EsP6 Q3 Week 2 SIPacks - CSFP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Mungkahing Timeline sa Paggawa ng SIPacks sa ESP


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin/Pagsisimula ng Alalahanin
Bagong Aralin Sagutan
Unang B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin
Basahin
Araw (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Alamin Mo)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad
Sagutan
Ikalawang ng bagong kasanayan #1 (Isagawa Mo)
Araw E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad
Sagutan
ng bagong kaalaman #2 (Isapuso Mo)
Ikatlong Basahin at
F. Paglinang ng Kabihasaan (Tandaan Mo)
Araw Unawain
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutan
Ikaapat (Isabuhay Mo)
na Araw H. Paglalahat ng Aralin
Pag-isipan
(Paghinuha ng Mahalagang Konsepto)
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Subukin Mo) Sagutan
Araw Sagutan ayon sa
J. Karagdagang Gawain/Takdang-Aralin
pangangailangan

*maaaring sagutan ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan

Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang SIPacks ay makapagbibigay ng dagdag-
kaalaman at impormasyon na ibibigay sa iyo bilang mag-aaral. Lilinangin din ng
SIPacks na ito ang iyong kasanayan na nakabatay sa Pinakamahahalagang
Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang gawain na iyong
sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

i
Para malubos ang paggamit sa SIPacks, isaalang-alang ang mga sumusunod
na paalala:
1. Huwag mong madaliin ang pagbabasa.
2. Tiyakin na masagot mo ang lahat na itinakdang mga gawain sa bawat linggo.
3. PAKIUSAP: HUWAG SULATAN NG MGA SAGOT ANG MGA SIPacks.
Ibabalik sa paaralan ang mga ito pagkatapos ng markahan.
4. Isusulat ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD
PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
5. HUWAG KALIMUTANG isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong
SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain.

a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter


b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot g.Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 6) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat:(Hal. 6 - Emerald) Pangalan ng Guro: (Hal. Gng. Marnellie P. Malit)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Ikalawang Linggo) Petsa ng Pagsagot (Hal. April 19 – 23, 2021)

Gawain blg. __ Pamagat ng Gawain:_______________


1.
2.
3.
4.

Gawain blg. ___ Pamagat ng Gawain:_______________


1.
2.
3.

6. Tandaan na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay makakatulong sa


iyong lubos na pagkatuto huwag makakalimutang sagutin ang mga gawaing pang
summative dahil ito ang magsisilbi mong awtput.
7. Kapag nahihirapan o hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong guro sa EsP.
8. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot
sa mga araling ito.

ii
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at


pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)

Naipapakita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at


susunod na henerasyon

C. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)

Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at


pinagkukunang-yaman (EsP6PPP-IIIe-36)

II. NILALAMAN

Paksa: Pagpapahalaga at Pananagutan sa Kabuhayan at Pinagkukunang


Yaman
Kaugnay na Pagpapahalaga: Likas-Kayang Pag-unlad

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta EdD. Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon. VICARISH Publication and Trading, Inc.
Sta. Ana, Manila. 2016

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S. Y. 2020-


2021. Accessed on May 15, 2020
https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Pagong Aralin

Magandang Buhay! Kumusta ang araw mo? Ang ating aralin sa linggong ito
ay tungkol sa pinagkukunang yaman kung paano natin ito pahahalagahan at
pananagutan.

1
Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman na nagmumula sa dagat, bundok
at lupa, pati na ang nasa ilalim nito. Ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng ating
mga kapuwa Pilipino.
Subalit dahil sa kawalan ng pagpapahalaga at pananagutan sa hanapbuhay at
pinagkukunang yaman, mabilis na nauubos ang mga ito.
Napakaraming gawain ang mga tao na nakasisira sa kalikasan. Kinakailangan
tayong mabahala sa kasalukuyang kalagayan ng ating mundo. Nakikita na natin ang
epekto ng pagdaing ng ating kalikasan.

Gawain 1: Sukatin ang Kaalaman

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ng Tama o Mali, ayon
sa iyong pagkakaunawa sa araling ito.

__________1. Ang pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtuturo ng


pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at likas-yamang
pinagkukunan.
__________2. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas-yaman sa isa't isa.
__________3. Nababatay ang pamumuhay at ang kaligtasan ng tao ayon sa
kalagayan ng mga likas na yaman o natural resources.
__________4. May karapatan ang tao sa kabuhayan at paggamit ng likas-yaman na
pinagkukunan, kaya maaari niya itong gamitin ayon sa gusto niya.
__________5. Kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang
matugunan ang pangangailangan ngayon at sa hinaharap.

B. Paghahabi ng layunin sa aralin

Narito ang mga dapat mong malaman sa araling ito:

1. nasusuri ang mga gawaing nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga at


pagiging mapanagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman;
2. natutukoy ang mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga at pananagutan
sa kabuhayan at paggamit ng pinagkukunang yaman, at;
3. nagagawa ang plano upang mahikayat ang kapuwa na magkaroon ng
pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Alamin Mo)

Gawain 2: Larawan-Suri

Panuto: Suriin ang mga larawan. Ipaliwanag ang maaaring idulot ng mga ito sa
kapaligiran.

2
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1 (Isagawa Mo)

Gawain 3: Balitang Pangkalikasan

Panuto: Basahin ang balita sa ibaba tungkol sa isang environmental hero na


nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng ipinakitang pagpapahalaga at
pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.

3
Mangroves
(hango sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, pahina 90)

Isang Pinay, Bilang Environmental Hero


Constancia Paloma

Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa


bansa matapos siyang mailathala sa Time Magazine bilang isa sa "Heroes of
the Environment" (Mga Bayani ng Kalikasan).
Si Jurgenne Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientist sa
Southeast Asian Fisheries and Development Center (SEAFDEC) hanggang
sa siya ay mag-retiro noong taong 2006. Sinabi ni Primavera sa isang
panayam na natutuwa siya na nailathala siya ng Time Magazine sapagkat ito
ay magdadala sa kaniyang kampanya sa mas malawak na audience.
"Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan (mangroves)," sabi
niya. Isa si Primavera sa 30 grupo ng mga tao, na binubuo ng mga aktibista,
siyentipiko, mga tanyag na tao, imbentor at mananalapi sa buong mundo na
pinarangalan dahil sa kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng
kalikasan.
Hindi nila malulutas mag-isa ang suliranin sa climate change o ang
endangered species. Subalit dahil sa kanilang mga halimbawa, ang kanilang
kusang pag-aalay ng sarili sa bagay na sinasabi nilang "hopeless case," ang
mga bayani ng kalikasan ay nagbigay ng ilaw sa dilim," ayon din sa ulat ng
Time Magazine.
May ulat mula sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000 ektarya
ng bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula sa 500,000 na ektarya noong
1990.

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sarili.

4
1. Ano ang ipinakita/ginawa ni Jurgenne Primavera para siya ay bigyan ng
karangalan bilang isa sa "Heroes of the Environment?"

2. Bakit niya binibigyan ng pagpapahalaga at pananagutan ang pinagkukunang-


yaman?

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #2 (Isapuso Mo)

Ang pag-aalaga sa kapaligiran ay naipakikita kapag pinoprotektahan natin at


inaalagaan ang mga hayop, puno at halaman, at maging ang mga yamang mineral
at enerhiya. Ito ay mga likas na yaman na maaaring maubos kapag hindi natin tinipid
at ginamit nang maayos.

Gawain 4: Malasakit Mo, Sukatin Mo

Panuto: Suriin at sukatin ang iyong malasakit sa ating kapaligiran. Isulat sa


sagutang papel ang P kung Palagi mo itong nagagawa, M kung Minsan-minsan lang
nagagawa at HK-Hindi Kailanman kung hindi nagagawa.

Hindi
Sukatan Palagi Minsan
Kailanman
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang
basurahan.
2. Pinaghihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri
nito.
3. Isinasara ko ang mga ilaw na hindi ginagamit.
4. Ginagamit kong muli ang mga dating gamit.
5. Ginagamit kong muli ang mga papel na puwede
pang gamitin.
6. Gumagamit ako ng refillable water jugs.
7. Hindi ako nagsasayang o nagtatapon ng
pagkain.
8. Hindi ko hinahayaang nakabukas ang gripo
kapag nagsisipilyo.

9. Tumutulong ako sa pagtatanim ng halaman sa


panahon ng quarantine

10. Hindi ako nagtatapon ng mga plastic at iba


pang basura sa ilog o sa kanal.

5
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tandaan Mo)

Ang tao ay may maraming pangangailangan. Kabilang dito ang mga


pangangailangang pang-ekonomiya tulad ng bahay, pagkain at edukasyon. Ito ay
matutugunan lamang kung mayroong “yaman” ang isang bansa.
Mayaman ang Pilipinas sa mga pinagkukunang-yaman. Ang mga likas na
pinagkukunang yaman o natural resources ng bansa ay makikita sa ating kalikasan.
Ang mga ito ay hindi nagagawa o maaaring likhain ng tao. Ilang halimbawa nito ay
ang lupa, tubig, mga mineral, kabundukan, hayop at halaman. Napatunayan na
sagana ang ating bansa sa mga ganitong yaman.
Ganun pa man, mahalagang mapangalagaan ang mga ito para may magamit
ang susunod na salinlahi. Subalit sa kasalukuyan, patuloy na nakararanas ng mga
suliranin at nahaharap sa pagkasira ang mga ito. Sa tulong ng teknolohiya at agham
at pati na rin ang pagpapahalaga mo sa kalikasan maaaring matugunan ang
lumalalang suliranin sa kalikasan.
Ang kasaganaan ng bawat bansa ay nakasalalay sa mga pinagkukunang yaman.
Ang pakikilahok sa mga pagsisikap ng pamayanan na mapangalagaan ang mga ito
ay malaki ang maitutulong sa kaunlaran at panlipunang kaayusan ng ating bansa. Ito
ay may tuwirang kaugnayan sa yaman ng daigdig kaya nararapat lamang na
pagyamanin natin ito sa pamamagitan ng wastong paggamit.

Gawain 5: Tips Ko, Subukan Mo

Panuto: Magbigay ng ilang tips o mga paraan ng pangangalaga sa likas na yaman.

Mga tips sa paggamit sa


likas na yaman ng may
pagpapahalaga at
pananagutan

6
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Isabuhay Mo)

Gawain 6: Kapaligiran Ko, Pananagutan Ko

Panuto: Magtala ng sitwasyon na nagpapakita kawalan ng pagpapahalaga at


pananagutan sa pinagkukunang yaman. Bilang isang batang may malasakit at
pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ipakita mo kung paano ka makatutulong
sa pangangalaga sa mga ito.

Mga Sitwasyon Paano ka makatutulong sa pangangalaga?


1.

2.

3.

Rubrik sa Pagwawasto
5 4 3
Nilalaman Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapagtala ng
tatlong sitwasyon dalawang isang sitwasyon
sitwasyon
Intensyon Napakalinaw Malinaw Medyo magulo

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Mahalagang Konsepto)

Tandaan ang mahalagang konsepto ng aralin. Basahin at alamin ang


kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad.

Ang likas-kayang pag-unlad ay ang wastong pangangalaga sa


kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.

Ang tunay na pag-unlad sa kabuhayan ay makakamtan kung


tayo ay may pagpapahalaga at may pananagutan sa ating mga likas
na yaman. Magkaakibat ang pangangailangan ng tao at kalikasan.
Nakasalalay sa tao ang pagpapanatili ng mga likas-yaman upang
matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan at ng
mga susunod na henerasyon.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

7
1. Ano ang likas-kayang pag-unlad?

2. Paano makatutulong sa mga tao ang wastong pangangalaga sa kalikasan?

3. Magbigay ng iba pang paraan upang mapangalagaan ang kalikasan maliban sa


mga nakasaad sa itaas.

I. Pagtataya ng Aralin (Subukin Mo)

Gawain 7: Kaya Natin Ito!

Panuto: A. Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng angkop na sagot
sa sagutang papel.

1. Bakit kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman?


a. upang matugunan ang pangangailangan ngayon at sa hinaharap
b. upang marami pa rin ang maghirap
c. upang may maputol pang mga halaman sa mga kagubatan
d. upang bumagsak ang ekonomiya ng bansa

2. Napansin mong napakarumi ng ilog sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog.
b. Magtapon ng basura sa ilog.
c. Gumamit ng dinamita.
d. Mangisda sa ilog.

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pagiging


mapanagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman?
a. Pagkakaingin upang may makain sa lilipatang lugar.
b. Pagtotroso upang may hanapbuhay.
c. Magtanim ng mga halaman.
d. Paggamit ng dinamita.

4. Bilang isang mamamayang may disiplina, paano mo maipapakita na nagagamit


mo nang may pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman?
a. Sumunod sa mga panuntunan at batas na may kinalaman sa kapaligiran.
b. Paminsan-minsan na pagwawalis sa bakuran at kalsada.
c. Madalas na pagtapon ng basura sa bakanteng lote.
8
d. Pagsusunog ng basura.

5. Isa sa mga paraan ng pangangalaga sa likas na yaman ay ang pagsasagawa ng


4R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace). Ano ang kahulugan ng “recycling”?
a. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Pagsusunog ng mga pinagsama-samang basura.
c. Pagtatapon ng mga maruming boteng babasagin at plastik.
d. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan.

6. Aling pamayanan o barangay ang HINDI nakasusunod sa panuntunan at batas


na ipinaiiral ukol sa pangangalaga ng likas na yaman?
a. Ang Barangay Masipag na sama-sama sa paglilinis ng ilog.
b. Ang Barangay Maunlad na sama-sama sa pagsusunog ng basura.
c. Ang Barangay Masunurin na nagkakaisa sa paghihiwa-hiwalay ng basura.
d. Ang Barangay Maligaya na masigasig ang kapitan sa pagpapairal ng proyekto
ukol sa malinis na hangin.

7. Pumunta kayo sa Bundok Arayat at nakita mong tinapakan ng isang bata ang
bagong tanim na halaman. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ko siya sa pamahalaan.
b. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita.
c. Tatapakan ko rin ang bagong tanim na halaman.
d. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa.

8. Ang wastong paggamit at pagtitipid ng tubig ay isa sa mga paraan ng


pangangalaga sa likas na yaman. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng wastong paggamit at pagtitipid ng tubig?
a. Hayaang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.
b. Siguraduhing nakasara ang gripo kapag hindi ginagamit.
c. Huwag hayaang umapaw ang tubig sa palanggana at balde.
d. Gamitin ang pinagbanlawang tubig sa pagdidilig ng halaman.

9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa ating likas na yaman?


a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman.
b. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga likas na yaman.
c. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi.
d. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa
pangangalaga ng likas na yaman.
10. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagpuputol ng mga puno sa
kabundukan?
a. pagguho ng lupa
b. pagyaman ng bansa
c. gaganda ang kapaligiran
d. pagkakaroon ng malinis na hangin

9
Panuto: B. Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon:

1. Napansin mo ang iyong kaklase na sa kaunting pagkakamali sa pinasulat ng


guro ay agad niya nang tinatapon ang kaniyang papel. Ano ang iyong gagawin?

2. Marami kang kaibigang nakatira sa may estero. Doon nila itinatapon ang kanilang
mga basura kaya’t madalas ang pagbaha rito. Ano ang sasabihin mo sa iyong
mga kaibigan?

3. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan,nakita mong sinisira ng


isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang sasabihin mo sa
bata?

J. Karagdagang Gawain / Takdang-Aralin

Gawain 8: Environmental Hero Tayo!

Panuto: Gumawa ng plano upang mahikayat ang kapuwa na maging environmental


hero.

Environmental Hero Tayo!

Binabati kita! Mahusay mong nagawa ang araling ito.

10
11
Gawain 2: Larawan-Suri
Gawain 1: Sukatin ang Mga posibleng sagot
Kaalaman 1. Malinis na hangin, magandang kapaligiran
2. Pagbara ng mga kanal, magdudulot ng pagbaha
1. Mali 3. Polusyon sa hangin at tubig, maaring magdulot ng
2. Tama sakit
3. Tama 4. Kalinisan at kalusugan ng mamamayan,
4. Mali mapapakinabangan pa ang ibang basura kagaya ng
5. Tama papel, bote at lata
Gawain 3: Balitang Pangkalikasan
Gawain 4: Malasakit Mo, Sukatin Mo
1. Dahin sa kontribusyon niya sa pangangalaga at
Maaaring iba-iba ang maging tugon ng
pagprotekta ng kalikasan mga bata.
2. Upang ang aquaculture ay umunlad nang matatag.
Dahil ang mga bakawan na natural na nagsala ng
tubig,
Gawain 5: Tips Ko, Subukan Mo
Mga posibleng sagot
1. Magtanim ng mga puno
2. Iwasan ang labis na pagputol ng mga puno.
3. Maglinis ng kapaligiran.
4. Wastong paggamit ng tubig at kuryente.
5. Pangangalaga sa mga anyong tubig at anyong
Gawain 6: Kapaligiran Ko,
lupa.
Pananagutan Ko
6. Responsableng paggamit sa mga likas na
yaman.
(Maaaring iba-iba ang sagot)
7. Wastong pagbubuklod ng mga basura/
Pagsunod sa 4R’s.
8.
Sumunod sa mga batas pangkalikasan.
Gawain 7: Kaya Natin Ito!
A.
1. A 6. B Gawain 8: Environmental Hero
2. B 7. D Ako
3. C 8. A
4. A 9. B (Maaaring iba-iba ang sagot.)
5. D 10. A
B. (Maaaring iba-iba ang sagot.)
Susi sa Pagwawasto
Grupo ng Tagapaglinang ng SIPacks
Manunulat: Marnellie P. Malit
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas, Ph.D
Rosalinda S. Ibarra, Ph.D
Agnes R. Bernardo, Ph.D
Vivian R. Dumalay
Patnugot ng Wika: Edelwiza L. Cadag
Tagaguhit: Allkhem C. Moran
Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph.D
Rosalin S. Muli, Ph.D
Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag

12

You might also like