Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Konseptong Papel.
Punan ang mga blangkong
kahon sa ibaba ayon sa hinihinging bahagi nito.
1.
Paksa Pagkakaroon ng depression sa mga kabataan
Rasyonale Sa gitna ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na dulot ng COVID-19, tumaas ang bilang ng mga nakakaranas ng depression partikular sa mga kabataan. Kaya ang tanong ng karamihan, ano nga ba ang depression at ano ang karaniwang sanhi nito? Layunin Alamin ang karaniwang sanhi ng depression sa mga kabataan Metodolohiya Ang pag-aaral ay gagamit ng questionnaire upang alamin kung ano ang karaniwang sanhi ng depression sa mga kabataan. Inaasahang Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na tutugon sa kadalasang sanhi ng resulta depression sa mga kabataan ng bagong milenyo.
2.
Paksa New Normal Education
Rasyonale Bunga ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na dulot ng COVID-19, malaki ang naging pagbabago sa pamumuhay ng mga tao, ekonomiya ng bansa at kahit na ang edukasyon ng mga kabataan. Kaya ang tanong sa karamihan ng mga kabataan at mga magulang, ano ba ang tinatawag na “New Normal Education”? Layunin Alamin kung ano ang tinatawag na “New Normal Education” Metodolohiya Ang pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik ay interview Inaasahang Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na tutugon kung ano ang “New Normal resulta Education”
3.
Paksa Ugnayan ng Mababang Marka ng Mag-aaral at Mga Larong Online
Rasyonale Sa paglipas ng panahon kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng mga kabataan ay nag-iiba rin. Maraming kabataan ang nagsasabing nababagot na sila sa kanilang pag-aaral kaya naman ang paglalaro online ang naging libangan nila. Ngunit ano nga ba ang epekto ng mga larong online? May kinalaman ba ang larong online sa pagbaba ng marka ng mga mag-aaral? Layunin Alamin kung paano nakakaapekto ang larong online sa marka ng mga mag-aaral Metodolohiya Magtatanong sa mga naglalaro online tungkol sa kalagayan ng kanilang mga marka. Inaasahang Makabubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa epekto ng larong online sa resulta marka ng mga mag-aaral
4.
Paksa Impluwensiya ng Korean Boy Band sa Musika ng mga Kabataang Pinoy
Rasyonale Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang pagkanta. Maliban sa mga awiting Pilipino, tinatangkilik din nila ang mga awitin na nagmula sa iba’t ibang bansa tulad ng K-pop (Korean Pop Music). Ang K-pop ay mga awiting nagmula sa bansang Korea partikular sa bahaging Timog ng Korea. Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay pauli-ulit na pinapanuod o pinapatugtog ang mga music videos ng kanilang mga iniidolo. Ilan sa Korean Boy Band na tinatangkilik at hinahangaan ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga kabataan ay ang EXO, SHINee, SEVENTEEN, NCT, BIGBANG, GOT7 at Stray Kids. Ngunit ang tanong ng karamihan, gaano nga ba kalawak ang impluwensiya ng Korean Boy Band sa musika ng mga kabataang pinoy? Layunin Malalaman ang lawak ng impluwensiya ng Korean Boy Band sa mga kinahiligang musika ng mga kabataang pinoy. Metodolohiya Ang pag-aaral ay gagamit ng survey upang alamin ang lawak ng impluwensiya ng Korean Boy Band sa musika ng mga kabataang pinoy. Inaasahang Makabubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa impluwensiya ng Korean Boy resulta Band sa musika ng mga kabataang pinoy