EsP1 - MYA - Answer Key

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

TALAAN NG ISPESIPIKASYON SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1


(Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon)
Bila Level of Behavior, Item
Bilan ng Porsy Format,
g ng ng ento
Number, & Placement of
Araw mg ng
Kasanayang Pampagkatuto Items and Dimension of
sa a mga
Pagtu Knowledge
ayt ayte
turo em ms
R U AP AN E C
s
1. Nakikilala ang sariling:
1.1. gusto
1.2. interes
1.3. potensyal
8 2 10% 1 2
1.4. kahinaan
1.5. damdamin / emosyon

(EsP1PKP- Ia-b – 1)
2. Naisasakilos ang sariling
kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan
2.1 pag-awit
2.2 pagsayaw 8 2 10% 3 4
2.3 pakikipagtalastasan at iba
pa

(EsP1PKP- Ib-c – 2)
3. Nakapaglalarawan ng iba’t
ibang gawain na maaaring
8 2 10% 5 6
makasama o makabuti sa
kalusugan
3.1 nakikilala ang iba’t ibang
gawain/paraan na maaaring
makasama o makabuti sa
kalusugan
3.2 nasasabi na nakatutulong
sa
paglinang ng sariling
kakayahan
ang wastong pangangalaga sa
sarili

(EsP1PKP- Ie – 4)
4. Nakakikila ng mga gawaing
nagpapakita ng
pagkakabuklod ng pamilya
tulad ng
4.1. pagsasama-sama sa
pagkain
4.2. pagdarasal 8 3 10% 9 7 8
4.3. pamamasyal
4.4. pagkukuwentuhan ng
masasayang pangyayari

(EsP1PKP- Ig – 6)
5.Nakatutukoy ng mga kilos
at gawain na nagpapakita ng
pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga
kasapi ng pamilya
Hal. 10,
8 3 10% 12
1. pag-aalala sa mga 11
kasambahay
2. pag-aalaga sa
nakababatang kapatid at
kapamilyang maysakit
(EsP1PKP- Ii– 8)

1. Nakapagpapakita ng
pagmamahal at paggalang sa
mga magulang 12.5 1
10 3 15 13
% 4

(EsP1P- IIa-b – 1)
2. Nakapagpapakita ng
pagmamahal sa pamilya at
kapwa sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa oras 6.25
5 2 16 17
ng pangangailangan %

(EsP1P- IIc-d – 3)
3. Nakapagpapakita ng
paggalang sa pamilya at sa
kapwa sa pamamagitan ng: a.
pagmamano/paghalik sa 3
nakatatanda b. bilang pagbati
c. pakikinig habang may
12.5 18,
nagsasalita d. pagsagot ng 10 20
% 19
“po" at “opo” e. paggamit ng
salitang “pakiusap” at
“salamat”

(EsP1P- IIe-f– 4)
4. Nakapagsasabi ng totoo sa
magulang/ nakatatanda at iba
pang kasapi ng maganak sa 21,
lahat ng pagkakataon upang
22,
maging maayos ang samahan
18.75
10.1.kung saan papunta/ 15 23,
5 %
nanggaling 10.2.kung kumuha
24,
ng hindi kanya 10.3. mga
pangyayari sa paaralan na 25
nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan
9.4. kung gumamit ng
computer sa paglalaro imbis
na sa pag-aaral

(EsP1P- IIg-i– 5)
100
Kabuuan 80 25
%
Pagmamarka 1 puntos sa bawat bilang

Test Format: Multiple Choice


Gabay:
Cognitive Behaviors: Remembering (R), Understanding (U), Applying (AP),
Analyzing (An), Evaluating (E), and Creating (C)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon sa


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 1

Pangalan: ______________________ Iskor: _________


Baitang at pangkat:____________ Petsa: _________

Panuto. Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang


letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Magaling sa pagguhit si Marko. Lagi siyang nag-


eensayo. Ano ang magandang dulot nito sa
kaniya?
A. lalo siyang gagaling sa pagguhit
B. mawawala ang kaniyang galing sa pagguhit
C. itatago niya ang kaniyang galing sa pagguhit
D. magyayabang siya dahil magaling siyang
gumuhit

_____2. May kakayahan ka sa pagpinta. Ano ang dapat


mong gagawin sa iyong kakayahan?
A. Itatago ko ang aking kakayahan sa mga tao.
B. Ipagdadamot ko ang aking kakayahan sa iba.
C. Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa pagpinta
D. Ikahihiya ko ang aking kakayahan sa pagpinta.
_____3. Alin sa sumusunod na larawan ng bata ang
nagpapakita ng talento o kakayahan sa pag-awit?

A. B. C. D.

_____4. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang


HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa talento.
A. Laging nag-eensayo si Tina sa pagsasayaw.
B. Ipinapakita ni Miko ang kaniyang talento sa
pag-awit.
C. Ipinagmamalaki ni Mira ang kaniyang talento
sa pag-arte.
D. Ikinahihiya ni James ang kaniyang talento sa
pagpipinta.

_____5. Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita


ng pangangalaga sa sarili, MALIBAN sa isa. Alin
ito?

A. B. C. D.

_____6. Gusto mong maligo sa ulan. Pero hindi pumayag


ang iyong nanay upang makaiwas ka sa sakit.
Ano ang dapat mong gawin?
A. magagalit ako kay nanay
B. susundin ko ang sinabi ni nanay
C. iiyak ako para pumayag si nanay
D. magbibingi-bingihan ako sa sinabi ni nanay

_____7. Sinabihan ka ng iyong lola na kumain habang


ikaw ay naglalaro ng paborito mong online game.
Ano ang dapat mong gawin?
A. ipagpapatuloy ang aking paglalaro
B. ititigil ko ang paglalaro at kakain na
C. maiinis sa lola ko dahil nabitin ako sa
paglalaro
D. sisigawan ko ang aking lola dahil ayaw ko pang
kumain

_____8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng


pagmamalasakit sa nakababatang kapatid?
A. paluin kapag umiiyak
B. makipaglaro para malibang ang kapatid
C. hindi pagpansin kahit nagugutom na ang
kapatid
D. pagpapabaya sa kapatid kahit lumabas ito ng
bahay

_____9. Natutulog ang iyong lolo, biglang nagsigawan


ang mga kalaro mo sa labas ng bahay. Ano ang
dapat mong gawin?
A. hindi ko sila papansinin
B. sisigawan ko din sila nang malakas
C. sasabihan ko sila na huwag mag-ingay
D. lalabas at makikipaglaro ako sa kanila
_____10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa magulang?
A. tutulong sa mga gawaing bahay
B. magdadabog kung hindi nabibili ang aking
laruang gusto
C. aawayin at hindi kakausapin ang aking
magulang
D. sisigawan ang aking magulang sa tuwing
napapagalitan

_____11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng


pagmamalasakit sa pamilya?
A. pag-aayos ng mga laruan
B. pagkakalat sa loob ng bahay
C. pagtulong sa mga gawaing bahay
D. pag-aalaga sa nakababatang kapatid

_____12. Nakita ni Angelica na pagod na pagod ang


kaniyang nanay sa paglalaba habang siya ay
naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?
A. pababayaan niya ang kaniyang nanay
B. magpatuloy siya sa kaniyang paglalaro
C. balewalain na lang ang kaniyang nanay
D. tutulungan niya sa paglalaba ang kaniyang
nanay

_____13. Pagdating ng iyong Tatay galing sa trabaho ay


nakita mong tila pagod at gutom na siya. Ano
ang dapat mong gawin para ipakita ang
pagmamahal mo sa kaniya?
A. Magpapatuloy ako sa paglalaro.
B. Lalabas ako para hindi niya ako mautusan.
C. Bibigyan ko ng tsinelas at malamig na
tubig ang Tatay.
D. Uutusan ko ang aking ate na ipaghanda ang
Tatay ng makakain.

_____14. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI


nagpapakita ng paggalang sa mga magulang?
A. laging nagpapaalam
B. nakikinig sa pangaral
C. humahalik at yumayakap
D. sumasagot nang pabalang

_____15. Ang iyong magulang ay walang sawang


nag-aalaga at nagbibigay ng mga
pangangailangan mo. Ano ang dapat mong
gawin para mapasaya sila?
A. mahalin at igalang sila
B. magsinungaling sa kanila
C. magdabog kapag inuutusan ka
D. humingi palagi ng pera sa kanila

_____16. Sino sa mga batang ito ang mapagmalasakit sa


pamilya at sa kapuwa?
A. Laging tinutukso ni Luis ang pilay niyang
kaklase.
B. Binato ni Aljon ang salaming bintana ng
kapitbahay.
C. Si Maria ay maaasahan ng nanay sa mga
gawaing bahay.
D. Ipinabayad ni Mario sa nanay ng kalaro ang
nabasag nitong pinggan kahit hindi
sinasadya.
_____17. Habang naglalaba ang nanay ay umiiyak
naman ang bunsong kapatid ni Emma. Ano
ang dapat niyang gawin?
A. patahanin ang bunsong kapatid
B. tumakbo sa malayo para hindi makita ng
nanay
C. tulungan ang nanay para mapabilis ang
paglalaba
D. ipagpatuloy ang anumang ginagawa at
hayaan ang bunsong kapatid

_____18. Dumating ang iyong lolo at lola. Masaya silang


makita ka ngunit nahihiya ka sa kanila. Ano ang
dapat mong gawin?
A. matutulog ako
B. hindi ako lalabas ng kuwarto
C. sasabihin ko kay nanay na marami akong
tinatapos na gawain sa paaralan
D. lalabas ako, magmamano sa lolo at lola ko
at makikipagkuwentuhan sa kanila

_____19. Binigyan ka ng iyong magulang ng regalo sa iyong


kaarawan. Ano ang dapat mong gawin para
maipakita ang iyong pasasalamat?
A. wala akong gagawin o sasabihin sa kanila
B. tatapon ang regalo na bigay nila
C. yayakapin ko sila nang mahigpit at sasabihin
kong “salamat po”
D. matutulog na lamang ako nang maaga

_____20. Ano ang dapat gawin sa tuwing nagsasalita ang


nakatatanda?
A. matulog
B. maglaro
C. makinig
D. mag-ingay

_____21. Nakita ni Liza ang dalawa niyang kaklase na


nagtatalo at nagsisigawan. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. kakampihan ang isa sa kanila
B. sigawan sila at pahintuin sa pagtatalo
C. pabayaan lang niya at huwag makialam
D. lapitan sila, payapain at pakinggan ang
panig ng bawat isa

_____22. Pagkatapos ng klase ay nagkaayaan ang


magkaibigang Susie at Rain sa palaruan.
Madilim-dilim na nang makauwi sila. Paano
nila haharapin ang kanilang magulang?
A. magtatampo
B. magsisinungaling
C. magsasabi ng totoo
D. magbibingi-bingihan
_____23. Bumili ka ng kendi sa tindahan. Nang
makauwi ka, nakita mo na sobra ang ibinigay
na sukli sa iyo ng tindera. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Ibibili ko ng kendi para sa kaibigan ko.
B. Ibabalik ko sa tindera ang sobrang sukli.
C. Ilalagay ko sa alkansya ang sobrang sukli.
D. Itatago ko ang sobrang sukli para may
pambili pa ako ng kendi.

_____24. Habang kayo ay nagsusulit, tinawag ang


iyong guro sa opisina ng punong-guro. Ano ang
dapat mong gawin?
A. mangongopya ako ng sagot sa kaklase
B. magtatanong ako sa kaklase ng sagot
C. ipagpapatuloy ko ang pagsagot sa
pagsusulit kahit nahihirapan ako
D. bubuksan ko ang aking kuwaderno at
titingin ng sagot

_____25. Maysakit ang iyong ama ngunit wala kayong


pambili ng gamot. Habang naglalakad ka, may
nakita kang pitaka na may lamang pera. Ano ang
dapat mong gawin?
A. hahayaan lang ang pitaka na nakita
B. ipambibili ng gamot ang laman ng pitaka
C. hihiramin muna ang pera sa pitaka at
ibabalik mo rin
D. ibibigay sa mga tamang awtoridad gaya ng
pulis ang pitaka
1. A 16. C
2. C 17. A
3. D 18. D
4. D 19. C
5. B 20. C
6. B 21. D
7. B 22. C
8. B 23. B
9. C 24. C
10. A 25. D
11. B
12. D
13. C
14. D
15. A
Susi sa Pagwawasto

You might also like