MODYUL 3 (Fil.2) .PDF Version 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

________________________________________________________

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga gawaing ito:

✓ Natutukoy ang mga layuning pampagtuturo.

✓ Nabibigyang halaga ang domeyn ng pagtuturo..

Mga Layunin ng Edukasyon


Ang mga simulain, pananalig at mithiin ng isang bansa ay nasasalamin sa sistema at mga layunin
ng edukasyon. Ang mga layunin ng pagtuturo ay nakasasalay din sa mga layunin ng edukasyon na
makikita sa mga sumusunod na batayan.

Ang Layunin ng Edukasyon Ayon sa Konstitusyon

Ang pinakapangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga layunin ng pagtuturo


ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa bagong Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV,
seksyon 3, bilang 2. Sa mga tanging bahagi ay ganito ang isinasaad:

Ang lahat ng institutsyong edukasyon ay dapat na:

1. Ikintal ang patriotism at nasyunalismo;


2. Ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at pagpapahalaga sa mga
ginampanan ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pagbuo ng ating bansa;
3. Ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamayan;
4. Patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal;
5. Linangangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili;
6. Pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip;
7. Palawakain ang kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya; at
8. Itaguyod ang kakayahang bokasyunal.

Mga Layunin ng Edukasyon Elementarya

Ang edukasyon sa elementarya ay naglalayong malinang ang ispiritwal, moral, sosyal,


emosyunal, mental at pisikal na mga kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga
karanasang kailangan sa demokratikong pamumuhay para sa isang matalino, makabayan, makatwiran at
kapakipakinabang na pamamayan, tulad ng mga sumusunod.

1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at paglinang ng isang mabuting


mamamayang Pilipino na may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa tao.
2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at pananagutan sa isang
lipunan demokratiko para sa isang aktibong pakikilahok sa isang maunlad at pamapamayan.
3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga kanais-nais na tradisyon at
gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng mga mamamayan na pangunahing kailangan sa
pagkakamit ng pambansang kamalayan at kaisahan.
4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng mga kanais-nais na gawi
at ugaling pangkalusugan.
5. Panglinang ng karunungan sa bernakular , Filipio at ingles upang maging kasangkapan sa patuloy
na pagkatuto.
6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at kakayahan, sasiyensiya, araling
panlipunan, matemakika, sining, at edukasyong paggawain at ang matalinong paggamit ng mga
ito sa angkop na sitwasyon ng buhay.

MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO

Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon sa iba't ibang antas:
elementarya, sekundarya at tersyarya kaya't anuman ang asignatura at guro, dapat niyang isaisip na ang
paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon.

Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na pagpapahayag ng mga
inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga pagbabagong inaasahang magaganap sa
katauhan ng bata ay maaring mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor).

Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagaiwan (Behavioral Objective), tandaan ang mga
sumusunod na paalala:

1. Banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mga-aaral at hindi sa pananaw
ng guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro ng nagsisimula sa matutuhan, maunawaan,
maikintal, mapahalagang, atbp, ay dapat iwasan sapagka't ang mga ito ay walang sapat na
kalinawan sa kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aral. Ang mga salitang
tulad ng mapaguri-uri, makapagmungkahi, makabuo, malinawan, atbp, ang higit na mabuti
sapagkat ang mga ito ay tahasang nasasabi ng tiyak na gagawin ng mag-aaral.

2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na gawi o gampanin


namaaaring makita, marinig, maisip, maramdaman o maaaring bunga ng pagkaganap, gaya
halimbawa ng. "magunita ang mga karanasang may kinalaman sa nagdaang lindol;" "mabigkas
ang mga salitang pares minimal nang malinaw at tumpak;" o kaya'y "maawit ang Lupang
Hinirang ng wasto at may damdamin."

3. Ang pagdaradag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang pagganap tulad ng


"mailarawang ganap," "mabigkas nang may katamtamang bilis," ay ang nakapagdaragdag ng
kalinawan sa layunin.

4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitan ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa Gawain.

Halimbawa: "makaguhit ng iba't ibang anyo ng tatsulok sa tulong ng ruler;" o kaya'y


"makaguhit ng iba't ibang anyo ng tatsulok nang hindi gagamit ng ruler."
5. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na maaaring tanggapin o
pahalagahan.

Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng panananagumpay ng matalinong mag-aaral,


80% ng karaniwang mag-aaral at 60% ng mahihinang mag-aaral ang inaasahang:
a. Makapagpahayag nang maliwanag ng __________________.
b. Makipagbigay ng mga katunayan ng ___________________.
c. Atbp.

Mga Karaniwang Gamit sa Pagpapahayag ng mga Layunin:


Ang Banghay ng Pagtuturo
Ang banghay ng pagtuturo ay ang balangkas ng Gawain ng guro sa araw-araw bilang patnubay
niya sa pagsasatuparan ng mga layunin ng pagtuturo para sa ikapagtatamo ng mga inaaasahan bunga.

Ang Balangkas ng Banghay g Pagtuturo


Kalimitan, ang balangkas ng banghay ng pagtuturo ay may apat o limang mahahalagang bahagi
(DECS MEMO BLG. 104, S. 1984). Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

I. Mga Layunin o Inaasahang Bunga


A. Layunin Panlahat
B. Layunin Tiyak
1. Layunin pangkaisipan- kabilang dito ang pangkaalaman, pangkabatiran, pag
unawa at pagsusuri.
2. Layuning pamdamdamin-kabilang dito ang mga saloobin, kawilihan, at
pagpapahalaga.
3. Layunin pisikal o saykomotor-kabilang dito ang mga kasanayang gin
agamitan ng kaalaman sa pagbuo ng mga bagay; at paghawak sa mga
kagamitan. Kasama rin dito ang pagsulat, pagbasa, at pagaaral ng kursong
panghanap-buhay at pantekniko.

Sa paagsuslat mga layunin. Tiyaking ang mga ito ay ipinahayag sa


pangkagawiang kilos (behavioral terms) at kailangan ang mga ito ay (a) tiyak
(b) naoobsrebahan o namamasdan (c) natatamo o nakkamtam, at (d)
nasusukat.

II. Paksang- Aralin


A. Paksa
B. Sanggunian: awtor, pamagat, pahina.
C. Mga kagamitan tanaw-dinig (audio-visual)-ang ilan sa mga ito ay: larawan, tunay na
bagay papet, mobil, tsart, dayorama, tunay na bagay, tsart, plaskard, sini-sinihin,
mapa,globo, bulitinbord, planel pelt bord tak bord, sand table, komik istrik, teyp
rekorder, prodyektor, pilm istrip film showing, atbp.

III. Pamaraan o Istratehiya o Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimula o Paghahanda
Sakop nito ang:
1. Pagganyak
2. Balik-aral
3. Pag-aalis ng sagabal
4. Pagbibigay ng pangganyak na tanong.

(Ang bilang 3 at 4 ipinapasok kung ang aralin ay pagbasa)

B. Paglalahad

Upang maging kawili-wili at epektibo ang paglalahad ng bagong aralin, ang guro
ay kailangang maging malikhain sa paggamit ng iba't ibang lunsaran sa pglalahad tulad
ng mga sumusunod:
1. PaglaIhad sa pamamagitan ng kuwento
2. Paglalahad sa pamamagitan ng dula-dulaan o diyalog
3. Paglalahad sa pamamagitan ng tula o tugma
4. Paglalahad sa pamamagitan ng balitang o pagbabalita
5. Paglalahad sa pamamagitan ng liham
6. Paglalahad sa pamamagitan ng talaarawan
7. Paglalahad sa pamamagitan anunsyo
8. Paglalahad sa pamamagitan ng komiks istrip
9. Paglalahad sa pamamagitan ng laro
10. Paglalahad sa pamamagitan ng awit
11. Paglalahad sa pamamagitan ng pagtalakay o panayam

C. Pagsasanay

Ang pagbibigay ng sapat na pagsasanay, pasalita at pagsulat, ay kinakailangan


upang mapag-ibayo ang pagkatuto ng mag-aaral at matamo ang kasanayan sa gawaing
inilahad.
D. Paglalapat o pagkakapit o Paggamit (Application)
Filipino ang salitang-paglalapat, pinag-aralan; pagkakapit, upang maikapit o
maging bahagi ng katauhan ng bata ang liksyong pinag-aralan; at paggamit upang
magamit sa pangarawaraw ng gawin ang liksyong pinag-araIan.Kaya't ang mga
gawaing ibinibigay dito ay mga ganong tanguhin. Ang sosyodrama ay mabisang
aktibiti upang matamo ang nasabing tunguhin.

E. Pagsubok

Dito sinusukat ang natutuhan ng mga mag-aaral.

F. Takdang- Aralin

Ang tinakdang ay maaaring tungkol sa pinag-aaralan o tungkol sa bagong aralin

IV. Pagpapahalaga
Ang bahaging ito ay nauukol sa pagbibigayhalaga sa:

A. Aralin
Nagustuhan ba ninyo ang aralin? Nasiyahan ba kayo sa ating ginagawa?, atbp

B. Guro
Naunawaan ba ninyo ang paliwanag ng guro?
May katamtamang lakas ba ang kanyang tinig?

C. Mag-aaral
Naging tahimik ba kayo sa pakikinig?
Naging masigla ba kayo sa pagsagot at paggawa ng mga aralin?, atbp

V. Kasunduan

Ang kasunduan ay iba sa takdang -aralin. Ang takdang aralin ay buhat sa guro,
samantalang ang kasunduan ay buhat sa mag-aaral. Pinagkakasunduan nila kung anu-ano ang
mga kabutihang kanilang napulot sa kanilang pinag-aralan na dapat pahalagahan at dapat
maisakatuparan sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ang mga mag-aaral din ang
magpupulis sa kani-kanilang sarili at kapwa-mag-aaral upang makasiguro sa ikatutupad ng
pinagkasunduan.

Uri Ng Banghay Ng Pagtuturo Ayon sa Kayarian


May tatlong uri ng pang araw-araw na banghay ng pagtuturo ayon sa pagkakayari o pagkakagawa
dito. Ang mga sumusunod:

1. Masusing banghay ng pagtuturo


Ito ang karaniwang inihahanda ng mga mag-aaral na magging guro, mga bagong guro at
mga gurong naatasang magpakitang-turo sapagkat ang lahat ng mga dapat gawin at dapat itanong
ng guro, pati na ang dapat gawin at isagot ng mga-aaral ay detalyadong nakasulat dito sa ilalim
ng bahagibg paraan na nahahati sa dalawang kolum: Gawaing -Guro at Gawaing Bata. Sa gayon,
ang ganitong uri banghay ay nagsisilbing iskript ng guro sa kanyang paghahanda sa pagtuturo o
pakitang-turo.
2. Mala-masuring banghay ng pagtuturo
Sa ganitong uri ng banghay ang mga gawain na lamang ng guro ang isinusulat. Hindi na
kasama ang gawaing-bata. Hindi na nakikita ang pamagat na "gawaing-guro" at gawaing-bata"
sapagkat naiintindihan nang ang mga nakasulat dito ay mga sunudsunod na gawaing ipatutupad
ng guro sa klase. Kaya't mas maigsi ito kaysa sa masusing banghay.

3. Maigsing banghay ng paguturo


Dapat tandaan na ang maigsi, mala-masusi at masusing banghay ay magkakatulad sa
Bahagi I at II. Nagkakaiba lamang sila Bahagi III, ang Pamaraan/lstratehiya. Sa maikling
banghay,sapat nang banggitin sa ilalim ng pamaraan ang sunud-sunod na hakbang at gawaing
isasakatuparan sa bawat hakbang.

Bukod sa pang araw-araw na banghay ng pagtuturo, mayroon tayong tinatawag na long


range plan o pangmahabang panahong banghay ng pagtuturo. Nangangailangan ito ng maraming
sunod-sunod na pagkaklase s halip na isang pagkaklase lamang.
Para sa mga gurong-mag-aaral, iminumungkahing huwag kaliligtaan ang mga sumusunod
sa paggawa ng pamagat ng kanilang banghay ng pagtuturo.

Mga Kahalagahan ng Banghay ng Pagtuturo


1. Nakatipid sa lahat at panahon.
2. Nagiging maayos at sistimatiko ang pagtuturo sa halip na padamput-dampot
3. Naihanda nang maaga ang mga kaamitan, at nababalak na mabuti angmga itatanong at mga
ipapagawa sa klase.
4. Nagkakaroon ng hangganan ang pagtuturo.
5. Napag-iisipang mabuti ang angkop na pamaraang dapat gamitin.

PANUTO: Sagutin mo ang sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Gumawa ng sariling tigtatatlong halimbawa ng mga layunin sa pampagtuturo sa Panitikan sa


mga sumusunod na domeyn sa pampagtuturo:

Pangkabatiran ( Cognitive )
✓ Pag-alala ( Remembering )
✓ Pag- unawa ( Understanding )
✓ Paglalapat ( Applying )
✓ Pagsusuri ( Analyzing )
✓ Pagtataya ( Evaluating )
✓ Pagbubuo ( Creating )

Pandamdamin ( Affective )
✓ Pagtanggap ng Penomena ( Receiving phenomena )
✓ Tugon sa Penomena ( Responding phenomena )
✓ Mapapahalagahan ( Valuing )
✓ Pagsasaayos ( Organization )
✓ Ugaling Maisasaloob ( Internalizing Values )

Saykomotor ( Psychomotor )
✓ Pagdama ( Perception )
✓ Nakatakda ( Set o Pattering )
✓ Ginabayang Tugon (Guided Response or Accomodating )
✓ Mekanismo ( Mechanism or Refining )
✓ Lantarang Tugon ( Complex Overt Response or Varying )
✓ Pakikibagay ( Adaptation or Improvising )
✓ Pagbibigay-simula ( Origination or Composing )

( Tandaan: Ang paggawa ng layunin ay nag-uumpisa sa panlaping ( Na- ) na dinudugtungan


ng mga salitang-ugat )

You might also like