Kompan Pananaliksik Kaniii

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

ANTAS NG KOMPREHENSIYON SA PAGBASA SA FILIPINO NG MGA

MAG-AARAL SA SEKSYON ROSE NG IKA-PITONG BAITANG SA PAARALANG

BAYUGAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGHSCHOOL

Isang Papel-Pananaliksikan Kinikilala sa


Pakulti ng Senior High School - Science, Technology,
Engineering and Mathematics Strand
Bayugan National Comprehensive High
School Bayugan City

Bilang Rekwarment sa Applied Track na asignaturang


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

Isinumiti nina:
Shaniah Rose S. Trigo
Marie Octavienne C. Guanzon
Sarah V. Campos
Rian C. Teniola
Hanna P. Pepito
Kyra Janelle P. Caplis
Charles T. Tepan
Claude Vincent G. Ugay

Enero 2023
KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Rasyunale ng Pag-aaral

Ang pagbabasa ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa wikang Filipino na dapat

pinagkadalubhasaan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbasa, naipababatid ang

mensahe ng isang teksto. Gayunpaman, nahaharap pa rin sila sa maraming mga kahirapan sa

pag-unawa ng teksto. Ang teksto ay tumutukoy sa kaisipan ng isang manunulat na naisasalin

sa anumang babasahin na naglalaman ng mga ideya at nabibigyan ng kahulugan sa

pamamagitan ng pagbabasa. Sa panahon ngayon, maraming estudyante ang may kahirapan sa

pag-unawa ng mga teksto na nagiging dahilan sa kawalan ng interes sa pag-aaral. Ilang

halimbawa ay ang pagbabasa ng mga babasahin gamit ang ibang linggwahe o midyum kung

saan hindi masyadong nauunawaan sapagkat hindi sanay ang mga mag-aaral sa ibang

lenggwahe (Abagon at Quintino, 2021).

Sa pagpasok ng pandemya, ang pagbabago ng sistema ng edukasyon o paggamit ng

distance learning ay posibleng makaapekto sa karanasan ng pagkatuto ng mag-aaral.

Bagama’t ginagamit na ito ng DepEd para sa ALS at open highschool program. Karamihan sa

mag-aaral at guro ay bago ang distance learning. Ang pagtuturo gamit ang iba’t ibang

pamamaraan ay may epekto sa pagkatuto ng mag-aaral (Naseri, 2014).

Marahil hindi lahat sa mag-aaral ay nakakaalam kung gaano kahalaga ang marunong

magbasa o marunong bumasa. Bukod sa pagtulong sa mag-aaral na matuto, ito ay mahalaga

sa mag-aaral pang-araw-araw na buhay. Napakahirap mabuhay nang hindi maronong

magbasa. Pero marami pa rin sa mag-aaral bansa ang hindi marunong. Lalong-lalo na sa ika-

pitong ng mga pampublikong paaralan (Batara, 2018).


Napag-alaman na mahina ang ibang mag-aaral sa wikang Filipino. Kaugnay nito may

iba’t-ibang pagkakamali silang nagagawa tulad ng maling pagbigkas, pagpapalit, pagsisingit,

pagkakaltas, paglilipat, pag-uulit at pag-iiwas sa pag bigkas ng mga ponema at salitang

binabasa sa isang teksto (Sabado, 2015).

Kaya ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay mabigyang solusyon ang mga

suliranin ukol sa Lebel ng Kakayahan sa Pagbasa sa Filipino sa piling mag-aaral sa Ikapitong

Baitang sa paaralang Bayugan National Comprehensive Highschool at para makabuo ng

interbensyong materyal na magpapaunlad sa kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Sisiyasatin ng mananaliksik ang kakayahan ng studyante sa pagbasa sa wikang Filipino. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito inaasahan ng mananaliksik na makakatulong ito sa mga

guro na kanilang malaman ang wastong pagtuturo para maunawaan ng mag-aaral at magiging

instrumento sa guro upang mapataas ang kaalaman sa pagbasa ng mag-aaral, pag-alam at

pagkatuto nito na siyang gamitin sa daluhasaan sa larangan ng pang-akademikong

kagalingan.

Suliranin ng pag-aaral

Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kakayahan sa

pag-unawa sa pagbasa ng Filipino sa seksyon rose ng ika-pitong baitang sa paaralang

Bayugan National Comprehensive Highschool.

Ang pag-aaral na ito ay partikular na naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

1.) Ano ang Demograpikong Profile ng mga kalahok?

a.) Edad:

b.) Kasarian:

2.) Ano ang lebed sa komprehensiyon sa pagbasa sa filipino ng grade 7 Rose ng Bayugan

National Comprehensive High School?


3.) Ilang bilang ng mga magaaral sa section rose ang mayroon mababang lebel ng

komprehensiyon sa pagbasa sa Filipino?

4.) Epekto ng walang comprehensyion sa binasang teksto?

5.) Anong salik na nakakaepekto sa comprehensiyon sa pagbasa ng magaaral?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng pagbabasa ng mga mag-aaral sa seksyon

rose ng ika-pitong baiting sa paaralang Bayugan National Comprehensive Highschool.

Tinutukoy din nito ang sanhi at dahilan sa kakayahan ng kanilang pagbasa sa Filipino. Higit

pa rito, ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging malaking pakinabang sa mga sumusunod:

Para sa mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong para malaman ng mag-aaral ang

kakayahan at kapasidad sa pagbabasa ng wikang Filipino at upang mapaunlad ang nang may kaalaman.

Mga guro. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging dahilan upang malaman ng

mga guro resulta nito at pagtuunan ng pansin at mas linangin ang mga mag-aaral sa pagbasa.

Nakakatulong din sa mga bagong istratehiya upang mas lalong maging epektibo ang

pagtuturo ng Filipino.

Administrasyon. Ginawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito upang magawa ng

administrasyon ng paaralan ang mga programang magpapalawak ng antas sa pagbasa sa

Filipino ng mag-aaral sa High School.

Mga magulang. Ito ang batayan kung ang kanilang anak ay nangangailangan ng

tulong sa pagbabasa at upang magkaroon ng inisyatiba para tulungan.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap. Inaasahang ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing gabay para sa iba pang mananaliksik sa paggawa ng parehong pag-aaral.


Batayang Konseptwal

Input Proseso Awtput

Nais ng mga Ang mga Inaasahan ng


mananaliksik na malaman mananaliksik ay mga mananaliksik sa
ang antas ng kakayahan sa mamamahagi ng mga pag-aaral na ito na
pagbabasa sa Filipino ng nasabing kwestyuner sa matukoy ang Antas ng
mga piling mag-aaral ng mga piling mag-aaral Komprehensiyon sa
sekondarya sa Bayugan upang makakalap ng pagbasa sa Filipino ng
National Comprehensive mga impormasyon o mga mag-aaral sa
High School, kung kaya’t datos hinggil sa paksang seksyon rose ng ika-
magsasagawa ang mga pinag-aaralan o pitong Baiting sa
mananaliksik tinatalakay: Paaralang Bayugan
ng:paglilimbag ng; A. Pagbibigay ng National
kwesTyuner Comprehensive
A. Demograpikog Highschool.
B. Pagsusuri o pag-
Profile; aanalisa
C. Interpretasyon
1. Edad:

2. Kasarian:

B. Kwestyuner na
naglalaman ng mga
katanungan hinggil sa
paksang pinag-aaralan.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-proseso-awtput model sa paggawa ng

paradyn ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Sapagkat ang input ay naglalaman ng

demograpikong profile at questionnaire, sa kabilang banda ang proseso ay kinabibilangan ng

pagbibigay ng questionnaire, pagsusuri at interpretasyon ng isang hakbang na gagawin ng

mga mananaliksik, sa wakas; ang output ay naglalaman ng kung ano ang resulta n gaming

pag-aaral. Ang proseso ng proseso ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin ng mga


mananaliksik ukol sa pagkalap ng datos. Samantalang ang awtput ng frame naman ay

sumasaklaw sa antas ng kakayahan sa pagbabasa sa Filipino ng mga piling mag-aaral ng ika-

pitong baiting.

Teoritikal na Balangkas

Ang pagkalulong ng mga estudyante sa kahirapan ng pag-babasa ng midyum na salita

(pambansang wika). Ang pag-bigay oras upang matutunan ang pagbabasa ng wikang Filipino

ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga kabataan, hindi lamang sa dahilan na ito ang gamit

sa kanilang mga paksa, kundi dahil ito rin ang ating pambansang wika. Sa bawat teksto ay

may maaaring tumatak sa isipan ng mga mag-aaral na maaaring naglalaman ng mga ideya at

nabibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang kahirapan sa pagbabasa ay

karaniwang nangyayari sa mga estudyanteng nawawalan ng interes sa pag-aaral. Ang

pagbabago ng sistema ng edukasyon ay posibleng makaapekto sa karanasan ng pagkatuto ng

mag-aaral (Naseri, 2014). Ang komprehensyon ay isang prosesonang magkasabay na

paghalaw at pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon at pakikipagugnayan sa

lenggwaheng nakasulat (Snow, 2003). Makitaan ng pansin ang ilan sa mga mag-aaral na

hindi marunong magbasa ng wikang Filipino, kasama na dito ang ilan sa mga pagkakamali na

kanilang naipahiwatig tulad ng maling pagbigkas, pagpapalit, pagsisingit, pagkakaltas,

paglilipat, pag-uulit at pag-iiwas sa pag bigkas ng mga ponema.

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Ang pagaaral na ito ay isinigawa ng mga mananaliksik upang makuha ang lebed sa

pagbasa at comprehensiyon ng mga kalahok. Ang tinutukoy na mga kalahok para sa

pinaghalong kwalitatibo at kwantitatibong pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-

pitong baiting ng seksyon Rose sa paaralang Bayugan National Comprehensive High School

Bayugan City. Ang limitasyon sa pagaaral na ito ay ng lalayon lamang matukoy ang lebel at
comprehensiyon ng mga estudyante sa pagbasa sa wikang filipino. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring isagawa sa pamamagitan ng interview at paggamit ng isang sarbey kwestyuner

gamit ang sanaysay at mga tanong na inihanda ng mga mananaliksik para sa mga respondent.

Pagbibigay kahulugan

Upang mas mabigyan linaw at ganap na mauunawaan ng mga mambabasa

ang pamanahong papel na ito, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang depinisyon ang

mga sumusunod na terminolohiya na maaaring hindi kaagad maunawaan ng

bumabasa batay sa kontekstwal at operasyunal na pamamaraan. Ang mga terminolohiyang 

ginamit nstru-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Antas- ito ay isang lebel na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri o istilo ng pananalita

ng isang tao.

Kakayahan- ito ang katangian ng isang studyante na isang abilidad na kung ano ang

taglay na kaya o hanggang saan ang kapasidad ng isang indibidwal gawin.

Komprehensyon- ay ang pag-unawa o pag-intindi sa naririnig o sa nilalaman ng

isang teksto na pangunahing tunguhin ng pagtuturo ng guro ay ang debelopment ng mga

kakayahan pag-unawa sa pagbasa.

Kwalitatibo- Ito ay kinapapalooban ng pagbibigay ng malinaw at tiyak na pagbibigay

kuro-kuro o interpretasyon.

Kwantitatibo- tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang

paksa at penomenong panlipunan panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadiskal, at

mga teknik na pamamaraan sa gumagamit ng komputasyon.

Mag-aaral- ito ay isang estudyante na nasa skwelahan upang mapaunlad ang

kasanayan sa pagbabasa.
Modyul- isang nakalimbag o printed na instrumento na katumbas ng isang aralin o

leksyon sa isang asignatura dahilan ng hindi pagkatuto ng mga estudyante sa pagbasa.

Pagbasa- paraan kung saan ang representasyon ng wikang simbolo na maeeksamen

ng mata o mahahawakan.

Panahon- bahagi ng sistemang pansukat para malaman ang pagkakasunod-sunod at

pagbabago ng mga pangyayari kung gaano katagal lumipas ang isang pangyayari.

Pandemya- ito ay ang ng pang- internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit kung

saan ang karamihan ay walang kaligtasan dahilan ng paglockdown o pananatili ng bahay sa

mahabang panahon.

Teksto- ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa mga bagay-

bagay.

Wikang Filipino- isang lenggwahe na ginagamit sa bansang Pilipinas bilang gamit sa

pangkomunikasyon.

Sarbey Kwestyuner- isang instrument ng pananaliksik na kalimitang binubuong mga

katanungan na maaaring pagkuhanan ng sagot sa pananaw mula sa bawat indibidwal na

respondente.
Kabanata 2

Ang kabanatang ito ay naghahandog ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

pagkatapos masusi at malalim na paghahanap ng mga mananaliksik. Ang mga literature at

paag-aaral na idinagdag sa kabanatang ito ay tumutugon sa iba’t ibang ideya, konsepto,

paglalahat, konklusyon at gayundin ang iba’t ibang pag-unlad na nauugnay sa pag-aaral

simula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Ito ay magsisilbing gabay ng mga

mananaliksik sa pagbuo ng proyekto. Bukod dito, ang impormasyonng kasama sa kabanatang

ito, ay nakakatulong na maging pamilyar ng mga detalye na angkop at katulad ng

kasalukuyang pag-aaral.

Ang antas ng kakayahan sa pagbasa ng isang mambabasa ay isang tanda sa kanyang

kasanayan. Mahalaga itong matamo bilang estudyante sa ika pitong baitang ng seksyon Rose

upang madaling magawa ang anumang mga gawain may kinalaman sa pagbabasa. Ang iba’t

ibang aktibidad sa silid-aralan na pinangunahan ng guro ay nagreresulta sa literal na

kaalaman, interpretasyon ng nilalaman ng teksto, kritikal na pagbasa, aplikasyon at

pagpapahalaga, gayundin ang mga sukat sa pagbasa. Ang mga partikular na kakayahan sa

pagbasa ay dapat na paunlarin sa mga aktibidad na pang-akademiko upang maitaas ang antas

ng impormasyon at gawing mas madali ang mga gawain sa paaralan.

Ayon kay Gonzalio Jr. May dalawang dahilan sa pagbabasa. Ito ay para matuto at

para maglibang. May limang dahilan kung bakit may mga babasahing hindi nauunawaan.

Una, hindi pamilyar sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pangalawa, hindi pamilyar

sa mga nakatitik na sagisag ng lenggwahe. Maaaring hindi ito napagaralan gamitin. Pangatlo,

hindi sapat ang kaalaman pagdating sa mga talasalitaan. Pang apat hindi sapat ang kaalaman
sa uri ng wika ginamit sa pagsulat. Pang huli, hindi talaga nauunawaan ang mga nakasulat

dahil hinde marunong magbasa. Sinasang-ayunan ng mga mananaliksik na ang pagbabasa at

pagsusulat ay parehong kumplikadong gawain na ginagamit ang kritikal na pag-iisip.

Hindi maikakaila sa ating lahat kung gaano kahalaga ang pagiging literate, o

marunong magbasa. Bukod sa nakakatulong ito sa pag-aaral, ito ay mahalaga sa pang-araw

araw nating pamumuhay. Sa Pilipinas, marami pa rin ang hindi marunong magbasa kaya

nakababahala ito. Sa ikapitong baitang sa mga publikong paaralan marami ang hindi

marunong bumasa. Isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang literacy sa mga mag-aaral sa

Pilipinas ay dahil sa kahirapan. Madalas, wala nang oras para mag-review ng mga aralin ang

mga bata dahil sila rin ay nagtatrabaho upang matulungan ang kanilang mga pamilya kung

kaya’t lahat ng mag-aaral ay naaapektuhan nito. Ang mga magulang ng mag-aaral ay hindi

rin nakakatulong dahil sa pagtatrabaho upang buhayin ang kanilang pamilya. Kasalanan din

ito ng sistema sa mga public school kung saan binibigyan ng bonus ang mga guro na

maraming ipinapasang mag-aaral. Ang illiteracy ay problema ng bansa, dahil ang mag-aaral

ay naaapektuhan nito. (Batara, 2022).

Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na

magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na

makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang

mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga

pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga

bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng

karunungan, kumbaga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan

at kasiyahan (Francisco, 2021).


Ang pagbabasa ng iba't ibang kategorya ay tumutulong sa mga bata na matuto ng mga

istrakturang teksto at wika na maaari nilang ilipat sa kanilang sariling pagsulat. Samakatuwid

ang pagbabasa ay may malaking papel sa pagsulat. Kasabay ng pagsasanay sa pagsusulat ay

tumutulong sa mga bata na bumuo ng kanilang mga kasanayan sa pagbabasa. (Gonzalio,

2021)
Kabanata 3
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Sa kabanatang ito matatagpuan ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa pag-

aaral, mga instrumenting ginamit, ang paraan ng pagkalap ng datos, ang mga

interpretasyonng ginamit para sa mas mabisang pagpapakahulugan ng isinagawang

pananaliksik at ang istadistikang ginamit ng mga mananaliksik sa kasalukuyang pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginagamitan ng Palarawang Paraaon o “Descriptive Type

of Survey”. Gumamit ang mananaliksik ng sariling gawang talatanungan ukol sa profayl ng

mga respondente at talatanungan gamit ang tekstong argumentatib, gumamit ng ganitong uri

ng pamamaraan ang mga mananaliksik sa kadahilanang sila ay gumagamit ng kwstyuner sa

pangngalap ng Datos. Ginamit din ang “scoring rubric” sa pagkuha ng natamang puntos sa

performans ng mga mag-aaral sa kanilang pagsagot sa talatanungan bilang pagsukat sa

kanilang antas ng komprehensiyon sa pagbasa sa Filipino.

Lokal na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Bayugan National Comprehensive Highschool,

dahil ag mga kalahok ay ika-pitong baiting seksyon Rose ng nasabing paaralan. Ang paaralan

ay kasalukuyang matatagpuan sa Narra Avenue, Poblacion Bayugan City na ginagawa itong

mapupuntahan ng anumang uri ng transportasyong pang-lupa. Ang pangunahing kampus na

sakop nito ay kabuuang limang ektarya, at may populasyon na humigit-kumulang 6,000

mag-aaral, na ginagawa itong pinakamataong populasyon sa lalawigan. Sa kasalukuyan, nag-

aalok an Bayugan National Comprehensive Highschool ng Akedemikong Hibla na may

Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Track para sa paparating na

Senior Highschool.
Mga kalahok

Instrumentong Ginamit

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sa paglikom ng datos, unang ginawa ng mananaliksik ang paghahanda ng kwetyuner

na babasahin ng repondente gamit ang tekstong argumentatib ayon sa dami ng mag-aaral.

Pagkatapos, hihingi ng pahintulot mula sa principal ng paaralang Bayugan National

Comprehensive Highschool upang ipasagot sa mga respondenet ang kwestyner. Matapos

silang pahintulutan ay pababasahin ang mga napiling tatlumpo’t lima. Binigyan ang mga

respondente ng ik-apitong baiting, pagkatapos nito ay pasasagutan sa mga respondente ang

ginawang kwestyner. Peronal na ipinsamahagi ang namahagi ng mananaliksik ang mga papel

na naglalaman ng talatanungan at ipinaliwanag ang panuto, kahalagahan at parte nila sa

isinagawang pag-aaral. Ginamit din ang “scoring rubric” sa pagkuha ng natamang puntos sa

performans ng mga mag-aaral sa pagsagot sa kwestyuner. Ang kwestyner ay isinaayos,

pinagsama at pinangkat upang bigyan interpretsyon.

Istadistikang ginamit

Mga Respondenteng Ginamit sa Talahayan.


KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, tatalakayin natin ang lebed ng pagbasa at komprehensiyon ng mga

estudyante ng section Rose. Titingnan natin ang mga sagot sa mga tanong mula sa unang

kabanata at gagamitin ang mga ito upang malaman kung ano ang kalagayan ng mga mag-

aaral.

Kasarian ng Respondente Bilang Bahagdan


Babae
Lalake
Kabuuan

Edad ng mga Respondante Bilang Bahagdan

Suliranin I. Dito masasagot ang katanung na Ano ang lebed sa komprehensiyon sa pagbasa

sa filipino ng grade 7 Rose ng Bayugan National Comprehensive High School? At Ilang

bilang ng mga magaaral sa section rose ang mayroon mababang lebel ng komprehensiyon sa

pagbasa sa Filipino?

Lebel sa comprehensiyon ng Bilang ng Kasarian


pagbasa Babae Lalaki
Mahusay

Katamtaman
Hindi gaanong marunong
Hindi marunong
Suliranin II. Epekto ng walang comprehensyion sa binasang teksto?

Mga Epekto ng Walang Comprehensyion sa Binasang Bilang ng estudyante


Teksto
Suliranin III. Anong salik na nakakaepekto sa comprehensiyon sa pagbasa ng magaaral?

Mga Salik na nakakaepekto sa Comprehensiyon sa Bilang ng estudyante


Pagbasa ng mag-aaral
Sarbey-Kwestyuner

ANTAS NG KOMPREHENSIYON SA PAGBASA SA FILIPINO SA TEKSTONG ARGUMENTATIB NG MGA

MAG-AARAL SA SEKSYON ROSE NG IKA-PITONG BAITANG SA PAARALANG

BAYUGAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGHSCHOOL

Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati!

Kami ay mga mag-aaral na nasa unang baitang ng Senior High School at kumukuha ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri tungo

sa Pananaliksik. Sa kasalukuyan nagsasagawa kami ng isang pananaliksik tungkol sa “Antas ng Komprehensiyon sa Pagbasa sa Filipino

sa tekstong argumentatib ng mga mag-aaral sa seksyon Rose ng ika-pitong baitang sa paaralang Bayugan National Comprehensive

Highschool, Taong Akademiko 2023” Gamit ang tekstong argumentatib na pinamagatang “Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot”.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyuner na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging

kompidensyal na impormasyon ang iyong mga kasagutan.

Maraming Salamat!

-Mga Mananaliksik

Kami ay nanghihingi ng permiso na sagutan ang sumusunog.

Pumapayag Hindi Pumapayag

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na aytem. Kung may pagpipilian, bilugan ang letra na tumutugon sa

iyong sagot. Kinakailangan lamang isulat lahat ang iyong impormasyon sa patlang.

Pangalan (opsyonal): ______________________________________________ Kasarian:______________

Edad;______________ Kontak No. (opsyonal):________________________ Lagda: ________________

ANG KATOTOHANAN SA BAWAL NA GAMOT

Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y
medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na
sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit
sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito'y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa
ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil
marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng
ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong
nangyayari hanggang ngayon.

Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at
mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng
mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang
mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay
nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na
mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.

Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na
gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang
palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na
gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga
gumagamit ng bawal gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa
paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot. na

Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa katotohanan...hoy gisingggg!!!!

1. Ano ang pamagat ng teksto?


A. Bakit masama ang ibinagbabawal na droga.
B. Ang Katotohanan sa bawal na gamot.
C. Ang dahilan kung bakit gumagamit ang mga kabataan ng punagbabawal na gamot.

2. Base sa teksto ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring?


A. Matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa
mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng pinagbabawal na gamot at manggahasa.
B. Makalimutan ang kanilang problema. 
C. Magiging abogado.

3.  Bakit kaylangan ng masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak?


A. Para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot.
B. Para malaman nila at maturuan nila ang kanilang anak paano gamitin ito.
C. Para matulungan ito sa pagbenta.

4. Base sa teksto saan kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot?
A. Barkada
B. Kapitbahay
C. Magulang

5. Base sa teksto isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal
na gamot dahil?
A. Sa kapabayaan ng barkada sa kanilang kabarkada.
B. Sa kapabayaan ng kapitbahay.
C. Sa kapabayaan ng magulang.

6. Bakit ang droga ay tinatawag na bawal na gamot?


A. Dahil napapasaya ka nito.
B. Dahil naaapektuhan ang iyong pag-iisip.
C. Dahil nakakalimutan mo ang iyong problema.

7. Anong dapat gawin upang mapatigil ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggamit ng droga.
A. Gabayan nila ito sa tamang landas.
B. Turuan sila kung paano ito gamitin.
C. Kunsintihin ito na gumamit.

8. Ano ang dahilan kung bakit ang mga kabataan ay gumagamit sa pinagbabawal na gamot?
A. Para makalimutan nila ang kanilang problema.
B. Para maging malusog.
C. Para maging maganda ang kanilang buhay.

9. Ano ang masamang epekto sa kanilang buhay sa paggamit ng pinagbabawal na gamot?


A. Naapektuhahan ang sistemang pananaw nito na umaabot sa paggawa ng masasamang bagay.
B. Nagiging maligaya sila sa buhay.
C. Nakakalimutan nila ang kanilang problema.

10. Bakit nalulong ang mga kabataan ngayon sa masamang bisyo?


A. Dahil trip lang nila masira ang kanilang buhay.
B. Dahil gusto nilang magkaroon ng magandang buhay.
C. Dahil gusto nilang gumating

11. Nagdudulot ba ng malaking puwerhisyon ang paggamit ng droga sa kabataan?


A. Oo, dahil natututo na silang gumawa ng mga masamang bagay.
B. Oo, dahil nakakalimutan na nila ang pagiging Pilipino.
C. Hindi, dahil nakakalimutan nila ang kanilang problema dahil dito. 

12. Naaadik na ba ang mga kabataan na gamitin ang pinagbabawal na gamot?


A. Oo, dahil sa kanilang paniniwalang malilimutan nila ang kanilang mga problema. 
B. Oo, dahil gusto mong gumaling sa sakit mo.
C. Oo, dahil ipagmamalaki ka na iyong magulang kapag gumamit ka nito.

13. Kasalanan ba ng magulang kung bakit gumagamit ang kanilang anak ng droga?
A. Oo, dahil responsibilidad nilang gabayan ang kanilang mga anak. 
B. Hindi, dahil wala silang karapatang makialam sa buhay mo.
C. Hindi, dahil hindi dapat sila makialam sa buhay mo. 

14. Mabuti ba gumamit ng pinag babawal na gamot?


A. Oo, dahil makakalimitan mo ang iyong problema.
B. Hindi, dahil magagalit ang iyung mga kapitbahay at pagchismisan ka nila.
C. Hindi, dahil nakakagawa ka ng masasamang bagay dulot ng paggamit ng droga.

15. Nakakasama ba ito sa kalusugan paggumamit ka ng droga?


A. Hindi, dahil napapasaya ako nito.
B. Oo, dahil magkakaroon ako ng sakit.
C. Oo, dahil nakakalimutan ko ang aking problema.

16. Bilang isang mag-aaral ano para sa iyo ang kahulugan ng ipinagbabawal ng gamot?
A. Kendy, isang matamis na pagkain na gawa sa asukal.
B. Droga, ito ay may sangkap na nagbabago sa mental o pisikal na kalagayan mg isang tao, dahil dito hindi sila
mahuhulaan at mapanganib lalo na para sa mga kabataan.
C. Pills, ito ay isang tabletas na maliliit na solidong bilog na masa ng gamot o bitamina na nilulunok mo nang
hindi nginunguya.

17. Bilang isang mag-aaral paano mo maiiwasan na maging dahilan ng problema sa iyong mga magulang?
A. Gumamit nang ipinagbabawal na gamot.
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Magkaroon ng bisyo.

18. Para sa iyo, paano mo maiiwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot?


A. Lumiban sa klase.
B. Humanap na mapaglilibangan kagaya ng pagbabasa ng mga aklat, pagsusulat ng mga tula at pagpipinta.
C. Makipag kaibigan sa mga may bisyo.

19. Sa tingin mo, ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ang nalulong sa bawal na gamot?
A. Pinapabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak.
B. Inalagaan nila at minahal ang kanilang anak.
C. Wala sa nabanggit.

20. Pasa sa iyo, bakit natutong magnakaw, magsinungaling at agresibo o walang takot sa paggawa ng masama
ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot?
A. Dahil natural lamang sa kanila ang mga gawain nila.
B. Ito ay epekto ng ipinagbabawal na gamut.
C. Wala sa nabanggit.
References
Modular distance learning:Epekto sa Komprehensyon ng mga Sekondaryang Mag-Aaral-

kabanata 1. Studocu. (n.d.). Retrieved January 10, 2023


https://www.studocu.com/ph/document/western-mindanao-state-university/maed-filipino/

modular-distance-learning-epekto-sa-komprehensyon-ng-mga-sekondaryang-mag-

aaral1/20706746 

WPS cloud. Docworkspace. (n.d.).Retrieved January 10, 2023

https://sg.docworkspace.com/1/s/IIu43Mn3AbGM4J0G?sa=e1&st=0t

Jayanti, F. G. (n.d).Reading difficulties:Comparison on students’and teachers’perception.

Proceeings of ISELT FBS Univeritas Negeri Padang. Retrieved January 10,2023

https://ejournal.unp.ac.id/index.php/selt/article/view/6939

(PDF) the students’difficulties in learning reading – researchgate. (n.d.).Retrieved January

10,2023

https://www.researchgate.net/publication/348222818THESTUDENTS’DIFFICULTIESINLE

ARNINGREADING

Batara, J. A. (2018, September 18). Karamihan ng grade 7 students ay pumapasa… Kahit

Hindi Pa Rin Marunong Magbasa!: Theasianparent Philippines. TheAsianparent Philippines:

Your Guide to pregnancy, Baby & Raising Kids Retrieved January 10, 2023,

https://theasianparent.com/hindi-marunong-magbasa-grade-7

Antas ng kakayahan sa Pagbasa Filipino first semester-antas ng kakayahan sa pag-Unawa sa

Pagbasa Hi.Studocu.(n.d.).Retrieved January 16,2023, from

https://www.studocu.com/ph/

Ki. (2020). “Kahalagahan Ng Pagbasa Halimbawa – Bakit Mahalaga Ang Pagbasa?”

Philippine News, 30 Nov. 2020,


https://philnews.ph/2020/11/30/kahalagahan-ng-pagbasa-halimbawa-bakit-mahalaga-ang-

pagbasa/.
Enero 20, 2023
G. Catalino D. Paler
Bayugan National Comprehensive High School

Mahal na Ginoo:
Pagbati ng kapayapaan!
Bilang bahagyang pagtupad sa aming mga kinakailangan para sa aming
asignaturang Praktikal na Pananaliksik 1, kami ay mga grade 11 na mag-aaral ng
seksyong Gauss na sina: Gecril Nudalo, Karen Mondonedo, Nhecole Cabillo, Mike
Wilance Daray, Drich Barong, John lloyd Luceñara, Mark Nicole Saba, Jayralp
Vuelban, ay nais humingi ng pahintulot na maisagawa ang aming pananaliksik na pag-
aaral na pinamagatang "ANTAS NG KAHANDAAN NG MGA MAG-AARAL NA
NASA GRADE 10 VENUS, BAYUGAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH
SCHOOL SA PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL”.
Kaugnay nito, nais naming hilingin sa inyong mabuting tanggapan na
payagan kaming magsagawa ng aming pananaliksik na pag-aaral sa loob ng paaralan
ng Bayugan Comprehensive High School. Makatitiyak na ang data na aming
makakalap ay mananatiling ganap na kumpidensyal at gagamitin lamang sa layuning
pang-akademiko.
Naniniwala kami na kasama ka namin sa aming pananaliksik na tapusin ang
kinakailangan bilang pagsunod sa aming paksa at upang paunlarin ang ating
kapakanan. Umaasa kami sa iyong positibong tugon sa hamak na bagay na ito. Ang
iyong pag-apruba sa pagsasagawa. Ang pag-aaral na ito ay lubos na pahahalagahan.
Salamat nang gumagalang sa iyo,
Ang mga Mananaliksik

Inirerekomenda ang Pag-apruba:


GLORIA D. COMISO
Guro Pananaliksik 1 sa Kompan

Inaprobahan ni:

Catalino. Paler
Coordinator ng Senior Highschool
Enero 20, 2023
G. Catalino D. Paler
Bayugan National Comprehensive High School

Mahal na Ginoo:
Pagbati ng kapayapaan!
Bilang bahagyang pagtupad sa aming mga kinakailangan para sa aming
asignaturang Praktikal na Pananaliksik 1, kami ay mga grade 11 na mag-aaral ng
seksyong Gauss na sina: Marie Octavienne C. Guanzon, Shaniah Rose S. Trigo, Sarah
V. Campos, Rian C. Teniola, Hanna P. Pepito, Kyra Janelle P. Caplis, Charles T.
Tepan, Claude Vincent G. Ugay, ay nais humingi ng pahintulot na maisagawa ang
aming pananaliksik na pag-aaral na pinamagatang " ANTAS NG
KOMPREHEENSIYON SA PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA
SEKSYON ROSE NG IKA-PITONG BAITANG SA PAARALANG BAYUGAN
NATIONAL COMPREHENSIVE HIGHSCHOOL”.
Kaugnay nito, nais naming hilingin sa inyong mabuting tanggapan na payagan
kaming magsagawa ng aming pananaliksik na pag-aaral sa loob ng paaralan ng
Bayugan Comprehensive High School. Makatitiyak na ang data na aming makakalap
ay mananatiling ganap na kumpidensyal at gagamitin lamang sa layuning pang-
akademiko.
Naniniwala kami na kasama ka namin sa aming pananaliksik na tapusin ang
kinakailangan bilang pagsunod sa aming paksa at upang paunlarin ang ating
kapakanan. Umaasa kami sa iyong positibong tugon sa hamak na bagay na ito. Ang
iyong pag-apruba sa pagsasagawa. Ang pag-aaral na ito ay lubos na pahahalagahan.
Salamat nang gumagalang sa iyo,
Ang mga Mananaliksik,

Inirerekomenda ang Pag-apruba:


GLORIA D. COMISO
Guro Pananaliksik 1 sa Kompan

Inaprobahan ni:
Catalino. Paler
Coordinator ng Senior Highschool

You might also like