Edukasyon Sa Pagpapakatao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 10: Pangangalaga sa Sariling Kalusugan, Kaya ko
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Milaruth S. Ludovice
Editors: Marieta M. Limbo EdD, Rebecca B. Alan, Mariciel B. Juson
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD
• Nilalaman: Joan M. Balat, Sylvia G. Custodio
• Wika: Carina S. Javier, Ana Mae F. Santos
Tagasuri (Teknikal): Virgilio W. Velasco, Eufremia B. Volante
Tagaguhit: Nicole Castro, Edison P. Clet, Eufremia B. Volante
Tagalapat: Eufremia B. Volante

Tagapamahala:

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Liza A. Alvarez, EPS - Science


OIC-Schools Division Superintendent Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics
Carolina T. Rivera, CESE Joselito E. Calios, EPS – English
Assistant Schools Division Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino
Superintendent Bernard R. Balitao, EPS – Araling Panlipunan
Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH
Manuel A. Laguerta, EdD
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Chief, Curriculum Implementation
Librada L. Agon, EdD, EPS EPP
Division
Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-
Victor M. Javeña, EdD MLE
Chief, School Governance and Operations Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Division Education Program
Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Tel: (02) 8641-88-85, (02) 8628-28-19
E-mail Address: [email protected]
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Unang Markahan
Modyul 10 Para sa Sariling Pagkatuto
Pangangalaga sa Sariling
Kalusugan, Kaya ko
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng Module


10 ukol sa Pangangalaga sa Sariling Kalusugan, Kaya ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinesenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamahala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 C’s
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Modyul 10 ukol sa


araling Pangangalaga sa Sariling Kalusugan, Kaya ko
.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman ukol sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Talalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay


nakapagsasabuhay ng pangangalaga sa sarili.

PAUNANG PAGSUBOK

Tingnan ang mga larawan.


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga gawaing nakabubuti
sa ating katawan at ekis (X) ang hindi.

1 2

3 4

1
BALIK-ARAL

Iyong natutuhan ang wastong pangangalaga sa


kalusugan. Upang lagi mong matandaan, isulat sa loob
ng kahon ang mga paraan ng pangangalaga.

1 2

3 4

2
1. ___________________________

2. ___________________________

3. ___________________________

4. ___________________________

5. ___________________________

3
ARALIN

Ang wastong pangangalaga sa sarili ay dapat


isabuhay. Magmula paggising sa umaga hanggang sa
pagtulog sa gabi, laging gawin ang mga paraan ng
pangangalaga sa sarili.
Panatilihing malusog ang katawan at pag-iisip.
Tingnan sa tsart kung paano ito magagawa.

Kalusugan ng -pagkain ng masustansyang


katawan pagkain sa tamang oras

-pagpapaaraw sa tamang oras


-pag eehersisyo

-pagligo araw-araw

Kalusugan ng Pag- -pag-iisip ng masasaya at


isip kaaya-ayang bagay

-pakikipag-usap sa mga
kaibigan

-pagre-relax kasama ng mga


mahal sa buhay

-paglalaro

4
Pumili ng isang paraan ng kalusugan ng katawan at pag-
iisip at magbigay ng halimbawa ng gusto mong gawin.
A. Upang mapanatili ang kalusugan ng iyong katawan,
isulat kung ano ang gagawin mo sa sumusunod na
lugar.

1. ______________________

2. ______________________

3. ______________________

5
4. ______________________

5. ______________________

B. Upang mapanatili ang kalusugan ng iyong pag-iisip.


Isulat kung ano ang gagawin mo sa sumusunod.

1.

6
2.

3.

4.

5.

7
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Tingnan ninyo ang larawan ng batang maysakit.
Ano ang masasabi sa batang ito?
Kung maysakit ang isang bata, magagawa kaya
niya nang maayos ang mga bagay na gusto
niyang gawin? Bakit?
Paano nakakaragdag sa sakit ng bata ang
pagiging marumi?

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung


tama ang gawain at malungkot na mukha ( )
naman kung mali.

_____ 1. Maligo araw-araw.

8
_____ 2. Kumain madalas ng mga junk food o
sitsirya.

_____ 3. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos


kumain.

_____ 4. Mag-ehersisyo araw-araw.

_____ 5. Maglaro sa maruming lugar.

Pagsasanay 2:

Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang isinasaad


ng pangungusap sa bawat bilang. Sa mga pangungusap
na mali ang isinasaad, sabihin kung paano ito
maitatama.

_________1. Nakagawian na ni Danica ang


magbasa ng libro bago matulog.

_________2. Tinatawagan ni Stephanie ang mga


pinsan upang makipagkuwentuhan.

_________3. Sina Lambert at Joshua ay mahilig


maglaro sa labas ng bahay na hindi
nakasuot ng face mask.

_________4. Si Boyet ay naglalaro ng video games


minsan sa isang linggo.

9
_________5. Pag-inom ng 6 hanggang 8 basong
tubig araw-araw.

Pagsasanay 3:
Sa tulong ng iyong mga magulang, gumawa ng
listahan ng mga paraan upang maipakita ang
kakayahang maging maingat sa sarili, upang maging
malakas, malusog at hindi sakitin sa loob ng bahay.

1.

2.

3.

4.

5.

PAGLALAHAT

Ang pag-aalaga sa katawan at pag-iisip ay dapat


isabuhay at gawing mabuting ugali. Sa ganitong paraan
ka mananatiling malusog sa katawan at pag-iisip.

10
PAGPAPAHALAGA

Panatilihing malinis ang ating katawan dahil ang


batang malinis ay laging aktibo at masayahin.
Kinagigiliwan din ang batang malinis. Habang bata pa,
ugaliin ang wastong pangangalaga sa sarili.

Paano mo ilalarawan ang mag-anak na ito? Lagyan ng


tsek (√) ang iyong sagot.

_____1. malusog _____4. malungkot


_____2. malinis _____5. may takot
_____3. masaya

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang pangungusap. Ilagay sa angkop na


kahon ang mga ito.
1. Pagligo araw araw
2. Pagsipilyo ng ngipin pagkatapo kumain
3. Paggawa ng palamuti
4. Pagbabasa ng libro
5. Pakikipagkuwentuhan sa pamilya
6. Pagsuot ng face mask at face shield sa labas ng
bahay
7. Pagre-relax sa bahay
8. Pagsunod sa social distancing
9. Pakikipaglaro sa mga bata
10. Pakikipag-chat sa cellphone na may gabay ng
nakakatanda

Pangngalaga sa Pangangalaga sa
Katawan Pag-iisip

12
13
Pgsasanay2:
1. Tama Paunang Pagsubok:
2. Tama 1. X
3. Mali – Laging 2. √
magsuot ng face 3. √
mask upang maging 4. √
ligtas palagi 5. X
4. Tama
5. Tama
Balik-aral
Pagsasanay 3: 1. Pagtulog ng maaga,
Ang tamang kasagutan 2. Pag inom ng bitamina
ay nakabase sa 3. Pagligo araw-araw,
kasagutan ng mag- 4. Pagsuot ng malinis na
aaral. damit
5. Pag-eehersisyo palagi
Pagpapahalaga
1. √ Pagsasanay l:
2. √ Ang tamang kasagutan
3. ay nakabase sa
4. √ kasagutan ng mag-
5. √ aaral.
1. 😊
2. ☹
3. 😊
Panapos na Pagsusulit:
Pangangalaga sa 4. 😊
Katawan 5. ☹
- 1, 2, 6, 8
Pangangalaga sa Pag-
iisip
- 3, 4, 5, 7, 9, 10
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Pampamahalaang Publikasyon
Edukasyon sa Pagpapakatao- Unang Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral Sa Tagalog, 2017, Department of Education-Bureau
of Learning Resources

14

You might also like