Kayarian NG Filipino (Pangungusap)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang 

Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa.


Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles ang Simuno) ang bahaging pinag-
uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay
maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at
ganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglalaro si Crisanto ng bola. (gumanap ng kilos)
Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng
pandiwa)
Si Melody ay kumakanta sa entablado ngayon.
Si Ana ay nagbabasa ng kanyang paburitong libro.
Si Aadriyan ay nagpapagupit ng kanyang buhok.

Panaguri
Ang Panaguri (Predicate'ng wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay
ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil
sa simuno.
Ito ay maaaring:

 panaguring pangngalan
 panaguring panghalip
 panaguring pang-uri
 panaguring pandiwa
 panaguring pang-abay
 panaguring pawatas
Halimbawa:

 Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.


 Sila ang aawit sa misa.
 Malulusog ang anak niyang kambal.
 Naglalaba ang kanyang ina.
 Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat.
 Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya.
Mga Kayarian ng Pangungusap
Payak
Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap


Payak na Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa:
Sina Rose at Bella ay magaling sa matematika.
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa:
Si Colin ay matulungin,masipagNakapahilis na panitik''Nakapahilis na
panitik'Nakapahilis na panitik''',mabait at madasalin na bata..
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa:
Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
Halimbawa:
Aray!
SUNOG!
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga
pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).
Halimbawa:
Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang
karamihan ay gumagawa.
Hugnayan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit na sugnay na makapag-iisa at isa o higit na sugnay na
di makapag-iisa.

Halimbawa:
Tayong mga masisipag ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang
ating gawain.
Mga Ayos ng Pangungusap
Karaniwang Ayos
Nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Halimbawa: Kinagat ng aso si Toto.

Di-karaniwang Ayos
Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng
simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Toto ay kinagat ng aso.

Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap


Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.

Lagyan ng mga paningit


Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw, kaya, ba, sana, at iba pa.

Halimbawa:
Nag-aral kaya sa math si Mayeth?
Gumamit ng pang-uri bilang panuring
Halimbawa:
Nag-aral nang mabuti sa math ang batang si Mayeth.
Gumamit ng pang-abay bilang panuring
Halimbawa:
Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon. by: feb
Mga Uri ng Pangungusap
Pasalaysay
Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok
(.).

Halimbawa:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.
Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
Pautos
Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)

Halimbawa:
Dalhan mo ako ng pasalubong.
Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi
Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang magalala
Pautos na Panag-ayon
Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa
anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipaluto mo si Marissa ng tinola.
Patanong
Ito aynagsasaad ng isang katanungan.

Anyo ng Patanong
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Hindi ka ba kakain dito?
Hindi ka ba aalis?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at
iba pa.

Halimbawa:
Ano ang iyong kinain kanina?
Alin ang pipiliin mo?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Halimbawa:
Siya ba ay pupunta rin?
Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Halimbawa:
Kumain ka na, hindi ba?
Dumaan ka na dito, hindi ba?
Pakiusap
Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.
Halimbawa:
Maaari po kayong umupo.
Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
Maaari po ba akong lumabas bukas?
Padamdam
Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
Hala!
Aba!
Ha!
Hoy!
Gising!
Naku!
ay!!!
pusang gala naman oh!!!
Pangungusap na Walang Paksa
Pandamdam
Nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
ang pangit mo talaga!
Pakiusap
Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.

Halimbawa:
Pakiabot nga.
Eksistensyal
Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.

Halimbawa:
May tao sa loob.
Temporal
nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga
adverbial
na nagsasabi ng.......
*Oras,araw, petsa
halimbawa: Umaga na.
Bukas ay Sabado.
Ala sais pa lang ng umaga.
Ika-8 ng pebrero ngayon.

*Panahon, selebrasyon
halimbawa: Bagong taon na bukas
Kaarawan ko sa makalawa.
Pasko na sa Lunes
Magbabakasyon lang.
Penomenal
Ito ay nagpapahayag ng pangyayari.

Halimbawa:
Lumindol sa Africa.
Bumabagyo sa Bikol.
Pormulasyong Panlipunan
Ito ay nagpapahayag ng paggalang.

Halimbawa:
Makikiraan po.
Tao po.
Salamat po.
walang anuman.
paumanhin.

A sentence is a group of words giving a complete thought. A sentence


must contain a subject and a verb (although one may be implied).
A More Formal Definition of Sentence

A sentence is a set of words that is complete in itself, typically containing


a subject and predicate, conveying a statement, question, exclamation,
or command, and consisting of a main clause and sometimes one or
more subordinate clauses.
Oxford Dictionary

The Four Types of Sentence


A sentence can convey a statement, a question, an exclamation, or a
command. There are four types of sentence:

(1) Declarative Sentence


A declarative sentence states a fact and ends with a period (full stop).
For example:
 He has every attribute of a dog except loyalty. (Politician
Thomas P Gore)
 I wonder if other dogs think poodles are members of a weird
religious cult. (Comedian Rita Rudner)
(Remember that a statement which contains an indirect
question (like this example) is not a question.)
(2) Imperative Sentence
An imperative sentence is a command or a polite request. It ends with an
exclamation mark or a period (full stop). For example:
 When a dog runs at you, whistle for him. (Philosopher Henry
David Thoreau, 1817-1862)

(3) Interrogative Sentence


An interrogative sentence asks a question and ends with a question
mark. For example:
 Who knew that dog saliva can mend a broken heart?
(Author Jennifer Neal)

(4) Exclamatory Sentence


An exclamatory sentence expresses excitement or emotion. It ends with
an exclamation mark. For example:
 In Washington, it's dog eat dog. In academia, it's exactly the
opposite! (Politician Robert Reich)

The Subject Could Be Implied.


In an imperative sentence (an order) or an interrogative sentence (a
question), the subject or verb is often implied.
 Run!
 Go.
(This is the shortest sentence in English.)
 Why?
The shortest sentence without an implied subject or verb is "I am" or "I
go."

The Four Sentence Structures


A sentence can consist of a single clause or several clauses. When a
sentence is a single clause, it is called a simple sentence (and the
clause is called an independent clause). A sentence must contain at
least one independent clause. Below are the four types of sentence
structure (with their independent clauses shaded):

(1) Complex Sentence


A complex sentence has an independent clause and at least
one dependent clause. For example:
 Diplomacy is the art of saying "nice doggie" until you can
find a rock. (Actor Will Rogers, 1879-1935)
 When you're on the Internet, nobody knows you're a dog.
(Cartoonist Peter Steiner)

(2) Compound Sentence


A compound sentence has at least two independent clauses. For
example:
 Cry "Havoc," and let slip the dogs of war. (Playwright
William Shakespeare, 1564-1616)

(3) Simple Sentence


A simple sentence has just one independent clause. For example:
 You can't surprise a man with a dog. (Screenwriter Cindy
Chupack)

(4) Compound-Complex Sentence


A compound-complex sentence has at least two independent clauses
and at least one dependent clause. For example:
 When a dog bites a man, that is not news because it
happens so often, but if a man bites a dog, that is news.
(Editor John B Bogart)

Why Understanding Sentences Is Important


There are four great reasons to understand sentence structures and the
types of the sentence.

(Reason 1) Avoid the run-on sentence.


By far the most common mistake made by people with otherwise sound
writing skills is the run-on sentence. Typically, this error is caused by
writing a sentence, putting a comma, and then writing another sentence.
 I love the mountains, they remind me of home. 
 Love is so short, forgetting is so long.   (Chilean politician
Pablo Neruda)

You might also like