El FILIBUSTERISMO
El FILIBUSTERISMO
El FILIBUSTERISMO
Ibarra:
To the memory of the priest, Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos, and Don Jacinto Zamora. Executed in
Bagumbayan Field on the 28th of February, 1872. I have the right to dedicate my work to you as victims of the
evil which I undertake to combat. Let these pages serve as a tardy wreath of dried leaves over your unknown
tombs. And let it be understood that everyone who without clear proofs, attacks your memory, stains his hands
in your blood.
Scene 1
Sa Kubyerta
Donya Victorina: Buenos días a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan, Bakit hindi
natin bilisan?
Kapitan: Kapag bumilis pa’y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doña Victorina)
Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginan ang mga
prayle)
Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang
nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga
naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa
Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang
dating ilog Pasig.
Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagka’t mga bilanggo ang gagawa.
Sa ilalim ng Kubyerta
Kapitan Basilio: 0h! Basilio kumusta na nga pala ang itinatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin
Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.
Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita ni Padre
Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya
kami.
Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan naman ay
handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay.
Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa
inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas.
Tagapagsalaysay: Masayang nagkakatuwaan si Basilio at Isagani ng biglang dumating ang mag-aalahas na si
Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata
Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo’y nagkakatuwaan.
Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.
Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig.
Isagani: ‘Di tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon
ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging
singaw ay handang tumunaw.
Tagapagsalaysay: Natigilan si Simoun at halatang namangha at tiningnan ni Basilio ang dalawa saka siniko si
Isagani
Scene 3
Ben Zayb: Mawalang galang. ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang
nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?
Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben Zayb). Siyanga
pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?
Kapitan: (itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya!
Doon…tumingin kayo sa malayo…(sabay tingin ng lahat sa malayo) Ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis
kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang
kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala
na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayo’y hustong
labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari.
Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang
magkaroon ng marangal na libing.
Scene 4
Tagapagsalaysay: Dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil
Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandang piso!
Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!
Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking
kasambahay.
Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko upang
maiahon sa hirap ang pamilya ko.
Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??
Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na
inyo nga ang lupang ito at Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!!
Tagapagsalaysay: Pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng
riffle)
Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil (pinalo ng riffle si
Kabesang Tales at hinila si Tano)
Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi’y mamamatay ang iyong
ama, binibini.
Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin
ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Agnos) Ngunit ito’y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna
ako kay Hermana Penchang bilang utusan.
Scene 5
Sa Sementeryo
Tagapagsalaysay: Umikot si Basilio sa isang puno at naupo sa tabi nito ng bigla siyang napatingin sa isang
ilaw na di naman kalayuan sa kanya.
Basilio: Matagal na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat
sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na malapit)
Ano ‘yon...? Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
Tagapagsalaysay: Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking
kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may
labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutan niya sa gitna ng
gubat. Dito’y pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.
Tagapagsalaysay: Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa.
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang
nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako’y
makatutulong naman sa inyo. (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban sa akin, na
patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo
ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon
na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng
mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan.
Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo
pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito?
Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay
wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa
hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio habang nanatili si Simoun sa kanyang
kinatatayuan
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas!
Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.
Scene 6
Kapitan Heneral : “Ang mga lupon ng estudyante ay humihingi ng pahintulot upang makapagbukas ng isang
Akademiko ng Wikang Kastila.”
Kapitan Heneral: “Excellent. Ang namumuno sa kanila ay mga binatang radikal ang pananalig.”
Scene 7
Bahay ni Quiroga
Simoun: “Anong mahirap? Iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo ng pera. Pinautang ko sila
upang hindi ka na maabala.”
Quiroga: “Pero Senyor Simoun. Marami ang may utang sa’kin na hindi ko na masingil. Wala ding binigay
sa’king resibo kaya hindi nyo rin sila masisingil.”
Simoun: “Kung gayo’y ilapit mo sila sa akin. Ah. Quirogao. May ipapasok akong ilang kahon ng baril at itago
mo ito sa kamalig.”
Simoun: “’wag kang matakot…Ako ang bahala dyan. Nauunawaan mo ba ako Quiroga?”
Quiroga: “Siya!Siya!Siya! Basta mahuli ng maraaming tao hah, Senyor Simoun. Hindi ako sasabit ha!?
Scene 8
Narrator: Habang naglalakad ang tax collector at dalawang kawal na kasama nito, iniobserbahan na sila ni
Kabesang Tales. Galit na galit si Kabesang Tales na nakatutok sa kanila…Hanggang sa …
Kawal: “Hindi!”
Scene 9
Mga Estudyante
Isagani: Ikaw ang dahilan kung bakit nabigo ang aming balak na magtatag ng Akademya ng Wikang kastila
Sandoval: Pasalamatan?
Simoun: Balak niyo bang dagdagan ang apatnapung wika ng ating bansa? Lalo tayong hindi magkakaintindihan
niyan! Wala sa ayos yan!
Juanito: Dahil sa inyong ginawa para na ring hinarangan ang pag-unlad ng ating bansa sa susunod pang
isandaang taon!
Simoun; ( hinwakan ang kamay ni Juanito) Isang malaking kamalian!!! Anong balak niyong gawin?
Simoun: Ipaubaya ang inyong utak sa ibang pag-iisip? Lalo lang kayong magiging pilay at pipi
Simoun: Ang wika ay salamin ng kaluluwa, kapag naalis iyan ay wala ng karangalan at ang bansa ay pwedeng
mamatay.
Tadeo: May punto kayo Senyor Simon ngunit hindi natin maaaring talikuran ang buong daigdig. Kailangan
natin matutunan ang wikang kastila upang tayo’y makaunawaan.
Simoun; Kung ganyan ang inyong mga isip ay habang buhay kayong nakagapos sa kapangyarihan ng Espanya,
na walang kalayaan
Sandoval: Yan ang inyong paniniwala, subalit kung sa pamamagitan lamang ng pagwawalang buhay ay hindi
niyo kami mapipigilan.Bubuhayin naming ang aming balak! Sapagkat nasa panig kami ng batas. Kami ang nasa
matuwid!!!!!
Scene 10
Basilio: “Mahina na ang pulso. Wala na siyang ganang kumain.Tuluyan ng kumakalat ang lason sa kanyang
katawan. Ano po ang pakay ninyo dito Ginoong Simoun?”
Simoun: “Naparito ako dahil sa dalawang bagay. Ang kamatayan mo? ang iyong kinabukasan? Sa panig ng
umaapi? O sa panig ng iyong bayan?”
Simoun: “Magpasya ka. Kailangan mo ng magdesisyon. Sa loob lamang ng isang oras ay magsisimula na ang
himagsikan. At bukas, wala ng unibersidad, wala ng mag-aaral at wala nang magpapahirap.”
Basilio: “Hindi Don Simoun! Ang pag-asa’y nasa karunugan sapagkat ang karunungan lamang ang syang
walang paglipas. Pananalig sa karunungan at salitang pag-ibig sa bayan ay magkakaroon ng kahulugan.”
Simoun: “Nawalan ka nan g prinsipyo at pansariling katauhan. Nakikita kong ikaw ay hindi isang Pilipino
kundi busabos ng Espanya.”
Basilio: “Ikaanim ng hapon ng siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita ng sabihin nila
sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang liham mula kay Padre Salvi ang ipinaabot kay Kapitan Tiyago na dala ni
Padre Irene. At ito na rin ang dahilan kung bakit nagwala ang Kapitan.”
Simoun: (emosyonal na sinabi) “Hindi. Hindi pa patay si Maria Clara. Buhay pa siya at ililigtas ko siya. Ililigtas
ko si Maria Clara. Ililigtas ko siya ngayon.”
Basilio: “Ginoong Simoun. Huminahon kayo. Wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.”
Simoun: “Namatay siyang hindi man lamang alam na ako’y buhay. Namatay sya na hindi man lamang alam na
ako’y nagbalik para sa kanya!”
Scene 11
Tagapagsalaysay: Labis na ikinagulat ni kapitan tiyago ang muling pagkikita nila ni Simoun na noon ay kilala
niyang si Crisostomo Ibarra at nasa malubha siyang kalagayan dahil sa iniindang karamdaman.
Simoun; Ako nga! Labintatlong taon ako nabuhay na malayo sa aking bayan.Labingtatlong taon akong
naghintay, nag-aalala, umasa na maituwid ko ang iyong kamalian.
Pinipilit mo si Maria Clara na ipakasal sa dayuhan wala kayong karapatan na diktahan ang kanyang buhay!
Kapitan Tiyago: Si... ( pautal-utal na pagsabi) ang anak ko! Patay na!
Tagapagsalaysay: Biglang naglupasay sa sahig si kapitan tiyago ng malaman ang katotohanan mula kay Simoun
na mas kilalang si Crisostomo Ibarra noon.
Scene 12
Kabesang Tales: “Naparito ako upang humingi ng kapatawaran at ianot ang aking pakikiramay. Hindi ko alam
na sa gabing iyon..”
Simoun: “Sa gabing iyon ay namatay ang aking pinakamamahal. Nabigo na rin ang kilusan dahil sa akin. Urong
sulong ang aking pagdedesisyon dahil ako ay umiibig pa noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng
dahilan para umatras!
Kabesang Tales: “Naparito rin ako upang tumulong kasama ang aking Sandatahang Kamalig. Kung gayon ay
samahan n’yo ako.
: “Dinamita.”
Simoun: “Oo. Ngunit hindi ito basta bastang dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang
walang katwiran at mapang-api.”
Simoun: “Sa makalawa ay ikakasal ang anak ni Don Pelaez. Magkakaroon ng pista kinagabihan. Ang
lamparang ito ay magbibigay ng liwanag ngunit pansamantala lang. Sa oras na ayusin ang mitsa ng
lampara…Sasabog ang bomba!..Makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas!
Kabesang Tales: At pagkarinig ng putok , ang mga inalipin ng pamahalaan ay lalabas na may dalang mga
sandata at makikisama sa atin.
Simoun; “Iba ang iyong gagawin. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon
nakaimbak ang mga baril at pulbura.
Scene 13
Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal ( Inilagay ang lampara na may lamang dinamita).
Simoun: Oo naman bakit hindi…Na way magsilbing tanglaw ninyo ito sa pagdiriwang ng inyong pag-iisang
dibdib
Tagapagsalaysay: Palihim na sumilip si Basilio sa bahay kung saan isinasagawa ang pagdiriwang.
Tagapagsalaysay: Pumasok si Basilio sa bahay ngunit hinarangan siya ng mga Guardiya Sibil.
Guardiya Sibil: Hindi ka pwedeng pumasok dito… Umalis ka na dito ( tinulak si Basilio)
Basilio: Isagani Makinig ka sa akin, ang lampara sa loob ay naglalaman ng pulbura at maaari itong sumabog
ano mang oras ngayon. Kaya tara na!!!!
Don Custodio: Ano ang kaugnayan nila ni Simoun siya ang nagbigay ng lamparang ito?
General: Simoun! Isang taksil!!!! Hanapin ang Simoun na yan at hulihin !!!!
Tagapagsalaysay:
Hindi nagtagumpay si Simoun at kabesang Tales sa kanilang plano.Inutusan ng Gobernador Heneral ang mga
Gwardiya Sibil na hanapin at dakpin si Simoun. At dahil dito nagkaroon ng madugong digmaan sa pagitan ng
kampo nila Simoun at ng mga Gwardiya Sibil na ikinasawi ng mga pilipinong kasapi ng himagsikan ni Simoun.
Si kabesang tales ay puno ng pagsisisi dahil nadamay ang kanyang mga kasamahan sa digmaan. Samantalang si
Simoun naman ay nanghinayang dahil sa kanyang pagkabigo, nawalan siya ng ganang mabuhay lalo pa na wala
na ang kanyang minamahal na si Maria Clara. Kinitil niya ang kanyang buhay sa pag-inom ng isang uri ng lason
, ngunit bago pa man siya mawalan ng buhay ay pumunta siya kay Padre Tolentino, doon siya’y nangumpisal
,tinanong kung mayroon ba talagang dios at isiniwalat na siya si Crisostomo Ibarra ,na noon ay inakala nilang
patay na, nag-aral siya sa Europa at bumalik upang maghiganti ngunit siya ay nabigo. Bago siya mawalan ng
hinga ay humingi siya ng tawad sa diyos at nagpasamalat kay Padre Tolentino.
END…