Ikalawang Markahan Ap-10 (Unemployment Notes)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 10-KONTEMPORARYONG ISYU

Ikalawang Markahan Notes

UNEMPLOYMENT

Mga Uri ng Unemployment


1. Voluntary
Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.
2. Frictional
Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang trabaho
dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.
3. Casual
Nangayayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon.
4. Seasonal
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon (Halimbawa:
Tuwing magpa pasko)
5. Structural
Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa ekonomiya kaya hindi na
rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan.
6. Cyclical
Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas ng business cycle.
Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment
Gawain 3: Uri-Suri!
Tukuyin ang iba’t ibang uri ng Unemployment.
1. Mga Job Orders sa gobyerno na nagtatrabaho ng 6 na buwan
2. Mga tamad na tumigil at ayaw magtrabaho.
3. Mga waiter na On-call sa isang restaurant.
4. Mga Gumagawa ng parol tuwing pasko.
Pagkawala ng Virgin Cola sa pamilihan

Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan ng trabaho


(Unemployment):

*Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa dating trabaho.

*Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.

*Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at


okasyon.

*Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya sanhi
ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.

*Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.


*Non-IT BPO -ito ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng
pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call
center agent sa bansa upang magtrabaho

UNEMPLOYMENT
Mga Kaganapan sa suliranin sa trabaho.
*Edad 15-24 taon
-ay naghahahanap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials.

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-
ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa
isang desenteng paggawa (decent work) na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa
anumang ang kasarian para sa isang disente marangal na paggawa.

Apat na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)


1. Employment Pillar
Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa,
at maayos na workplace para sa mga manggawa.
2. Worker’s Rights Pillar
-Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa

3. Social Protection Pillar


Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
4. Social Dialogue Pillar
Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad. Palakasin at laging
bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng
mga collective bargaining

Gawain 4: Repleksiyon (10puntos)


Panuto: Pangkatin ang klase sa apat ibigay ang epekto ng unemployment sa lipunan. Isulat ito sa isang
buong papael kapakip ng mga pangalan ng grupo.(2-3 pangungusap bawat tanong)

“Bakit kailangang pag-aralan ang unemployment? Paano ito nakakaapekto sa ating pambansang
ekonomiya?”

Gawain 5: Pantomime
Panuto: Pangkatin ang klase sa apat at isadula ng pantomime ang haligi ng desente at marangal na
paggawa. Kailangang maisadula ng maayos at basahin pagkatapos ang depinisyon na kanilang
isinadula.
Rubrik:

Nilalaman- 10
Tamang pagsasadula- 10
Pakikilahok- 10_______

30 puntos

You might also like