LP 10
LP 10
LP 10
,
SANTA CRUZ MARINDUQUE
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
LAYUNIN:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kuwetong nasa anyong dagli
Nauunawaan ang aralin tulong ng mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin at
tekstong nagsasalaysay
Nakasusulat ng dagli tungkol sa di-karaniwang pangyayari sa paligid
INAASAHAN:
Magagawa kong makasulat ng sariling dagli
POKUS NA MGA TANONG: Paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan?
Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin sa pagsulat ng sariling dagli?
TUKLASIN
GAWAIN 1: PATOTOHANAN ANG KONSEPTO!
Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong
sagot.
TOTOO KONSEPTO TUNGKOL SA ARALIN HINDI TOTOO
1. Ang dagli ay mga sitwasyonyg may mga nasasangkot na tauhan ngunit
walanga aksiyong umuunlad, gahol ang banghay, at paglalarawan lamang.
2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at walang timping nangangaral,
namumuna, nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring.
3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng paghihimagsik.
4. Ang mga salitang malungkot, takot na takot at tuwang-tuwa ay
nagpapahayag ng damdamin.
5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong bata pa ako at kamakailan lang
ay ginamit upang maglarawan ng mga pangayayari.
LINANGIN
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y pitong taong
gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa
lungsod.
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng umaga.
Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa
aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran.
Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki. Sumunod po,
tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain,
kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang
bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga
paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y
hindi na po siya galit bukas. Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa
giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi po ako
kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako
natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako
ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral.
Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia
GAWAIN 4: PAGLINANG NG TALASALITAAN
Ayusin ang sumusunod na salita ayon sa pormalidad nito at pagkatapos ay tukuyin ang
kahulugan.
Halimbawa: mayabang, hambog, mahangin
Sagot: hambog, mahangin, mayabang
1. busabos, mahirap, yagit
2. madatung, mayaman, mapera
3. edad, gulang, taon
4. galit, banas, suklam
5. magsunog ng kilay, magpakadalubhasa, mag-aral nang mabuti
GAWAIN 5: UNAWAIN MO
Ako Po’y
Pitong Taong Tauhan Tagpuan Pangyayari 1 Pangyayari 2 Pangyayari 3
Gulang
TAUHAN
NABASA NAPANOOD
PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
3. Ihambing ang tauhan ng dagling nabasa sa tauhan ng alinmang dulang pantelebisyon na may
pagwawakas. Sundan ang grapikong representasiyon.
4. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek (a) ang sagot at ipaliwanag.
____ tauhan ____ dayalogo
____ banghay ____ paglalarawan ng matinding damdamin
____ tunggalian ____ paglalarawan ng tagpo
5. Ano ang pagkakaiba ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad halimbawa ng maikling kuwento?
Paghambingin sa tulong ng venn diagram.
Inihalimbawa ng grupo ang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa malalaking plantasyon ng asukal
sa Negros Occidental. Dahil sa walang habas na importasyon ng asukal, halos patayin na nito ang lokal
na industriya. Dahil sa matinding kompetisyon, nagresulta ito ng pagpasok ng sistemang pakyawan sa
mga manggagawang bukid sa mga asyenda.
1. Paano tinanggap ng mga delegado sa pambansang kumperensiya ang pamamaslang sa isang bata sa
Tarlac? 2. Ilarawan ang iyong damdamin sa testimonya ng batang si Jojie tungkol sa sinapit ng kaibigan.
Maaaring pumili sa mga emoticon o magbigay ka ng sariling paglalarawan ng iba pang damdamin.
Ipaliwanag.
3. Patotohanan ang sinabi ni San Miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at patuloy
pa rin ang paglabag sa kanilang mga karapatan. 4. Paano mo ihahambing ang sitwasyon ni Amelia na
taga-Carribean sa sitwasyon ng mga batang sina Jojo at Jojie na taga-Tarlac? 5. Bilang isang kabataan,
magbigay ng mungkahi sa ating pamahalaan kung paano mapangangalagaan ang karapatan ng mga
bata. Gawin sa pamamagitan ng isang liham. 6. Ilarawan ang kalagayang panlipunan na masasalamin sa
binasang teksto. Magbigay ng reaksiyon ukol dito. 7. Ang binasa mong teksto ay isang halimbawa ng
tekstong nagsasalaysay. Isinasalaysay nito ang pagkakapaslang kay John Cali Lagrimas ng Tarlac.
Halimbawa ng pangungusap na nagsasalaysay mula sa binasa: Kuwento ni Jojie, hindi nila
makakalimutan ni John Cali ang pananakot ng mga guwardiya ng RCBC. Ikaw naman ang magbigay ng
tatlo pang iba halimbawa mula sa teksto
Pagsasanay 1: Basahin ang talata at pagkatapos ay itala sa iyong kuwaderno ang mga salitang ginamit na
nagpapahayag ng pangyayari at damdamin. Nabigyan ako ng pagkakataon na dumalo sa writeshop ng
isang pribadong palimbagan bilang paghahanda sa pagsulat ng modyul na gagamitin ng mga mag-aaral.
Ang unang araw ay ginugol ko sa biyahe, pag-aayos ng mga gamit sa itinakdang silid at oryentasyon sa
mga gagawin. Madalas kasi na ginaganap sa malayong lugar ang writeshop upang mailayo ang mga
kalahok sa magulong lungsod ng pinagmulan at mabigyan ng bagong inspirasyon. Naroroon ang
pananabik at takot kung ano ang mangyayari sa akin sa loob ng ilang araw. Sa ikalawang araw ay nakinig
lamang ako sa panayam tungkol sa iba’t ibang kaalaman na kailangan upang makapagsulat. Ang ikatlong
araw ay ginugol ko sa paghahanap ng mga materyales, babasahin, akda na gagamitin sa pagsulat.
Sumakit ang ulo ko at nakaramdam ng hilo sa dami ng binabasa at hinahanap. Sa ikaapat na araw ay
nagsimula na akong magsulat sa una kong aralin. Masaya kong hinarap ang hamon kahit na alam kong
hindi madali ang aking gagawin. Malaki ang naitulong ng iba ko pang kasama sa writeshop. Madalas
kaming magbrainstroming at hindi nawawala ang biruan at tawanan. Gumugol ako ng ilang araw bago
nakatapos ng isa. Anong sarap sa pakiramdam na mayroon ka ng naisulat pero kinakabahan pa rin dahil
susunod naman ang pagkritik ng mga batikan sa institusyon. Sumunod na araw ay humarap kami sa
panelist ng kritiko na binubuo ng specialist, validator, at mga propesor sa unibersidad. Noong una ay
parang magsisikip ang dibdib ko sa dami ng puna na kanilang sinabi. Kung mahina ang iyong loob ay para
kang matutunaw sa iyong kinauupuan. Subalit itinanim ko sa isip na kailangan kong maging bukas,
makinig, magtala, at tanggapin ang lahat ng kanilang sasabihin na sa huli ay huhubog sa aking kakayahan
sa pagsusulat. Tinandaan ko ang lahat at nangako sa sarili na sa susunod ay lalo ko pang pagbubutihin
ang pagsusulat. Pagsasanay 2: Pag-aralan ang paksa sa sumusunod na mga usapan at pagkatapos ay
bumuo ng sariling pangungusap upang mabuo ang diyalogo. Sikaping gumamit ng mga salita na
nagpapahayag ng damdamin at pangyayari. Usapan # 1 Egay: Nabalitaan mo ba ang napipintong giyera
sa pagitan ng Russia at Ukraine? Evelyn: ______________________________________ Egay: Sana ay
makinig sila sa pakiusap ng United Nations. Evelyn: ________________________________________
Usapan # 2 Rowena: Mare, ano ba ‘yung sinasabi nila na makakalikasang pamumuhay? Jelly
_______________________________________ Rowena: Ah! Kahit paano pala ay nakatulong ako sa
kalikasan natin. Nagdadala ako ng sariling eco bag. Jelly:
________________________________________ Usapan # 3 Benjie: Pare, nabalitaan mo ba na namatay
na ang kumpare nating si Joel? Ken: ________________________________________ Benjie: Kaya
iwasan na rin natin ang pag-inom. Mabuti pa, magbasketball tayo o mag-exercise. Ken:
_________________________________________ Pagsasanay 3: Bumuo ng maikling salaysay tungkol sa
iba pang problema na kinakaharap ng kabataan maliban sa child labor. Pumili ng isang paksa sa ibaba
Isulat ang talata sa iyong sagutang papel. Sikaping gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin at pangyayari. 1. bullying 2. maagang pag-aasawa 3. masasamang bisyo 4. generation gap 5.
problemang pampamilya
Pagnilayan at Unawain
1. Paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan?
DAGLI
SAGOT:
Ilipat
Mahilig kang magbasa ng iba’t ibang artikulo, maiikling kuwento, tula, nobela, at iba pa. Naisip mo na
sumulat ng isang dagli tungkol sa di-karaniwang pangyayari sa paligid o kaya naman ay di-
pangkaraniwang ginawa ng isang tao, at ito ay ilalathala mo sa hatirang pangmadla (social media).
Tandaan ang sumusunod na gabay: 1. magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian,
dayalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo 2. magsimula lagi sa aksiyon 3. sikaping
magkaroon ng twist o punchline sa dulo 4. magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento 5.
gawing double blade ang pamagat Ang mambabasa sa social media ay bibigyan ka ng iskor batay sa
sumusunod: a. tema o paksa b. malikhain c. estilo sa pagsulat d. mensahe e. lakas ng dating Tatanggap
ka ng 3 puntos sa bawat krayterya kung nagawa mo nang mahusay; 2 puntos kung katamtaman;
at 1 puntos kung dapat pang paghusayan.