AP-10 NOTES (Gender Roles)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10P-KONTEMPORARYONG ISYU

IKATLONG MARKAHAN
GENDER ROLES SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIIG
Africa at Kanlurang Asya

Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga
miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang
mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto.
Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa
paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay hindi pa maaaring bumoto (ayon sa
pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi
pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot
sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).

Talahanayan 3.1Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan


Kanlurang Asya Kanlurang Asya
Lebanon (1952) Egypt (1956)
Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005)* Libya (1964)
Sudan (1964)
*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong 2005.
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi
pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa
malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na
walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na
nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago
ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human
Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro
ng LGBT.
Gawain. Basa-Suri
Mga Panuto: Matapos na mabasa ang teksto tungkol sa Africa at Kanlurang Asya sagutan ang mga pamprosesong
tanong sa ibaba. Kopyahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa inyong papel.
Pamprosesong mga Tanong:
1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ano sa palagay mo ang epekto sa: a)
emosyonal, b) sosyal, at c) sikolohikal na kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa Africa at Kanlurang
Asya? Magbigay ng patunay.
4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa bahaging ito ng
mundo? Patunayan ang sagot.

Gawain. Paghambingin at Unawain


Mga Panuto: Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang tatlong pangkultura pangkat sa New Guinea ayon
sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead. Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang dalawang mahalagang tanong
kaugnay nito upang mataya ang pag-unawa sa iyong binasa.
Pangkulturang Pangkat sa New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa
rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-
aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga
tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanilang namang pamamalagi sa
pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang
Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan.
Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng
makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang
sarili at mahilig sa mga kuwento.
Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies. HarperCollins Publishers,
1963.http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html
TALAHANAYAN

Lalaki Babae

ARAPESH
MUNDUGUMUR

TCHAMBULI

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod:


 Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang
bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
 Sa Saudi Arabia, may pagbabawal sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa
kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).
 Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago
ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
 Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo
sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat ng: Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli.

Gawain. BAWAL JUDGEMENTAL! Situational Analysis


Mga Panuto: Matapos mong malaman ang kalagayan ng mga lalaki, babae, at mga miyembro ng LGBT sa Africa,
Kanlurang Asya at Papua New Guinea, balikan mo ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga nabanggit na kasarian.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Kopyahin ito sa isang buong papel at isulat ang sagot sa tsart.

Sitwasyon Sagot
1. Sina Jasper at Betty ay magkarelasyon sa loob ng isang taon. Si Jasper ang
nagdedesisyon kung saan sila pupunta at kung ano ang kanilang gagawin. Palaging si
Jasper ang nagbabayad sa lahat ng gastos nila. Dahil pareho na silang nagtatrabaho,
nais ni Betty na umambag sa mga gastusin. Hindi pumapayag si Jasper dahil para sa
kanya ang lalaki dapat nagdedesisyon at may kontrol sa pinansyal na aspeto.
Tanong: Tama ba si Jasper sa kanyang paniniwala? Ipaliwanag.
2. Sa isang basketball tournament sa Poblacion, Dauis kung saan ang bawat team ay
may miyembro na babae at lalaki, inanunsyo ng referee na kapag makapuntos ang
babae dapat katumbas nito ay tatlong puntos. Para sa referee tama lang ang ganitong
patakaran dahil ang kababaihan ay hindi kasing galing ng mga lalaki sa ganitong laro.
Tanong: Sumasang-ayon ka ba sa pahayag ng referee? Bakit?
3. Si Alysha ay 13-anyos, at nakatira sa isang liblib na lugar sa Mindanao. Sabi ng
kanyang ama siya ay nakatakdang ikasal sa isang 18-anyos na lalaki pagkalipas ng
dalawang buwan. Hindi niya kailanman nakilala o nakita ang kanyang
mapapangasawa. Nagprotesta si Alysha, ngunit sabi ng kanyang ama wala na siyang
magagawa dahil ang kanyang ama ama ang dapat masunod.
Tanong: Tama ba ang ginawa ng kanyang ama? Bakit?
4. Si Katherine ay nagtratrabaho bilang guro sa Math ng DCPNHS sa loob ng
sampung taon. Nagkaroon ng bakante para sa pagkapinuno ng kanilang kagawaran, at
interesado siya sa posisyon. Ngunit siya ay hindi napili dahil ang pagkapinuno ay
nababagay lamang sa kalalakihan.
Tanong: Sumasang-ayon ka ba ang matataas na rangko ay para lamang sa kalalakihan?
Pamprosesong mga Tanong
1. Anu-ano ang mga isyu na ipinakita sa iba’t-ibang sitwasyon?
2. Alin sa mga sitwasyon ang ayaw mong mangyari sa iyo? Bakit?
3. Sa iyong palagay, nakakabuti ba na panatilihin ang mga nakagawiang gender roles?
4. Paano maitataguyod ang isang pamayanang may paggalang at respeto sa kapwa tungo sa pagkakapantay-pantay?
Sanggunian sa paggamit ng modular Activity no. 6: Private Education Assistance Committee under GASTPE
Program of the Department of Education

You might also like