El Filibusterismo
El Filibusterismo
El Filibusterismo
Mga tauhan: Donya Victorina, Kapitan, Ben Zayb, Padre Camorra, Don Custodio at Simoun
BGM: alon
TAGASALAYSAY: Buwan ng Disyembre, ang bapor Tabo na naghahatid ng mga sakay sa Laguna
ay mabagal na umuusad sa mabilis na agos ng tubig ng ilog Pasig. Sakay nito ang lahat ng uri ng
tao sa lipunan. Makikita sa bapor ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamamayan. Sapagkat
ito ay nahahati sa dalawang bahagi ang ilalim at ang ibabaw. Ang mga mahihirap ay nasa ibaba
ng kubyerta, kung saan makikita rito ang mga Indio, mga Tsino at mga Mestizo na pawisang
nagsisiksikan kasama ang mga baul at kalakal samantala ang mga mayayaman naman ang nasa
kubyerta kung saan makikitang prenteng nakupo ang ilang prayle at iba pang may sinasabi sa
lipunan.
Donya Victorina: Jusko! Ang kupad kupad ng takbo ng bapor na ito!
(reklamo ng donya habang ikinukumpas ang kayang abaniko. Matapos niya rin itong sabihin ay
lumapit siya sa kapitan at sinabing...)
Donya Victorina: Buenos dias a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan.
Bakit hindi tulinan nang husto ang takbo nito?
Kapitan: Marahil kapag bumilis pa'y masasadsad na tayo sa malawak na bukirin na iyon, Ginang
Donya Victorina: Hay nako! Iyang mga nagdaraang kasko at mga indiong naliligo at naglalaba ay
nakasisira lamang ng kagandan ng paligid. Mabibilisan sana ang takbo ng bapor tabo kung
walang mga indio na nasa pampang o sa ano pang bahagi ng daigdig! Mga basura lamang sila na
kakalat-kalat sa daan!
(Tinig iyon ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko ng tila walang pumapansin sa
kanya at nagdadaldalan lang ibang kasamahan sa mga kasamahan maliban sa kanya ay natigil sa
pag-imik at nanahimik sa isang tabi
Ben-Zayb: (Nakahawak ang isang kamay sa kanyang baba; tila nag-iisip) Mga ginoo at donya
naisip ko lamang na mas kailangan nating bigyang pagpapahalaga ang pag-aaral ang siyensya
dahil kapag walang mga ekspertong syenista, wala tayong pag-unlad kaya kailangang 'yong pag-
aralan ng mga tao rito!
Padre Camorra: Matigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan upang mapaganda ang
Ilog Pasig. Kaya hindi na dapat mag-aral ng siyensyal
Ben Zayb: (Napailing) Hindi. Matalinong pag-iisip ang kailangan. Dapat mong isipin na
malaking suliranin ang liku-liko at mabuhangin na llog Pasig.
(Bago pa man may makapag salita sa isa sa mga grupo ay sumulpot na lang bigla si Simoun)
Simoun: Ang lunas ay napaka dali, hindi ko nga lang mawari kung bakit walang sinuman ang
nakaisip nito.
(Napatingin ang grupo kay Simoun na tila'y nagtataka. Tumuro si Simoun sa Isang dako at
sinundan naman ng tingin ng mga kasama kung saan nakaturo si Simoun)
Donya Victorina: Ano naman ang nais mong ipahiwatig ginoo? (pataray na tanong habang
nakataas ang kanyang isang kilay, kasabay ang pagkumpas sa kanyang abaniko)
Simoun: (Sumilay sa mukha nito ang isang ngisi) Dapat lamang humukay ng isang malalim na
kanal mula sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila, at ang
lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog. Kapag nagawa ito, tiyak na mapapaikli ang
paglalakbay. Napaka simple hindi ba? (Nakangiting pahayag ni Simoun ngunit tila hindi sang-
ayon sa kanya ang mga kasama)
Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, pagka't mga bilanggo ang gagawa
Simoun: Kung gayo'y piliting gumawa ang mamamayan. bata man o matanda!
Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan? Ha! Ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto?
Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na Tito? Tao kayo, akala ko'y lalo
kayong nakauunawa sa kasaysayan!
Don Custodio: Ngunit, hindi taga-Ehipto, ni Hudyo ang iyong kaharap! At ang mga Pilipino ay
hindi miniminsang naghimagsok, kung hindi dahil sa mga pari.
Simoun: Ang mga panahong yaon ay nakalipas na. Hindi na muling maghihimagsik ang bansang
ito. Dagsaan man nila ang mga gawain at patawan man ng higit na mataas na buwis.
(Walang nag-imik sa grupo tila lahat ay pnagiisipan ang mga sinabi ni Simoun)
Simoun: Kung wala na kayong maisip na solusyon sa problemang ito ay maari niyo namang pag-
isipan ng mabuti ang aking suwesyon, wala rin namang mawawala kung susubukan ito hindi ba?
(Mapapangiti ng bahagya si Simoun dahilan upang magkatinginan ang lahat na animo'y nag-
uusap sila sa kanilang mga isip...) Sana'y pag-isipan niyo ng mabuti kung ano ang tama, mauna
na ako sa inyo mga ginoo at donya.
(maglalakad papunta sa gitna sina Basilio, Isagani at ang Kapitan. Habang naglalakad ay nag-
uusap sila)
Basilio: Mabuti naman po ang kaniyang kalagayan. Ngunit tulad ng dati, ayaw niyang
magpatingin sa mediko.
Kapitan: (Pailing na sumagot) Napaka tigas talaga ng ulo niyang si Kapitan Tiyago.
Basilio: Kapitan, nais po sana naming ipaalam sa inyo na nagbabalak po kaming mga kabataan
na magtayo ng isang institusyon gamit ang wikang Kastilla
Kapitan: Institusyon na may wikang Kastilla? (hahawak ito sa kaniyang baba) Hmm.. Mukhang
magandang ideya iyan ngunit natitiyak kong hindi ninyo iyan maisasakatuparan dahil alam niyo
namang tutol diyan si Padre Sibyla.
Isagani: Nagkakamali po kayo. Matututpad po ang panukala namin sapagkat tutulungan kami ni
Padre Irene. Niregaluhan po namin siya ng dalawang kastanyo at nangako siyang tutulungan
kami sa Kapitan Heneral.
Isangani: Nag-ambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na rin po. Ang
kalahati ay Pilipino at ang iba naman ay mga Kastilla. Kilala niyo po ba si Makaraig? Bukas
palad po niyang inalok ang isa nilang bahay para gawing paaralan.
Kapitan: (Hawak sa balikat ni Basilio) Mabuti kung ganoon. Sana'y magtagumpay kayo sa
inyong plano. Paano mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Balitaan niyo na
lamang ako kung may pag-unlad sa inyong panukala.
(Ngumiti na lamang ang kapitan at agad din ding lumisan. Nang makalayo na ito ay..)
Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita?
Basilio: Teka, kaibigan.. (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong
kasintahan! Ang umiibig nga naman!! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyong
kasintahan, maganda na'y mayaman pa. Kaya lang ay..
Basilio: Teka, wag kang kabahan.. ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang
kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa'y matanda
na!
Simoun: Magandang araw sa inyo. Maari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo'y
nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang amig bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po
ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo'y hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi namin kailangan
Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom
Isagani: Hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag
tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay,
kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw
(Natigilan si Simoun at halatang namangha. Tinakpan ang bibig at nagkunwaring umuubo.
Tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami'y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking
kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
Mga tauhan: Don Custodio, Simoun, Padre Florentino, Ben Zayb, Padre Sibyla, Donya Victorina
Don Custodio: (pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtunggo? Hindi ninyo nakita ang
bahaging pinaka mainam sa paglalakbay.
Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may
kabuluhan lamang sa akon ay yaong may mga alamat!
Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig.
Nariyan ang Alamat ng Malapad na Bato, at ayon daw sa mga tao noon ay may isang malapad na
buhay na bato, Ngunit nang mawala ang pananalig sa pamahiin, ang batumbuhay ay naging
pugad ng mga tulisan. May isang alamat, ang alamat ni Donya Geromina na... na.. (naghahanap
at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni Padre Florentino.
Padre Sibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo, inalala ang mga pangyayari) Sabi nila
may isang estudyante...
Ben Zayb: Mawalang galang, ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay
ang isang pilibusterong nangangalang Guaverra, Navara o Ibarra? Sino nga yun?
(Lahat ay napatingin sa Kapitan maliban lang kay Simoun na tila natigilan at nanigas sa kanyang
kinatatayuan. Makikitang tila hindi siya komportble sa kanyang kinatatayuan..)
MUSIKA: KAGIMBAL-GIMBAL
Kapitan: Ibarra, Crisostomo Ibarran ang pangalan niya. Tingnan niyo ang lugar na iyon (may
itinurong lugar ang kapitan, sabay tingin ng lahat sa malayo) Sabi ng mga guwardiya sibil ay
hinahabol nila ang bangka ni Ibarra ng bigla itong tumalon at sa tuwing lalabas ang ulo nita at
pinauulanan agad nila ng bala. Pagkatapos ay hindi na nila ito nakita ngunit nakita nila ang dugo
na kumawala sa lawa, iyon ang nagyari labintatlong taon na ang nakalipas.
Donya Victorina: Hah! Dapat lang iyon sa kanya dahil isa siyang pilibustero. (unti-unting
nayuyukom ni Simoun ang kanyag palad sa nariig..) Manang-mana talaga siya sa kanyang ama
na isa ding pilibustero
(natatawang panlalait ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko. Napansin naman ni
padre florentino ang tila tahimik na si Simoun)
(duon na lamang natauhan si Simoun at nakita niyang ang lahat ng atensyon ay nasa kanya na
sasagot na sana ito nang inunahan ito ni Ben Zayb)
Ben zayb: sandali.. Wag mo sabihing nahihilo ka Ginoong Simoun gayung dapat sanay kana kasi
isa kang manlalakbay. (sambit nito na tila bang nang aasar)
Kapitan: ang lawang ito ay higit na malaki at malawak. marami na rin. akong kilalang
manlalakbay na nahihilo dito.
(close curtain)
IKAAPAT NA TAGPO: SA TAHANAN NI KABESANG TALES MGA
TAGASALAYSAY: Sa kabilang dako ay nahalal na Cabeza de Barangay si Tales, ang nag aruga
kay Basilio. Dahil sa kaniyang kasipagan ay lumago ang kaniyang ani sa sinasakang kaingin na
pinamuhunan niya ng pagtitiis, pagkakasakit at kamatayan ng kanyang asawa at anak. Bunga ng
magandang ipinakikita ng kanyang mga ani ay nilapitan siya ng mga prayle...
Kabesang Tales: Magandang gabi Padre. Ano po ang naparito ninyo? Padre Camorra: Kailangan
mo magbayad ng buwis! Ang buwis ay Dalawang daang piso!
Kabesang Tales: Sinasabi niyo bang ako ay magbabayad ng renta sa sarili kong lupa?
Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito!
Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito! Ibinuhos ko ang pawis at
dugo ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko!
Kabesang Tales: Pag-aari?! May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito?
Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ng kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang
katibayaan na inyo nga ang lupang ito! Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang
karapatan namin!
(Bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle, pinigilan ng mga Guwardiya Sibil si
Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riple)
Padre Camorra: (Bumaling sa mga Guwardiya Sibil) Que barbaridad! Kunin ang anak na lalaki
at gawing Guwardiya Sibil!
(Aalis ang mga Pari at Guwardiya Civil) (Bumalik ang mga Guwardiya Civil at sinabi kay
Huli).
Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi'y mamamatay
ang iyong ama, binibini.
Huli: (Sa sarili). Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong
Agnos. Handog ito saakin ni Basilio! (Hahalikan ang Agnos, isusuot ang Agnos) Ngunit ito'y
hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kayHermana Penchang bilang utusan.
IKALIMANG TAGPO: SA SEMENTERYO
Mga Tauhan: Simoun, Basilio, Sisa, Dalawang lalaki
TAGASALAYSAY: Nagtungo si Basilio sa libingan ng mga Ibarra upang dalawin ang kaniyang ina.
Doon ay nagunita niya ang maraming karanasan na nagdaan sa kaniyang buhay.
Basilio: (Voice over) (Umiikot sa isang puno at naupooo sa tabi nito at parang naiiyak, Si Basilio
sa kanyang sarili:) Matagal na rin ang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga
pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapi ko.
(Napatayo at napatingin sa isang ilaw na papalapit)
Basilio: Ano iyon?! Si ginoong Simoun! Ngunit ano ang ginagawa niya dito sa libingan ng aking
ina?
(Nakita niya si Simou na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.
TAGASALAYSAY: Isang pagbabalik tanaw ang nangyare kay Basilio Sa paghabol niya sa kanyang
ina noon, may labintatlong taon na ang nakalipas, isang lalaking duguan at di niya kilalang lalaki.
Simoun: (Gulat na liningon si Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa) Anong
ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung naaalala niyo pa, sa mismong pook ding ito tayo nagkita, may labing tatlong taon
na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay-
Simoun: At sa palagay mo'y sino ako? (Humakbang ito ng pasulong at aatras naman si Basilio)
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Kayo po si Crisostomo Ibarra na sa
pagkakaalam ng lahat ay patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maari kang masawi sa aking palad? Ang
pagbunyag ng aking tunay na pagkatao ang sisira sa mga plano ko! At hindi ko hahayaan na
mapunta na lang sa wala ang mga plinano ko!
Simoun: totoong ako'y naparito may labing tatlong tao na ang nakaraan, upang dakilain ang
isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga
mapang-api. At ngayo'y nagbalik ako upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Hindi ko
akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinapakinggan!
Basilio: hindi ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng
tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Kailan ma'y hindi ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin
ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating
mga pagkatao!
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun?! Kaya ko ba silang ipaglaban gayong
ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay! Hindi maaring
hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at pagkatapoos ay
mangbintang nang kung sino-sinong kastila!
Simoun: Ngayong nalaman mo ang isang lihim na kung mabubunyag ay ikakasawi ko. Ngayon,
buong buhay ko ay nasa kamay mo. Basilio, tayo ay nabibilang sa mga taong uhaw sa katwiran.
Tulungan mo akong pabagsakin ang pamahalaan!
Setting: isang silid na kung saan nakahiga si Kapitan Tiyago na tila isang bangkay. Makikita si
Basilio na nagbabasa ng isang libro sa ilalim ng mesa na may lampara. Makakarinig ng yapak ng
paa palapit sa kinaroroonan ni Basilio. Bubukas ang pinto at lilingon si Basilio at ibababa ang
libro
TAGASALYSAY: Nakipagkita muli si Simoun kay Basilio upang hikayatin ito na sumama sa
kanya sa pagpasok sa kumbento..
Simoun: (nakakasindak na mukha) Kumusta na ang kalagayan ni Kapitan Tiyago? (Sabay tingin
sa mga libro)
Basilio: Mabagal ang tibok ng puso, mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na siya ng gana sa
pagkain. Nakakalat na ang lason sa buong katawan niya. Maaring mamatay na siya anumang
oras.
Simoun: Naparito ako upang papiliin ka: Ang kamatayan o ang kinabukasan mo?
Simoun: Magpasya ka.. kailangan mo na magdesiyon. Makinig ka sa akin! Mahalaga ang bawat
sandali. Sa loob ng isang oras, magsisimula na ang himagsikan. At bukas wala nang unibersidad,
wala nang mag-aaral at wala ng magpapahirap. Handa na ang lahat... tiyak ko na ang aking
tagumpay! Lahat ng di nakatulong ay ituturing naming kaaway.
Basilio: Hindi Don Simoun! Ang pag-asa'y nasa karunungan sapagkat ang karunungan lamang
ang siyang walang paglipas. Pananalig sa karunungan at salitang pag-ibig sa bayan ay
magkakaroon ng kahulugan.
Simoun: nawalan ka na ng prinsipyo at pansariling katauhan. Nakikita kong ikaw ay hindi isang
Pilipino kundi busabos ng Espanya
Simoun: Sya sige. Alang alang sa ala-ala ni Elias... Kailangan mong pamunuan ang isang
pangkat at salakayin ang kumbento ng Sta. Clara kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lang
ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiyago, si Maria Clara (nakikiramay na wika nito)
Simoun: (sarkastong tawa nito at biglang napasigaw) P-patay? Hindi! Hindi totoo yan! Bumalik
ako para iligtas siya kaya hindi maari iyan!
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita
nang sabihin nila sa akin ang lahat. Narito ang sulat ni Padre Salvi na dinala ni Padre Irene. At
dahil na rin sa sulat na ito kung kaya't naghihinagpis ngayon si Kapitan Tiyago.
Simoun: (yuyugyugin ang balikat ni Basilio) KASINUNGALINGAN! Gusto niyo lang akong
linlangin para makaiwas sa pagihihimagsik! Kailangan iligtas natin siya!!
Basilio: (pinipigilan ito ni Basilio at kukunin niya ang sulat sa libro niya na nakaipit at iniabot
kay simoun) Basahin niyo ho ang liham.. Ngayon pong hapon tinugtog ng kampana ang agunyas
para sa pagyao ni maria clara
Simoun: Yumao siyang di ko man lang nakita o nalaman niyang nabubuhay ako dahil lamang sa
kaniya! (iniwan muna mag isa ni Basilio si Simoun) Musika: nakakalungkot Pagbabalik tanaw
ng masasayang ala-ala nina Ibarra at Maria Clara
(close curtains)
Simoun: Ako nga! Labing tatlong taon ako nabuhay na malayo sa aking bayan. Labintatlong
taon akong naghintay, nagalala, umasa na maituwid ko ang iyong kamalian. Pinipilit mo si Maria
Clara na ipakasal sa dayuhan! Ngunit wala kayong karapatan na diktahan ang kaniyang buhay!
Kapitan Tiyago: (naghihingalo na) Si... SI.. Ang anak ko... patay na..
Simoun: Si Maria Clara ay di mo anak!
(pinilit ni Kapitan Tiyago na pigilan si Simoun sa kaniyang pag-alis ngunit ito ay lubos na
nanghihina na hanggang sa bumagsak ito sa kanyang higaan at lagutan ng hininga)
(close curtains)
IKAPITONG TAGPO: SA PAARALAN
Mga tauhan: Basilio, mga estudyante, propesor, Makaraig, gwardiya sibil
(open curtains)
TAGASALAYSAY: Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob
pagka't sila'y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
(Naglalakad si Basilio ng mapansin niya ang mga nagtitipon-tipon at ang ibang nagsisiuwiang mga
kamag-aral kaya mapapatigil siya sa paglalakad at kakausap ng isang estudyante)
Basilio: (kausap ang sarili) Bakit sila nagtitipon-tipon? Ano ba ang nangyayari? Sandali! (pagpigil niya sa
isang kaklase) Ano ang nangyayare?
Estudyante: Hindi mo ba nabalitaan? Ang planong paghihimagsik ng mga estudyante ay hindi natuloy.
Mauna na ako sayo.
Propesor: Nagkaroon ng planong paghihimagsik ang mga kabataan at maraming estudyante ang
nasangkot dito. Ang mabuti pa ay sunugin mo ang lahat ng iyong papeles. Mag-iingat ka Basilio.
(close curtains)
(open curtains)
Makaraig: Basilio anong ginagawa mo dito? Maari kang mapahamak sa bigla-bigla mong pagsugod!
Makaraig: Hin- (itatanggi na sana ito ni makaraig ngunit biglang sumagot si Basilio)
(napasapo na lang ng noo si Makaraig dahil alam niyang huhulihin din si Basilio)
Gwardiya Sibil #1: (titignan ang kanyang talaan) Isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye
analouge (lalapitan si Basilio at hahawakan sa balikat) Kayo'y aming dadakipin
(NAGPUPUMIGLAS pa din si basilio ngunit hinila na siya ng mga gwardiya, si makaraig naman ay maayos
na sumama)
IKAWALONG TAGPO: KUMBENTO
(open curtains)
Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay patay na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio Sino!
Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo? Hingan mo siyang muli
ng tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!
TAGAPAGSALAYSAY: Agad nagtungo ang dalawa kay Padre Camorra upang humngi ng tulong.
(ilang hakbang na lamang ay malapit na sina Hermana Bali at Juli kay Padre Camorra nang magbago ang
isip ni Juli)
Juli: Hermana Bali... Maari ho bang wag na lang po pala tayo tumuloy. Sa susunod na araw nalang ho.
Ako na po ang bahala k—
Hermana Bali: Anong hwag na?! Andito na tayo kaya mas mabuti pang tumuloy na tayo't naghihintay na
ang padre
Hermana Bali: (mabibigla at mapapaharap sa Padre) Padre! Andyan pala kayo. (magmamano) May
kailangan lang daw po si Juli (nagtago si Juli sa likod ni Hermana)
(Nagmano si Juli sa padre. Papakawalan na sana niya ang kamay ng padre ng bigla siyang hinigit ng
padre at hinigpitan ang hawak sa kamay nito. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng pari kay agad
niyang hinigit ang kamay at nagtago ng muli sa likuran ni Hermana)
Hermana Bali: Ano ba Juli?! Sige na! Maguusap lang naman kayo. Nasa labas lang ako wag kang mag-
alala.
Padre Camorra: Alam ko ang pakay mo Juli nais mong makalaya ang kasintahan mong si Basilio, tama
ba? Sige tutulungan kita ngunit alam mong may kapalit ang lahat ng bahay (nakatungo lang si Juli
habang sinasabi ito ng padre)
Juli: T-tulungan n-niyo po akong makalaya si Basilio (sambit ng dalaga habang nakayuko at tila ba'y
nanginginig sa takot)
(Muli siyang lalapitan ng pari at sa pagkakataong ito ay niyakap na siya nito ng mahigpit, sinusubukan
naman magpumiglas ni Juli ngunit sadyang malakas ang pari. Inaamoy-amoy na ng pari ang kanyang leeg
at tila ba'y ginagawaran ito ng maliliit na halik. Napaiyak na si Juli dahil dito kaya't inipon niya ang ang
buong lakas at tinulak ang pari. Ng makalayo siya dito ay dali-dali siyang tumakbo patungo sa itaas ng
simbahan, nakita niyang nakasunod na sa kanya si PAdre Camorra kaya ng nakarating siya ng
kampaneryo ay walng pagaalinlangan siyang tumalon mula sa bintana)
IKASIYAM NA TAGPO: ANG PAGPAPAKASAL NINA JUANITO AT PAULITA
TAGASALAYSAY: Nagawang ipagkasundo ni Simoun si Juanito Pelaez na ipakasal kay Paulita Gomez
upang matupad ang kaniyang paghihiganti. Isang marangyang kasalan ang idaraos. Aanyayahan ang
lahat ng mga kilalang tao sa lipunan at ang Kapitan-Heneral ang naatasang maging ninong sa kasal.
Ben-zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog Ginoong Simoun
Simoun: lyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar upang pagdausan ng
isang malaking piging.
Ben-zayb: Sayang naman pala. Di sana' kayo na lang ang nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago at hindi
sana napunta kay Don Timoteo Palaez ng libre. At ngayon! Ikakasal ang kaniyang anak sa mayamang si
Paulita Gomez!
Ben-Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na rin at si Juanito ang kaniyang pakakasalan kaysa sa isang hamak na
makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang babae. Alam niya na hindi niya kaya ang buhay
mahirap.
(close curtain)
IKASAMPUNG TAGPO: SA LUPAIN NI KABESANG TALES
(open curtain)
Basilio: Hu.. Huli (nanginginig ang boses at umiiyak) Mahal ko. Bakit mo ako iniwan?
Kabesang tales: (Inalo si Basilio) Nagpunta siya sa kumbento upang hingin ang pagpapalaya syo,ngunit
hindi namin akalain na iyon ang magwawakas sa kanyang buhay.
(close curtains)
IKALABING ISANG TAGPO: Bahay ni simoun
Mga tauhan: Basilio at Simoun
(open curtain)
Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid. Nakalimutan kong pinatay ang
aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo'y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong
nararamdaman kundi galit at paghihiganti!
(hindi kumikibo si Simoun, nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. Walang ekspresyon ang
ipinapakita ng kanyang mukha)
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,dahil
umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras.Pareho na
tayo ngayon. At sa tulong mo ako'y magtatagumpay. Magsasabog ako ngkamatayan sa gitna ng
bango at rangya, ikaw nama'y gigising sa mga kabataan sa gitna ng Dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang
kanyangmga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang
lamparana may kakaibang hugis.)
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang
pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita! Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak,
mgakagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog
angPilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna
nghandaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang pagkaraan
ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa,sasabog ang
bomba!
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay
nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil
doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng
hindi handa!
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula
muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahil Isang bagong lipunan na kahit
kailan ay hindi na magpapa-api!
Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito
o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka (Iniabot ang rebolber kay Basilio) Magkita na lamang tayo mamaya..
(close curtain)
IKALABING DALAWANG TAGPO: BAHAY NI KAPITAN TIYAGO
Mga tauhan: Simoun, Basilio, Isagani, Paulita, Juanito, Padre Salvi, Kapitan Heneral, Donya
Victorina, Don Custodio, Padre Irene, Tanod
TAGASALAYSAY: Dumating ang araw ng kasal. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin
ang bahay ni Kapitan Tiyago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Maganda ang
pagkakaayos ng hapag-kainan. Dumating ang bagong kasal na masayang nagbabalitaan. Ang
pagdating na lamang ng Kapitan Heneral ang hinihintay. Kalaunan ay sa pagdating ng Kapitan
Heneral isa si Simoun sa sumalubong
Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal (inilagay ang lampara sa lamesa)
Simoun: 00 naman! Bakit hindi? Nawa'y magsilbing tanglaw ninyo ito sa pagdiriwang ng
inyong pag-iisang dibdib.
Simoun: Wlang anuman, Juanito. Kung inyong mararapatin ako'y aalis na sapagkat may
dadaluhan pa akong paanyaya ng aking kaibigan. Buenas noches. Adios!
(close curtain)
(open curtain)
Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain
angpagtitiwala ni Ginoong Simoun.. Ngunit hindi sila dapat mamatay!!
Tanod: Hindi ka maaring pumasok dito! Tingnan mo nga ang iyong suot!
Isagani: Bakit ka aalis? Pupuntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang Makita
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
nagayon! Tara na!
(close curtain)
(open curtain)
TAGAPAGSALAYSAY: At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng
bahay ay nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.
Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal
nangnamayapa!
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta angganyang
biro.
(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)
(close curtain)
IKALABING TATLONG TAGPO: TAHANAN NI PADRE FLORENTINO
Tauhan: Padre Florentino, Simoun
Simoun: Wala ito, Padre. Mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay
tatalab na ang lason sa aking katawan.
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking
lihim.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na
malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay
umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit ito'y hindi
natupad. Plinano ko po ang lahat dahil galit na galit ako sa mundo nuon. Bumalik ako upang
maghiganti at balikan lahat ng umapi sa akin.
Padre florentino: Patawarin ka ng Diyos. Anak, lagi mong tatandaan na ang buhay ay hindi
laging masaya, minsan ay kailangan din nating makaranas ng sakit upang matuto hindi upang
magpoot. Walang magagawa ang paghihiganti dahil ito ay magbubunga lamang ng panibagong
kamalian.
Padre. Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi siya
naghangad ng masama para sa atin.
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng
dakila
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na
walangdulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni
Simounang kamay ng pari.)
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno satalampas.
Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.
(close curtain)
(open curtain)
(close curtain)
WAKAS