DLP-AP-Q4 Week-1 Day 2
DLP-AP-Q4 Week-1 Day 2
DLP-AP-Q4 Week-1 Day 2
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
Malitam Elementary School
Malitam, Batangas City
I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standards)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pang- unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at
bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang
naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa
B.Pamantayan sa Pagganap( Performance Standards)
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan
tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
C. MgaKasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan
ng kinabibilangang rehiyon at sa mga lalawigan ng ibang rehiyon. AP3EAP- IVa-1
D. Layuning Pangkasanayan
1. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan
ng Cavite.
2. Nasasabi ang uri ng kapaligiran ng lalawigan ng Cavite.
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa
kapaligiran
II.Nilalaman
A. Paksa: Kapaligiran at ang Uri ng Pamumuhay
B. Sanggunian: MELC p.37
CG: AP 3 pahina p.78
BOW AP 3 pahina 172
PIVOT IV – A Quarter 4 pp.6- 12
Kaunlaran 123
C.Kagamitan: Powerpoint presentation
D.Integrasyon:ESP:Pangangalaga sa kapaligiran
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balik – aral
Ibigay ang uri ng hanapbuhay, sa mga sumusunod na uri ng
kapaligiran.
1.kapatagan
2.malapit sa dagat
3.kagubatan
4.kabundukan
5.minahan
2.Pangganyak
Saang lalawigan tanyag ang mga nasa larawan?
B.Panlinang Na Gawain
1.Paglalahad
Ngayong araw na ito ay pag -aaralan natin ang pisikal na kapaligiran at ang
kaugnayan nito sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan sa lalawigan ng Cavite.
Kapaligiran ng Cavite
Ang Cavite ay ang pinakamaliit na lalawigan sa buong rehiyon ng CALABARZON. Ang
kalakhang lupain dito ay kapatagan. May bahaging bulubundukin lamang kapag nagagawi
sa Tagaytay. Anim ang lungsod sa lalawigang ito. Ang Cavite ay ang isa sa mga lalawigan
sa Pilipinas na mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa dahil malapit sa Kalakhang Maynila.
Maraming kompanya ang nagtatayo ng negosyo tulad ng Intel, isang tanyag na Kompanya
ng Kompyuter. Marami rin ang nagtataguyod ng planta at industrial parks. Ito ay tinuturing
na sentro ng komersyalisasyon hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa. Ang dating
sakahan ay nalahuan ng mga industriya na gumagawa ng iba’t ibang produkto. Ginagamit
ito hindi lamang sa bansa kundi para sa pangangailangang panteknolohiya sa ibang panig
ng daigdig. Isa na rito ang tinatawag na CEPZA o Cavite Export Processing Zones. Kilala rin
ang ibang bahagi ng lalawigan sa produktong kape, paminta, at mga bungang kahoy tulad
ng pinya, papaya at guyabano.
Kalimitan kongkreto ang mga bahay rito dahil sa industriyalisasyon. Halos subdibisyon na rin
ang bumubuo sa mga residensiyal na lugar. Ang mga tao dito ay mahilig manamit nang
ayon sa nauuso sa kanilang lugar. Dalawa ang uri ng klima dito. Ang tagtuyot na
nagsisimula sa Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan na nagsisimula sa Mayo hanggang
Oktubre. Ang anim na lungsod na bumubuo sa lalawigan ay ang Lungsod ng Cavite,
Tagaytay, Dasmariñas, Imus, Bacoor, at Trece Martires, na nagsisilbing kabisera ng
lalawigan. Mainam na obserbahan ang mga lungsod dito dahil sa pagiging angat sa
industriyalisasyon at komersyalisasyon. Marami ritong gusali na nagsisilbing opisina ng iba’t
ibang kompanya. Mayroon ding apat na SM Supermalls at tatlong Robinson’s Malls ang mga
lungsod dito.
2.Pagtalakay
Anong uri ng kapaligiran mayroon ang lalawigan ng Cavite?
Paano iniaangkop ng mga tao sa lalawigan ng Cavite ang kanilang hanpabuhay sa
kanilang kapaligiran?
May kaugnayan ba ang kapaligiran ng sa uri ng hanpbuhay ng mga tao?
Ano – ano ang janapbuhay ng mga taga Cavite
C.Pangwakas na Gawain
1 .Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Iguhit ang kapaligiran ng lalawigan ng Cavite.
Pangkat 2
Isulat ang mga hanapbuhay ng mga naninirahan sa lalawigan ng Cavite.
Pangkat 3
Ayon sa hanapbuhay, ano-ano ang mga produktong maaring makuha dito.Iguhit ang mga
ito.
2.Paglalahat.
Ang kapaligiran ng lalawigan ay Malaki ang kaugnayan sa uri ng pamumuhay ng mga
naninirahan dito. Iniaangkop ng mga naninirahan ang uri ng hanapbuhay sa uri ng
kapaligiran ng kinabibilangang lalawigan.
IV.Pagtataya
V.Takda:
Gumuhit o gumupit ng mga produktong makukuha sa lalawigan ng Cavite.
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. ______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa aralin______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______