FIL11 Q3 M16-Pagbasa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Filipino 11

1
Filipino – Ikalabing-isa na Baitang
Unang Markahan – Modyul 16: Kahulugan ng Reaksyong Papel

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Micaela S. Villas
Editor: Gleicerie Villanueva
Tagasuri: Vida Bianca M. Laus
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 11
Ikatlong Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Kahulugan ng Reaksyong Papel
Manunulat: Micaela S. Villas
Editor: Gleicerie Villanueva / Tagasuri: Vida Bianca M. Laus

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 ng Modyul 16 para sa araling Kahulugan
ng Reaksyong Papel

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik 11 Modyul 16 ukol sa Kahulugan ng Reaksyong Papel

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos ang modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Nalalaman ang kahulugan, bahagi at katangian ng reaksyong


papel.
2. Naipapahayag ang sariling opinyon ayon sa paksang babasahin.
3. Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa katangian at bahagi
nito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panimulang Pagtataya
Panahon na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong
kaalaman at pag-unawa sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo
sa sumusunod na mga tanong.

Pagkatapos masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo


ang iyong iskor. Pagkatapos masagutan at maiwasto ang mga ito, isaalang-
alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito
habang pinag- aaralan ang modyul.

Panuto: Bilugan at piliin lamang ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa


bawat bilang.

1. Ito ang nagsisilbing pambungad na pahayag ng reaksyong papel


a. Introduksiyon
b. Katawan
c. Konklusyon
d. Wakas
2. Ito ay nagsasalarawan sa buod ng argyumentong inilahad sa isinulat
a. Introduksiyon
b. Katawan
c. Konklusyon
d. Wakas

6
3. Bahagi ng reaksyong papel na nagsisilbing kaluluwa ng papel
a. Introduksiyon
b. Katawan
c. Konklusyon
d. Wakas
4. Piliin ang HINDI kabilang sa katangian ng isang reaksyong papel
a. Ang mga suportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
b. Ang bawat talata ay maaaring hindi magkakaugnay.
c. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang paksa.
d. Ang bawat detalye ay dapat tuloy-tuloy at magkakasunod.
5. Nilalayon ng _________________ na maibahagi ng manunulat ang
kanyang saloobin sa masusing pag-oobserba
a. Reaksyong Papel
b. Pananaliksik
c. Pagpapahayag
d. Interbyu

BALIK-ARAL

HANAP-SALITA
Sa bahaging ito ay nais ko na bago mo umpisahan ang iyong aralin ay
subukin muna natin kung mayroon kang natatandaan at natutunan sa
ating nakaraang tinalakay na aralin.

Panuto: Hanapin ang mga salitang inilalarawan ng bawat bilang, bilugan at


hanapin ito sa loob ng puzzle na makikita sa ibaba.
1. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigyang linaw
ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na
maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
2. Isang uri ng pagsasalaysay ng mga pangyayarin naganap sa buhay ng
isang tao mula simula hanggang kamatayan.
3. Pagpapahayag gamit ang pagbibigay pang-uri at katangian ng tao,
bagay, lugar at iba pa.
4. Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga
paniniwala at ang lahat ng kanyang mga nalalaman.
5. Ito ay tumutukoy sa sulatin na naglalaman ng reaksyon patungkol sa
isang paksa.

7
K O G N S L A Y U N I N E P P
T O A R M J D M C K T I K T A
O K Y A L L M I L L E N I A K
L S A B A Y M A P X J A N T S
J A H N I L O V A E Y O U A A
R E A K S Y O N G P A P E L Y
A R P R I A N N L A G R A A N
D E A P A R A M A O R E B M C
F G P J L Q W E L R Y U I B O
P A G S D F G H A J K L Z U X
C V A B N M Q W R E R T Y H U
I O P A G L A L A H A D N A G
H A K B A N G L W A N G N Y B
O N G G A P I L A S P A P E L
K O N S E P T O N H G J U I L

ARALIN
Isang masayang pagbati. Sisimulan mo ang modyul na ito sa pag-
alam ng kahulugan, katangian at mga bahagi ng reaksyong papel.
Mahalagang isaalang-alang sa bahaging ito ng modyul ang mga sumusunod
na tanong bilang paghahanda sa iyong sarili sa mga kasunod na gawain:
Ano ang alam mo tungkol sa reaksyong papel? Ano-ano ang nilalaman at
bahagi ng reaksyong papel? at kung ano ang mga katangian ng isang
mahusay na reaksyong papel?

KAALAMAN

REAKSYONG PAPEL: MASUSING PAGSUSURI

Kahulugan ng Reaksyong Papel

 Ang reaksyong papel o panunuring papel ay tumutukoy sa


paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng panghuhusga o
assessment sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay,
pook at mga pangyayari. Sumasaklaw rin ito sa matalinong pagtataya

8
9
sa kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan at kagandahan ng
obra maestra. Isang halimbawa ay ang pagbibigay ng reaksyon ng
mga tao sa pangyayaring pampolitikal, pang-ekonomikal o
pansosyal.Maaari rin na ipahayag ang reaksyon o puna sa panonood
ng pelikula, dula, konsyerto o ipinintang disenyo o larawan.
 Laman ng akademikong sulating ito ang reaksyon sa isang
napapanahong isyu. Ang reaksyon ay nagmula sa pinaniniwalaang
panig ng manunulat. Masasabi na tinimbang-timbang ang mga
maaaring maging bunga ng isyung iikutan ng reaksyong papel.
 Napapalawak ang lalamaning reaksyon dahil sa dating kaalaman o
iskema ng manunulat. Ang dating kaalaman ay bunga ng kabatirang
ibinigay ng mga iba pang babasahin, napanood, napakinggan at higit
sa lahat mga nararanasan. Madaling maisagawa ang pagbuo ng
reaksyong papel sapagkat nakasandig ito sa opinyon ng indibidwal.
 Madaling maipahayag ang opinyon lalo na kung ito ay interes ng
manunulat. Kaya naman ang reaksyong papel ay umiikot sa
paninindigan o pananaw ng manunulat. Mas maigi itong maituturing
sa ibang akademikong sulatin. Subalit, hindi matatawaran ang bisa
nito bilang akademikong sulatin sapagkat mababakas dito ang
kaalaman, kasanayan, at paninindigan sa usapin ng pagsulat ng
may-akda.

Ano ang mga Bahagi ng isang Reaksyong Papel?

Ang Introduksiyon ay ang pambungad na pahayag ng reaksyong


papel. Kailangang bigyan-pansin ang bahaging ito upang makapukaw ng
interes sa mambabasa, makakatulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw
ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap. Ang
pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap ang magpapalakas din
ng mga argumento at batayan o datos ngunit tiyakin lamang na maikli at
diretso ang mga pahayag.

Ang Katawan ang bahagi na magsisilbing kaluluwa ng reaksyong


papel. Samakatuwid, kailangang isulat ang iyong saloobin na may sapat at
angkop na paliwanag at batayan ng pinagmulan o “sources” upang
magsilbing matibay na suporta sa iyong gustong patunayan. Ang bahaging
ito ay mahalaga at dapat maglaman ng mga detalyadong pangyayari at
impormasyon base sa iyong masusing pagsusuri.

Ang Konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng


impormasyon tungkol sa mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong
papel.Ang isang konklusyon sa reaksyong papel ay maihahambing din sa
konklusyon sa pananaliksik. Ito ay nagsasalarawan sa buod ng mga
argumentong inilahad sa isinulat. Ang isang konklusyon ay ginagawa upang

9
10
mas mapaintindi sa bumabasa ang mga puntos na nasabi na. Dapat
matandaan ng mambabasa ang isinulat, kaya mahalaga ang unang mga
talata at ang mga huling talata nito, kung saan nakapaloob ang
konklusyon. Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin sa konklusyon.

Ang isang layunin ng konklusyon ay pagtibayin ang mga dahilan kung


bakit mo isinulat ang iyong papel. Dahil dito, hindi na dapat maglagay pa ng
bagong impormasyon o bagong argumento sa iyong konklusyon. Ang mga
importanteng datos ay nakapaloob na sa katawan ng iyong papel.

Sa pangkalahatang pagkakaugnay ng introduksiyon, katawan at


konklusyon, dapat matiyak sa pagsulat ng mapanuring reaksyong papel ang
kaisahan, kabuuan at kaugnayan ng mga ideya. Magkakaugnay ang mga
pangungusap na binubuo ng angkop at wastong mga salita at kataga upang
makompleto ang kahulugan sa loob ng talata. Magkakaugnay rin ang mga
talata upang tungo sa kaisahan ng mga ideya mula sa simula
(introduksiyon) hanggang sa wakas (konklusyon). Sa ganitong paraan, hindi
lamang ang reaksyong papel ang mabibigyang-kaalaman, kasanayan at
kapangyarihan na magamit ang datos sa angkop at tamang pamamaraan,
tamang katuwiran sa paggagamitan nito, at tama at angkop na nagbibigay
pagpapahalaga sa kapwa.

Katangian ng isang Reaksyong Papel

Ang reaksyong papel ay nararapat na maging pormal at organisado ang


ideya upang maayos na maunawaan ng bumabasa ang mga ideyang nais
patunayan ayon na rin sa mga ebidensyang mapagkakatiwalaan na inilahad
sa katawang bahagi ng ginawang papel. Mahalaga ang tuloy-tuloy,
organisado, maayos at makinis na daloy ng ideya kung saan:

 Ang unang pangungusap na talata ay kaugnay ng naunang


talata
 Ang mga suportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
 Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang paksa.

10
11
MGA PAGSASANAY

Upang higit pang mahasa ang iyong sarili sa aralin na ito ay kailangan
nating subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay Blg. 1
Paghahanay
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy na tamang sagot sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
____1. Ang reaksyong papel ay kilala
din sa tawag na _______________.
A. Reaksyong Papel
____2. Laman ng akademikong sulatin
na ito ang reaksyon sa mga B. Pinagmulan o Sources
napapanahong isyu.

____3. Ang _____________ ang C. Introduksiyon


nagsisilbing matibay na suporta
sa iyong gustong patunayan sa
iyong ginawang papel. D. Panunuring Papel

____4. Ito ay dapat maikli lamang at E. Konklusyon


naglalaman ng impormasyon
tungkol sa mga pangunahing
ideya na nasaad sa papel. F. Katawan

____5. Bahagi ito ng reaksyong papel


na nangangailangang
makapukaw sa interes kaagad
ng mga mambabasa.

11
1
Pagsasanay Blg. 2
Panuto: Gumawa ng sariling reaksyon mula sa mga napapanahong isyung
nangyayari sa lipunan, maaari rin na kumuha ng impormasyon o mag-
interbyu sa inyong magulang. Pumili lamang ng paksa mula sa mga
sumusunod:

a. Edukasyon sa panahon ng pandemya


b. Pagtugon ng lokal na pamahalaan sa makabagong paraan ng pag-
aaral
c. Katayuan ng pamilyang Pilipino sa panahon ng COVID 19

Tatayahin ang papel batay sa sumusunod na batayan:

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos


Tumpak ang mga datos at 5
impormasyong ginamit sa papel
Mabisa ang panimula at malakas 3
ang konklusyon batay sa ideya
Maayos ang sistema at malinaw ang 2
paglalahad ng mga bahagi ng papel.
Kabuuan 10
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
2
Pagsasanay Blg. 3
A. Basahin ang sumusunod na pahayag ni Mayor Vico Sotto hinggil sa kanyang plano para sa mga
mag-aaral at guro ng Lungsod ng Pasig.

Pasig City: Maglalaan ng ₱1.2 bilyon upang mamigay ng Tablets at Laptops


para sa mga Guro at Estudyante

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan sa


Pasig ay naglaan ang lokal na pamahalaan ng ₱1.2 bilyon upang mamigay ng tablets, laptops at iba
pang learning devices na kakailanganin sa pasukan.
“Syempre, walang papalit sa face-to-face classes pero alam po natin sa ngayon, medyo
delikado po at ayaw nating maging breeding ground ng virus ang atin mga paaralan, so magiging
distance learning po talaga” ito ang kanyang isinaad sa kanyang live briefing.
Hinikayat pa ng alkalde ang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig o PLP na
mag-enroll at huwag mamroblema upang hindi masayang ang pagkakataon dahil hindi nila kailangang
mag-alala tungkol sa mga bayarin.

“Ito yung pakiusap ko sa inyo, mag-enroll po kayo, libre naman po… mag-enroll po kayo,
‘wag kayong tumigil sa pag-aaral, ‘yan lang po yung hinihingi ko sa inyo,” saad pa niya.
“Sayang po ang pagkakataon. Kasi ‘yung iba nababalitaan ko baka tumigil muna ng pag-aaral.
‘Wag po. Wala kayong extra na gastos dito, papasok lang po kayo, mag-enroll lang po kayo tapos kami
na po ang bahala sa distance learning.” dagdag pa niya.
Tiniyak pa ni Sotto na ang bawat residente ay magkakaroon ng access sa internet.
“Sisiguraduhin natin na… lahat ay may access. So, ‘yung iba na mga walang internet access sa
bahay ay maaari silang pumunta sa ibang point kung saan mayroong local network na maaaring i-
download yung mga file” sabi pa niya.
“Sana po by second semester okay na tayong lahat at maaari ng pumasok ang mga bata. Pero,
again lagi ko sinasabi ang planning natin lagi for the worst case scenario. Hope for the best, plan for
the
B. worst,”
Sagutin sabiang
pa ngsumusunod
alkalde. na tanong kaugnay ng binasang seleksyon.
“Again, not ideal, but we will do our best, so that the education of our youth will not stop here
1. Ano ang paksa ng binasang pahayag?
in Pasig despite COVID 19,” huli niyang pahayag.
__________________________________________________________________________________
-- BAP, GMA News
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng magiging kahalagahan ng nais ipahatid ng binasang


seleksyon bilang mag-aaral? Para sa Guro? Para sa magulang?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
3
3. Batay sa mga binaggit sa seleksyon, bakit kailangan na maaprubahan at
maipatupad ito? Pangatuwiranan ang iyong tugon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong reaksyon matapos mabasa ang pahayag?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagnilnilayan mo


kung bakit mahalaga ang pagtalakay sa reaksyong papel. Mapagtitibay mo
ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito
Gawain: Isasagawa ang estratehiyang 3-2-1

 3 Bagay na natutuhan mula sa aralin


1.
2.
3.
 2 Bagay o kaisipan na pumukaw sa damdamin
1.
2.
 1 Tanong na nais hanapan ng sagot.
1.

14
4
PAGPAPAHALAGA

Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa kahalagahang


hatid ng reaksyong papel. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang
bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa
aralin sa pamamagitan ng inihandang gawain sa bahaging ito.

Sa pagsulat ng reaksyong papel ay mahalagang isaalang-alang ang sarili at


ang mga maaaring makakabasa ng isinulat sapagkat...
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at


kakayahan sa Kahulugan, Bahagi at Katangian ng reaksyong papel. Batid
ko na may ideya ka na sa araling ito, subukin nating alamin kung ang iyong
mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan
natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman.

Tama at Mali (10 puntos)


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat ang TAMA kung ang
pahayag ay tama at isulat naman ang MALI kung ang pahayag ay mali.

_______1. Ang pangangalap ng basehan o “sources” ay hindi naman gaanong


kahalaga sa paggawa ng reaksyong papel.
_______2. Dapat matiyak sa pagsulat ng mapanuring reaksyong papel ang
kaisahan, kabuuan at kaugnayan ng mga ideya.

15
5
_______3. Kalimitan ginagawa din ang reaksyong papel matapos
makapagbasa ng teksto at sa mga napanood na dula o pelikula.

_______4. Ang konklusyon ay ginawa upang makapaglagay pa ng


karagdagang batayan o “sources” ng iyong ginawang papel.

_______5. Nararapat lamang na magkakaugnay ang mga ideya ng bawat mga


talata magmula sa introduksiyon hanggang konklusyon

_______6. Mahaga na makapagbigay ng sariling opinyon ang ibang tao sa


iyong isinusulat na papel.

_______7. Ang isang manunulat ng reaksyong papel ay dapat na nagpapakita


ng awtoridad sa kanyang sulatin.

_______8. Nakakatulong ang pagsulat ng reaksyong papel upang mailabas


ng manunulat ang kanyang sariling opinyon hinggil sa isang paksa.

_______9. Dapat tiyakin na mahaba ang ginawang reaksyong papel upang


mas malawak na mailahad ang nais na ipahayag na saloobin.

_______10. Ang reaksyong papel ay umiikot sa paninindigan o pananaw ng


manunulat.

16
6
SUSI SA PAGWAWASTO

17
7
Sanggunian
Aklat:

Constantino, F., Zafra, G. “Filipino sa Piling Larangan (Akademik)” Manila:


Rex Book Store, p.37-43

De-Laza, Crizel Sicat “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik” 2016 Manila: Rex Book Store

Bandril, Lolita, Villanueva, Voltaire M.“Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan (Akademik at Sining)” Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Website:
https://brainly.ph/question/500102

https://prezi.com/11mw23l7sg3e/reaksyong-papel/

https://brainly.ph/question/500102

https://brainly.ph/question/808162

https://theworldnews.net/ph-news/ano-ang-konklusyon-kahulugan-at-
halimbawa-nito

https://www.facebook.com/gmapublicaffairs/photos/a.306967386065/101
58187077321066/?type=3

https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/743106/pasig-city-gov-t-
raises-p1-2-b-for-tablets-laptops-for-public-school-students-
teachers/story/

18
8

You might also like