Linggwistikang Sikolohikal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LINGGWISTIKANG SIKOLOHIKAL (PSYCHO-LINGUISTICS)

ano ang Sikolohiya?

Ang sikolohiya ay kinikilala bilang isang agham na nagsusuri sa pag-uugali at kamalayan ng tao. Ito rin ang
siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao at function nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na
katangian o aktitud ng isang tao o pangkat (Enriquez, 2009).

Ano ang linggwistika?

Ayon kay Consuelo, ang linggwistika ay ang sayantipik na pag-aaral ng mga wika ng tao.Ayon

naman kay Miano, ang linggwistika ay makaagham na pag-aaral ng wika at maituturing na isang

bahagi ng liwanag na magsisilbing patnubay sa pag-unawa sa mga masalimuot at kahanga hangang

kapangyarihan ng wika.

Ano ang Sikolinggwistika o Psycholinguistics?

Ang sangay ng cognitive psychology na nag-aaral ng sikolohikal na batayan ng kakayahan at

pagganap ng wika.

Ang sikolinggwistika o sikolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng mga bagay na pangsikolohiya na

nagpapahintulot sa mga tao upang makuha,makagamit, at makaunawa ng wika. Pinag-aaralan nito

kung paanong ang isipan ng tao ay nakapagpapahintulot na maunawaan ang wika at makalikha ng

wika (Enriquez,2009)

Ayon pa rin kay Enriquez, ang Sikolohiyang Pilipino ay batay sa kultura at wika nating mga Filipino

na siyang nagbunsod upang matukoy na ang sikolohiya ay tungkolsa kamalayan


babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass

2. Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/ 
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

Apat na ponemang suprasegmental

1. Haba (length) 

- ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng
simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) 

- ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o


intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)

You might also like