BSEF 23 Quiz 1
BSEF 23 Quiz 1
BSEF 23 Quiz 1
Total points9/10
NAME*
KYLA FRANCHESKA N. GARCIA
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa disiplina sa paaralan, mga aklat at mga
kagamitang ginagamit, paggawa ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga
pagsusulit at kung anu-ano ang itinuturo ng guro?
*
1/1
A. Filipino
B. Wika
C. Asignatura
D. Kurikulum
2. Sila ang sumakop sa mga wika ng katutubo at binagoi ang kagawian ng mga
katutubo?
*
1/1
A. Amerikano
B. Hapones
C. Kastila
D. Bagong Filipino
5. Ano ang tawag sa karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-
aaral pagkatapos ng high school?
*
1/1
A. K+12 at Senyor Haeskul
B. K+12
C. Daycare+12 at Senyor Haeskul
D. K+12 at Junior Haeskul
7. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino bago ang
pananakop ng mga Espanyol?
*
0/1
A. Alibata
B. Alpabeto
C. Baybayin
D. Kaligrapiya
8. Ano ang tawag sa mga sundalong naging guro ng mga Pilipino sa pananakop ng
mga Amerikano?
*
1/1
A. Prayle
B. Thomasites
C. Guardia Civil
D. Sepoy
II. ESSAY
· Bilang magiging guro sa hinaharap, ano sa tingin mo ang magagawa ng mga
guro sa Filipino upang matulungan ang mga mag-aaral na mahalin at
pahalagahan ang asignaturang Filipino? Maglahad ng mga kapamaraanan o plano sa
maaari mong gawin. (10pts)
*
Sa aking palagay, dapat ko munang mahalin ang pagtuturo, at ang wikang ituturo ko. Sa
pamamagitan nito, makikita ng mga mag-aaral ang dedikasyon at pagmamahal ko sa wikang
tinuturo ko, at may posibilidad na gayahin nila ako. Gagawin ko ito sa pamamagitan ng pagiging
malikhain ko sa paggagawa ng mga kagamitang panturo at susubukan kong mag-isip ng pinaka-
angkop at kawili-wiling teknik sa pagtuturo upang ganahan silang matuto at maging aktibo sa
asignaturang Filipino. Sasanayin ko ring magsalita nang tuwid na Filipino habang ako ay
nagkaklase upang gayahin nila ako kapag sila naman ang magsasalita sa klase. Gagamitin ko ito
nang wasto at akin itong ipagmamalaki. Hihikayatin ko rin silang magbasa nang magbasa ng mga
makabuluhang panitikan sa Pilipinas. Maaari rin akong magbigay ng mga gawaing pagganap na
may kinalaman sa leksyon namin sa Filipino na kung saan ay pwedeng ma-i-integrate ng mga
mag-aaral ang kanilang talento rito, nang sa gayon ay mas ganahan silang mag-aral, matuto, at
pahalagahan ang asignaturang Filipino.
· Ano-ano ang mga makrong kasanayan sa pagtuturo ng wikang Filipino? Paano
makatutulong ang mga ito sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino? (10pts)
*
Ang apat na makrong kasanayan ay ang pakikinig, pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita. Sa
totoo lamang, napakahirap aralin ng lenggwahe ngunit sa tulong ng apat na makrong kasanayan
ay unti-unti nitong huhubugin ang kakayahan ng isang estudyante sa pag-aaral ng asignaturang
Filipino. Una ay ang pakikinig, dito ay nahahasa ng mga mag-aaral ang kanilang konsentrasyon
sa pag-unawa at pag-alala sa kanilang mga narinig sa pamamagitan ng mabillis na pagkuha ng
impormasyon mula sa guro o kapwa mag-aaral. Sa pamamagitan nito, nalalaman din ng mga
mag-aaral ang tamang pagbigkas at pagbaybay sa isang salita. Ang halimbawa nito ay ang
paraang "dictation" o pagdidikta ng guro sa isang leksyon o kapag nagbibigay ang guro ng isang
pagsusulit na kung saan ay binabasa lamang ng guro ang nais niyang sabihin o itanong sa mga
mag-aaral. Ang ikalawa ay ang pagbabasa, sa tulong ng pagbabasa ng iba't ibang panitikan sa
Pilipinas ay malalaman at mauunawaan ng mga mag-aaral ang kultura at tradisyong mayroon
ang mga Filipino dahil hinuhubog ng pagbabasa ang imahinasyon at kaalaman ng mag-aaral.
Nakatutulong ang pagbabasa upang makapag-reflect ang mga mag-aaral at matutuhan nilang
mangatwiran base sa kanilang nabasa. Ang halimbawa nito ay ang pagbabasa ng mga panitikan
ng Pilipinas katulad ng mga nobelang Ibong Adarna na para sa ika-pitong baitang, Florante at
Laura para sa ika-walong baitang, Noli Me Tangere para sa ika-siyam na baitang, at ang El
Fillibusterismo para sa ika-sampung baitang. Ang ikatlong kasanayan ay ang pagsusulat,
nahuhubog nito ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa pagsulat ng mga pantikan. Ang
mga halimbawa nito ay ang pagsusulat ng iba't ibang panitikan sa paaralan katulad ng talumpati,
tula, maikling kwento, sanaysay, pananaliksik at marami pang iba. Ang ika-apat ay ang
pagsasalita, sa tulong nito ay naipamamalas ng mga mag-aaral ang tamang pagbigkas sa mga
salita at ang mga bagay na nais nilang sabihin. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay mas madaling
maipababatid sa mga estudyante ang mga mahahalagang impormasyon na nais nilang ipahayag
sa asignaturang Filipino. Ang mga halimbawa ng gawain sa pagsasalita ay ang talumpati, pag-
uulat, debate, pangkatang talakayan, at marami pang iba. Maliban sa apat na makrong
kasanayang nabanggit ko ay nais kong idagdag ang kasanayan sa pag-iisip na kung saan
hinuhubog nito ang pagiging kritikal nilang mag-aaral at ang pangangatwiran nila. Ang halimbawa
nito ay ang pag-iisip nila ng mga malikhaing teknik at pamagat kapag naggawa sila ng
pananaliksik o iba pang proyekto. Nais ko ring idagdag na maaaring magkaroon ng ugnayan ang
mga makrong kasanayan katulad ng pakikinig at pagsusulat na kalimitang ginagamit sa
pagdidikta ng guro ng leksyon. Maaari ring magkasama ang pagbabasa at pagsasalita na kung
saan ay magpapabasa ang guro ng kwento sa kanyamg mga mag-aaral at ipabubuod niya ito sa
pamamaraang pasalita o naratibo sa harap ng klase. Ang lahat ng makrong kasanayang aking
nabanggit ay makatutulong upang mabigyan ng aliw, galak, at karunungan ang mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino.
This form was created inside of Cavite State University.
Forms