Fil12Q2M17 Piling Larang Isports

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Filipino sa Piling

Larang-Isports 12
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 17: Aktuwal na Pagsulat ng Sulating Isports
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Clarissa M. Rufo
Editor: Andrew P. Padernal
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javeña
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas ng (School)
Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: (School Address)
Contact No.:
E-mail Address:
Filipino sa Piling
Larang-Isports 12
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-17
Aktuwal na Pagsulat ng Sulating Isports
Manunulat: Clarissa M. Rufo
Editor: Andrew P. Padernal
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang – Isports ng


Modyul para sa araling Aktuwal na Pagsulat ng Sulating Isports !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Isports) Modyul ukol


sa Aktwal na Pagsulat ng Sulating Isports !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Matapos ang aralin sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
1. naiisa-isa at nauunawaan ang paraan ng pagsulat ng sulating isports;
2. nakapagsasaliksik ng mga datos na gagamitin sa pagsulat ng lathalaing
isports;
3. nakasusulat ng sulating isports batay sa mga pamantayan; at
4. nabibigyang-halaga ang pagsunod sa paraan ng pagsulat ng sulating
isports.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Subukan mong pagsama-samahin ang magkakaugnay na gawain sa tulong


ng unang salita sa bawat hanay.

Paghahanda Aktwal na Pagsulat Pagrerebisa Editing

A. iniwawasto ang mga ispeling E. binibigyang-pokus ang kabuuan


B. pagsisimula ng istruktura F. isinusulat ang ideya
C. pagpaplano sa sakop ng paksa G. muling pagbasa
D. inaayos ang instruktura H. paglikha ng pamagat
BALIK-ARAL

Panuto: Isulat sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag.

1. Ito ay maaaring maikli o mahaba ang pagkakasulat ng P_______


buhay ng isang atleta o sino mang paksa sa lathalain.

2. Nangangahulugang pagkakasunod-sunod ng mga K _ _ _ _ _ _ _ _L


pangyayari.

3. Pangunahing katangian ng lathalaing isport na profile M_Y _ _ _L

4. Sa pormularyo ng pagsulat ng profile, ito ang pangalawang


bahagi na sinasalaysay. Ito ay maaaring negatibo at K _ _ _ N _ _ _N
positibo.

5. Pinakapopular na paraan sa pangangalap ng impormasyon


I N _ _ _ _ _Y_
sa personalidad na papaksain sa sulatin.

ARALIN

Aktwal na Pagsulat ng Sulating Isports

Ang pagsulat ay gumaganap ng mahahalagang tungkulin tungo sa ugnayang


pantao upang maging katanggap-tanggap ang lipunang ginagalawan. Ito ay
tumutulong sa pag-unlad at pag-usbong ng bago at modernisadong mundo.
Mainam na matutunan ang pagsulat na may iba’t ibang layunin at proseso
upang makalikha ng sulatin na magiging kapaki-pakinabang ngayon at sa susunod na
henerasyon.Isang halimbawa na rito ang pagsulat ng lathaling isports na profile na
atin nang natalakay sa nakalipas na aralin.Tungkol ito sa buhay ng atleta, coach o
sino mang opisyal na pinag-uusapan sa bawat panahon.
Gayundin, nabanggit din ang karaniwang pormula sa pagsulat nito--mula sa
kapanganakan ng atleta, mga pinagdaanang karanasan haggang sa marating ang
kasalukuyang tagumpay.
Bukod dito, upang maging epektibo ang pagsulat, narito ang mga hakbang na
maaaring sundin sa pagsulat ng isang profile:
1. Pumili ng isang personalidad na sa tingin mo ay karapat-dapat itampok ang
kaniyang buhay.
2. Alamin ang mga batayang impormasyon ng iyong paksa (i..e..pangalan,
petsa at lugar ng kapanganakan, mga magulang at kapatid, eskuwelahan
at iba pa).
3. Mag-set ng interbyu sa iyong paksa.
4. Ilista ang mga tanong para sa paksa.
5. Suriin ang mga impormasyong nakalap sa panayam. Pag-aralang mabuti
ang mga sagot ng paksa.Piliin ang mga detalye na gagamitin sa profiling.
6. Magsagawa rin ng interbyu sa mga taong may kaugnayan sa paksa upang
makakuha ng ibang perspektiba sa profile.
7. Makatutulong ang tinatawag na secondary sources tulad ng magasin, libro
at journal na may ginawang pagtalakay sa paksa
8. Isulat ang unang borador. Basahin, i-edit at gumawa ng pinal na borador.
Sa kabuuan, maaari nating gawing gabay ang larawang makikita sa ibaba
upang maging ganap ang ating tunguhin sa gawaing ito.

pamimili ng paksa Istilo, detalye


pangangalap ng datos kaisahan, ideya
pagpaplano
pagtuklas Paghahanda Aktwal na
sa pagsulat pagsulat

paghihinuha ispeling
pagwawasto bantas
pag-uulit gramar Editing
Pagrerebisa

Ang unang paraan sa pagsulat ay nagsisimula sa paghahanda sa pagsulat. Sa


paraang ito, namimili ng paksa ang manunulat. Kung pinal na ang pagpili ng paksa,
sinisimulan na ang pangangalap ng impormasyon tungkol dito. Maaaring may mga
inihandang mga tanong na sasagutin sa pananaliksik. Napalalawak ang paksa sa
pamamagitan ng interbyu at pananaliksik sa secondary sources. Kasabay nito ay ang
papaplano ng lawak at sakop ng isusulat.
Sa aktwal na pagsulat, nabubuo ang panimula, katawan at konklusyon.
Isinusulat ang ideya at binubuo ang mga talata.Gumagamit rin ng pamamaraan o istilo
ng paglalahad at inaalam kung may kaisahan. Ang bawat detalye ay isinasaayos.
Matapos ang pagsulat, muli itong babasahin at bubuo ng kaisipan. Isinasaayos
din ang istruktura nito. Madalas nadaragdagan ang mga detalye at muling
isinasaayos. Kailangan sa bahaging ito ay maging obhektibo sa pagwawasto ng
sariling sulatin.
Sa huling bahagi ng pagsulat, kinakailangan itong i-edit. Iniwawasto ang
ispeling, bantas at gramar. Binibigyang-pansin din ang kabuoan at kahulugan ng mga
pangungusap.
Magiging mas madali at magkakaroon ng direksyon ang anumang sulating
gagawin kung may sinusunod na paraan.
Mas mainam kung sa pagsulat, samahan din natin ito ng pagmamahal upang
higit na lumutang ang layunin sa pagsulat.

MGA PAGSASANAY
A. Nalaman mo na ang mga proseso ng pagsulat ng isang sulatin. Suriin kung saang
bahagi ng paraan ng pagsulat nabibilang ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa
patlang ang sagot.

Paghahanda sa Pagsulat Parerebisa


Aktwal na Pagsulat Editing

1. Sa palagay ni Maria, sapat na ang mga impormasyong kanyang nakalap


tungkol sa mga sintomas at paraan ng pag-iwas sa nakahahawang sakit na
coronavirus. Kaya naman sinimulan na niya ang kanyang panimulang bahagi
ng sulatin. ____________________________

2. Masusing binasa ni Bing ang katatapos lamang niyang isinulat na lathalain


tungkol sa New Normal ng mga manlalaro. Nilalagyan niya ng mga marka ang
mga maling salita, bantas, at ang pagkakabuo ng bawat pangungusap.______

3. Sinusuri ni Lorenzo ang kanyang isinulat batay sa nilalaman nito. Napansin niya
na kulang ang mga detalyeng kanyang nakuha tungkol sa opinyon at saloobin
tungkol pagkakapasa ng Anti-Terrorism Bill, kaya naman, muli siyang
nagsaliksik at dinagdag niya ito sa kanyang sinusulat._________________

4. Naglilista ng mga posibleng maging paksa ang pangkat Masigasig. Ang


paksang dapat nilang ilista ay tungkol sa mga larong Pinoy na karaniwang
isinasagawa sa mga kalye o lansangan.________________
B. Paghahanda sa Pagsulat

Ngayon ay nasa unang bahagi tayo ng pagsulat ng lathalaing isports na profile.


Kakailanganin mong mangalap ng mga impormasyon tungkol sa iyong susulatin.
Subalit sa pagkakataong ito, gagamit ka ng secondary sources tulad ng magasin, libro,
journal at internet upang maisakatuparan mo ang gawaing ito. Simulan na natin.

1. Pumili ng isang manlalaro na nais mong itampok ang kanyang buhay. Isulat din
ang dahilan ng pagpili.

Manlalaro:__________________________________________

Ipaliwanag ang dahilan ng pagpili sa manlalaro:


________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________
______
2. Alamin ang mga batayang impormasyon. Isulat sa ibaba ang mga ginamit na
sanggunian bilang pagsunod sa etika ng isang isports journalism.

Buong pangalan:_____________________________________________
Kapanganakan:______________________________________________
Lugar ng kapanganakan: ______________________________________
Mga magulang: ______________________________________________
Mga Kapatid: ________________________________________________
Eskwelahan:________________________________________________
Mga parangal: _______________________________________________
Mga gawi, libangan ___________________________________________
mga kinahihiligan_____________________________________________
Iba pang impormasyon na nais malaman:( katangian, kakanyahan,
kalikasan at maging kapintasan)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Sanggunian:
_______________________________________
3. Mga karanasan sa buhay
Negatibo Positibo

Sanggunian:____________________________________________

4. Suriin ang impormasyong nakalap. Anong bahagi ng iyong paksa ang gusto
mong bigyan ng pokus upang maging anggulo ng lathalain?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Sapat na ba ang nakalap na impormasyon? Kung hindi pa, ipagpatuloy mo pa


ang pangangalap ng iba pang impormasyon tungkol sa iyong papaksain.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

C. Aktwal na pagsulat

Mula sa mga impormasyong iyong nakalap, maaari ka nang magsimulang


sumulat sa isang papel na magsisilbing borador ng lathalain. Umisip ng titulo na
makapupukaw ng atensyon ng mga mambabasa. Sundin ang pamantayan sa
pagsulat na nasa ibaba at isaalang-alang ang etika sa pagsulat ng sulating pang-
isports.
______________________________
(pamagat)
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Pamantayan sa Pagsulat ng Lathalaing Profile
15 10 5 PUNTOS
Pamagat Gumamit ng Gumamit ng Hindi malinaw
nakaeengganyo at akmang ang kaugnayan
malikhaing pamagat pamagat. ng pamagat sa
nilalaman ng
sulatin.
Organisayon Nakapagbigay ng Nakapagbibi- May
mahusay na gay ng pagtatangkang
panimula, katawan akmang makapagbigay
at wakas.  Malinaw panimula, ng akmang
at malinis ang daloy katawan at panimula,
ng mga ideya. wakas. katawan at
Nagbibigay wakas.  May
ng lohikal na pagtatangkang
daloy ng mga magbigay ng
ideya. daloy sa mga
ideya.
Paglalarawan Nagkapagbibigay ng Naibibigay ang May kakulangan
mahusay na mga sa mga
paglalarawan na pangunahing paglalarawan sa
interesante sa detalye tungkol katangian ng
mambabasa. sa paksa. paksa.
Lagom Nakapagbibigay ng Naisara ang Hindi nilagom
lagom at lathalain sa ang lathalain.
pagwawakas na pamamagitan
nag-iiwan ng ng
kakintalan sa paglalagom.
mambabasa.
Wika Mahusay na Gumamit ng Kinakitaan ng
nagagamit ang wika akmang wika mga gramatikal
sa paraang madaling sa paglalahad na mali sa
maunawaan ng ng mga pagsulat.
mambabasa habang proseso.
napananatili ang
akademikong tono
nito.
Kabuoang Puntos

PAGLALAHAT
Ang pagsulat ay isa sa dapat malinang ng mag-aaral na tulad mo. Kasabay nito
ang pananaliksik upang maging epektibo ang gagawing pagsulat. Bukod sa
pagsasaliksik, may mga gawain pang isinasaalang-alang upang maisakatuparan ang
gawain.
Sa proseso ng pagsulat na lathalaing isports na profile, nagsisimula ito sa
hakbang ng pagpili ng personalidad na sa tingin mo ay karapat-dapat na itampok ang
kaniyang buhay, pangangalap ng mga impormasyon hanggang sa pagsulat ng
borador.
Isa-isahin ang kabuoang proseso upang matapos ang ginagawang sulatin.
pangangalap ng datos Istilo
pagpaplano detalye
pagtuklas 1. Kaisahan
ideya 2.

paghinuha ispeling
pagwawasto bantas
pag-uulit
3. gramar
4.

PAGPAPAHALAGA
Sa pamamagitan ng pagsulat, naihahatid natin ang mga impormasyon,
kaganapan, pangyayari, paniniwala at iba pang mahahalagang kaalaman na
makapagpapaunlad ng ating sarili at kaisipan.
Tulad ng pagsulat ng lathalaing isports na profile na nakapaghahatid ng
inspirasyon at aral hindi lamang sa mambabasa kundi maging sa manunulat. Kaya
mahalagang dumaan ito sa proseso upang maisakatuparan ang layunin sa pagsulat.
Sumasang-ayon ka ba dito? Bakit?
Paano magiging epektibo ang iyong ginagawang lathalaing isports na profile?
Isulat sa kwaderno ang iyong mga sagot.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Mapagsusunod-sunod mo ba ang mga hakbang sa paghahanda sa pagsulat ng


profile? Kung ganun, gumamit ng bilang 1-5 upang mapagsunod-sunod ito.
______1. Suriin ang mga impormasyong nakalap sa panayam/secondary sources.
Pag-aralang mabuti ang mga sagot ng paksa. Piliin ang mga detalye na
gagamitin sa profiling.

_____2. Ilista ang mga tanong para sa paksa.


_____3. Isulat ang unang borador. Basahin, i-edit at gumawa ng pinal na borador.
_____4. Pumili ng isang personalidad na sa tingin mo ay karapat-dapat itampok ang
kaniyang buhay.
_____5. Alamin ang mga batayang impormasyon ng iyong paksa (i..e..pangalan,
petsa at lugar ng kapanganakan, mga magulang at kapatid, eskwelahan at
iba pa)
B. Piliin sa Hanay B proseso ng pagsulat ng lathalain na tinutukoy sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

_____6. Paglalahad ng mga detalye A. Paghahanda ng pagsulat


_____7. Pagwawasto ng baybay B. Aktwal na Pagsulat

_____8. Pagsasaliksik C. Pagrerebisa


_____9. Pagwawasto ng kaisahan ng ideya D. Editing

_____10. Pagpaplano
PAUNANG PAGSUBOK
Paghahanda Aktwal na Pagsulat Pagrerebisa Editing
H.paglikha ng B.pagsisimula ng D.inaayos ang E.binibigyang pokus
pamagat istruktura instruktura ang kabuuan ng sulatin
C.pagplano sakop F.isinusulat ang G.muling A.Iniwawasto ang
ng paksa ideya pagbasa ispeling
BALIK-ARAL MGA PAGSASANAY
1. PROFILE A.
2. KRONOLOHIKAL 1.Aktwal na pagsulat
3. MAY ARAL 2. Editing
4. KARANASAN 3. Pagrerebisa
5. INTERBYU Paghahanda sa Pagsulat
B.
Puntos
Pamantayan
Nakapamili ng papaksain at naipaliwanag nang malinaw ang dahilan ng pagpili
Nakapagsaliksik ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa papaksain
Nakapagtala ng mga negatibo at positibong pangayayari sa piniling paksa
Nasagot nang malinaw ang gagawing angulo sa pagsulat ng lathalain
Nasagot nang may katapatan ang tungkol sa pangangalap ng mga impormayon
Kabuuhang Iskor
Mga Puntos:
Naisakatuparan ………….10 puntos
Medyo naisakatuparan…..5 puntos
Hindi naisakatuparan…….walang puntos
Kung walang puntos,muli mo itong balikan upang maisakatuparan mo ang gawain.
C.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Lathalaing Profile
15 10 5 PUNTOS
Pamagat Gumamit ng Gumamit ng Hindi malinaw
nakaeengganyo at akmang ang kaugnayan
malikhaing pamagat pamagat. ng pamagat sa
nilalaman ng
sulatin.
Organisayon Nakapagbig ay ng mahusay Nakapagbibi- May
na panimula, katawan at gay ng akmang pagtatangkang
wakas. ‘ panimula, makapagbigay
 Malinaw at makinis ang katawan at ng akmang
daloy ng mga ideya. wakas. panimula,
Nagbibigay ng katawan at
lohikal na daloy wakas.  May
ng mga ideya. pagtatangkang
magbigay ng
daloy sa mga
ideya.
SUSI SA PAGWAWASTO
Paglalarawan Nagkapagbibigay ng Naibibigay May
mahusay na ang mga kakulangan sa
paglalarawan na pangunahing mga
interesante sa detalye paglalarawan
mambabasa. tungkol sa sa katangian
paksa. ng paksa.
Lagom Nakapagbibigay ng Naisara ang Hindi nilagom
lagom at pagwawakas na lathalain sa ang lathalain.
nag-iiwan ng kakintalan pamamagitan
sa mambabasa. ng
paglalagom.
Wika Mahusay na nagagamit Gumamit ng Kinakitaan ng
ang wika sa paraang akmang wika mga
madaling maunawaan ng sa paglalahad gramatikal na
mambabasa habang ng mga mali sa
napananatili ang proseso. pagsulat.
akademikong tono nito.

Kabuuhang Puntos

PAGLALAHAT:
1. Paghahanda sa pagsulat
2. Aktwal na pagsulat
3. Pagrerebisa
4. Editing

PANAPOS NA PAGSUSULIT
4 1. 6. B
3 2. 7. D
5 3. 8. A
1 4. 9. C
2 5. 10. A

Sanggunian
Aklat
Anot Jr.,Juaniato N. at Orellana, Joel L.2017.Filipino sa Piling Larangan(Sports)

Quezon City: Rex Printing Company,Inc.


Baello,Maria Lourdes R. et al. 2014. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Mendiola,Manila: Pamantasang Centro Escolar


Kagawaran ng Edukasyon. 2016. Filipino sa Piling Larang Isports (Patnubay ng Guro)

Republika ng Pilipinas: Filipinas Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc.

You might also like