q4 Las Filipino g10 Melc2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

10

Activity Sheet sa
Filipino 10
Kuwarter 4 – MELC 2
Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda sa
Pamamagitan ng: Pagpapatunay ng Pag-iral ng mga
Kondisyon sa Kabuuan o Ilang Bahagi ng Akda sa
Pagtukoy sa mga Kondisyon at Layunin sa Panahong
Isinulat ang Akda
Filipino 10
Learning Activity Sheet Blg. 2
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 2 na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Jenalyn G. Ronzales at Alvin G. Gamarcha


Mga Tagasuri: Carlito T. Talaban at Ofelia Combes
Tagaguhit:
Tagalapat: Felizardo S. Valdez III
Division of Guimaras Management Team:
Ma. Roselyn J. Palcat
Nordy D. Siason, Jr.
Elleda E. De la Cruz
Carlito T. Talaban
Arthur J. Cotimo
Felizardo S. Valdez III
Marve E. Gelera
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 2 na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng mga Paaralan ng
Guimaras sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 2 na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan
o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 2 na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Grado at Seksiyon: ___________
Paaralan:___________________________________Petsa: ________________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO BILANG 2

Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng akda sa Pamamagitan ng:


Pagpapatunay ng Pag-iral ng mga Kondisyon sa Kabuuan o Ilang Bahagi
ng Akda sa Pagtukoy sa mga Kondisyon at Layunin sa Panahong Isinulat
ang Akda

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda sa pagtukoy sa mga kondisyon at layunin sa panahong
isinulat ang Akda (F10PB-IVa-b-86)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay ang
pagsasalaysay sa mga pinagdaanang paghihirap ni Rizal sa pagsulat ng
kanyang nobela at ang kanyang layunin sa pagsulat nito upang mas lalong
mapahalagahan at mapukaw ang isip at damdamin ng mga Pilipino na
pahalagahan ang kanyang nobela. Dito ay mapagtanto mo ang kondisyon at
layunin sa panahong isinulat ang akda. Mapapatunayan din dito ang
kapangyarihan ng panulat laban sa mga Espanyol upang maisiwalat ang
kanilang mga katiwalian. Matutukoy din ang masalimuot na kalagayan ng
mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol at prayle.

III. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng


DepEd at Educational Sites)
Ang Filibusterismo ni Angel E. Salazar, Sr. at El Filibusterismo (Dinisenyo
batay sa Kurikulum ng K-12) ni Roselyn T. Salum, Cristina S. Santos
(Editor) Robinson K. Cedre

https://www.youtube.com/watch?v=VtP3sBIXODU

IV. Mga Gawain


1. Mga Panuto

A. Basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo at


pagkatapos sagutin ang sumusunod na katanungan.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


nina: Jenalyn G. Ronzales at Alvin G. Gamarcha

Ang nobelang El Filibusterismo ay ang pangalawang nobelang


isinulat ni Dr. Jose Rizal na kanyang inalay sa tatlong paring martir na
kilala sa bansag na GOMBURZA o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ay
karugtong ng kanyang unang nobela na Noli Me Tangere na nakasulat sa
wikang Kastila. Sinimulan niyang sulatin ito noong Oktubre, 1887 habang
siya ay nasa Calamba at natapos niya ang manuskripto noong Marso 29,
1891 sa Biarritz, France.
Ang nobelang ito ay nakatuon upang gisingin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Gayundin, isiniwalat nito ang mga katiwalian
ng mga prayle tulad ng pangangamkam sa mga lupain, pagsasamantala sa
mga kakababihan, panggugulo at pagliligpit sa mga kaaway.
Maraming paghihirap na nadanas si Rizal sa pagsulat ng kaniyang
nobela. Ilan sa mga ito ay ang pagkamatay ng kanyang kaibigang si Jose
Ma. Panganiban na kasama niya sa Kilusang Propaganda, pagpakasal ng
kanyang kasintahang si Leonor Rivera, gipit sa pera sa pagpapalimbag,
pagpaalis at pagbawi ng lupa mula sa kanyang pamilya sa Calamba at ang
hidwaan sa pamumuno nila ni Marcelo H. Del Pilar sa Kilusang
Propaganda. Dahil sa mga problemang ito ay tinangkang sunugin ni Rizal
ang kaniyang manuskripto.
Nagtungo si Rizal sa Ghent, Belgium upang makatipid sa
pagpapalimbag at ang F. Meyer Van Loo Press na palimabagan ang
tumanggap ng kanyang aklat sa patingi-tinging bayad. Humingi siya ng
pantustos kay Panciano Mercado na kaniyang kapatid at sa kaibigan na si
Jose Ma. Basa ngunit ito ay hindi naging sapat para tapusin ang
pagpapalimbag. Sa kabutihang palad ay dumating ang kanyang kaibigan
na si Valentin Ventura na siyang sumuporta para tapusin ang
pagpapalimbag. Noong Setyembre 18, 1981 unang nailabas ang kopya ng
aklat at ibinigay niya kay Valentin Ventura ang orihinal na manuskripto
na may lagda niya bilang pasasalamat nito. Kalaunan, kaniya naman itong
ipinagbilin sa ay binili ito ng Pamahalaang Pilipinas sa halagang 10,000.
Mayroong mensahe na nais ipabatid si Rizal sa kanyang aklat na El
Filibuterismo. Una, para sa mapang-abuso na pamamahala ng mga Kastila
na siyang magpapabagsak sa kanila. Ito ay nag udyok sa mga Pilipino na
maghimagsik at tuluyang tapusin ang kanilang pang-aabuso. Ikalawa,
para sa mga mapagsamantalang Pilipino. Tinuligsa niya ang mga
makasarili at sakim na makikita sa mga katauhan nina Donya Victorina,
Senior Pasta, Paulita at iba pa. Panghuli,hinahamon niya ang mga
kabataang Pilipino na kumilos upang sa bayan para makamit ang kalayaan
ngunit hindi sa paraang rebolusyon kungdi sa pagkakaroon ng sapat na
edukasyon at kaalaman upang maging handa na mapamunuan ang
sariling bayan.

a. Ano-ano ang umiiral na kondisyon sa panahon isinulat ni Rizal ang


kaniyang nobela?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

b. Paano pinatunayan ni Rizal ang mga masalimuot na kondisyon na ito sa


pagsulat niya ng nobelang El Filibusterismo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Pagsasanay/ Aktibidad
Panuto: Matapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo, punan ang talahanayan sa ibaba.

Halimbawa
Kondisyon o Kaganapan sa Panahong Isinulat ang
Kaganapan sa Akda Akda
a. Pangangamkam
b. Pagpapahirap
c. Pagsasamantala
d. Pagmakasarili
e. Kagipitan

3. Mga Batayang Tanong


Basahin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba batay sa natapos na
gawain. Unawain ang iyong mga kasagutan at isulat ang mga ito sa patlang.

A. Ano –ano ang kondisyon sa buhay ng mga Pilipino sa panahong isinulat


ang akda?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. Naging matagumpay ba ng pagsulat ni Rizal ng kaniyang El
Filibusterismo? Paano mo ito mapatutunayan??
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

C. Paano mo iugnay ang mga pangyayari sa tunay na buhay?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor (Rubrik)


Panuto:.Sumulat ng isang sanaysay na nagpapatunay sa pagtukoy sa mga
kondisyon at layunin sa panahong isinulat ang akda.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay
Kriterya 5 3 1
Kalinawan sa Napakalinaw ang Malinaw ang Di- gaanong malinaw
pagpapatunay sa pagpapatunay sa pagpapatunay sa ang pagpapatunay sa
pagtukoy sa mga pagtukoy sa mga pagtukoy sa mga pagtukoy sa mga
kondisyon at kondisyon at layunin kondisyon at layunin kondisyon at layunin
layunin
Gamit ng mga Napakahusay at may Mahusay at may Di- gaanong mahusay
salita sa kaangkupan ang kaangkupan ang lahat di- gaanong angkop
sanaysay lahat ng mga ng mga salitang ginamit ang lahat ng mga
salitang ginamit pagsulat ng sanaysay salitang ginamit
pagsulat ng pagsulat ng sanaysay
sanaysay
Kabuoan 10 6 2

Iskala Interpretasyon
10 -----------Napakagaling
6 –9 -----------Magaling
2-5 ----------- Medyo may kagalingan

V. Repleksiyon
Basahin ang tanong sa ibaba. Pag-isipan at isulat ang iyong opinyon o
pananaw sa patlang inilaan.

Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa pamumuhay ng mga


tao sa ngayon?”
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Kondisyon Tugon ng Mag-aaral
a. Pangangamkam -pagkuha ng mga
lupain
- binawian ng lupa
b. Pagpapahirap pagsasamantala ng
mga prayle sa
kababaihan
pag-agaw ng lupa nina
c. Pagsasamantala Rizal
Makikita sa katauhan
d. Pagmakasarili ni Donya Victorina
e. Kagipitan walang perang
pampapalimbag
1. Ano ang naging kondisyon ng mga Pilipino sa panahong isinulat ang akda?
 Naging masalimuot ang buhay ng mga Pilipino dahil sa pagiging gahaman,
kalupitan at kasamaan ng mga Espanyol.
2. Naging matagumpay ba ang pagsulat ni Rizal ng kanyang El Filibusterismo? Paano
mo ito mapapatunayan?
 Oo, dahil kahit nahihirapan siya ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsulat para
maibunyag ang kasamaanng mga Espanyol. Upang matulungan silang ipaglaban
ang kanilang sarili.
3. Paano mo iugnay ang mga panyayri sa tunay na buhay?
 Kahit ano mang paghihirap ay kailangan malampasan upang mapagtagumpayan.
ang layuning inaasam katulad ni Rizal.
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like