako nung reyna ng mga bubuyog dahil
aware naman akong nabitin ang pang-bubully nila sa akin….”
20

Patama lines/Pinoy sayings:


“Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo,siya yung nagpapasaya at
kumukumpleto ng araw mo.”

Mga Alaala By:Musiclife


Sabi nung matanda”e,kasi naman kayong mga nagmomotor nakakadala na
kau……mga magnanakaw!!”

Blackberrinuts Chapter 6
“Umalis naman agad ang waiter, tumingin muli ako sa kanila at nakita ko kung
paanong hawakannung haliparot ang biceps ni Ales!”
“Nung nalaman ko yon,binigyan ko sila nung dalawang libro ko na hindi na nila
mahanap.”
“habang nagkukwentuhan kami nung babae at ni Alodia bingyan kami ng payo
nung babae.”
“tapos sabi naman nung isa naming kaibigan na napansin niyang may kinuha
yung isang bata kaya madaling lumabas nung infinitea at iniwan yung ibang
mga……”
“akala ata nung ale fishball din yung kamay ko, nilagyan din ng sauce…”

Wattpad
“Nanlisik lalo yung mata nung matanda at pinipilit siyang bayaran yung book.”
“Sinabihan naming sila na dalhin yung pinakaimportante nilang gamit sa bahay
nung bayaw ko….”
“Nung malaman niya ang sinapit ng kanyang kaibigan,dali-dali siyang sumakay
ng kotse at agad na pinuntahan ang kanyang kaibigan.”
“Nung nabasa ko ang sulat niya bigla akong lumuha.”
21

“Naalimpungatan ang maton nung mag-away ang dalawang babae sa labas.”


“kahit may sakit ako nung araw na yon ay pumasok pa rin ako sa trabaho.”

Lyrics ng awiting Titibo-tibo ni Moira dela Tore


Nungako’y mag-high school ay napabarkada sa mga bi,
Curious na babae na ang hanap din ay mga babae.
Nung tayo’y nag-college ay saka ko lamang binigay
Ang matamis na oo sampung buwan mong tinrabaho.

Upang lubos na masuri ang mga pangungusap, pumili ng mga parirala ang
mananaliksik na hinango mula sa mga pangungusap na kumbersasyonal na
sitwasyon.Ipinapakita ito sa loob ng kasunod na kahon.

v prep.(pantukoy) N

1.ma-afford nung mga average na taong


Vpr.(pronoun) prep. N

2.hanapin ako nung reyna


V prep. N

3.bitawannung taong
V prep. N

4.Sabi nung matanda


conj. V pr.
22

5.“Nung nalaman ko yon


V pr. pr. prep. adj. N pr.

6.binigyan ko sila nung dalawang libro ko


V pr. prep. N

7.nagkukwentuhan kami nung babae

prep. V pr.

8. nung nag-viral ako


prep. V pr. D

9. nung inutusan siya ng nanay

prep. V D prep.

10. nung kumain ako ng gulay


prep. V DO

11. nung pumutok ang bulkan


prep. V D

12. nung nabasa ko ang sulat niya


prep. V D

13. nung hinawakan niya ako sa kamay.


prep. V DO

14. nung nakilala kita


prep. V D

15.nung nanaginip ako tungkol sa buhay


prep. N V

16. nung araw na nagkasakit ako


Adv. prep. pr.

17. simulanung naging kami


prep. N pr.

18. nung first year pa ako


Vpr. N
23

19. kailan ba naging kayo nung girlfriend mo?


Adv. prep. V

20. mulanung nagtapos tayo

Sa unang pangungusap na “Hindi naman gaanong kamahalan ang tuition


doon at sakto lang na ma-afford nung mga average na taong tulad ko….”Sa
pariralang ma-afford nung mga average na tao,ang ma-afford ay pandiwa at ang
tagaganap ay ang average na tao ang nung ay ginamit siya kung ano ang
tinutukoy ng pandiwa .
Sa pangalawang pangungusap naman na “Mahirap na,baka mamaya eh
hanapin ako nung reyna ng mga bubuyog dahil aware naman akong nabitin ang
pang-bubully nila sa akin….”Sa pariralang hanapin ako nung reyna,ang pandiwa
ay hanapin mapapansin na sinusundan ito ng panghalip na ako bago ang katagang
nung ang katagang nung ay napapagitnaan ng panghalip at pangngalan
mapapansin na ang ako rito ay parang walang silbi kung wala ang pandiwang
hanapin kasi kulang ang diwa kung sabihin natin ako nung reyna ngunit kung
hanapin ako nung reyna mas malinaw ang diwa maaari naman kasing sabihin na
hanapin nung reyna so ibig sabihin hindi mapag-isa ang ako kung wala ang
pandiwa na hanapin pero maaaring mapag-isa ang hanapin ngunit hindi rin
matukoy ng katagang nung kung ano ang ipinahiwatig ng pandiwang hanapin
kung wala ang panghalip na ako.Ang gamit kasi ng nung dito ay kung ano ang
tinutukoy ng pandiwa na hanapin.
Sa patama lines na, Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo,siya
yung nagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo.”Ang pariralang bitawan nung
taong, ang pandiwa ay bitawan na ang tinutukoy ng kilos ay ang tao.
Sabi nung matanda”e,kasi naman kayong mga nagmomotor nakakadala na
kau……mga magnanakaw!!”Sa pariralang sabi nung matanda”,ang pandiwa ay
sabi na ang tinutukoy ng kilos ay ang pangngalan na matanda dahil sa katagang
nung na siyang nag-uugnay sa pandiwa na sabi at pangngalan na matanda.
24

Sa pangungusap na “Nung nalaman ko yon,binigyan ko sila nung


dalawang libro ko na hindi na nila mahanap.”Mapapansin na dalawa ang gamit ng
nung,sa pariralangnung nalaman ko yon,ang nung dito ay ginagamit bilang
pangatnig na panumbas sa katagang noong.Sa pariralang binigyan ko sila nung
dalawang libro ko,mapapansin na maraming naisingit na mga salita mayroong
pandiwa na binigyan,panghalip na ko at sila,sa iniugnay naman na parirala
mayroong pang –uri,pangngalan at panghalip,pero kung ating titingnan hindi
naaapektuhan ang gamit ng nung kahit pa naisingit ang mga salitang ito ngunit
kung kukunin natin ang mga naisingit na salita hindi malaman kung ano ang
tinutukoy ng kilos ng pandiwa maaari naman kasing sabihin binigyan nung
libro,subalit sino ba ang tinutukoy ng kilos na nagbigay ng libro.Sa tuntunin ng
gamit ng ng at nang kahit na may naisingit na salita malaman o madetermina pa
rin ang gamit ng ng at nang sa pangungusap.
Sa pangungusap na,“habang nagkukwentuhan kami nung babae at ni
Alodia bingyan kami ng payo nung babae.”Sa pariralang nagkukwentuhan kami
nung babae,ang pandiwa ay nagkukwentuhan na may kasamang panghalip na
kami,sa pagsingit ng panghalip na kami nadedetermina kung ano o sino ang
tinutukoy ng babae na kasamang nagkukwentuhan.
Sa pangungusap na,“Nung malaman niya ang sinapit ng kanyang kaibigan, dali-
dali siyang sumakay ng kotse at agad na pinuntahan ang kanyang kaibigan.
”Mapapansin na ang nung dito ay ginamit bilang pamalit sa katagang
nang na nagsasaad kung kailan niya nalaman ang sinapit ng kaibigan.Mapapansin
din na hindi nagkakaiba ang gamit ng katagang nang at nung kahit pa ito ay
nagkapalitan.Posible na nagkapalitan lang ng ponema ang a at u.
Tingnan naman natin ang mga pangungusap na kuha sa liriko ng
awitin“Nungako’y mag-high school ay napabarkada sa mga bi, Curious na babae
na ang hanap din ay mga babae.Nung tayo’y nag-college ay saka ko lamang
binigay ang matamis na oo sampung buwan mong tinrabaho.”nung nag-viral
ako”“nung inutusan siya ng nanay”,”Mapapansin na ang katagang nung ay
nagsasaad ng panahon,kasi parang nagbalik –tanaw sa nakaraan noong siya ay
25

nag-high school pa gaya rin ng pangalawang pangungusap na nagsasaad din ng


panahon.Masasabi ko na ang nung dito ay ginamit bilang pamalit ng katagang
noong na inasimala ang dalawang ponemang o at pinalitan ng ponemang u at ang
ponemang uang siyang kumakatawan sa dalawang ponemang o .Marahil ang pag-
aasimilang ito ay para sa madulas na pagbigkas ng salitang noong. Kung titingnan
naman natin ang mga pariralang ito” nung nag-viral ako”,“ nung inutusan siya ng
nanay”, “nung kumain ako ng gulay”,“ nung nabasa ko ang sulat niya”,”nung
hinawakan niya ako sa kamay”,
Kung papansinin naman natin ang mga parirala kahalintulad ang mga ito sa
paggamit ng noong sa pagsasaad ng kapanahunan ngunit kung papansinin natin
maaari itong palitan ng nanghalimbawanang nag-viral ako,nanghinawakan niya
ako sa kamay,nang inutusan siya ng nanay,nang kumain siya ng gulay,nang
nabasa ko ang sulat niya,mapapansin na ang mga ito ay sinusundan ng mga
pandiwa na kaiba doon sa naunang pangungusapna kung palitan natin ng nan gang
mga pariralang ginamit,nang mag-college,nang mag-high school maaring maging
pampalit siya ng nang ngunit hindi ito ang angkop na kataga na gamitin sapagkat
ang sumusunod sa nang ay nagsasaad ng partikular na panahon.Sa kabilang
banda ang nang, kahit na maaari siyang gamitin sa pagtukoy ng panahon ngunit sa
mga pariralangnang nag-viral ako,nanghinawakan niya ako sa kamay,nang
inutusan siya ng nanay,nang kumain siya ng gulay,nang nabasa ko ang sulat niya,
mas ginamit siya bilang pangatnig na nag-uugnay sa hugnayang pangungusap.
26

NATUKLASAN
Batay sa isinagawang pagsusuri ,natuklasan ng mananaliksik ang mga
sumusunod:
1.Ginagamit ang nung sa ilang parirala at pangungusap bilang pantukoy sa
kung ano ang isinasaad ng pandiwa.Natuklasan din na may mga naisingit na mga
kataga sa loob ng parirala na hindi maaaring kunin sa kadahilanang hindi
madetermina kung alin ang tinutukoy o isinasaad ng pandiwa.
2.May mga ilang pangungusap o parirala na ginamit ang nung bilang
pampalit sa nang,natuklasan na hindi naapektuhan ang gamit ng nang kahit pa ito
ay napalitan ng nung. Natuklasan ng mananaliksik na ang nang at nung ay
maaaring nagkapalitan ng ponema sa midyal na posisyon ng salita.Ang
pagpapalitang ito ay bunga sa kagustuhan ng tao na maibigkas nang madulas at
mabilis ang katagang nang sa mga kumbersasyonal na sitwasyon.
3.May ilang mga pangungusap at parirala na ginamit ang nung bilang
pampalit sa katagang noong.Batay sa sariling pagsusuri ng mananaliksik , na
nabago ang baybay ng noong dahil posibleng ang dalawang ponemang o ay
naasimila at naging matigas ang pagbigkas kung kaya napalitan ito ng ponemang
u bilang kinatawan ng ponemang o.
4.Natuklasan din ng mananaliksik na ang katagang nung ay maaaring
pampalit sa dalawang katagang nang at noong o maaaring kahit alin sa dalawa ay
maaaring gamitin subalit may mga ilang parirala na kailangang iangkop ang
paggamit ng noong at paggamit ng nang depende sa kung ano ang salitang
sinusundan nito.Sapagkat ang noong ginagamit siya kung ang sinusundang salita
ay nagsasaad talaga ng panahon samantalang ang nang ay ginamit bilang
pangatnig na nag-uugnay sa hugnayang pangungusap.
27

KONKLUSYON

1.Bilang mga guro sa balarila,dapat bukas ang ating isipan sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating wika sapagkat kasabay ng pag-unlad ng ating wika ay ang
pagbabago rin nito. Bahagi ng pagbabagong ito ay ang pagkawala,pagpapalit,at
pagdagdag sa sirkulasyon na maaaring sa salita o sa mga pangungusap na ginamit
sa mga kumbersasyonal na sitwasyon katulad ng madalas na paggamit ng nung sa
halip na ng.Ang mga pagbabagong ito ay tinatawag na interlanguage o ang
tinatawag na mental grammar ng wika na nabubuo o naikintal sa isip ng tao ang
proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika.Sa kalagayang ito nagkakaroon
ng pagbabago sa grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,pagbabawas at
pagpapalit ng istruktura ng ating wika.
2.Batay sa aking pagsusuri masasabi na ang nung ay ginagamit sa mga impormal
na komunikasyon gaya ng mga nabanggit na sa unahan Ang mga impormal na
komunikasyon ay nabibilang sa tinatawag nating antas ng wika . Ang
pagkakaroon ng antas ng wika ay isa sa katangian ng wika. Ang antas ng wikang
madalas na ginagamit ng isang tao ay mabisang palatandaan kung anong uri ng
tao siya at sa kung anong antas-panlipunan siya napabilang.Sa Filipino ang
ganitong uri ng impormal na wika ay tinatawag na kolokyal,ito’y mga pang-araw-
araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal.Ang pagpapaikli ng isa o
dalawa o higit pang salita ay mauuri sa antas na ito.Subalit kailangang magkaroon
pa rin ng kaangkupan sa paggamit ng kolokyal na katagang ito upang hindi
28

maipagkamali ang kahulugan ng nung bilang noong na nagsasaad ng panahon,sa


nung na pampalit sa nang bilang pangatnig na nag-uugnay sa hugnayang
pangungusap.

Rekomendasyon
1.Para sa pormal na paggamit ng nung iminumungkahi na dapat isama ang
nung sa tuntuning panggramatika hindi lang bilang kolokyal ng noong,hindi rin
bilang pamalit ng ng,nang kundi bilang pantukoy sa pangngalan.At para na rin sa
ikalilinaw na gamit ng nung kailangan na ibilang ito sa mga kataga o tuntunin sa
wastong gamit ng salita sa pangungusap.

V.Bibliograpiya

Alejo, Z. et al(2008). Akademikong filipino sa komunikasyon. New Day


Publishers, Quezon City.
Badayos,P. et al (2004). Komunikasyon sa akademikong filipino. Mutya
Publishing House.Malabon City
Bernales,R. et al(200). Sining ng Komunikasyon. Mutya Publishing House.
Valenzuela City
Ceña, R & Nolasco, R ,(2011). Gramatikang Filipino:Balangkasan. Quezon
City ,UP Press.
Ceña, R, (2012). Sintaks ng Filipino.Manila:Pambansang Komisyon para sa
mga kultura at Sining.
Nuncio,et. al,(2014). Makabagong Filipino sa Nagbabagong Panahon. C&E
Publishing Inc.,South Triangle,Quezon City
Paz, C. et al.( 2013). Ang Pag-aaral ng Wika. Quezon City Press.
Santiago,et.al, (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Binagong
Edisyon,Rex Bookstore Inc.Sampaloc,Maynila
29

Sanggunian na kuha sa Internet:


https://www.slidesshare.net/

You might also like