BACURIN Jasmine Joyce S.
BACURIN Jasmine Joyce S.
BACURIN Jasmine Joyce S.
Marso, 2014
A. Layunin ng Pag-aaral
Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang
ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng
mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng
B. Suliranin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang ibat ibang patunay ng pagiging isang Wattpader?
2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa
kursong pagtutuos ang pagbabasa ng Wattpad?
3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang
taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?
4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang
taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?
5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong
pagtutuos ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad?
C. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad ng mga patunay ng
pagiging isang wattpadder maging ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa
pagbabasa ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovins formula
upang tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.
Aplikasyon:
n = N / (1 + Ne)
= Kabuuang Populasyon
= Inaasahang Kamalian
= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94
Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na 94 ay ang mga mag-aaral na
mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at maituturing na wattpader sa ibat
ibang kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon sa trend o
magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon. Isinaalang-alang
din sa pag-aaral na ito ang kahigpitan ng kurikulum sa kursong pagtutuos dahilan upang
alamin at ilahad din ng mananaliksik ang mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng
Wattpad sa kanila maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014
sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.
D. Teoretikal na Balangkas
Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay ng
liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro
o haka-haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa
pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng
mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas
malalim na pag-unawa sa pag-aaral.
Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200
C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
1
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
3
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
4
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
5
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
6
E. Konseptwal na Balangkas
Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoretikal na
balangkas na nauna nang nailahad.
Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang Wattpad.
Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na nasa
unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at magpapatuloy sa ibat ibang patunay
ng mga mag-aaral ng pagiging wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng
deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. At mula sa
metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga
respondente, ang mabutit masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga
respondete ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.
Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng konseptwal na
balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na balangkas.
Wattpad
Wattpad
EvolutionaryTheory)
Theory)
((Evolutionary
MgaMag-aaral
Mag-aaralna
naNasa
Nasa
Mga
UnangTaon
Taonng
ngKolehiyo
Kolehiyo
Unang
KursongPagtutuos
Pagtutuos
sasaKursong
(LazarusTheory)
Theory)
(Lazarus
Pananawng
ngRespondente
Respondente
Pananaw
ukol
sa
pagtangkilik
ukol sa pagtangkilik sasa
Pagbabasang
ngWattpad
Wattpad
Pagbabasa
(RationalChoice
ChoiceTheory)
Theory)
(Rational
Wattpadder
Wattpadder
(LabelingTheory)
Theory)
(Labeling
Dahilanng
ng
Dahilan
Pagkahumalingsasa
Pagkahumaling
Pagbabasa
ngWattpad
Wattpad
Pagbabasa ng
(RationalDecision
DecisionMaking
Makingtheory)
theory)
(Rational
DeskriptibDeskriptibSarbeyMetod
Metod
Sarbey
Epekto
Epekto
(PsychologicalExchange
Exchange
(Psychological
Theory)
Theory)
Masama
Masama
Mabuti
Mabuti
Lubos na gumagalang,
BACURIN, Jasmine Joyce S.
Mananaliksik
Pangalan(Opsyonal): ______________________________
Petsa: __________
Lalaki [
Babae
]
[
II. Talatanungan
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa
lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng
mananaliksik.)
1. Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang Wattpadder dahil sa mga sumusunod
na kondisyon:
1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib mo sa
tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito mong
kwento.
Oo
Hindi
Hindi
Hindi
Hindi
Pormula: n = N / (1 + Ne)
Aplikasyon:
n = N / (1 + Ne)
= Kabuuang Populasyon
= Inaasahang Kamalian
= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94
Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos kinuha ang porsyento o
bahagdan gamit ang pormula sa ibaba:
Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100
Aplikasyon:
Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100
A. Kaugnay na Literatura
8
Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago. Habang
ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at
demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isat-isa,
pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang publiko,
paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon. Ang
pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang kakayahang pamamahayag nito
na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.
B. Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global City na pinamagatang
KABANATA III
Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na Datos
Interpretasyon:
Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnaput apat (94) na respondenteng
tumugon sa talatanungan dalawamput pitong porsyento (27%) na katumbas ng
dalawamput limang (25) respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder dahil lang
sa kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing may
bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor samantalang pitumput tatlong porsyento
(73%) naman na katumbas ng animnaput siyam (69) na respodente ang sumang-ayon na
maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog ang
kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor.
Analisis:
Interpretasyon:
Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%) na katumbas ng pitong (7)
respondente ang hindi sumang-ayon sa kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang
naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari
sa kwento at siyamnaput tatlong porsyento (93%) naman o walumput pitong (87)
Analisis:
Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw na karamihan sa mga
respondente ay naglalaan ng oras sa pagmumuni-muni at pagbabalik- tanaw sa bawat
detalye ng kwento ngunit may mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa kondisyong
inilahad na marahil ang mga sumagot ng hindi ay mga respondenteng may iba pang
pakahulugan ng pagiging Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na talahanayan.
Interpretasyon:
Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng kondisyon na nakatuon sa
pagiging Wattpader ng mga respondente sa kadahilang hanggang sa panaginip nakikita
nila ang karakter sa kwento, apatnaput isang porsyento (41%) ang sumagot ng oo, ito ay
Analisis:
Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng hindi nakikita ang mga
karakter sa kwentong kanilang binabasa sa kanilang panginip ngunit hindi naman
nalalayo ang bilang ng mga respondenteng maiuturing ang kanilang mga sarili bilang
mga Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong inilahad ng mananaliksik. Isang maaaring
nagbunsod upang lumitaw ang resultang ito ang pagkakaiba ng mga ibat ibang aspeto ng
pagkatao ng mga respondente.
Interpretasyon:
Analisis:
Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan ang kanilang mga sarili
bilang mga Wattpadder dahil naaapektuhan sila ng sobra sa kwentong kanilang binabasa
na para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento. Ngunit kaalinsunod parin nito
ang bahagdan ng mga respondenteng hindi itinuturing ang kanilang mga sarili na
Wattpadder dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang magkakaibang estado ng
emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol
sa resultang lumitaw.
Interpretasyon:
Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa ibat ibang kadahilanan ng mga
respondente kung bakit nila kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad. Kapwa
walang sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay nakapagbibigay ng satispaksyon at
nakapagtuturo ng aral, dalawang (2) respondente naman na katumbas din ng dalawang
porsyento (2%) ng kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng
respondente. Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng sumagot ng iba pa ay
nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang pagbabasa ng Wattpad kaya sila nahuhumaling
dito at ang natitirang limampung porsyento (50%) ay nagbigay ng dahilan na habit na raw
kasi ang pagbabasa ng Wattpad. Anim na poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon
na sumasalamin sa anim na respondente (6) ang sumang-ayon na nakapagbibigay ng
kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnaput dalawang poryento (92%) ang
Analisis:
Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang nahuhumaling sa Wattpad
dahil nagsisilbi na itong libangan o pampalipa-oras ng mga naturang mag-aaral. Hindi rin
maikakaila ayon sa datos na nakalap na may iilan ang naniniwala na ang pagbabasa ng
Wattpad ay nakapagbibigay ng kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan ng
pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman ang sumang-ayon na
nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad dahil nakapagbibigay ito ng satispaksyon at
nakapagtuturo ng aral. Ang ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng mananaliksik na
nakadepende sa dalas ng panahong ginugugol nila sa pagbabasa ng Wattpad.
Interpretasyon:
Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng respondente ukol sa mga
masamang epektong dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Tatlong porsyento (3%) na
tumutukoy sa tatlong (3) respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot ng iba pa
kung saan ang isa (1) rito ay may pananaw na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging
dahilan ng pagkukulang niya ng oras na makapag-aral, ang isa (1) naman ay nagsabing
napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad at ang natitirang isa (1) ay nagsawalat na dahil
sa pagbabasa ng Wattpad nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang
porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng limang (5)
respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng gutom sa pagbabasa ng Wattpad,
labingdalawang (12) respondente naman o katumbas ng labingtatlong porsyento (13%)
ang sumagot na nawawalan sila ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao dahil sa
pagbabasa ng Wattpad. Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang tugon ng
Analisis:
Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik na ang pagpapabaya ng
mga respondente sa pag-aaral na lumitaw bilang pinakamasamang epekto ng wattpad sa
kanila ay bunga ng ibat ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga naturang respondente
sa Wattpad na ipinakita sa nauna ng talahanayan, ang talahanayan 2.
Analisis:
Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging sa pangingibabaw ng
pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili bilang pinakamabuting epektong dulot
ng Wattpad sa mga respondente ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na maaaring bunga
ng ibat ibang ingay-panloob ng bawat respondente.
Interpretasyon:
Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng mga respondente kung
dapat lang bang tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey
may parehong bilang ng respondente ang sumagot ng oo dahil maraming benepisyo ang
makukuha sa pagbabasa nito at ang mga respondenteng sumagot na di-masabi kung dapat
o hindi ba dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Ang mga respondenteng ito ay
may eksaktong bilang na lima (5) na katumbas din ng limang porsyento (5%) ng
kabuuang populasyon. Sinusundan ito ng dalawamput apat na porsyento (24%) o
dalawamput tatlong (23) respondente na nagsabing hindi na dapat tangkilikin pa ang
Analisis:
Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos kung saan lubos na
nangibabaw ang mga respondenteng hati ang opinyon kung dapat bang tangkilikin pa ang
Wattpad o hindi na ay bunga ng parehong masama at mabuting epektong naidudulot ng
wattpad sa mga respondente na naunang nasuri sa ikatlo at ikaapat na talahanayan.
KABANATA IV
Natuklasan
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-alaman at mailahad ang
ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng
mga mag-aaral ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit
masamang epekto nito sa kanila at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng siyamnaput apat
(94) na mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos. Ginamitan ito ng
deskriptib-sarbey metod samantalang dikotomus at maraming pagpipiliang tanong naman
ang uri ng sarbey na ginamit sa pangangalap ng datos at impormasyon. Ang pag-aaral ay
isinagawa sa pagitan ng Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014.
Natuklasan na sa siyamnaput apat (94) na kabuuang populasyon, animnaput siyam
(69 o 73%) ang nagpapatunay ng pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib sa
tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumput lima (85 o 93%) ang
naglalaan ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu
(80 o 85%) naman ang naapektuhan ng sobra na para bang sila ang karakter sa mismong
kwento. Dagdag pa rito, walumput anim (86 o 91%) ang nagsabing libangan at
pampalipas oras na nila ang Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan, kapabayaan naman
sa pag-aaral ang tugon ng apatnaput limang (45 o 48%) mag-aaral ukol sa masamang
dulot nito sa kanila at tatlumput tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang kabutihang dulot
Konklusyon
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at kaalinsunod ng pangkalahatang
layunin ng pag-aaral na ito, buong tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga
sumusunod na konklusyon:
1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay tumutukoy sa kabog ng
dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang awtor ng paboritong kwento, sa
paglalaan ng ilang minutong pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa mga
pangyayari nito at sa pagiging sobrang apektado na para bang mga karakter sa
kwento.
2. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil nagsilbi
na itong libangan o pampalipas-oras nila.
3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang
mapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.
4. Nakabubuti ang pagbabasa ng Wattpad sa aspetong nabibigyan nito ang mga
mag-aaral ng satispaksyon at kasiyahan.
5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa
parehong mabutit masamang epekto nito sa kanila.
Rekomendasyon
REFERENSYA