G9-Ikatlong Markahang Pagsusulit
G9-Ikatlong Markahang Pagsusulit
G9-Ikatlong Markahang Pagsusulit
Department of Education
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
PINAMASAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pinamasagan, San Fernando, Camarines Sur /60
A/Y 2022-2023
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_________1. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
b. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga tao.
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
_________2. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa Katarungang Panlipunan?
a. Malalaman mo ang iyong papel sa katarungang Panlipunan.
b. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop s aiyo.
c. Masiguro mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa.
d. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at paggalang mo sa dignidad ng kapwa na likas sa
pagiging tao ng tao.
_________3. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao?
a. Bisitahin ng guro ng nag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik ito sap ag-aaral.
b. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng barangay tuwing Sabado upang maglaro ng basketball.
c. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga Karapatan sa lipunan.
d. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyari sa sistemang legal ng bansa.
_________4. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
a. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
b. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkamali at hindi manisi ng iba.
c. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
d. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga Karapatan ng kapwa.
_________5. Natutuhan mo sa Asignaturang ESP na ang Katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Ano
ang dapat na magpatotoo nito?
a. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tueing kainan.
b. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay.
c. May “Feeding Program” ang paaralam para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
d. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
_________6. Ayon sa Laorem Exercens, bakit Mabuti sa tao ang paggawa?
a. Dahil natutugunan ng tao ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
b. Dahil naisasakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili, sa kapwa at sa Diyos.
c. Dahil ito ang nagsisilbing daan upang mapaunlad ng tao ang kaniyang katayuan sa buhay.
d. Dahil naipapakita ng tao ang kaniyang talion, galing at talent sa paggawa.
_________7. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian na kailangang taglayin ng tao upang maisabuhay ang kagalingan
sa paggawa?
a. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. C. mataas na pagtingin sa sariling kakayahan
b. Pagtatagalay ng mga kakailanganing kasanayan. D. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
_________8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap tungkol sa gagawa ang tama?
a. Sapat na ang lakas at layunin sa paggawa ng isang Gawain o paglikha ng produkto.
b. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ang natatanging kailangan upang makagawa ng isang produkto o
maisagawa ang isang Gawain.
c. Hindi kinakailangan ang kakayahan at talion sa paggawa.
d. Ang pagsasagawa ng isang Gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking
kahusayan.
_________9. Kailan mo masasabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan?
a. Kung ito ay pinupuri ng lahat ng taong makakakita nito.
b. Kung ito ay maipabibili sa napakalaking halaga.
c. Kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa kaniya.
d. Kung ito ay ginagamitan ng kakayahan at kasanayan.
_________10. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan na may kalidad o kagalingan ang iyong paggawa maliban sa:
a. Nagdarasal muna bago gawin ang isang bagay.
b. Sinasabay ang pagbabasa at pag-uunawa sa panuto habang ginagawa ang Gawain.
c. Hindi sumusuko sa anumang Gawain kahit mahirap ito.
d. Nagpaplano ng paraan kung paano gagawin ang isang Gawain bago simulant ito.
_________11. Ang palatandaan ng taong may taglay na kasipagan ay ang paggawa sa Gawain ng may pagmamahal. Alin sa
mga sumusunod ang hindi nagpapakita nito?
a. Pagbibigay malasakit sa Gawain c. Hindi pagpapabaya at may buong puso sa paggawa
b. Paggawa ng mga Kalidad d. Pagmamadali sa pagtapos ng Gawain.
_________12. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng
kahulugan nito maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang Gawain,hanapbuhay o trabaho. c. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay. d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
_________13. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga Gawain at sinisiguro niya na magiging
maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang Gawain. c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
b. Ginagawa ang Gawain ng may pagmamahal d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
_________14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ang “Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay”, Nagtitipid
upang________.
a. Maging mabuting halimbawa sa iba. C. mamuhay ng masagana
b. Makapagbahagi sa iba. D. matugunan ang pangangailangan.
_________15. “Ang mabuting plano at pagpupunyagi ay nagdudulot ng kasaganahan, ngunit ang nagmamadali ay
nagdudulot ng kahirapan” -kawikaan 21:5. Ano ang ipinahihiwatig nito.
a. Para maging mayaman, magsumikap sa buhay.
b. Kailangang magplano uoang maging matagumpay sa buhay.
c. Iwasan ang pagmamadali dahil ang mga taong nagmamadali ay naghihirap balang araw.
d. Umuunlad sa buhay ang mga taong nag-iisip nang Mabuti at matiyagang isinasasagawa ito.
_________16. “Time is Gold” iyan ang pinakakaraniwang kasabihan tungkol sa oras. Pinapahalagahan natin ito tulad ng isang
kayamanan na hindi maaaring mawala at hindi dapat inaaksaya. Ilan sa mga nabanggit ang hindi paggamit ng oras maliban
sa isa:
a. Pagpapaliban ng Gawain upang panoorin ang sinusubaybayang palabas.
b. Pagnanais na mandaya sa oras at maagang pag-uwi ng hindi nagpapaalam.
c. Paggawa ng to-do-list upang maplano ang gagawin kinabukasan.
d. Hindi pakikinig sa klase upang magbalik aral sa paboritong asignatura.
_________17. _________ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa.
a. Katarungang Panlipunan c. Pamamahala sa Paggamit ng Oras
b. Paggawa d. Katapatan at Tungkulin
_________18. Si Anna ay lagging nauuna ang pagpefacebook kaysa sa pagsasagot ng modules niya. Anong gawi ang ugali
ang kaniyang ipinapakita?
a. Kasipagan c. Pagtitipid
b. Katamaran d. Pamamahala sa Oras
_________19. Ito ay ang mabisang paraan upang mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga s aiyo at sa iyong
paggaawa.
a. Pag-iiskedyul c. Pagtapos bago ang takdang oras
b. Paglilibang d. Pagkakawang-gawa
_________20. Pamntayan sa pagtatakda ng tunguhin kung saan kailangan na ang isusulat mo na tunguhin sa paggawa ay
kaya mong Gawain at naisasakatuparan.
a. Attainable b. Measurable c. Realistic d. Time Bound
B. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA. Isulat ang M kung ang pangungusap ay MALI. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
_________21. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
_________22. Isinasaalang-alang ng katarungan ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan.
_________23. Ang Katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa
ugnayan ng tao sa kanyang kalipunan.
_________24. Ang kalipunan ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kanyang tungkulin sa isang
institusyon.
_________25. Makakamit ang Katarungang Panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga ng katotohanan.
_________26. Ang katarungang panlipunan ay nakatuon sa kabutihan ng mga tao.
_________27. Ang Katarungan ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao.
_________28. Ang kapayapaan ay bunga rin ng pagmamahal , ang pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan.
_________29. Kailangan na maging bukas tayo at handing isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa
tungo sa kabutihang panlahat.
_________30. Pinatitibay ang pag-iral ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na
mga pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat.
C. Panuto: Surrin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Isulat ang titik ng bawat sagot.
KASIPAGAN
44-