Panulaan 5
Panulaan 5
Panulaan 5
COLLEGE OF EDUCATION
Panulaang Filipino
Modyul 1- Aralin 5
Mahahalagang Konsepto Kaugnay ng Tula
Introduksyon
Ang pag-alam sa Elemento ng Tula ay daan upang matarok at makabuo ng isang kakaiba at
makabuluhang tula. Sa araling ito ay mapag-aaralan ang Mahahalagang Konsepto Kaugnay sa Tula.
Humanda sa isang mahabang pagbabasa.
Bunga ng Pagkatuto
1. Nauunawaan ang mga Mahahalagang Konsepto na may kaugnayan sa Tula.
2. Nakapagsusuri ng isang tula batay sa Elemento ng Tula.
3. Napapahalagahan ang mga Mahahalagang Konseptona may kaugnayan sa Tula sa pamamagitan ng
pagbabahagi sa kapwa.
Nilalaman
Ang salitang tula ay mula sa Latin poēsis , at ito naman ay mula sa Greek ποίησις ( poíesis ), na
nangangahulugang 'gawin', 'upang maging materialize'.
Dati, ang mga tula ay isinulat lamang sa mga taludtod, na pinamamahalaan ng isang hanay ng
mga patakaran sa komposisyon na tinatawag na sukatan .
Ayon sa sukatan, ang mga taludtod ay nabuo ng isang nakapirming bilang ng mga pantig
(tetrasyllable, hexasyllable, Alexandrine, atbp.), Isang tiyak na pamamahagi ng mga accent at isang tula,
na magreresulta sa isang partikular na ritmo at uri ng komposisyon: couplet, Diretso, bilog, kuwarts, atbp.
Gayundin, maaari rin nating gamitin ang konsepto ng tula upang tukuyin ang kalidad ng
perpekto o liriko , iyon ay, na gumagawa ng isang malalim na pakiramdam ng kagandahang maaaring o
hindi maipahayag sa pamamagitan ng wika, "Ang kagandahan ng gusaling ito ay dalisay tula ”.
1. Pasuhay ay isang uri ng balangkas ng tula kung saan ang unang linya ay nagpapahayag panukalang
layunin o paksa, at ang sumusunod na taludtod ay magsisilbi lamang na suporta sa pangunahing paksa
na ito.
2. Patimbang ay isang uri ng balangkas ng tula kung saan nahahati ang saknong sa dalawang timbang
na pangkat ng taludtod na maaaring magkaayon o magkasalungat. Madalas, ang dalawang pangkat na
ito ay may pagkakahawig sa paglalatag ng diwa.
3. Pasuysoy balangkas ng tula kung saan ang mga nauunang taludtod ay tumutulong lamang upang
isulong ang pahayag patungo sa huling linya. Sa balangkas na ito, sa panghuling taludtod lamang
magiging lubos na malinaw ang diwa ng tula.
Nagsisimula sa wika ang tula; at sa loob ng tula, ang wika ay maaaring dumukal ng konsepto at
kaisipan sa lipunan nitong pinagmulan. Gayunman, ang tula na maituturing na kakatwang daigdig ay
makalilikha ng sarili nitong wika batay sa kalakaran sa nasabing daigdig. Ang manggagawa na pumaloob
sa daigdig-na-tula ay posibleng magtaglay ng wika na hindi sumasalamin sa materyal na lipunan; ang
wika ay maaaring matalik sa manggagawa-persona subalit hindi mangangahulugan na ang wikang ito ay
wikang ginagamit ng kasalukuyang manggagawa sa partikular na lugar at alam ng mambabasa sa
kumbensiyonal na paraan. Kung sisipatin ang ganitong tindig sa punto de bista ng realismo, ang realismo
ay nasa anyo lamang ng manggagawa na may katawan ngunit ang kaniyang wika na may sariling
kamalayan at pinalalakas ng ideolohiya ay maaaring lumampas sa wika na karaniwang batid ng
mambabasa.
Sa paglikha ni Cirilo F. Bautista ng kaniyang guniguning José Rizal, ang Rizal na ito sa kaniyang
epiko ay hindi basta kapilas ng Rizal sa kasaysayan bagkus Rizal na tumatawid sa nakaraan at
kasakuluyan samantalang naninimbang sa posibleng maging hakbang nito sa hinaharap. Ang Rizal na
ito, na dahil pumaloob sa ibang dimensiyon, ay nagkaroon ng kapangyarihang lumikha ng sariling wika sa
loob ng tula alinsunod sa matagumpay na pakana ng makata, halimbawa kung paano sasagutin ang
kamalayan ni Fernando de Magallanes o Miguel Lopez de Legazpi, at kung paano titindig sa
Bagumbayan para harapin ang pangkat ng kawal bilang pagwawakas sa pag-iral ng tao at pagsisimula
ng bagong pagiral bilang tula. Ito ay sapagkat ang Rizal bilang persona ay nahuhubog ng guniguni; at
bilang bahagi ng tula ay hindi nagsasalita ng Español na may konsepto ng Español na kumakausap sa
Madre España bagkus nagsasalita sa Ingles para maunawaan ng diyasporang Filipino, at kung gayon ay
higit na lalawak ang kamalayan kung ipagpapalagay na napakayaman ng korpus ng Ingles para suhayan
ang sungayang kaisipan ni Rizal na posibleng nagiisip din sa Aleman, Frances, wika alinsunod sa
konseptong palalawigin.
Samantala, ang Rizal ni Rio Alma sa kaniyang Hudhud ay nakakulong sa kasaysayan, bagaman
magtatangkang pumiglas o bantulot lumampas sa kasaysayan upang panatilihin ang orihinal na diwa ni
Rizal alinsunod sa mga tala ng mga istoryador, at ito ang trahedya ni Rizal na nakapadron sa prosa na
itinatambis sa tradisyonal ngunit hinuwad-na-gaspang na pananaludtod ni Aliguyon, o kaya’y sa
matipunong pananaludtod ng kabataang manlilikha para makabuo ng tatsulok na persona ng prekolonyal,
kolonyal, at poskolonyal na kamalayan. Ang problema sa ganito’y ang konsepto ni Aliguyon bilang bagani
ng kaniyang daigdig ay tila hanggang ilihan lamang, na halatang ikinahon sa apatang taludtod na halos
gagarin ang awit ni Balagtas at sa tradisyonal na pananaludtod ng epikong bayan sa Filipinas, at ito ang
kakatwa dahil magpatiwakal man si Aliguyon at isilang muli ay mabibigong lampasan ang itinatakda ng
materyal na realidad. Ito rin ang kahinaan ni Rizal na bagaman matalas mag-isip ay nakakahon sa dati
nang pagtanaw kay Rizal na manlalakbay, destiyero, at balikbayan. Ang kakulangan nina Rizal at
Aliguyon ay tatangkaing punuan ng kabataang manlilikha, na sa kaniyang pagkamalikhain ay nakagawa
rin ng sariling daigdig na may moral na pamantayang sinadya man o hindi ay humaharap sa madlang
mambabasa para litisin o pagnilayan nang lubos.
Ang wika ay isa nang tula, kung ipagpapalagay na ang kahulugan nito ay lumalampas sa
paglalarawan, pagpapakahulugan, o pagpapahiwatig ng anumang materyal na lipunan. Higit itong
mauunawaan kung sa isang akda ay sasalâin, pipilîin, pagtátabihín, at pagtatagísin ang mga salita kayâ
ang suma ng kaisipan ay hindi magwawakas sa nakagawiang pagsagap sa akdang prosa, bagkus
nangangailangan ng paulit-ulit na pagbasa. Ang wika sa loob ng tula ay maaaring ibalangkas na maging
kapanipaniwala, na gumagagad sa wika ng subkultura (gaya ng bakla o jologs) kung hindi man ng
malawak na lipunan, at ito ang maituturing na pinakamababang antas. Ngunit ang wika sa loob ng tula ay
maaari ding gawing kagilagilalas—na higit na mataas na
“Ang tula sa bandang huli ay hindi makaiiwas na maging talyer ng wika, kung hihiramin ang
termino ni Mike L. Bigornia. Sa loob ng tula, ang mga salita ay sumasailalim sa paulit-ulit na eksperimento
at kombinasyon, gaya sa pagpapasiklab nina Jose F. Lacaba at Teo T. Antonio, walang pakundangan
kung hindi man uso o nauuna sa panahon, upang magkaroon ng sariwang pagtanaw ang mambabasa.”
Antas—kayâ ang isang palaboy na persona sa tula ay puwedeng maging lumpeng intelektuwal,
na tumatanaw o isinasakatawan ang alyenasyon sa kaniyang lipunan alinsunod sa laro ng
kapangyarihan, halimbawa bilang tambay na nagninilay sa hungkag na lansangan sa panahon ng
pandemya o Batas Militar na unti-unting nililipol ang mga itinuturing na aktibista o kaya’y adik at tulak na
pawang tinatanaw na latak ng lipunan ng awtokratikong rehimen. Sa ibang pagkakataon, ang wika sa
loob ng tula ay puwedeng maging absurdo, gaya sa tula ni José Garcia Villa, na halatang-halata ang
pagbukod sa lipunan, at sa ganitong pangyayari, ang tula ay nagiging pamagat lamang, ang hari na
lastag at naglalakad sa kaniyang kaharian para purihin o libakin ng kaniyang mga mamamayan alinsunod
sa kanikanilang pagtanaw.
Ang wika ng tula ang magiging giya kung paano huhubugin ang himig at tinig ng persona, o kung
paano ilalarawan o isasadula ang ginagawa ng persona. Ang siste, halimbawa, ay maikukubli sa tao na
nakakunot ang noo at nag-iisip, o kaya’y sa pagiging muslak na probinsiyano na ibig mangibabaw sa
lungsod na wari bang isinapuso ang awit ni Frank Sinatra, at ito ang patutunayan ng gaya nina Julian
Cruz Balmaseda, José Corazon de Jesús, at Florentino takatak at lagabog ng mga tunog, nagtatampok
ng maririing tugma o indayog, ngunit maikukubli rin sa wari’y tahimik na paraan, na ang malulumay na
pahiwatig ay katumbas ng silakbo ng loob kapag inangkupan ng paglalarawan o pagsasalaysay na
lumalabag sa kumbensiyonal na paraan, gaya sa mga tula ni Benigno Ramos at Amado V. Hernandez
Kung may lunan ang lipunan, may lunan din ang loob ng tula. Ang dalawang lunan ay posibleng
magkahawig, ngunit sa maraming pagkakataon ay magkataliwas, sapagkat hindi nakalaan ang tula
upang maging seroks ng materyal na lipunan. Ang tula na kopyador ng lipunan ay nakatakdang lamunin
ng iba pang tula sapagkat káya nitong makapagpaandar ng imprenta ngunit sa malao’t madali ay
magiging pambalot ng tinapa sapagkat walang sariwang pagtanaw at pagdama sa paligid. Ang lunan sa
loob ng tula ay lunan ng mga salita, at sa pangyayaring ito, ang isang yugto ay mapálalakí o mapáliliít,
malalapatan ng angkop na anggulo gaya sa pagsipat ng batikang sinematograpo, nakakargahan ng mga
pahiwatig na lampas sa maiuukol ng diksiyonaryo at tesawro, at kung nasa anyo ng háyku na sinulat ni
Rogelio G. Mangahas ay hindi lamang lumulundag sa pilosopiya ng Hapones bagkus dumadako sa
pandaigdigang Filipino sapagkat sumasapol sa kamalayan gaya ng tsunami o superbagyo. sumunod sa
gramatika at palaugnayan ang isang wika, halimbawa na sa Filipino, upang maunawaan ng mga Filipino.
Gayunman, ang loob ng tula bilang lunan ng kapangyarihan, ay makalilikha rin ng sariling gramatika at
palaugnayan na káyang sumabay sa nililinang na persona, o sa inilalarawang tagpo o pangyayari,
sapagkat ang daigdig ng tula ay maaaring isang disenyo na ang anyo’y humahabol sa hindi kayang
ipaloob sa mga salita lamang. Ang isang dambuhalang bantas, gaya ng tandang pananong, kapag
inangkupan ng mga titik o salita sa isang pahina, ay magpipilit na ihayag ang sarili para basahin na isang
karit, kayâ ang papel ay hindi na lamang nagiging papel na pinaglilimbagan ng mga salita bagkus bahagi
ng pagtatanghal, gaya sa pabigkas na tula.
Ang tula sa bandang huli ay hindi makaiiwas na maging talyer ng wika, kung hihiramin ang
termino ni Mike L. Bigornia. Sa loob ng tula, ang mga salita ay sumasailalim sa paulit-ulit na eksperimento
at kombinasyon, gaya sa pagpapasiklab nina Jose walang pakundangan kung hindi man uso o nauuna
sa panahon, upang magkaroon ng sariwang pagtanaw ang mambabasa. Maaaring isaalang-alang ng
makata ang wika ng kaniyang lipunan, at mula roon ay magagawa niyang madali siyang maunawaan ng
mga mambabasa at magtrending pa sa Internet. Gayunman, ang tula sa oras na bigkasin o isulat ng
makata sa papel ay iiwan nito ang makata upang magkaroon ng sariling hininga, wika nga ni Bautista, at
sa ganitong pangyayari ay nagkakaroon ng sariling buhay na maaaring higtan ang panahon ng makata at
dumako sa mga susunod na henerasyon.
Kung paano makapananaig ang isang tula ay depende na itatatak nitong kamalayan na
pinasisigla ng mga salita, sapagkat ang tula sa dakong huli ay nagsisimula sa wika.
“Ang wika ng tula ang magiging giya kung paano huhubugin ang himig at tinig ng persona, o kung
paano ilalarawan o isasadula ang ginagawa ng persona.”
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa
nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat niAlejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang
nasa anyong malayang taludturan.
Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng
tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang
“Isang Alaala ng Aking Bayan“.
May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling
pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod
ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang
kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa
damdamin ng mga bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay
iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na isang bata,
matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.
4. Estropa o Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang
taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-
dalawahan, at labing-animan na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may
tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
9. 12. Untol o Sesura Ito ang katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig ng isang pangkat ng mga
salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod.
Unang bumanat si Fray Gaspar de San Agustin, sa kaniyang akdang Compendio del Arte de la
Lengua Tagala (1703), sa pagsasabing, “La poesia tagala no es tan difícil como parece, porque no tiene
el rigor de la cuantidad de medias y ultimas, como la latina: ni las leyes del consonante formozo, como la
castellana. Ni consta de la variedad de metros de ambas. Consta sólo de cualidad de voces y
uniformidad de finales, cuya concordancia llaman ellos tola.”[1] Payak lamang ang ibig sabihin ni San
Agustin:“walang panuto ang tulang Tagalog na singhigpit ng Latin, kung pag-uusapan ang bilang ng gitna
at huling pantig ng salita; at ni walang sinusunod na alituntunin sa sapilitang gamit ng katinig, tulad ng sa
Kastila. May katangian lamang daw ito ng tinig, at pagkakatulad ng mga [tunog] ng huling kataga.
May prehuwisyo si San Agustin sa panulaang Tagalog, at mababanaagan ito kahit sa kaniyang
pag-uuri na may dalawa lamang na tugma ang tulang Tagalog: una ang “mariin” (nagtatapos sa patinig
ang salita); at “mababaw” (nagtatapos sa katinig ang salita). Ginagawa niyang simple ang tulang Tagalog
at inihahambing sa padron ng Latin at Kastila, imbes na pag-aralan ang tula alinsunod sa parametro ng
Tagalog. Higit pa rito, itinuturing niyang may iisang balahibo ang tradisyon ng panulaang Latin, Kastila, at
Tagalog, na waring nagmula sa iisang malig ng wika at tradisyon ang mga ito. Sa gayong paghahambing
lumilitaw ang Mataas na Wika (dayuhan) laban sa Mababang Wika (katutubo) na naglalagay sa alanganin
sa Tagalog sa hanay ng mga wika at panitikang pandaigdig.
Kulang na lang na sabihin ni San Agustin na ang panulaang Tagalog ay may “malayang
taludturan” dahil iba ang ulinig niya sa tugmang Tagalog kompara sa mga tugma ng mga tulang Latin at
Kastila.
Kumambiyo nang kaunti si Fray Francisco Bencuchillo sa kaniyang Arte Poetico Tagalo (1895) at
nagwikang, hindi umano napakahirap ngunit hindi rin napakadali ng tulang Tagalog. May bahagi lamang
nito ang madali, na may kinalaman sa huling pantig ng dulong salita sa isang taludtod. Na kapag
nagwawakas sa katinig o mala-patinig ang pantig ng dulong salita sa taludtod ay nagiging “Norte o Gabay
upang mabatid ang magiging anyo ng mga sumusunod na anyo.”[2] Ginamit ni Bencuchillo ang konsepto
ng kompas at inilapat sa tula, at ipinakilala kung bakit nagtutugma ang mga salitang nagwawakas sa b, c,
d, g, p, s, t kapag ang naunang patinig nito ay magkapareho; o kaya’y ang mga mala-patinig na l, m, n, ng
kung ang naunang patinig nito ay magkahawig.
Para kay Bencuchillo, ang tulang Tagalog ay may tatlong uri lamang. May tatlo o apat o higit
pang bilang ng taludtod ang bawat saknong na puwedeng ituring na buong tula; at bawat taludtod ay may
pito o walong pantig bawat isa. Kapag ang isang saknong ay binubuo ng lalabindalawahing pantig ang
bawat taludtod, hindi na ito itinuturing na “tula” bagkus “prosa” o “plosa.” Sinipi niya ang isang
halimbawa:
Ayon kay Bencuchillo, ang prosa o plosa ay ginagamit lamang sa mga “liham ng pag-ibig at pag-
iisang-dibdib.” Mahihinuhang esklusibo ang prosa o plosa at ikinakahon sa kumbensiyon ng panliligaw,
pagtatalik, pagmamahalan, at pagpapakasal, gaya lamang na may natatanging tula para sa isinilang
(oyayi) at namatay (dung-aw). Sa pag-aaral ni Virgilio S. Almario, ang lalabindalawahin at lalabing-
apating pantig na taludtod ay hindi likas sa panulaang Tagalog bagkus imitasyon mula sa dulang
Ewropeo. Posibleng ipinasok umano noong panahon nina San Agustin at Bencuchillo ang nasabing mga
padron at itinuring na “prosa.” Ngunit posible ring bago pa man ipinakilala ng Kastila ang gayong anyo ng
pananaludtod ay ginagamit na ito sa Tagalog, dahil sa pangyayaring ang Tagalog ay higit na rumirikit at
nagkapagpapahayag ng malalalim na talinghaga sa paggamit ng lalabindalawahin at higit pang bilang na
pantig na pananaludtod.
Mahalaga ang sinaunang pagpapakahulugan at paggamit ng anyong “prosa” o “plosa” at ito ang
tatatak kahit sa winika ni Jose Rizal: “Los Tagalos desconoces el verso libre, por presentarse su idioma
facilmente a la rima y por ser esta muy sencilla y natural.”[3] Hindi umano kinikilala ng mga Tagalog ang
malayang taludturan, dahil maluwag at madaling gamitin sa pagtutugma ang wika [na Tagalog]. . . .”
Maiuugnay ang winikang ito ni Rizal sa winika ni P. Joaquin de Coria, na ang “likas at katutubong tula ng
mga Indio ay ang lapatan ng taludtod ang prosa, at magbigay ng tugma. . . .”[4] Iniugnay ni Rizal ang
kalikasan ng wikang Tagalog sa panulaan nito. Tinukoy niya ang labindalawang uri ng tugma (anim sa
katinig at anim sa patinig). Ang tugmaang patinig ay nahahati sa dalawa: ang “karaniwan” o vocal
ordinaria (na tumutukoy sa malumay at mabilis na bigkas) at “mabigat” o vocal pesada (na tumutukoy sa
malumi at maragsang bigkas). Samantala, ang tugmang katinig ay inuri niya sa “malakas” o consonante
fuerte (na nagwawakas ng b, d, g, k, p, s, t) at “mahina” o consonante débil (na nagwawakas sa l, m, n,
ng, y, w) Binanggit din ni Rizal ang isang panuto, na lahat ng taludtod sa isang saknong ay dapat
magkaroon ng isang tugma, at ang sumusunod na saknong ay nararapat maging iba ang tugma, “kung
hindi’y magiging isang tunog lamang at pawang nakababagot at nakapapagod.”[5]
Sa pakahulugan ni Rizal, ganap na inaalis sa ekwasyon ng panulaang Tagalog ang malayang
taludturan. Ngunit pagsapit kay Lope K. Santos, ang “tugma” at ang “sukat” ay ilulugar bilang “bahagi ng
estruktura o anyo ng tula.” Para kay L.K. Santos, ang tulang Tagalog ay may apat na sangkap: tugma,
sukat, talinghaga, at kariktan.[6] Ang sukat at tugma ay pisikal o panlabas na anyo ng tula; samantalang
ang “talinghaga” at “kariktan” ang pinakakaluluwa ng tula. Mahihinuhang ginamit ni L.K. Santos ang
konsepto ng “katawan” at “kaluluwa” alinsunod sa paniniwala ng Kristiyanismo. Kinakailangan umano ang
tugma at sukat para makasulat ng taludtod, samantalang kailangan ang talinghaga at kariktan upang
makasulat ng tula.
Ngunit ang abanseng obserbasyon ni L.K. Santos ay hindi maglulundo roon. “… Kung mayroon
mang tula sa isang tuluyan o prosa,” aniya, “ay maaari ding magkaroon ng taludturan kahit walang tula.
Ang malapit na ugnayan ng taludtod at tula ay siyang magsisilbing suhay sa wika ng isang makata.” Sa
pakahulugang ito ni L.K. Santos, ang “malayang taludturan” ay nagkakaroon ng sariwang pagtanaw, at
maaaring ikabit din kahit sa tinatawag ngayong “tulang tuluyan” [prose poems; poeme en prose].
Binubuksan ni L.K. Santos ang posibilidad ng di-regular na sukat at walang tugmaang pananaludtod at
saknong, bukod sa mga talatang matulain. Samantala, pinupuna rin ni L.K. Santos ang mga sampay-
bakod na makata, na mahusay lamang magtugma at sukat subalit walang kakayahang maglubid ng
talinghaga.
Mahalaga ang binanggit na ito ni L.K. Santos sapagkat maikli ang tradisyon ng anyong prosa sa
panitikang Filipinas, na gaya ng maikling kuwento at nobela. Halimbawa, ang Ang mga Anak Dalita
(1911) ni Patricio Mariano na nagtataglay ng eksperimentasyon sa pananaludtod at saknungan ay
tinatakang “Nobelang Tagalog” sa pahinang pampamagat. Samantala, napakatradisyonal naman ang
saknungan ng Kahapon, Ngayon, at Bukas (1913) ni Aurelio Tolentino, at may tatak na “nobelang
Tagalog” gayunman ay nagtataglay ng mga talinghagang kontra-imperyalismo. Ang kalituhan kung anong
uri ng akda ang “nobela,” “maikling kuwento,” “prosa,” at “tula” ay malulutas lamang noong 1947 nang
sinupin ng Institute of National Language ang mga katawagang pampanitikang dumaan sa mga
dalubhasa.[7]
Kung binubuksan ni L.K. Santos ang posibilidad ng malayang taludturan at tulang tuluyan sa
kaniyang mga pahayag, ibabalik naman ni Iñigo Ed. Regalado ang tradisyonal na pagtanaw sa panulaang
Tagalog. “Sa simula pa’y nagtataglay ang tulang Tagalog ng apat na bagay: sukat, tugma, kaisipan, at
kariktan. Noon pa man at ngayon, kapag ang isang tula ay wala ng apat na bagay na ito ay hindi
maituturing na tunay na tula.”[8] Sa nasabing pakahulugan ng tulang Tagalog, mistulang anomalya ang
“malayang taludturan” at kinakailangang baguhin ang pakahulugan ng “tula” upang makapasok ang
pakahulugan ng “malayang taludturan” at “tulang tuluyan.”
Para kay L.K. Santos, ang talinghaga “ay hindi lamang sumasakop sa tatlong anyo ng wikang
patalinghaga, tulad ng sinekdoke, metapora, at metonimiya, bagkus ang kabuuang Retorika at Poetika na
tumatalakay sa mga kaisipan at ng sari-saring pamamaraan ng pagpapahayag dito.”[9] [Akin ang diin].
Ang kaisipan, sa panig naman ni Regalado, “ay siyang salik na kinapapalooban ng diwa’t mga
talinghagang ipinapasok ng sumusulat.”[10] Mapapansin na higit na malawak ang pakahulugan ni Santos
kompara kay Regalado, at siyang mananaig magpahangga ngayon. Samantala, kikitid ang “kaisipan” na
itutumbas sa “central idea” sa Ingles.
Binanggit ni Abadilla na “ang balangkas, ang pamamaraan, o ang kaanyuan, kung baga sa tao,
ay damit lamang ng tula” at siyang tumutukoy sa “daloy na panlabas.” Kung babalikan ang unang winika
ni L.K. Santos, ang tugma at sukat ay may gayon ding pakahulugan, na itinuring niyang panlabas na
anyo. Ano kung gayon ang mahalaga sa tula? Para kay Abadilla, higit na mahalaga ang “damdaming
matulain [i.e., kalamnan o daloy na panloob]—yaong damdaming may hubog, may kulay, at may tinig.” Ito
rin ang unang binanggit ni L.K. Santos, subalit sa panig ni Abadilla, ang “damdaming matulain” ay malapit
ang testura sa “objective correlative” na pinatanyag ni T.S. Eliot at unang binanggit ni Washington Allston.
Ginagamit sa objective correlative ang simbolikong bagay upang iugnay na pahiwatig patungo sa mga
dating di-maipaliwanag, kung hindi man abstrakto, na damdamin. Para kay Allston, ang panlabas na
daigdig ay kinakailangan ng katumbas na sariwang diwain sa isip, at mahalaga ito sa ebolusyon ng
kalugod-lugod na damdamin.[12] Ginamit naman ito ni Eliot sa pagsusuri sa dulang Hamlet (1599?) ni
William Shakespeare, at nagsabing “ang tanging paraan upang maipahayag ang damdamin sa sining ay
sa pamamagitan ng paghanap ng katumbas. . . ng kalipunan ng mga bagay, sitwasyon, o
magkakatanikalang pangyayari na magiging pormula ng isang tiyak na damdamin; na kapag nagwakas
ang pagdama sa mga panlabas na bagay ay kagyat na madarama ang damdamin.”[13]
Pinuna ng isa pang modernistang makatang Tagalog na si Ildefonso Santos ang panulaang
Tagalog na “sentimental, walang orihinalidad, at maligoy.”[14] (Sumasapol ang banat na ito sa mga
duplero at mambabalagtas, at sa mga tula nilang naglulunoy sa pag-ibig o pag-iibigan.) Gayunman,
sumasang-ayon umano siya na wala nang maipagmamalaki ang mga tulang makabago kundi ang
kawalan ng tugma at sukat. “Ngunit kung naririto ang ‘pag-uumapaw ng di-mapigilang damdamin,’ ay
walang dahilan kung bakit hindi ito dapat tawaging tula.”
Magiging lantad ang usapin ng “malayang taludturan” habang tumantayag ang pagkatha ng mga
nobela, kuwento, sanaysay, at anekdota bukod sa pagsibol ng tinaguriang “dagli” at “pasingaw” noong
bungad ng siglo beynte hanggang makaraan ang digmaang pandaigdig. Ang dagli, gaya ng ibig
ipahiwatig nito, ay mabilisan ang pagkakasulat, na maaaring mapaglarawan, mapagsalaysay, o
mapaglahad sa pinakamatipid na paraan at sa masiste at matalinghagang pamamaraan. Ginagamit ang
dagli mulang pangulong tudling hanggang mala-sanaysay at tulang tuluyan, at ang himig ay maaaring
mapamuna, mapanuos, mapagpatawa, seryoso, at bumabagay minsan bilang pamuno sa mga natitirang
espasyo ng pahayagan o magasin.[17] Samantala, ang pasingaw ay magiging esklusibo sa pagkatha ng
mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-iibigan.
MalayangTaludturan
Nalathala noong 1934 sa pahayagang Taliba ang tulang “dios ko!” ni Abadilla na nagtataglay ng
malayang taludturan at pulos maliliit na titik ang simula ng bawat salita ng bawat taludtod na animo’y
ginagad sa mga tula ni e.e. cummings. Nilagyan pa ng talababa ng editor ang tula, na nagsasaad ng “Ang
vers libreng ito’y hindi ito lamang. May hangad, marahil, itong magpakilala ng pinakamakabagong hilig sa
tula.”[18] Higit namang nauna ang kaniyang eksperimento ng tulang tuluyan, na tinawag niyang “kaunting
tula at kaunting tuluyan” nang ilathala ng Liwayway ang “Ang Panahon” (1932). Sa dalawang tulang ito,
nagtatangka na si Abadilla na kumawala sa mahigpit na pakahulugan ng tulang Tagalog ayon sa mga
winika nina L.K. Santos, Julian Cruz Balmaseda, at Iñigo Ed. Regalado. Ang sukdulan ng pagkalas ni
Abadilla ay ibabandila ng tulang “Ako ang Daigdig,” na naggigiit ng indibidwalidad sa kabila ng
kumbensiyong itinatakda ng tula at daigdig.
Sa aking pag-aaral ay nalaman ko rin na walang malayang taludturan: ito’y pagsusuwagan ng kahulugan.
Wala ring tulang malaya: ang kalayaan sa kulungan ay wala ng kahulugan. Paanong magiging malaya
ang taludturan samantalang ang berso ay isang disiplinang nakakulong sa matipid na pangungusap at
igkas ng damdaming narerendahan ng sukat at ritmo? Alisin mo ang sukat, ang tugma—subalit
kailanman ay dadalhin ng indayog ng ritmo ang taludturan. Ang berso ay isang disiplinang minana sa
klasisismo. Ibahin natin ang verse [sic] libresa katawagang Pilipino.[19]
Para kay Vega, ang pinagkakakilanlan ng isang mahusay na tula ay wala sa pagkasangkapan sa tugma
at sukat, o kaya’y sa paglabag sa mga tuntunin nito, bagkus sa “lirisismo.” Ang lirisismo, aniya, ay ang
esensiya o kakang-gata ng tula, walang pagkakaiba sa pagpapakahulugan ng vertisismo ni Ezra Pound.
Sumasalungat din ang kaniyang paliwanag sa sinaunang pagpapakahulugan ng panulaang Tagalog, at
sa pagtatampok sa naunang winika nina L.K. Santos, Abadilla, at I. Santos hinggil sa pananalinghaga at
nilalaman ng tula. Kulang ang paliwanag ni Vega sa lirisismo, at mahihinuhang nakasandal sa “indayog
ng ritmo.”
Kung susundin ang talakay ni Vega, ang “vers libre” ay iba kaysa sa “malayang taludturan” kung ituturing
na ang “vers libre” ay may bukod na diskurso sa “malayang taludturan” batay sa pinag-ugatang mga wika
at tumbasan ng mga salita at diwa. Halos hindi nalalayo ang kaniyang pahayag sa winika ni T.S. Eliot, na
“Walang malayang berso sa tao na ibig gumawa ng mabuting trabaho.” At sa ipinahayag ni Robert Frost
na ang pagsusulat ng malayang taludturan “ay tila paglalaro ng tenis nang walang lambat.”[20]
If “free verse” were to be admitted as verse at all, everything that had been achieved in the study of
prosody would have to be rethought. Verse itself was defined, and still is in many dictionaries, as “metrical
composition.”. . . If the definition of verse were in question, so would be the nature of poetry, with which it
was habitually confused.[21]
MgaKumbensiyon
Pagbubuo ng taludtod at saknong ang lunduan ng malayang taludturan, at heto ang ilang maituturing na
kumbensiyong lumitaw sa iba’t ibang panahon:
1. Maaaring magkaroon ng isa o mahigit pang saknong, bagaman di-regular ang sukat at tugma ng
mga taludtod sa saknong.
2. Nakasalalay ang haba o ikli ng taludtod sa disenyo, balangkas, at pamamaraan ng pagdiriin ng
ritmo at himig.
3. Maaaring magkaroon ng simetriya [at kadensiya] ang mga saknong, bagaman walang mahigpit
na sukat ang mga taludtod, at nang maipamalas ang balanseng arkitektura ng tula. Halimbawa,
kung ang unang saknong ay binubuo ng sampung taludtod, ang ikalawa at kasunod pang
saknong ay may gayon ding bilang ng mga taludtod.
4. Sa maraming tulang may malayang taludturan, hindi isinasaalang-alang ang simetriya ng mga
saknong, bagkus ang ang tinig o mga tinig ng mga tauhan.
5. Kung mala-epiko ang tula, maaaring hatiin ito sa mga yugto, at bawat yugto ay maaaring
makapagsarili o kaya’y makalikha ng isang bukod na tula sa loob ng tula. Sa mahahabang tula ni
Rio Alma, halimbawa sa Oriental, ginamit ang pamamaraan ng simponiya sa musika, kay may
simulang mabagal, pagdaka’y bibilis, lalakas, tataas, bababa, at hihina, at muling tataas na yugto
na waring akyat-baba sa bundok nang mapatindi ang kapanabikan, at masustini ang damdamin o
kaisipan.
6. Sa mga tulang tuluyan, ang saknong ay nagiging talata. At ang tula ay maaaring isang talata
lamang.
1. May pagpapahalaga sa mga tunog ng dulong salita ng bawat taludtod o pangungusap, at pagpili
ng mga salitang may maiindayog na tunog.
2. May ritmo, ayon na rin kay Vega, at ito ay ginagabayan ng mga taktika ng repetisyon ng mga
salita at diwa.
3. Sa mga tulang tuluyan, may isa o higit pang talata.
4. May partikular na paglalahad, paglalarawan, o pangangatwiran na pawang iniaayon sa persona,
tinig, at himig ng tula, at maihahalimbawa rito ang buong koleksiyon ng tulang tuluyan ni Mike L.
Bigornia, na pinamagatang Prosang Itim (1996).
5. Sinematograpiko ang punto de bista, gaya sa mga tula ni Aloysius Bertrand.
6. Ang anyo ng mga saknong ay maaaring idisenyo sa anyong ipinahihiwatig ng pamagat o
kabuuan ng tula, halimbawa, gaya ng anyo ng bulkan ni Benigno Ramos o ni Frank Peñones,
ahas ni José Corazón de Jesús, at kuhol ni Rio Alma.
Nagkakatalo ang maraming tula sa nilalaman, bagaman ang nilalaman ng tulang may malayang
taludturan ay nagagabayan pa rin ng ilang kumbensiyon, gaya sa sumusunod:
1. Ang “organikong anyo” [i.e., balangkas ng akda na likas na sumibol mula sa paksa at mga bagay
na kinasangkapan ng makata], gaya sa pakahulugan ni Samuel Taylor Coleridge, ang magiging
gabay sa retorika ng tula, kung hihiramin ang konsepto ni Hartman. Kung babalikan ang kritika sa
“Ako ang Daigdig” ni Abadilla, ang banat ni Clodualdo del Mundo sa di-pagkatula ng akda ni
Abadilla ay masasagot sa pag-urirat sa organikong anyo ng akda at ang sinadya o di-
sinasadyang paglitaw ng tani-tanikalang pahiwatig at pakahulugan mula sa serye ng pag-uugnay
ng mga salitang “ako,” “daigdig,” at “tula.”
2. May “panloob na daloy” o “damdaming matulain” kung hihiramin ang winika ni Alejandro G.
Abadilla; at “pag-uumapaw ng damdamin” kung hihiramin ang winika ni Ildefonso Santos.
3. Kaugnay ng binanggit sa itaas, may “lirisismo” ayon kay Vega, bagaman ang lirisismong ito ay
higit na nakakiling sa indayog ng tunog ng bawat salita sa taludtod na nakapagpapasidhi ng
damdaming kaugnay ng kaisipan ng tula.
4. May “talinghaga/kaisipan at kariktan” na pawang pinakakaluluwa ng tula, kung hihiramin ang
winika nina Lope K. Santos at Iñigo Ed. Regalado.
5. May sentral na diwain ang tula, at ang diwaing ito ay gumagalaw alinsunod sa pamamaraan at
himig ng personang nagsasalita sa tula.
6. Karaniwang kumbersasyonal ang himig ng nagsasalita sa tula.
7. Maaaring isang piraso ng hulagway ang linangin sa loob ng tula, at ang hulagway na ito, na
kaugnay man ng malaking lawas ng iba pang hulagway, ay nagkakaroon ng sariwang pagtanaw
kapag itinanghal sa pambihirang anggulo.
8. Ang wakas ay kabaligtaran ng mga isinaad sa mga unang talata o saknong.
Ilan lamang ang binanggit dito na maituturing na kumbensiyon sa pagsulat ng malayang taludturan.
Nakakargahan lamang ng iba’t ibang pagtanaw ang malayang taludturan, na isang kakatwang taguri,
dahil ang “pagkamalaya” ng taludturan ay nakasalalay pa rin sa kabihasaan ng makata sa pagsasakataga
ng mga bagay na matalinghaga.
Ang pangunahing bloke ng gusali para sa isang blangko tula tula ay isang dalawang-pantig yunit na
tinatawag na isang iamb.
Tulad ng ba-BUM ng isang tibok ng puso, ang mga syllable na kahalili sa pagitan ng maikli
("walang stress") at mahaba ("stressed"). Karamihan sa mga blangko na taludtod sa Ingles ay iambic
pentameter: limang iambs (sampung syllables) sa bawat linya. Ang William Wordsworth (1770-1850) ay
gumagamit ng iambic pentameter sa kanyang klasikong tula, "Ang Mga Linya ay Nagtatakda ng Ilang
Milya sa Ibabaw ng Tintern Abbey." Pansinin ang rhythm na nilikha sa pamamagitan ng pattern ng mga
stressed / hindi naka-istilong syllables sa pagpipiliang ito:
Gayunpaman, hindi isinulat ni Wordsworth ang tula sa lahat ng wika. Ang mga manunula ay
minsan ay nag-slip sa iba't ibang mga metro tulad ng spondees o dactyls upang palambutin ang matalo at
magdagdag ng isang pakiramdam ng sorpresa. Ang mga pagkakaiba-iba na ito ay maaaring gumawa ng
isang blangko tula taludtod na mahirap makilala. Upang idagdag sa hamon, ang mga pagbigkas ng salita
ay nagbabago sa mga lokal na dialekto: Hindi lahat ng mga mambabasa ay naririnig ang eksaktong
kapareha.
Upang makilala ang blangko na taludtod mula sa libreng taludtod, magsimula sa pamamagitan ng
pagbabasa ng tula nang malakas. Bilangin ang mga syllable sa bawat linya at markahan ang mga
syllable na may mas malakas na diin.
Ang Ingles ay hindi palaging tunog iambic, at ang pinakamaagang panitikan mula sa Inglatera ay
hindi gumagamit ng maayos na mga pattern ng accented syllables.
Beowulf (ca 1000) at iba pang mga gawa na nakasulat sa Old English ay umasa sa alliteration
kaysa sa meter para sa dramatic effect.
Ang ideya ng pagsusulat ng metroed taludtod na walang pormal na rima scheme ay hindi lumitaw
hanggang sa Renaissance. Si Gian Giorgio Trissino (1478-1550), si Giovanni di Bernardo Rucellai (1475-
1525), at iba pang mga Italyano na manunulat ay nagsimulang gayahin ang mga walang tula na tula mula
sa sinaunang Greece at Rome. Tinawag ng mga Italyano ang kanilang mga gawa bersyon sciolti. Ang
Pranses ay sumulat din ng walang saysay na taludtod, na tinawag nila vers blanc.
Meter ay isang mahalagang tool para sa dramatizing hindi malilimot na mga kuwento sa panahon
ng isang oras kapag ang karamihan sa mga tao ay hindi maaaring basahin. Ngunit nagkaroon ng isang
nakakapagod na sameness sa iambic matalo sa Ang Tragedie ng Gorboduc at iba pang maagang
blangko taludtod. Ang manunulat ng palabas na si Christopher Marlowe (1564-1593) ay nagpapasigla sa
form sa pamamagitan ng paggamit ng dialog, pag-enkay, at iba pang mga aparatong retorika. Ang
kanyang paglalaro Ang Tragical History ng Dr. Faustus pinagsamang kolokyal na pananalita na may liriko
na wika, mayaman na pagpupulong, alliteration, at mga sanggunian sa Classical literature. Inilathala sa
1604, ang pag-play ay naglalaman ng madalas na binanggit na mga linya ni Marlowe:
Ito ba ang mukha na naglunsad ng isang libong mga barko,At sinunog ang mga tore ng Ilium?
Sweet Helen, gawin mo akong walang kamatayan na may halik:Ang kanyang mga labi ay sucks ang
aking kaluluwa, makita kung saan ito lilipad!
Sa kanyang sikat na soliloquy mula sa Hamlet , ang ilang mga linya ay naglalaman ng labing-
isang syllables sa halip na sampu. Maraming mga linya nagtatapos sa isang mas malambot
("pambabae") walang kahulugan na pantig. Ang mga colon, mga marka ng tanong, at iba pang mga
ending ng pangungusap ay lumikha ng mga maindayal na mga pause (kilala bilang caesura ) sa pagitan
ng mga linya. Subukan na kilalanin ang mga nabigkas na syllables sa mga linyang ito mula sa soliloquy
ng Hamlet:
Upang maging, o hindi maging: ito ang tanong:Kahit na 'tis nobler sa isip na magdusaAng mga
slings at mga arrow ng mapangahas na kapalaran,O mag-armas laban sa isang dagat ng mga
problema,At sa pagsalungat sa kanila? Upang mamatay: matulog …
Ang mundo ay bago sa kanila, kung saan pipiliinAng kanilang lugar ng pahinga, at Providence
kanilang gabay:Nagtatago sila sa mga hakbang na wand'ring at mabagal,Sa pamamagitan ng Eden
kinuha ang kanilang nag-iisa paraan.
Ang bakanteng taludtod ay nahulog mula sa pabor pagkatapos mamatay si Milton, ngunit noong
huling bahagi ng 1700, isang bagong henerasyon ng mga makata ang nagsaliksik ng mga paraan upang
maisama ang natural na pagsasalita sa musicality. Ang Blangkong taludtod ay nag-aalok ng higit pang
mga posibilidad kaysa sa taludtod na may mga pormal na iskema ng tula
Ang mga tula ay maaaring magsulat ng mga stanzas sa anumang haba, ang ilan ay matagal, ang
ilang maikli. Maaaring sundin ng mga tula ang daloy ng mga ideya at hindi gumamit ng mga pahayag ng
stanza. Ang nababaluktot at madaling ibagay, blangko na taludtod ay naging pamantayan para sa mga
tula na nakasulat sa wikang Ingles.
Iba pang mga masterpieces ng blangko tula tula isama ang "Frost sa Hatinggabi" (1798) sa
pamamagitan ng Samuel Taylor Coleridge, "Hyperion" (1820) sa pamamagitan ng John Keats, at "Ang
Ikalawang Pagdating ' (1919) ni W.B. Yeats.
Ang "Home Burial" ni Robert Frost (1874-1963) ay isang salaysay na may dialog, interruptions, at
mga pagtawanan. Kahit na ang karamihan sa mga linya ay iambic, Frost shattered ang metro sa
kalagitnaan sa pamamagitan ng tula. Ang mga nakasulat na mga salita na "Huwag, huwag, huwag,
huwag" ay pantay na stressed.
May tatlong mga bato ng slate at isa sa marmol,Malawak na mga maliit na slab doon sa sikat ng
arawSa gilid. Hindi namin iniisip ang mga iyon.Ngunit naiintindihan ko: hindi ito ang mga bato,Ngunit ang
tambak ng bata- '
Siya ay lumayo mula sa ilalim ng kanyang brasoNa nagpahinga sa banister, at bumaba sa silong …
Ginamit ni Robert Graves (1895-1985) ang mga katulad na estratehiya para sa Welsh Incident.
Ang kakatwa tula ay isang dialog sa pagitan ng dalawang nagsasalita. Sa kaswal na wika at guhit na mga
linya, ang tula ay kahawig ng libreng taludtod. Gayunpaman ang mga linya ay tumatangkilik sa iambic
meter:
'Ngunit wala iyon sa kung anong mga bagay ang lumabasMula sa mga karagatan ng Criccieth sa banda.
''Ano sila? Mermaids? dragons? ghosts? ''Wala sa anumang bagay na tulad nito.''Ano nga sila, kung
gayon?''Lahat ng uri ng mga masasamang bagay …
Ang musika sa pamamagitan ng hip-hop artists ay kumukuha mula sa African folk songs, jazz, at
blues. Ang mga lyrics ay puno ng rhyme at near-rhyme. Walang mga hanay ng mga panuntunan para sa
haba ng linya o metrical pattern. Sa kaibahan, ang blangko na taludtod ay lumitaw mula sa mga
tradisyong pampanitikan sa Europa. Habang ang metro ay maaaring mag-iba, mayroong isang
pangkalahatang kaayusan sa matalo. Bukod dito, bihirang taludtod poems bihirang gamitin ang mga dula
rhymes.
Gayunpaman, ang blangko na tula at musika ng rap ay nagbabahagi ng parehong mga ritmo ng
ritmo. Ang Hip-Hop Shakespeare Group ay gumaganap ng mga bersyon ng rap ng mga pag-play ni
Shakespeare. Ang musikero ng Hip-hop na si Jay-Z ay nagdiriwang ng mga mala-tula na katangian ng
rap music sa kanyang talaarawan at koleksyon ng lyric, Decoded (tingnan sa Amazon).
Ihambing ang linya ni Wordsworth na naka-quote sa tuktok ng pahinang ito sa linya na ito mula
sa rap song ni Jay-Z, "Pagdating ng Edad":
Ang musika ng rap ay hindi isinulat lamang sa blangko na taludtod, ngunit madalas na isama ng
mga guro ang hip-hop sa kurikulum upang ilarawan ang patuloy na kaugnayan ni Shakespeare at iba
pang mga manunulat mula sa tradisyon ng blangkong taludtod.
Mga Tuntunin ng Blangkong Taludtod
Blangkong tula: Mga tula na may pare-parehong metro ngunit walang pormal na rhyme scheme.
Meter: Ang pattern ng stressed at unstressed syllables sa isang tula.
Malayang taludturan: Mga tula na walang rhyme scheme o isang pare-parehong metrical pattern.
Pagsasanay Blg. 5
Panuto: Suriin ang tula batay sa Elemento ng Tula. (5 puntos bawat elemento)
Huling Paalam
Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa
kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya
(Rizal) barilin.
Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o obra
maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif, tulad ng
Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa iba’t ibang wikain
sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at
iba pa.
Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa
Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni Rizal ay
tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay na
siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa
kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan.
______________________________________________________________________________
Sanggunian
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-poes
https://www.pressreader.com/philippines/liwayway/20210901/281689732925194
https://noypi.com.ph/tula/
https://www.tagaloglang.com/pasuhay/
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/10/mahahalagang-konsepto-sa-tula.html
https://dakilapinoy.com/2010/08/16/ang-kumbensiyon-ng-malayang-taludturan/