Ang Ating Mga Ninuno
Ang Ating Mga Ninuno
Ang Ating Mga Ninuno
Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si Adan at
sa unang babae na si Eba.
Pagkatapos ng malakas na pagbaha (Great Flood), si Noe at ang kanyang tatlong anak ay namuhay muli
sa kapatagan. Ang anak ni Noe na sina – Shem, Ham at Japhet – ay nagkaroon ng mga anak pagkatapos
ng baha.
Ang bunsong anak ni Japhet na pinangalanang Javan (Genesis 10:1-4) ang pinagmulan ng apat na apo
ni Noe na sina – Elishah, Tharsis, Kittim at Rodanim.
Ayon sa Bibliya, sa mga taong nanggaling sa arko nagmula ang mga tao na siyang kumalat at
nanirahan sa kani-kanilang teritoryo at pamayanan at nagkaroon ang mga ito ng kani-kanilang wika.
Batayang makaagham
ANG TEORYA NG EBULUSYON
Panahong Paleolithic - Mula sa mga katagang greiyego na paleos o ”matanda” at
lithos o “bato”
Homo Erectus
• Sila ang mga humalili sa Homo Habilis
• Mula sa mga katagang Latin na homo o ”tao” at Erectus o “nakatindig” o
nangangahulugang "taong nakatindig"
• Tinawag silang Homo Erectus sapagkat tuwid na ang kanilang paglalakad
• Ay isang species ng genus na Homo, tinatayang may taas na 4 ft. 9 in - 6 ft. 1
at namuhay panahaon ng mababang sabdibisyong panahon ng Lumang Bato.
Ang Teorya ng ebulusyon
Ang mga teoryang ukol sa pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas ay batay sa pananaliksik ng mga siyentipiko,
antropologo, at manalaysay.
May mga nagsasabing nasa Cagayan Valley ang tinatayang painakamatandang ebidensiya ng tao sa Pilipinas.
Ang Wave of Migration theory ay ang teoryang tungkol sa mga sinaunang tao sa Pilipinas
na pinaniniwalaan ng karamihan. Isinasaad ng teoryang binuo ni Henry Otley Beyer na
may iba’t ibang grupo o uri ng tao na nag-migrate sa Pilipinas, at sila ang mga kauna-
unahang nanirahan sa bansa.
• Ang unang pangkat na mga Indones na dumating sa Pilipinas: ay Maputi at balingkinitan ang
pangangatawan, matangkad na may karaniwang taas na mula 5 talampakan at apat na pulgada
hangang 6 talampakan at dalawang pulgada. Manipis at may katulisan na mukha, malapad ang
noo, malalim ang mga mata, matangos ang ilong at manipis na labi .
• Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at pagkakaingin. Binubungkal nila ang
lupa at nagtanim sila ng tugi at milet.
• Niluluto nila ang kanilang pagkain at ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon.
• Ang kanilang mga bahay ay yarisa kahoy at may bubong na yari sa damo o talahib at ito ay pabilog.
• Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o kaya’y nakahukay sa lupa na may isang metro ang lalim.
Ang iba naman ay nasa tuktok ng punong-kahoy ang bahay.
• Ang isa pang pangkat na mga Indones na dumagsa sa Pilipnas: ay maiitim, malapad ang mukha,
makapal ang labi, Malaki ang panga, Malaki ang ilong, bilugan ang mga mata, matipuno at malaki
ang mga pangangatawan.
• Sila ay galling tangway ng Indochina at nanirahan sa mga baybayin ng Luzon.
• Higit na mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa mga naunang dumating sa Pilipinas.
Malay
• Pinaniniwalaan ng ilan mga mananaliksik na ang pangkat ng mga malay na dumating sa Pilipinas ay
nagtungo dito sakay ng mga bangkang inuka sa puno ng kahoy na tinatawag nilang balangay.
• Ang kanilang kalinangan ay nabibilang sa Panahong Bakal at Porselana (Iron and Porcelain Age) may
2000 taon nang nakalilipas.
• Ang mga Malay na nakarating dito ay pinaniniwalaang nagmula sa bansang ngayo’y kilalang
Indonesia.
• Nagdaan sila sa Palawan, Mindoro, Visayas at Mindanao.
• Ang malay: ay kayumanggi ang balat, katamtaman ang taas at balinkinitan ang kanilang
pangangatawan. Pango ang kanilang ilong at tuwid at maitim ang buhok.
• Sila ang may pinaka maunlad na pamumuhay at kalinangan sa lahat ng mga sinaunang taong
nakarating sa Pilipinas
• Mataas ang antas ng kanilang kaalaman. Barangay ang tawag nila sa isang samahan sa kanilang
pangkat.
• May sining, agham at panitikan.
• May mga Batas silang sinusunod at may pamahalaan.
• May paniniwala sa Diyos.
• Marunong silang maghabi, maglusaw ng metal, gumawa ng gamit pandigma, mga palamuting may
sarisaring disenyo.
• Gumagamit sila ng alahas.
• Marunong din silang magmina, mangisda, magsaka, at magalaga ng hayop.
• Sindundan pa ng isang pangkat, ito ay mga Muslim Malay. Ang kanilang mga inapo ay matatagpuang
namumuhay ngayon sa Mindanao at Sulu.
Ang iba pang pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong nanggaling sa Gitnang Asia, may kulang-kulang sa tatlong
libong taon na ang nakalilipas. Yari sa tanso at kobre ang kanilang mga kagamitan at pinaniniwalaang marunong din silang gumamit
ng patubig sa kanilang pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, gabi, ubi at iba’t ibang uri ng halamang makakain.
Tinatayang sila ang kauna-unahang gumawa ng hagdan-hagdang taniman ng palay sa Banawe, ang tinaguriang Banawe Rice
Terraces.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa
mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad.
Austonesiyano
Teoryang Austonesiyano migration
Ang mga Awstronesyo ay isang pangkat ng mga tao sa Madagaskar, Oseaniya at Timog-Silangang Asya na nagsasalita o may mga ninunong
nagsasalita ng isa sa mga wikang Awstronesyo.
-Nagmula ang pamumuhay na sedentaryo, pandaragat at paggawa ng iba’t-ibang sasakyang pandagat at pagtatanim ng palay, ube, gabi at sagging
Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula sa Lating Auster (hangin mula sa timog), at ng Griyegong Nêsos (pulo).
Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing.
Ang salita para sa ”mata” sa mga wikang Awstronesyo ay mata rin (karamihan sa mga wikang Awstronesyo sa bandang hilaga, mga wikang Pormosyano katulad
ng Bunun at Amis at papunta na sa katimugan na Maori).