ESP (First Quarter)
ESP (First Quarter)
ESP (First Quarter)
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V- Bicol
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MANGUISOC
Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte
UNANG MARKAHAN
ESP 9
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
I. TAMA O MALI-Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay totoo at isulat ang MALI kung sa palagay ninyo ang
pangungusap ay nagsasaad ng hindi makatotohanang pahayag.
__________1. Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang.
__________2. Ikaw ay likas na sosyal dahil ikaw ay nilikhang sumasalipunan, isa kang panlipunang nilalang.
__________3. Ang pagnanais na mapag-isa ay panlipunan
__________4. Binubuo ng tao ang lipunan, hindi ang lipunan ang bumubuo sa tao.
__________5. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan lamang ng indibidwal o koleksyon ng indibidwal na kabutihan ng
mga taong bumubuo nito.
__________6. “Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami.”
__________7.Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng isang tiwala
__________8. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang
pagsisikap ng lipunan
__________9. Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan
__________10. Ang tunay na mayaman ay nakikilala ang kaniyang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa
Angelie I.
Gomez