Pangkalahatang Modyul Sa AP 6 Quarter 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 88

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Unang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nasusuri mo ang mga pangunahing
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 batay sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ano ako magaling?


Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang pangulong nagdeklara ng kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya
noong Hunyo 12, 1898.
A. Emilio Aguinaldo C. Jose P. Laurel
B. Manuel L. Quezon D. Sergio S. Osmeña
2. Kailan naganap ang pagpupulong sa Kongreso ng Malolos upang bumuo ng Saligang
Batas?
A. Setyembre 14, 1898 C. Setyembre 16, 1898
B. Setyembre 15, 1898 D. Setyembre 17, 1898
3. Ano ang pinagtibay sa Pilipinas noong Setyembre 29, 1898 ngunit HINDI ito kinilala ng
Amerika dahil sa pagsakop nito sa ating bansa?
A. kalayaan B. kaugalian C. kayamanan D. kultura
4. Ilang taon ang ibinigay sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng malasariling pamamahala sa
Pilipinas?
A. pitong taon B. walong taon C. siyam na taon D. sampung taon
5. Ano ang naging batayan ng pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang
Pilipinas?
A. Kongreso ng Amerika C. Saligang Batas 1935
B. Kongreso ng Malolos D. Saligang Batas 1987
6. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang Pilipinas?
A. Elpidio Quirino C. Manuel Roxas
B. Jose P. Laurel D. Sergio Osmeña Sr.
7. Saan inilipat ni Pangulong Quezon ang Pamahalaang Commonwealth bago ipahayag na
Open City ang Maynila noong Disyembre 24, 1941?
A. Bataan C. Malacañang
B. Corregidor D. Malolos
8. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing suliraning kinaharap ng Pilipinas matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa:
A. asamblea C. rekonstruksyon
B. kolaborasyon D. rehabilitasyon
9. Sino ang tumulong kay Manuel Roxas na mapawalang sala sa isyu ng kolaborasyon o ang
pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kalaban ng bansa?
A. Pangulong Franklin Delano Roosevelt
B. Pangulong Jose P. Laurel
C. Pangulong Sergio S. Osmeña Sr.
D. Heneral MacArthur
10. Anong pagbabago sa kulturang Pilipino ang nagdulot ng positibong epekto kung saan
tayo ay kilala hanggang sa ngayon?
A. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.
B. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda.
C. Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino.
D. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.

Aralin PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN


1 PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Sa araling ito ay matutuklasan natin ang mga pagsusumikap ng pamahalaan at


mamamayan upang malutas ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan na kinahaharap ng
bansa matapos ang digmaan bilang nagsasariling pamahalaan.

Ano ang balik-tanaw ko?


Panuto: Isulat ang TSEK (/) sa __ bago ang bilang kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay tumutukoy sa pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga Pilipino at EKIS
(X) kung hindi.

__1. Nagtanim ng mga gulay ang mga Pilipino sa bakanteng lote.


__2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan.
__3. Pagpapatira sa mga kamag-anak na nawalan ng tirahan dulot ng digmaan.
__4. Naging masipag at maparaan ang mga tao upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at
makatulong sa gobyerno.
__5. Lumaganap ang nakawan at kriminalidad.

Ano ang gagawin ko?

Punan ang nawawalang titik sa guhit upang mabuo ang salita.

EPEKTO ng D _ G_ A _ N
1. Ano ang nabuong salita? _________________________
2. Ibigay mo ang magiging suliranin ng isang bansa matapos ang naganap digmaan?
Ano ang kahulugan?

PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN


PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang Unang Republika
Panunungkulan ni Emilio Aguinaldo (Enero 23, 1899 – March 23, 1901)
Hunyo 12, 1898 idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng
ating bansa mula sa pananakop ng Espanya. Nagkaroon ng pulong ang
Kongreso ng Malolos noong Setyembre 15, 1898 kung saan bumuo ito
ng Saligang Batas na siyang naging batayan ng pamahalaan.
Pinagtibay nito ang kalayaan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898
ngunit hindi ito kinilala ng Amerika dahil sa pananakop nito sa ating bansa. Pang. Emilio Aguinaldo
Ang pamahalaang ito ang kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng
Pilipinas.
Ang Pamahalaang Commonwealth (1935-1946)
Panunungkulan ni Manuel L. Quezon (Nobyembre 15, 1935-Agosto 1, 1944)
Batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng Amerika, binigyan ng
sampung taon ang mga Pilipino upang maghandang makapagsarili at
itatag ang Pamahalaang Commonwealth. Ang batayan ng pamahalaang
ito ay ang Saligang Batas 1935.
Nang pasinayaan ang malasariling Pamahalaang Commonwealth Pang. Manuel L. Quezon
noong Nobyembre 15, 1935, nanumpa si Manuel L. Quezon bilang
Pangulo at si Sergio S. Osmeña, Sr. bilang Pangalawang Pangulo.
Sa pamumuno ni Quezon, hinarap ng mga Pilipino ang mga layuning maihanda ang
bansa para sa araw ng kalayaan nito. Bago ipahayag na Open City ang Maynila, inilipat ni
Pangulong Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa Corregidor noong Disyembre 24,
1941. Inatasan niya si Jose P. Laurel na maiwan sa Maynila upang sumalubong sa mga
Hapones.
Pebrero 20, 1942, inilikas ni Manuel L. Quezon ang Pamahalaang Commonwealth pati
ang kanyang pamilya, mula sa Corregidor patungong Washington, Amerika. Patuloy itong
kumilos sa kabila ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, Si Manuel
L. Quezon ay namatay noong Agosto 1, 1944 kaya pinalitan siya ni Sergio S. Osmeña, Sr.
bilang Pangulo ng Commonwealth.
Panunungkulan ni Sergio S. Osmeña Sr. (Agosto 1, 1944-May 27, 1946)
Magkasama si Pangulong Quezon at Osmeña sa Amerika sa
kampanyang pagpapalaya sa Pilipinas. Kasama din siya ng mga
Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944.
Naibalik ang kabisera ng Commonwealth sa Pilipinas noong
Pebrero 28, 1945. Sa isang seremonyang ginanap sa Malacañang Palace, Pang. Sergio S. Osmeña
ibinalik ni Heneral MacArthur kay Pangulong Osmeña ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin
ng Pamahalaang Commonwealth ayon sa Saligang Batas. Ipinahayag din niya ang pagtatatag
ng pamahalaang ito sa ating bansa.

Ang Ikalawang Republika


Panunungkulan ni Jose P. Laurel (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945)
Nang ang ating bansa ay tuluyang masakop ng mga Hapones
noong Mayo 6, 1942.Agad nilang binago ang ating pamahalaan sa
pamamagitan ng Pambansang Asamblea.
Ang Saligang Batas ay batay sa utos ng mga pinunong Hapones. Nahalal si Jose P.
Laurel bilang pangulo ng pamahalaan na kinilala bilang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Tinawag din itong Puppet Government dahil ito ay isang mapagkunwaring pamahalaan
na sa katunayan ay nasa ilalim ng mga Hapones.
Muling Pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth
Nang lumaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng Hapon noong Hulyo 5, 1945,
napasakamay muli ng mga Pilipino ang Pamahalaan. Naitatag muli ang Pamahalaang
Commonwealth, naging pangulo si Sergio S. Osmeña Sr. Dahil sa pinsalang idinulot ng
digmaan, naging mabigat ang kanyang tungkulin.
Itinaguyod ni Pangulong Sergio Osmeña Sr. ang pamahalaan sa pamamagitan ng
pagtatatag muli ng Gabinete, Council of State, Kataas-taasang Hukuman at iba pang mababang
hukuman, iba’t-ibang bagong tanggapan, at ang mga pamahalaang panlalawigan, pambayan,
at panlungsod.
Nagbalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan. Nagkaroon ng mga
bagong tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan ng bayan. Ang mga talaang
pamahalaan at mga kuwenta ng pananalapi ay kanyang ipinaayos. Pinaimbentaryo niya ang
mga halaga ng mga ari-ariang napinsala ng digmaan.
Sa halagang $81, 000 na ibinigay ng pamahalaang Amerikano, sinimulan agad ang
pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira ng digmaan. Itinatag muli ang
mga hukuman upang matugunan ang mga pangangailangan ng hudikatura. Binuksang muli ang
Kataas-taasang Hukuman, Court of Industrial Relations, at ang Public Service Commission.
Muli ring itinatag ang mga pamahalaang panlalawigan, panlungsod, at pambayan.
Mga Suliranin
1. Rehabilitasyon o ang pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng mga tao.
2. Rekonstruksyon o ang pagsasaayos ng mga pasilidad at imprastrakturang nawasak ng
digmaan.
3. Isyu ng kolaborasyon o ang pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa
kalaban ng ilang pinuno ng bansa. Naging mabigat na suliranin ito para kay Pangulong
Osmeña lalo na nang ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng Amerika
na aalisin at ititiwalag lahat ng tumulong sa pamahalaang Hapones.
Upang malutas ang isyu, itinatag ni Pangulong Osmeña ang Hukumang Bayan
o People’s Court. Ito ang nangasiwa sa paghaharap ng kaso laban sa mga mamamayang
nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones.
Isa si Manuel Roxas sa mga naparatangan ng pagtulong sa mga Hapones.
Napawalang sala siya dahil sa tulong ni Heneral MacArthur. Ikinatwiran nila na ginawa
lamang ni Roxas iyon upang makaiwas sa karahasan na maaaring idulot ng kanilang
pagtanggi sa malulupit na sundalong Hapones.

Mga Hamon sa Isang Bansang Nagsasarili


• Pambansang Seguridad - Laganap ang labanan sa pagitan ng mga militar at mga
rebelde tulad ng mga Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan at Partido Komunista
ng Pilipinas (PKP).
• Neokolonyalismo – Pakikialam ng mga Amerikano sa mga patakarang pang-
ekonomiya at pulitikal sa bansa.
• Kaisipang Kolonyal o Colonial Mentality – Naging mala-Kanluranin ang paraan ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Nasanay sila sa paggamit ng mga bagay na yari sa
Amerika. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong gawa
sa Amerika at napabayaan ang sariling atin.
Iniisip nila na ang mga bagay na yari sa Amerika, pati na mga gawain at ugaling
Amerikano o nabibilang sa maputing lahi ay higit na maganda at mabuti kaysa sa
sariling atin. Nagkaroon ng pagbabago sa kultura ng mga Pilipino.
Nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga
magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi” ang ipinalit
sa pagmamano.Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.
Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.
Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng
mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag.
Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki.
Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing
din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang steak,
hotdog, corned beef, at soft drinks.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong pagkakaunawa sa nabasa.
1. Ibigay at ilarawan ang mga pamahalaang naitatag sa ating bansa sa panahon ng mga
mananakop. ___________________________________________________________
2. Ano ang mga suliraning kinaharap ng ating bansa makalipas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag ang sagot. ______________________________
3. Bilang isang bansang nagsasarili, isa-isahin at ipaliwanag ang mga hamon na
kinaharap nito sa pagkamit ng kasarinlan. ___________________________________
4. Sa iyong palagay, napagtagumpayan ba nila ang bawat hamon? Bakit? ____________

Ano pa ang gagawin ko?


GAWAIN A: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Hanapin sa
loob ng kahon ang sagot at ilagay ito sa patlang bago ang bilang.

Jose P. Laurel Sergio S. Osmeña Sr. Manuel L. Quezon


Emilio Aguinaldo Manuel Roxas

______1. Siya ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas mula 1899-1901.


______2. Nanumpang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth at lumikas kasama ang
pamilya patungong Washington, Amerika dahil sa pananakop ng mga Hapones sa
bansa.
______3. Siya ang pumalit na pangulo ng Pilipinas ng mamatay si pangulong Quezon noong
Agosto 1, 1944.
______4. Kinikilalang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas mula 1943-1945.
______5. Naging pangulo sa muling pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth

GAWAIN B: Panuto: Bilugan ang simbolong thumbs up ( ) kung ang salita ay


tumutukoy sa mga suliranin pagkatapos ng digmaan at simbolong thumbs down ( )
hindi.
1. Rehabilitasyon
2. Rekonstruksyon
3. Commonwealth
4. Kolaborasyon
5. Kultura
GAWAIN C: Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang nasa hanay A at hanay B. Isulat ang
titik lamang sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___1. Colonial Mentality A. Mga pagkaing natutunan nating
___2. Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan kainin sa mga Amerikano.
___3. polo shirt, at kurbata B. Kasuotang sinusuot ng mga lalaki
___4. bestida at may mataas na takong ang sapatos C. Kasuotang sinusuot ng mga babae
___5. steak, hotdog, corned beef at soft drinks D. Mga rebeldeng lumaban sa military
E. Naging ugali ng mga Pilipino
ang pagtangkilik sa mga produktong
gawa sa Amerika.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Noong Hunyo 12, 1898 idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa
mula sa pananakop ng Espanya. Nagkaroon ng pulong ang Kongreso ng Malolos noong
Styembre 15, 1898. Bumuo ang Kongreso ng Saligang Batas na maging batayan ng
pamahalaan. Pinagtibatay nito ang Kalayaan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. Ngunit
hindi ito kinilalang Amerika dahil sa pananakop nito sa ating bansa. Ang pamahalaang ito ang
kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng Pilipanas.
Ang Pamahalaang Commonwealth (1935-1946)
Batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng Amerika, binigyan ng sampung taon ang mga
Pilipino upang maghandang makapagsarili . Binigyan din sila ng panahon na itatag ang
Pamahalaang Commonwealth.

Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN: Gumawa ng slogan gamit ang short coupon bond na nagpapakita ng pagmamahal
sa ating bayan at pagwawaksi ng kaisipang kolonyal.

Kumusta na ang target ko?

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na letrang iyong napili sa
inyong sagutang papel.
1. Saan dumaong ang mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga
puwersang Amerikano noong Oktubre 20, 1944?
A. Cebu B. Leyte C. Limasawa D. Samar
2. Bakit tinaguriang Puppet Government ang Ikalawang Republika?
A. Dahil ito ay isang maka-Diyos na pamahalaan.
B. Dahil ito ay isang maka-Bansa na pamahalaan.
C. Dahil ito ay isang maka-Tao na pamahalaan.
D. Dahil ito ay isang mapagkunwaring pamahalaan.
3. Sino ang Pangulong nagtatag muli ng Gabinete, “Council of State”, Kataas-taasang
Hukuman at iba pang mababang hukuman?
A. Emilio Aguinaldo C. Manuel L. Quezon
B. Jose P. Laurel D. Sergio Osmeña Sr.
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagtatatag ng Pamahalaang
Commonwealth?
A. Nagbalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan.
B. Nagkaroon ng mga bagong tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan
ng bayan.
C. Ang mga talaang pamahalaan at mga kuwenta ng pananalapi ay kanyang ipinaayos.
D. Pinagbili ang mga natitirang likas yaman at pag-aari ng gobyerno.
5. Magkano ang halagang ibinigay ng pamahalaang Amerikano upang masimulan agad ang
pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira sa digmaan?
A. $ 80, 000 B. $ 81, 000 C. $ 82, 000 D. $ 83, 000
6. Ito ang ibang katawagan na tumutukoy sa pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng
mga tao.
A. kolaborasyon B. kultura C. rekonstruksyon D. rehabilitasyon
7. Paano nilutas ni Pangulong Osmeña ang isyu ng kolaborasyon o pagtataksil sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kalaban ng bansa?
A. Itinatag niya ang Council of State.
B. Itinatag niya ang People’s Court.
C. Itinatag niya ang Kataas-taasang Hukuman.
D. Itinatag niya ang pamahalaang panlalawigan, pambayan, at panlungsod.
8. Alin sa mga sumusunod na hamon sa kasarinlan ang tumutukoy sa laganap na labanan sa
pagitan ng military at rebelde tulad ng Huk at PKP?
A. kaisipang kolonyal C. pagbabago sa kultura
B. neokolonyalismo D. pambansang seguridad
9. Tumutukoy ito sa pakikialam ng mga Amerikano sa mga patakarang pang-ekonomiya at
pulitikal sa bansa.
A. kaisipang kolonyal C. neokolonyalismo
B. kolaborasyon D. rehabilitasyon
10. Ang paggamit ng mga pangalang John, Charles, Mary at Ann ay hango sa kulturang
__________.
A. Amerikano B. Arabo C. Pilipino D. Tsino

Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A: Panuto: Sumulat ng maikling balita kung saan mailalahad mo ang


kasalukuyang suliranin at hamon sa kasarinlan na kinakaharap ng ating bansa sa pamumuno
ni Pangulong Duterte.
___________________________________________________________________________
GAWAIN B: Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba.
(https://youtu.be/hrpj8bS8kes)
Pagbangon at Hamon Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Itala sa inyong kuwaderno ang mga nabanggit na pinsala sa video matapos ang
digmaang naganap sa ating bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sanggunian
• Antonio, Eleanor D., et. al., Kayamanan: Batayan sa Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6, Rex Bookstore, Inc., 2015, pp. 169-173.
• Zaide, Sonia M. Philippine History and Government, Third Edition. All-
Nations Publishing Co., Inc. 1994, pp. 154-160.
• https://youtu.be/hrpj8bS8kes-Pagbangon at Hamon Matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
• https://youtu.be/Tf7SW1EDaRs-Araling Panlipunan 6 Ang Pilipinas Matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: SHIRLEY S. MAMARIL


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Ikalawang Linggo

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nasusuri mo ang mga pangunahing suliranin at


hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 batay sa iba’t ibang reaksyon ng mga
Pilipino sa mga epekto sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan
tulad ng mga sumusunod:
1. Philippine Rehabilitation Act
2. Parity Rights; at
3. Kasunduang Base Militar

Ano ako magaling?


Panuto: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot sa nakahiwalay na papel.
1. Sino ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Manuel Roxas C. Manuel L. Quezon
B. Elpidio Quirino D. Sergio Osmeńa
2. Ang mga sumusunod na suliranin pagkatapos ng digmaan ang kinaharap ni Pangulong Roxas
nang siya ay manungkulan sa bansa maliban sa isa.
A. katiwasayan B. kaayusan C. pagsasaayos ng kabuhayan D. diplomatiko
3. Bakit sinikap ni Pangulong Roxas na makipag-ugnayan pa rin sa bansang Hapon pagkatapos ng
digmaan?
A. Dahil nakasalalay ang katatagan ng bansa sa Hapon.
B. Dahil sinuportahan si Pangulong Roxas noong halalan.
C. Dahil matitiyak na hindi magiging panganib sa kapayapaan ang Hapon.
D. Dahil naging malapit ang bansang Hapon kay Pangulong Roxas.
4. Ano ang programang itinatag ni Pang. Roxas na naglalayong matulungan ang mga tao at
pribadong korporasyon na makapagbagong buhay?
A. Bell Trade Act
B. Parity Rights
C. Philippine-America Agricultural Mission
D. Rehabilitation Finance Corporation
5. Anong batas na nagpapapataw ng buwis sa anumang produktong manggagaling sa Pilipinas
patungong Estados Unidos pagkalipas ng 1954?______________.
A. Rehabilitation Finance Corporation
B. Bell Trade Act
C. US Reconstruction and Finance Corporation
D. Development Bank of the Philippines
6. Anong produkto ang iniluluwas sa Amerika na walang takdang dami ?
A. tabako B. bigas C. asukal D. sibuyas
7. Tumutukoy ito sa isang tadhana sa Batas Bell na nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano sa
paglinang ng likas na yamang pinagkukunan at pamamalakad ng mga paglilingkod na
pambayan.
A. Rehabilitation Finance Corporation
B. Parity Rights

4
C. US-RP Military Defense Treaty
D. Development Bank of the Philippines
8. Ilang bahagdan ng buwis ang ipapataw taun-taon sa mga produktong nanggagaling sa Pilipinas
patungong Estados Unidos?
A. 3% B. 4% C. 6% D. 7%
9. Ang parity rights ay isang tadhana sa Batas Bell na nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano
sa pagtotroso, pagpapaunad ng lahat ng lupang agrikultural at likas na yaman ng bansa.
A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi Sigurado
10. Kailan nilagdaan ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar?
A. Mayo 14, 1946 B. Mayo 14, 1947 C. Mayo 14, 1948 D. Mayo 14, 1949

ARALIN EPEKTO SA PAGSASARILI NG BANSA BATAY


2 SA MGA DI-PANTAY NA KASUNDUAN
Nang maging malaya ang ating bansa mula sa pamamahala ng Amerika noong Hulyo 4,
1946. Si Manuel A. Roxas ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas (Ikatlong Republika ). Si Elpidio
Quirino naman ang nahalal na Pangalawang Pangulo.
Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga suliraning idinulot
ng digmaan. Gayunpaman, buong sikap niyang hinarap ang mga suliraning ito para magkaroon ng
bagong buhay ang bansa.

Ano ang balik-tanaw ko?

Itambal ang tinutukoy ng bawat pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago bilang.
HANAY A HANAY B
______1. Pagtangkilik sa mga produktong A. Jose P. Laurel
gawa sa Amerika
______2. Hukuman na lumutas sa isyu ng kolaborasyon B. Sergio Osmena
______3. Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
ng Pilipinas C. Colonial Mentality
______4. Ikalawang Pangulo ng Pamahalaang
Commonwealth D. Hukumang Bayan
______5. Pangulo ng Pamahalaang Papet E. Manuel Roxas

Ano ang gagawin ko?

Suriin mo ang larawan sa ibaba.

5
Sagutin:

1. Ano ang nakikita sa larawan ?__ ________________________


2. Ilarawan ang maaring maitutulong nito sa isang bansa? _______________

Ano ang kahulugan?


Epekto sa Pagsasarili ng Bansa Batay sa mga Di-Pantay na Kasunduan

Ang Pamahalaan ng Ikatlong Republika


Panunungkulan ni Roxas
( Hulyo 4, 1946 – April 15, 1948)
Si Manuel A. Roxas ay nagsumikap upang lutasin niya ang mga suliranin. Ang mga ito ay
ang pagsasaayos ng kabuhayan , katiwasayan , kaayusan at mababang moralidad.
Mga Patakarang Panloob at Panlabas
Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan ng bansang
Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit naging
malapit ang ating bansa sa Estados Unidos noong panahong iyon. Naging lubhang mabigat ang mga
Gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga suliraning idinulot ng digmaan. Gayunpaman, buong
sikap niyang hinarap ang mga suliraning ito upang magkaroon ng bagong buhay ang bansa.
Sinikap ng pamahalaang Roxas na makipag-ugnayan sa bansang Hapon. Ito ay para matiyak
na hindi magiging panganib sa kapayapaan ng daigdig ang bansang Hapon. At para mahingi ang
bayad pinsala at mga nasira ng digmaan.
Nang itatag ang Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang Pilipinas ay isa sa mga unang naging kasapi nito. Sinikap ng
pamahalaang Roxas na magkaroon ng ugnayang diplomatiko sa Nasyonalistag Tsina.
Subalit nagkaroon ito ng maraming suliranin. Ang pinagtibay na batas ng Kongreso na
nagbigay priyoridad sa mga Pilipino na umupa ng mga puwesto sa mga pamilihang bayan ay
nakaapekto sa mga Tsino sa bansa. Ang pakikipag-ugnayan ng bansang Pilipinas sa Tsina at natuloy
lamang noong Abril 18, 1947. Noong hindi na pangulo si Roxas.

Ang Programa ni Roxas


Dalawa ang layunin ng programa ni Roxas, ang pagpapalaki ng produksyon at ang muling
pagkakaroon ng mga industriya. Umunlad nang bahagya ang pagsasaka. Ipinayo ng mga dalubhasa
sa ekonomiya ng Philippine-America Agricultural Mission noong 1947 ang paggamit ng mga
makinarya .
Pati mga siyentipikong paraan ng pagsasaka dahil sa kakulangan ng hayop na gagamitin.
Ngunit hindi gaanong ginamit ang mga makinarya upang hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga
tao. Ang hatian sa ani ay 70% bahagdan sa magsasaka at kasama at 30% bahagdan sa may-ari ng
lupa.
Rehabilitation Finance Corporation
Upang matulungan ang mga tao at pribadong korporasyon na makapagbagong buhay.
Itinatag ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) na sa ngayon ay kilala bilang Development
Bank of the Philippines ( DBP). Ito ay nagpapautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal.
Kasama rin ang mga taong nais magpagawa ng sariling bahay.
Bell Trade Act
Itinakda ng Bell Trade Act ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling
sa Pilipinas patungong Estados Unidos pagkalipas ng 1954. Ito ay may 5% buwis na ipapataw taun-

6
taon hanggang marating ang 100% sa taong 1974. Itinakda rin nito na may kota o takdang dami rin
ang asukal, bigas, tabako, abono, lubid, langis ng niyog at butones ng perlas na mailuluwas ng
Pilipinas sa Amerika. Samantalang makapagluluwas ang Amerika nang walang takdang dami o kota.
Hindi naging makatarungan ang Bell Trade Act sa mga Pilipino. Hindi pantay ang parity
rights o ang karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga likas na yamang
pinagkukunan. At pamamalakad ng mga paglilingkod na pambayan. Ito ay isang tadhana sa Batas
Bell na nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano sa pagtotroso. Kasama rin ang pagpapaunlad sa
lahat ng lupang agrikultural at likas na yaman.
Maraming pinuno ng Pilipinas ang tumutol dito. Ngunit kung hindi nila ito tatanggapin hindi
ipagkakaloob ng Amerika ang tulong na pinansiyal para sa bansa. Dahil sa kondisyong ibinibigay ,
sumang-ayon na rin ang mga Pilipino. Kaya’t kinailangang amyendahan ang Saligang batas ng 1935
tungkol sa paglinang ng likas na yaman ng bansa.
Rehabilitasyon ng Pilipinas
Tulong at Pautang Amerika
Kapalit ng mga Karapatan sa pangangalakal at pakikinabang sa mga likas na yaman sa bansa.
Pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang pagbibigay ng S120,000,000. Ito ay bilang tulong
sa panibagong pagpapagawa ng mga gusali, tulay at daan sa Pilipinas. Pinagtibay rin ang
pagkakaloob ng halagang S75,000,000 upang patatagin ang pananalapi ng bansa.
Ang halagang S25,000 ay naidagdag para gamiting pantubos sa mga kasulatang ginamit ng
mga gerilya. Ibinigay rin ang halagang S1 bilyon na surplus ng military ng Amerika. Pinautang ng
Estados Unidos ang Pilipinas ng halagang S60,000,000 sa pamamagitan ng US Reconstruction and
Finance Corporation (RFC).
Noong Oktubre, 1945, pinagtibay ang Bell Trade Relations Act. Itinadhana nito ang walong
taong pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa United States hanggang 1954.
Pakikipag-ugnayang Militar
Naging malapit ang ating bansa sa Amerika noong panahong iyon. Ito ay sa paniniwala ni
Pangulong Roxas na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasasalalay sa pakikipagkaibigan sa
Estados Unidos.
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar na
pinirmahan noong Mayo 14, 1947. Ito ay kung saan binigyan ang Amerika ng karapatang upahan
ang mga base military sa loob ng 99 taon.
Bukod sa kasunduang Tulong na Militar (Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan
noong Marso 21, 1947. Nilagdaan din ang isa pang kasunduan noong Agosto 30, 1951. Ito ang
Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty).
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ibigay at ilarawan ang mga programang ipinatupad ni Pangulong Roxas.______________
2. Ano ang mga tulong at pautang na ibinigay ng Estados Unidos para sa rehabilitasyon ng
Pilipinas? __________________________________________
3. Ilarawan ang mga kasunduang militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos?______

Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A : Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong pahayag
at Mali kung hindi . Gawin ito sa sagutang papel.
1. Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan ng bansang
Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.

7
2. Itinatadhana ng Bell Trade pagpapataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa
Pilipinas patungong Estados Unidos pagkalipas ng 1954.
3. Si Pangulong Manuel Roxas Sr. ang kauna-unahang Pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
4. Hindi naging makatarungan ang Bell Trade Act sa mga Pilipino.
5. Itinatag ang Rehabilitation Finance Corporation . upang matulungan lamang ang pribadong
korporasyon ng makapagbagong buhay.

GAWAIN B: Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B . Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot.
HANAY A HANAY B
______1. Naging malaya ang Pilipinas mula sa A. Agosto 30, 1951
Pamamahala ng Amerika
______2. Pagpapatibay ng Bell Trade Relations Act B. Marso 21, 1947
______3. Paglagda ng kasunduang Tulong na Militar C. Oktubre, 1945
______4. Nilagdaan ang US-RP Mutual Defense Act D. Hulyo 4, 1946
______5. Pagkakaroon ng ugnayang diplomatiko E. Abril 15, 1948
sa pagitan ng bansang Pilipinas at Tsina

GAWAIN C.Panuto: Gamit ang grapikong organayser, tukuyin ang mga kasunduan sa pagitan ng
Pilipinas at Estados Unidos na ipinatupad noong Ikatlong Republika.

1.
Mga Ipinatupad na Kasunduan 3.
Sa Pagitan ng Estados Unidos
at Pilipinas
2. 4.

5.

Ano ang natamo ko?


Tandaan Natin Ito!
Nang naging Malaya ang ating bansa mula sa pamamahala ng Amerika noong Hulyo 4,
1946. Si Manuel A. Roxas ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas (Ikatlong Republika). Si Elpidio
Quirino naman ang nahalal na Pangalawang Pangulo.
Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas. Pinagsumikapan niyang lutasin
ang mga suliranin. Katulad ng pagsasaayos niya ng kabuhayan , katiwasayan , kaayusan at
mababang moralidad. Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan
ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
Kabilang sa mga ipinatupad sa bansa na nagsasaad ng hindi pantay na kasunduan ay Bell
Trade Act. Dito rin nakatadhana ang pagpapatupad ng parity rights na tinutulan ng maraming
pinunong Pilipino.Maging ang pagpapatupad ng Military Assistance Agreement at US-RP Mutual
Defense Treaty.

8
Ano ang kaya kung gawin?

Panuto: Gumawa ng isang pangako para sa tanong na ito.


Paano ka makakatulong sa paglutas ng problem ana kinaharap ngayong panahon ng
pandemya?
________________________________________________________________________

Kumusta na ang target ko?


Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong uri ng pamahalaan ang naitatag sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1946?
A. Unang Republika ng Pilipinas C. Ikalawang Republika ng Pilipinas
B. Pamahalaang Komonwelt D. Ikatlong Republika ng Pilipinas
2. Sino ang nahalal na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ?
A. Manuel Roxas C. Sergio Osmena Sr.
B. Elpidio Quirino D. Jose P. Laurel
3. Aling bansa ang hindi nagkaroon ng ugnayang diplomatiko ang Pilipinas?
A. France B. Hapon C. Italy D. Russia
4. Anong samahang pandaigdig naging isa sa mga naging unang kasapi nito ang Pilipinas?
A. Philippine -America Agricultural Mission C. United Nations
B. Rehabilitation Finance Corporation D. Parity Rights
5. Aling kasunduan ang itinuturing na hindi makatarungan sa mga Pilipino?
A. Philippine -America Agricultural Mission C. United Nations
B. Rehabilitation Finance Corporation D. Bell Trade Act
6. Anong batas ang nagtatakda tungkol sa pagluluwas ng Amerika nang walang takdang dami
ng produkto sa Pilipinas?
A. US Reconstruction and Finance Corporation C. Parity Rights
B. Military Assistance Agreement D. Bell Trade Act
7. Magkano ang ipinagkaloob ng Estados Unidos upang patatagin ang pananalapi ng
Pilipinas?
A. S75,000 B. S750,000 C. S7,500,000 D. S75,000,000
8. Anong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ang nagsasaad ng pagtatanggol
sa isa’t isa?
A. US-RP Mutual Defense Agreement C. Military Assistance Agreement
B. Rehabilitation Finance Corporation D. Bell Trade Act
9. Aling pahayag ang naglalayon ng pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation?
A. Nagkaloob ng tulong pinansiyal sa lahat ng Pilipino.
B. Nagbigay ng puhunan para pagbili ng mga magsasaka ng bagong makinarya.
C. Nagpautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal.
D. Nagtadhana ng tulong sa pagpapatayo ng mga gusali ng bansa.
10. Ang mga sumusunod ay mga hindi pantay na kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas
maliban sa isa.
A. US-RP Mutual Defense Agreement C. Parity Rights
B. Bell Trade Act D. Rehabilitation Finance Corporation

9
Ano pa ang kaya kong gawin?
Gawain A. Panuto : Tapusin ang pangungusap .
Upang ang paghihikahos o paghihirap sa kabuhayan ng marami sa ating bansa dahil sa
pandemya, kailangang __________________________________________________.
Gawain B. Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba at sagutin ang tanong. (
https://www.youtube.com/watch?v=vvjiRVx3ee8 )
1. Itala at ilarawan ang mga kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas na
nabanggit sa video . _________________________________________

Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Banlaygas, Emilia L, Dallo, Evangeline M. (2015)
KAYAMANAN 6, Rex Publishing; Sampaloc Maynila pp.174-176.
• https://www.google.com/search?q=pictures+of+subic+naval+base+in+olongapo&tbm=isch
&source=iu&ictx=1&fir=dz18E-
iTG7b5CM%252CaJZTA5Fq_xBU7M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kS2_ETVR5im3pdH6G4LFCaSGgZfHQ&sa=X&ved=2ahUKEwiN7tKfkNnuAhWLw4sB
HY8MCW0Q9QF6BAgNEAE#imgrc=0fFZrZqRYKhzZM
• https://www.youtube.com/watch?v=vvjiRVx3ee8

10
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: JULITA L. MACARANAS


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL
SCHOOLS REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Ikatlong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nauunawaan mo ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng soberanya at ang mga karapatang tinatamasa ng isang malayang bansa.

Ano ako magaling?

Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Kailan natamo ng Pilipinas ang soberanya nang ipagkaloob ng Estados Unidos ang
ganap na kalayaan ?
A. Hunyo 12,1898 B. Hulyo 4,1946 C. Hunyo 12 , 1898 D. Hulyo 4,1946
2. Ano ang iakapat na sangkap ng estado nang matamo ng Pilipinas ang kasarinlan?
A. mamamayan B. pamahalaan C. teritoryo D. soberanya
3. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa soberanya?
A. Pantay-pantay sa karapatan ang mga bansang malaya.
B. Mas mahalaga ang soberanyang panlabas kaysa sa panloob.
C. Maari tayong panghimasukan ng ibang bansa kung kinakailangan.
D. Dapat iwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
4. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estado na hindi maaring ipasa o ipagkaloob
kaninuman?
A. permanente B. komprehensibo C. absolute D. may awtonomiya
5. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estadong pasunurin ang lahat ng mga tao at
pamahalaan ang lahat ng tao at bagay sa loob ng teritoryo ?
A. kapangyarihang pampulisya C. soberanyang panlabas
B. kapangyarihang pampulitiko D. soberanyang panloob
6. Bakit mahalaga ang panlabas na soberanya?
A. Makikilala ang karapat-dapat sa tungkulin.
B. Masasaklawan nito ang pamamahala sa bansa.
C. Magiging malaya ang bansa sa panghihimasok ng ibang bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Ano ang tawag kapag ang estado ay malaya sa anumang pakikialam ng ibang bansa?
A. kapangyarihang pampulisya C. soberanyang panlabas
B. kapangyarihang pampulitiko D. soberanyang panloob
8. Alin sa mga sumusunod ay hindi karapatang tinatamasa ng isang estado?
A. karapatang makapagsasarili C. karapatang makipag-ugnayan
B. karapatan sa pantay na pagkilala D. karapatang magpaalis ng mga dayuhan
9. Aling ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling ipagtanggol ang kalayaan ng
bansa?
A. Kagawarang Panlabas C. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
B. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa D. Hukbong Panghimpapawid
10. Ito ay kilala bilang National Defense Act na kung saan ang Hukbong Sandatahang
Lakas ng Pilipinas ang may pangunahing layuning ipagtanggol ang bansa laban sa
rebelyong lokal at mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
A. Department of National Defense C. Commonwealth Act. No.1
B. Artikulo 11 Seksyon 3 D. Rehabilitation Act

Aralin KAHALAGAHAN NG SOBERANYA NG


3 SA ISANG BANSA

Nang lubusang lumaya ang ating bansa at naitatag ang Ikatlong Republika noong 1946.
Ang ating bansa ay nagkaroon ng soberanya. May ideya ka ba kung ano ang kalhulugan ng
soberanya?

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Punan ng titik ang bawat kahon


1.
Isang tadhana sa Batas bell na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano sa paggamit at paglinang ng likas na yaman at pamamalakad ng mga
paglilingkod na pambayan sa bansa.
2.
Pagsasaayos sa mga nasira sa bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
mula sa pagpapautang ng bansang Amerika kapalit ng karapatan sa pangangalakal at
pakinabang sa mga likas na yaman ng bansa.
3.
Nakatadhana dito ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa
Pilipinas patungong US. Itinakda rin nito na may kota sa dami ng asukal, bigas, tabako,
atbp.
4. US-RP
Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagtatanggol sa isat-isa na
nilagdaan noong Agosto 30, 1951.
5.
Samahang pandaigdig na naitatag at sinapian ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa panahon ng pamamahala ni Pang. Roxas.
Ano ang gagawin ko?

Ano ang iyong opinyon sa larawan tungkol sa pag-aagawan


ng mga bansa sa West Philippine sea?
_________________________________________________

Ano ang kahulugan?

Kahalagahan ng Soberanya sa Pilipinas

Ang soberanya ay isa sa mga kapangyarihan ng ating bansa bilang isang estado. Ito ay
elementong pinakamahirap makamit. Kailangang kilalanin muna ang isang estadong may
soberanya sa daigdig at ng mga Nagkakaisang Bansa.
Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946. Ito ay
kinilala na ng iba pang mga bansa sa daigdig na ang Pilipinas ay may soberanya. Upang
maunawaan ang soberanya , kailangang suriin kung ano ang estado.
Ang estado ay binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang
nakatakdang teritoryo. May pamahalaang nagtataglay ng awtoridad. Ito rin ay may
kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas at nakakatamasa ng Kalayaan
.
Katangian ng Soberanya
Permanente : Ang awtoridad ng estado ay permanente at mananatili ito hanggang ang mga
mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling pamahalaan
May awtonomiya : Ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay ang mga mamamayan nito
at iba pang mga tao at bagay na matatagpuan sa loob ng teritoryo nito. Hindi sakop ng
awtoridad ng estado ang mga naninirahan sa labas ng teritoryo nito.
Komprehensibo: Ang kapangyarihan ng estado ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong
naninirarahan sa loob nito, kabilang ang kanilang mga anak. Maliban sa mga ito ang
pagsasailalim sa mga batas ng ugnayang panlabas at napagkalooban ng immunity for internal
courtesy.
Hindi naililipat o Lubos o Absolute: Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaring ipasa o
ipagkaloob sa kaninuman. Walang ibang estado ang maaring magkaroon ng hurisdiksyon dito.
Walang taning ang panahon: Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang taning
na panahon. May bisa ito sa ngayon hanggang sa mga darating na panahon.

Mga Dimensyon ng Soberanya ng Estado


Soberanyang Panloob (Internal Sovereignty) – ito ay kapangyarihan ng Pilipinas na
mamahala sa nasasakupan nito. Ang kapangyarihang pampamahalaan nito ay nasa
mamamayan. Sila ang may karapatang pumili ng mamumuno sa bansa.
Ang mga pinuno ng estado may kapangyarihang pasunurin ang lahat ng mga tao.
Pamahalaan ang lahat ng mga tao at bagay sa loob ng teritoryo nito. Sa pamamagitan ng ibat-
ibang ahensya ng gobyerno. Tanging ang Pilipinas lamang ang maaring magpasya tungkol sa
paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nit
Soberanyang Panlabas (External Soveriegnty) – Ito ay kapangyarihan ng bansang
magpatupad ng mga layuning mapabuti at mapaunlad ang mga mamamayan at ang Pilipinas.
Kasama rin nito ang kapangyarihang lutasin ang mga suliranin o kaguluhan sa bansa. At nang
hindi pinapakialaman ng alinmang bansa. Malaya ito sa anumang kontrol o panghihimasok ng
ibang mga estado.

Mga Karapatang Tinatamasa ng Isang Bansang Malaya


Karapatang Makapagsarili
Ito ay ang karapatan ng Pilipinas sa pamamahala sa pulitika , ekonomiya at lipunang
Pilipino. Taglay nito ang hindi mapakikialamang pagpapasya. Ito ay tungkol sa
pangangailangan ng pamahalaan at mamamayan.
Ang mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan ng bansa ang maaring lumutas sa mga
suliranin ukol sa rebelyon. Maging ang paggamit ng likas na yaman, kahirapan at iba pa.
Gayunpaman, maari silang tumanggap ng mga mungkahi mula sa ibang bansa na makakatulong
sa kanilang pagpapasya.
Karapatan sa Pantay na Pagkilala
Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may karapatan sa pantay na pagkilala. Maliit man o
malaki, mahirap man o mayaman. Anuman ang simulain o sistema ng pamahalaan , ang mga
bansa ay may pantay na pribilehiyo.
Ang Pilipinas ay kasapi ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa (UNO). Ang samahang
kumikilala sa pantay na pribilehiyo ng mga bansa. Ang anumang suliranin at pangangailangan
ng Pilipinas ay maaring idulog sa samahan . May karapatan ang kinatawan ng Pilipinas na
mahirang o maihalal na pinuno ng alinmang ahensya nito.
Karapatan sa Pagmamay-ari
Karapatan ng bansa ang mag-angkin ng mga ari-arian tulad ng mga likas na yaman.
Maging ang mga kagamitan at mga gusaling pambayan. Nakapagbubukas din ito ng mga
embahada at kuta ng militar. Kung kailangan, ang pamahalaan ay maaring bumili at magmay-
ari ng mga lupa o mga gusali sa nararapat na presyo.
Karapatang Makipag-ugnayan
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa mga samahang pandaigdig at panrehiyon ay
nagpapahiwatig ng karapatan nito sa pakikipag-ugnayan. Kaugnay nito ang magpadala ng
mga kinatawan (ambassador)sa iba’t bang bansa. At tumanggap ng mga embahada ng ibang
bansa.
Nakikipag-ugnayan din ang bansa sa ibat ibang pandaigdig na ahensya ukol sa
kalusugan at edukasyon. Pati rin sa batas, paggawa, pagsasaka, pagkain at pananalapi.
Pinapahintulutan din ng bansa ang pagdaraos ng mga pagtitipong pandaigdig at panrehiyon.
Karapatan sa Pamahalaan ang Nasasakupan
Karapatan ng estado na mamahala sa teritoryo at mga mamamayan nito. Walang ibang
maaring magpatupad ng mga batas at magpasya ukol sa mga likas na yaman ng bansa kundi
ang estado. Maari nitong ipagbawal ang pagluluwas ng mga kalakal ng bansa kung kailangan.
At ipasunod ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga batas sa nasasakupan.
Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
Ang soberanya ng bawat estado ay napapangalagaan kung ang kalayaan at teritoryo ng
bansa ay patuloy na ipagtatanggol ng pamahalaan at mga mamamayan nito. Bagaman
makapangyarihan ang estado, kailangan pa rin nito ng proteksyon ng kanyang mga
mamamayan.
Tungkulin at pananagutan ng pamahalaan at ng sambayanang Pilipino ang pagtatanggol
sa ating estado. Ibat-ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan ang nangangalaga sa
katahimikan, kaayusan aat kalayaan ng estado.
Ayon sa Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa (Department of National Defense) ang siyang naatasang mangalaga sa
teritoryo at estado.
Ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines
(AFP) ay itinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang National Defense Act.
Ang pangunahing layunin ay ang ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga
dayuhang nais sumakop sa bansa.
Mga Sangay ng Sandatahang Lakas
Ang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army) ang may tungkuling ipagtanggol
ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang dayuhang nagnanais na sakupin ito.
Lumaban sa mga nais magpabagsak sa pamahalaan. At maging sa pagtulong sa mga
mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Ang Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force) ay mga tanod ng himpapawid.
Tinitiyak nito na walang makakapasok sa Pilipinas na mga sasakyang panghimpapawid ng
ibang bansa nang walang pahintulot . At kung may pakay na masama.
Nasa Hukbong Pandagat (Philippine Navy ) naman ang pananagutang ipangtanggol ang
bansa laban sa mga kaaway na maaring dumaan sa ibat-ibang anyong tubig sa ating bansa.
Nagpapatrol sila sa ating dagat upang matiyak na walang makakapasok na dayuhan sa ating
teritoryo .
At binabantayan din nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa. Tumutulong din sila
na nasusunod ang mga patakaran ukol sa Doktrinang Pangkapuluan at Batas sa Dagat.
Ang Pambansang Pulisya (Philippine National Police) ang nangangalaga ng
katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa. Ito rin ang naatasang magpatupad ng lahat ng batas
at ordinansa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit mahalaga ang soberanya sa isang estado? ______________________________
2. Paghambingin ang soberanyang panloob at soberanyang panlabas?
3. Ibigay at ilarawan ang mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.___________

Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A. Panuto : Uriin aang mga sumusunod na pahayag ayon sa Soberanyang Panloob o
Soberanyang Panlabas . Isulat ang sagot sa patlang bago ang ang bawat bilang.
_______1. Magpasya tungkol sa paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nito.
_______2. Pagdaraos ng halalan at pagbibilang ng boto.
_______3. Pagpapadala ng pwersang Plipinong sundalo sa Congo bilang
pakikiisa sa UN.
_______4. Pangangalaga ng Philippine Coast Guard ang Sabah na sinasabing
pagmamay-ari ng Pilipinas.
_______5. Pagsali sa mga paligsahan sa sports tulad ng Asian Games.
GAWAIN B. Panuto: Ano ang karapatang tinutukoy. Pillin sa ibaba ang tamang sagot. Isulat
lamang ang titik sa patlang bago bilang.

A. Karapatang makapagsarili
B. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
C. Karapatan sa pantay-pantay na pagkilala
D. Karapatang makipag-ugnayan
E. Karapatan sa pagmamay-ari
F. Karapatang pamahalaan ang nasasakupan.
___1. Nilulutas ang anumang suliranin nang hindi umaasa sa tulong ng ibang bansa.
___2. Pinapangalagaan ang teritoryo ng bansa laban sa pagsakop ng mga dayuhan.
___3. Pagpapatupad ng mga batas para sa nasasakupan.
___4. Pinapangasiwaan ang likas na yaman, mga gusali, lupain at mga kampo.
___5. Pagdaraos ng 30th SEA Games sa Pilipinas na dinaluhan ng ibat-ibang bansa sa Asya.

GAWAIN C: Panuto : Pagtambalin ang tungkulin sa HANAY A sa ahensya sa HANAY B .


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
___1. Tagapangalaga ng sambayanan A. Department of National Defense
___2. Protektahan ang mga baybayin at karagatan B. Philippine Army
___3. Ipatupad ang mga batas at ordinansa C. Philippine Air Force
___4. Bantayan ang teritoryong panghimpapawid D. Philippine National Police
___5. Tumulong sa mga mamamayan sa E. Philippine Navy
panahon ng kalamidad.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Ang soberanya ang pangunahing sangkap na nagpapakilala ng pagiging malaya ng
ating bansa. Ito ang kataas-taasang kapangyarihang umiiral sa bansa upang pangasiwaan ang
kanyang nasasakupan. Ito ang nagpapatupad ng mga layunin sa taong bayan na hindi
maaaring saklawan ng alinmang bansang dayuhan ang ating bansa.
May dalawang uri ito; ang soberanyang panloob at soberanyang panlabas.
Ang mga karapatang tinatamasa ng isang bansang may soberanya ay ang karapatang
makapagsarili, pantay na pagkilala at pagmamay-ari. Maging ang karapatang makipag-
ugnayan, pamahalaan ang nasasakupan at ipagtanggol ang kalayaan.
Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN Panuto: Sagutin ang pangunahing tanong sa malikhaing paraan batay sa natutunan
mong aral.
Ipagtatanggol ko ang Pilipinas kapag _______________________________________
__________________________________________________________________________
sa pamamagitan ng____________________________________________________________

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na letrang iyong
napili sa inyong sagutang papel.
1. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa kapangyarihang kinikilala ng mga bansang
malaya?
A. pamahalaan B. soberanya C. mamamayan D. teritoryo
2. Ano ang tawag isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang takdang
teritoryo, may pamahalaang nagtataglay ng awtoridad na kinikilala ng karamihan ng
mga mamamayan nito, may kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas
at makatamasa ng Kalayaan?
A. batas B. mamamayan C. estado D. soberanya
3. Ano ang tawag sa katangian ng soberanya na ang awtoridad ng estado ay pamananatili
hanggang ang mga mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling
pamahalaan?
A. komprehensibo B. permanente C. may awtonomiya D. lubos
4. Alin ang nagpapaliwanag ng kahulugan ng panlabas na soberanya?
A. Aasa sa mga bansang makapangyarihan.
B. Ang kabuhayan at pamamahala sa bansa ay hindi maaring pakialaman ng
anumang bansa.
C. Ang Pilipinas bilang isang malayang bansa ay maaring diktahan ng ibang bansa.
D. Ang Pilipinas ay may kapangyarihang isakatuparan ang mga batas sa buong
nasasakupan nito.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalahagan ng panloob na soberanya?
A. Lumikha ng sariling batas.
B. Maging malaya sa pagsupil ng dayuhan.
C. Sumunod sa batas ng ibang bansa.
D. Ipaalam na huwag panghimasukan ang Pilipinas
6. Ano ang tawag sa kapangyarihang maging malaya sa pagsupil o panghihimasok ng
mga dayuhan?
A. soberanya C. panloob na soberanya
B. panlabas na soberanya D. panloob at panlabas nasoberanya
7. Anong karapatan ang tumutukoy sa pagpapadala ng mga “ambassador” at ang
pagtanggap ng kinatawan sa ibang bansa?
A. makipag-ugnayan C. pamamahala sa nsasakupan
B. pagmamay-ari D. makapagsarili
8. Ang isang bansang malaya ay may karapatang mag-angkin ng ari-arian tulad ng
gusaling pambayan, mga kuta ng militar, mga embahada, lupain at iba pa.
A. karapatang ipagtanggol ang kalayaanC. karapatang mamahala sa nasasakupan
B. karapatan sa pagmamay-ari D. karapatan sapantay-pantay na pagkilala
9. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang ipagtanggol ang
teritoryong sakop ng Pilipinas. Alin ang hindi?
A. Makapasok ang kontrabandong produkto mula sa ibang bansa.
B. Mapangalagaan nang wasto ang mga kayamanang matatagpuan ditto.
C. Upang hindi tayo masakop ng ibang bansa at manatiling malaya.
D. Dito tayo kumukuha ng ating pangunahing pangangailangan.
10. Tumutukoy sa kagawaran ng pamahalaan na naatasang mangalaga sa soberanya,
sumuporta sa Saligang Batas at magtanggol sa teritoryo ng Pilipinas laban sa mga
kaaway.
A. DOLE B. AFP C. DILG D. DOJ

Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A : Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan ng


soberanya sa isang bansa. __________________________________________________
GAWAIN B: Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=9dPGV36cBRQ
Ipahayag ang iyong opinyon sa balitang iyong napanood sa pamamagitan ng 3 hanggang 5
pangungusap.
_____________________________________________________________________
Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Banlaygas, Emilia L, Dallo, Evangeline M. (2015)
KAYAMANAN 6, Rex Publishing; Sampaloc Maynila pp.186-202.
• Pilipinas Kong Mahal 6 , Ronnie Oneza Chavez, Emelyn E. Somera, Maria Eliza
Afable, Ariel Dancel Tamayo, Amrcelino A. Arabit
• Capina Estelita B.. Palu-ay Alvenia P (2000)
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 208-212
• https://www.youtube.com/watch?v=9dPGV36cBRQ
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: FLORENCE A. VALDEZ


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: ROGER N. AGCAOILI
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Ikaapat na Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ako magaling?

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sa iyong sagutang
papel.
1.Bakit itinatag ang ni Pangulong Quirino ang Agricultural Credit Cooperative Financing
Administration ?
A. Makatulong sa pangangailangan ng mga manggagawa.
B. Maitaas ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
C. Makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka.
D. Malutas ang paghihikahos sa buhay ng taong-bayan.
2. Ano ang kinilalang kasuotan ng mga mahihirap sa panahon ng panunungkulan ni
Pangulong Magsaysay ?
A. Baro’t saya B. Patadyong C. Barong Tagalog D. Kamiseta
3. Kailan sumuko ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc?
A. Mayo 16, 1954 C. Mayo 18, 1954
B. Mayo 17, 1954 D. Mayo 19, 1954
4. Ano ang ibig sabihin ng SEATO?
A. Southeast Asian Treaty Organization C. Southeast Asia Treaty Organization
B. Southeast Asia Trinity Organization D. Southeast Asian Organization
5. Sino ang nahirang na Pangalawang Pangulo sa panunungkulan ni Pangulong Quirino?
A. Diosdado Macapagal C. Elpidio Quirino
B. Carlos Garcia D. Ferdinand Marcos
6. Alin-aling bansa ang bumubuo sa kasunduan na tinawag na Manila Pact?
A. Australia, Burma, Malaysia, New Zealand, Pakistan, Thailand, England at
Pilipinas
B. Australia, France, United States, New Zealand, Pakistan, Thailand, England at
Pilipinas
C. France, United States, Pilipinas, England, Singapore, Brunei, Cambodia at
Vietnam
D. Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Brunei, Myanmar, Laos at Pilipinas
7. Kailan muling nanalo sa halalang pampanguluhan si Pangulong Carlos Garcia?
A. Nobyembre 10, 1957 C. Nobyembre 12,1957
B. Nobyembre 11, 1957 D. Nobyembre 13, 1957
8. Alin dito ang hindi dahilan ng pagdami ng mga kasapi sa samahang Huk?
A. Patuloy na pananakop ng United States
B. Di- makatarungang paghahatian sa sakahan
C. Kawalan ng aksyon mula sa pamahalaan upang maipatupad ang reporma sa
pagsasakahan
D. Patuloy na pagtulong ng United Estates sa bansa
9. Ano ang isa sa mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa
panahon ni Pangulong Garcia?
A. Ang pagbibintang na nagnanakaw ang mga Pilipino sa mga base.
B. Ang di- makatarungang paghahatian sa sakahan.
C. Patuloy na pananakop ng United States.
D. Hindi pagkilala ng pamahalaan sa mga gerilyang HukBaLaHap.
10. Sino ang kalihim na Tanggulang Pambansa na nagpasuko sa mga Huk?
A. Ramon Magsaysay C. Juan PonCe Enrile
B. Carlos Garcia D. Fidel Ramos

Aralin MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NG IBA’T-IBANG


4 PANGULO NG PILIPINAS

Sa araling ito ay matatalakay natin ang mga pagsusumikap ng pamahalaan at


mamamayan upang matugunan ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan na kinakaharap ng
bansa.

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Kilalanin ang mga elementong taglay ng Pilipinas bilang isang estado. Ilarawan ang
mga ito sa loob ng kahon.
Soberanya-KAPANGYARIHANG Pamahalaan- PANGKAT NG MGA
GUMAWA AT MAGPATUPAD NG TAONG NANUNUNGKULAN SA
BATAS SA ISANG BANSA BANSA NA MAY TAKDANG
PANAHON NG PANUNUNGKULAN
Mga Mamamayan- MGA TAONG Teritoryo- MGA ANYONG LUPA,
NANINIRAHAN ANYONG TUBIG AT HIMPAPAWIRIN
NA SAKOP NG ISANG BANSA
BATAY SA NAKASAAD SA
SALIGANG BATAS

Ano ang gagawin ko?

Kilalanin ang nasa larawan.

Alam mo ba kung ano ang mga pinakamahalagang nagawa nila sa ating bansa? Maaaring
itala mo sa loob ng kahon ang iyong sagot.
Ano ang kahulugan?

Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t-ibang Pangulo ng Pilipinas

Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino (April 17,1948-Disyembre 30,1953)


Noong bawian ng buhay si Pangulong Roxas noong Abril15, 1948, si Elpidio Quirino
ang humalili sa kanya bilang bagong Pangulo ng ating bansa.
Pagtugon sa mga Pangangailangan
Dahil malala pa rin ang suliraning pangkabuhayan ng ating bansa.Kaya iniutos ni
Pangulong Quirino ang pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan. Ito ay upang
matulungang malutas ang paghihikahos sa buhay ng taong-bayan.
Pinagtibay din ng Kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum
wage) sa mga kawani at manggagawa. Upang makatulong sa pangangailangan ng mga
magsasaka, ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration o ACCFA ay
itinatag ni Pangulong Quirino.
Nagtatag din ng mga bangko rural sa mga bayan. Ang Labor Management Advisory
Board ay itinatag upang maging tagapayo ng pamahalaan tungkol sa paggawa. Gayunpaman
hindi pa rin naiahon sa kahirapan ang karaniwang mamamayang Pilipino.
Ang Paglala ng Suliranin sa Huk
Naging mabigat na suliranin para sa pamahalaan ang Huk na nakabuong higit na
maraming bilang ng kasapi. Ayon sa pinuno nito na si Luis Taruc, ang pagdaming samahan ay
bunsod ng:
1. Patuloy na pananakop ng United States;
2. Di- makatarungang paghahatian sa sakahan;
3. Kawalan ng aksyon mula sa pamahalaan upang maipatupad ang reporma sa
pagsasakahan;
4. Hindi pagkilala ng pamahalaan sa mga gerilyang HukBaLaHap bilang mga
beterano ng digmaan.
Inalok ni Pangulong Quirino ng malawakang amnestiya ang halos lahat ng kasapi ng
Huk. Bilang kapalit ng amnestiya pumayag si Luis Taruc na magpatala. At isuko ang kanilang
mga sandata sa pamahalaan sa loob ng 50 araw, ngunit nabigo ang amnestiya.
Paglutas ng Suliranin sa HukBaLaHap
Upang masugpo ang kilusan, pinalawak ni Pangulong Quirino ang mga operasyong
militar ng pamahalaan laban sa kanila. Hinirang ni Pangulong Quirino si Ramon Magsaysay.
Isang batang kongresista mula sa Zambales at dating gerilya bilang kalihim ng Tanggulang
Bansa (National Defense).
Nang lumala ang ligalig sa pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong
Quirino ang President’s Action Committee on Social Amelioration (PACSA). Tungkulin nito
ang puntahan ang mga biktima ng Huk . At magbigay ng mga pagkain, gamot, at damit.
Sumama si Kalihim Magsaysay sa mga puwersang militar ng pamahalaan sa kanilang mga
kampanya laban sa mga Huk.
Dinalaw niya ang mga ito at hiniling na makiisa sa mabuting layunin ng bansa. Dahil
sa mabuting pakikiusap at pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk. Unti-unti silang sumuko sa
pamahalaan.
Ang mga nagsisukong Huk ay binigyan ng pagkakataong muling mamuhay ng tahimik.
Binigyan sila ng Economic Development Corporation (EDCOR) ng mga tirahan at lupang
sakahan.
Panunungkulan ni Ramon F. Magsaysay (Disyembre 30, 1953 - Marso 17,1957)
Nanumpa sa panunungkulan si Pangulong Ramon Magsaysay bilang pangulo ng
Ikatlong Republika sa Luneta noong Disyembre 30,1953. Napalapit siya sa taong-bayan dahil
binuksan niya ang Malacañang at pinakinggan ang kanilang mga hinaing. Nakapagpagawa
siya ng mga daan, tulay, poso at patubig . At nalutas niya ang suliranin sa mga Huk.
Laging nakabihis si Pangulong Magsaysay ng Barong Tagalog, na kinikilala noon
bilang damit ng mahihirap. Hindi tulad ng mga naunang pangulo na laging naka-Amerikana.
Dahil sa gawi niyang ito, naging uso at sikat ang pagsusuot ng Barong Tagalog.
Dahil sa kanyang taglay na karisma at makamasa, tinagurian din siyang “Idolo ng
Masa.”
Pangangalakal sa Amerika
Pagkalipas ng 1954, nagkaroon na ng buwis ang anumang produktong nanggagaling sa
Pilipinas patungong United States. Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa
dahil sa mahina ang ekonomiya nito.
Dahil sa dami ng mga kalakal na mula sa United States. Mas malaki ang dolyar na
lumabas sa Pilipinas kaysa sa kinita nito. Nakalipas na ang walong taon nang makayanan ng
mga Pilipino ang magluwas ng maraming produkto sa United States.
Ang Pagsuko ng mga Huk
Ipinagpatuloy ni Magsaysay ang inilunsad niyang Economic Development Corporation
(EDCOR) . Ito ay noong siya ay Kalihim ng Tanggulang Bansa. Dahil naniwala siya na kung
bubuti ang kalagayan ng kabuhayan ng bawat mamamayan hindi sila mahihikayat na maging
komunista.
Nahikayat rin niyang magbagong buhay ang mga Huk. Noong Mayo 16, 1954, sumuko
ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc. Naiulat din na may 9,458 miyembro ng Huk ang
sumuko.
Ang Paglalapit ng Pamahalaan at Mamamayan
Pangunahing layunin ni Pangulong Magsaysay na mapalapit ang pamahalaan sa mga
mamamayan. Kaya itinatag niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC).
Naniwala siya na kapag binigyan ng kaluwagang ipahayag ang kanilang mga pangangailangan.
Higit na makikipagtulungan ang taong-bayan sa mga proyekto ng pamahalaan para sa
pagpapaunlad ng bansa.
Itinatag ni Pangulong Magsaysay ang Commission on National Integration noong
1957. Layunin nito ang magkaroon ng higit na pagkakaisa ang mga Pilipino. Lalo na ang mga
nabibilang sa mga pangkat ng mga katutubo o indigenous. Binigyang-diin ang pagpapatayo ng
mga daan, tulay, at patubig. Kasama rin ang elektrisidad at mga paaralan lalo na sa mga
pamayanan ng mga katutubo o indigenous.
Mga Programang Ipinatupad ni Pangulong Magsaysay
A. Land Tenure Reform Law- binili ng pamahalaan ang malalaking lupa o hacienda
sa mga haciendero.At ipagbibili nang hulugan sa mga magsasakang walang lupa.
B. Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at
Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA)- nagpautang upang magkaroon ng
pambili ng sariling kalabaw, punla, at iba pang mga kailangan ng mga magsasaka
C. Pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng binhi,
tulad ng Masagana 99.
D.Pagpapatayo ng mga daan,tulay,poso artesyano,at patubig upang mapabilis ang pag-
unlad ng mga baryo
E. Magna Carta ng Paggawa- binigyan ng karapatan ang mga manggagawa upang
magtatag ng unyon, magwelga,at makipag-ayos sa pamahalaan.
Pakikpag-ugnayan sa Iba’t-ibang Bansa
Noong ika-9 ng Mayo 1956, napagkasunduan ng Pilipinas ang ng Japan na magbigay
ng reparasyon o bayad-pinsala ang mga Hapon.Ito ay dahil sa pinsalang idinulot nila sa mga
Pilipino noong panahon ng digmaan.
Ito ay ang Reparations Agreement na nagtalaga ng halagang US $800 milyon bilang
kabayaran sa loob ng dalawampung taon. Ito ay sinang-ayunan ng Kongreso ng Pilipinas noong
1956. Noong 1954, inanyayahan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ilang bansa para sa
Manila International Conference. Upang mapagkasundo sila na kung sakaling lusubin sila ng
mga bansang komunista ay pagsasama-samahin nila ang kanilang puwersa laban dito.
Pinirmahan ng mga kinatawan mula sa Australia, France United States, New Zealand,
Pakistan, Thailand, England, at Pilipinas ang kasunduan na tinawag na Manila Pact. Ang
Manila Pact ang siyang pinagmulan ng Association of Southeast Asia (ASA). Ito ay pinagtibay
sa lungsod ng Bangkok noong Hulyo,1960.
Ito ay upang mapaunlad ang kabuhayan at kultura ng bawat kasapi. Nabuo ang
Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) na may walong orihinal na miyembro ng Manila
Pact noong Pebrero 19, 1955. Hindi sumapi rito ang Indonesia, Burma, Malaysia, at India.
Sa ngayon, kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang
Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Brunei, Myanmar, Vietnam, Cambodia, Laos, at
Pilipinas. Layunin nito ang mapaunlad ang kalakalan, ekonomiya. Pati rin ang pagtutulungan
ng mga bansang kasapi.
Sa kasamaang palad, hindi natapos ni Pangulong Magsaysay ang takdang panahon ng
kanyang panunungkulan. Ang kanyang magagandang simulain ay di naipagpatuloy dahil sa
kanyang maagang pagkamatay. Noong ika-17 ng Marso, 1957, siya ay nasawi kasama ang
dalawampu’t-limang opisyal at manggagawa sa pamahalaan. Kasama rin ang media nang
sumabog ang sinasakyan nilang eroplano. Bumagsak ito sa Bundok Manunggal sa Cebu.
Panunungkulan ni Carlos P. Garcia (Marso 18, 1957- Disyembre 30, 1961)
Isang araw matapos pumanaw si Pangulong Magsaysay, nanumpa ang Pangalawang
Pangulo ng bansa noon si Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas. Tinapos niya ang
panahon ng panunungkulan ng Pangulong Magsaysay. Noong Nobyembre 12, 1957, nanalo
siya sa halalang pampanguluhan. Nanalo rin sa pagka-pangalawang Pangulo si Diosdado
Macapagal.
Inilunsad ni Pangulong Garcia ang Austerity Program para magkaroon ng matipid at
maayos na pamumuhay. Ito ay naglayong makapagtipid sa paggasta ang pamahalaan, maging
maayos ang paggawa, at mapalaki ang pamumuhunang kapaki-pakinabang. Kasama rin ang
pagiging matapat at magbigay ng kasiya-siyang paglilingkod sa taong-bayan.
Iba pang Programang Ipinatupad ni Pangulong Garcia
Patakarang Pilipino Muna o Filipino First Policy dahil ang mga dayuhang mangangalakal
sa bansa noon. Ayon sa programang ito, dapat bigyan muna ng lahat ng pagkakataon ang mga
Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan.
Filipino Retailers Fund Act (1955) na nagpautang sa mga Pilipino.
National Marketing Corporation Act (NAMARCO) ay nagtutustos sa mga maliliit na
Pilipinong mangangalakal.

Ang Patakaran sa Pakikipagkalakalan sa United States


Naging suliranin ng ating bansa noong panahon ng panunungkulan ni Garcia ang
lumalalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa. Upang maiwasan ito, ipinatupad niya ang
paghihigpit sa pag-aangkat. Bunga nito, naging mahina ang kalakalan ng Pilipinas at United
States.
Subalit ang suliranin sa pananalapi ng bansa ay nanatili pa rin. Naghabol ang Pilipinas
sa United States sa pananagutan nito sa ating bansa. Binawi ng mga Pilipino ang mga buwis na
nasingil ng United States sa Pilipinas. Ito umano ay salungat sa kasunduan ng dalawang bansa.
Tinanggihan ng United States ang paghahabol na ito. Sa halip, binawasan pa nila ang tulong
na pananalapi sa Pilipinas.
Ang mga Base Militar ng United States
Nakapagpatupad si Pangulong Carlos P. Garcia ng ilang mga pagbabago:
• Ang pagtataas ng bandilang Pilipino na katabi ang bandilang Amerikano sa mga base
militar simula noong unang araw ng Mayo, 1957;
• Ang pagbabalik ng Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila na
dating kontrolado nila;
• Ang pagpapaikli sa 25 taon na pag-upa sa mga base militar sa halip na 99 taon;
• Ang pag-aalis ng karapatan ng mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo.
Nagkaroon din ng mga limitasyon sa mga instalasyong militar ng United States sa bansa.
Kabilang dito ang Clark Air Base, Sangley Point Naval Base, Subic Base, at Camp John Hay.
Napagkasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na maglagay ng mga missile sa dalawang base.
Ito ay bilang panangga sa sinumang dayuhan na sasalakay sa dalawang bansa.
May mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at United States sa panahon ng
pamamahala ni Carlos P. Garcia. Ito ang di-makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa
mga manggagawang Pilipino sa mga base militar. Maging ang hindi na paggawad ng
katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong nagkasala sa loob ng base. At ang pagbibintang
na nagnanakaw ang mga Pilipino sa mga base.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ibigay at ilarawan ang programang ipinatupad ng bawat Pangulo sa panahon ng
kanilang panunungkulan. _____________________________________________
2. Isa-isahin ang mga naging suliranin na kanilang kinaharap sa panahon ng kanilang
administrasyon. _____________________________________________________

Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A: Panuto: Piliin sa talaan sa ibaba ng mga naging pangulo ngPilipinas ang
nagsagawa ng mga sumusunod na proyekto.
A. Elpidio Quirino B. Carlos P. Garcia C. Ramon Magsaysay
__1. Nagtatag ng Presidential Complaints and Action Committee.
__2. Nagpatanyag ng pagsusuot ng Barong Tagalog.
__3. Pagbibigay ng limitasyon sa mga instalasyong militar ng United States sa bansa.
__4. Nagpatupad ng Patakarang Filipino Retailer’s Fund Act .
__5. Nagpatupad ng pinakamababang sahod sa mga kawani at manggagawa .

GAWAIN B: Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi sa
sagutang papel.
___1. Pagpapatayo ng mga daan,tulay,poso artesyano,at patubig ang isa sa mga programa ni
Pangulong Quirino.
___2. Inalok ni Pangulong Quirino ng malawakang amnestiya ang lahat ng kasapi ng Huk.
___3. Dahil sa dami ng mga kalakal na mula sa United States,mas malaki ang dolyar na
lumalabas sa Pilipinas kaysa sa kinita nito.
___4. Ang Manila Pact ay may walong orihinal na miyembro.
___5. Ang National Marketing Corporation Act ay nagtutustos sa mga maliliit na Pilipinong
mangangalakal.

GAWAIN C: Gumawa ng graphic organizer. Itala ang mga suliranin at programa noong
panahon ng Ikatlong Republika sa ilalim ng Pamahalaang Quirino, Magsaysay at Garcia.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Binawian ng buhay si Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948. Si Elpidio Quirino ang
humalili sa kanya bilang bagong Pangulo ng ating bansa.Malala pa noon ang suliraning
pangkabuhayan ng ating bansa.
Kaya iniutos ni Pangulong Quirino ang pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng
pamahaan.Ito ay upang malutas ang paghihikahos sa buhay ng taong-bayan.Pinagtibay din ng
Kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod ng mga kawani at manggagawa.
Itinatag naman ni Pangulong Magsaysay ang Agricultural Credit Cooperative
Financing Administration (ACCFA).Ito ay upang makatulong sa mga pangangailangan ng mga
mga magsasaka. Nagtatag din ng mga bangko rural sa mga bayan.
Noong Nobyembre 12, 1957, nanalo siya sa halalang pampanguluhan. Inilunsad ni
Pangulong Garcia ang Austerity Program para magkaroon ng matipid at maayos na
pamumuhay.

Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa tanong sa ibaba, base sa natutunan mo


sa aralin.
“Bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang makatarungan at nakatulong ang mga naging
programa at patakarang ipinatupad nina Pangulong Quirino, Pangulong Magsaysay, at
Pangulong Garcia sa ating bansa?
________________________________________________________________
Kumusta na ang target ko?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang programa ni Pangulong Qurino na nagbigay ng mga pagkain at gamot at puntahan
ang mga biktima ng Huk?
A. National Defense C. PACOMA
B. EDCOR D. PACSA
2. Bakit tinaguriang “Idolo ng Masa” si Pangulong Ramon Magsaysay?
A. Dahil sa kanyang taglay na karisma at pagiging makamasa.
B. Dahil sa kanyang taglay na kakisigan.
C. Dahil sa pagiging maginoo nito.
D. Dahil sa kanyang magagarang pananamit.
3. Ano ang hakbang na ginawa ni Pangulong Magsaysay upang mapalapit sa taong-bayan
A. Nagsoot siya ng Barong Tagalog. C. Nagbigay ng mga pagkain, gamot at damit.
B. Nagpagawa ng daan, tulay at poso. D. Binuksan niya ang Malacapara sa lahat.
4. Magkano ang halaga ng bayad-pinsala ng Japan sa Pilipinas ayon sa Reparation Agreement
ng dalawang bansa?
A. US $600 M C. US $800 M
B. US $700 M D. US $900M
5. Kailan nabuo ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO)?
A. Pebrero 16, 1955 C. Pebrero 18, 1955
B. Pebrero 17, 1955 D. Pebrero 19, 1955
6. Ano ang programa ni Pangulong Magsaysay na nagbigay karapatan sa mga manggagawa
upang magtatag ng unyon, magwelga at makipag-ayos sa pamahalaan?
A. Economic Development Corporation C. Magna Carta ng Paggawa
B. Presidential Complaints and Action Committee D. Filipino First Policy
7. Alin sa mga sumusunod ang naging suliranin ng ating bansa noong panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Garcia?
A. kawalan ng katiwasayan at kaayusan
B. isyu ng kolaborasyon
C. lumalalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa
D. pagdami ng miyembro ng HukBaLahap
8. Ang mga sumusunod ay mga programang ipinatupad ni Pangulong Garcia maliban sa isa.
A. Patakarang Pilipino Muna
B. Filipino Retailer’s Fund Act
C. Magna Carta sa Paggawa
D. National Marketing Corporation Act
9. Ano ang pangunahing layunin ni Pangulong Magsaysay sa pagtatatag ng Presidential
Complaints and Action Committee?
A. Upang makontrol ang mga tiwaling mamamayan.
B. Upang mapalapit ang pamahalaan sa mga mamamayan .
C. Upang higpitan ang mamamayan sa pagpapahayag.
D. Upang hadlangan ang lahat ng produktong pumapasok sa bansa .
10. Tumutukoy sa programang ipinatupad ni Pangulong Magsaysay tungkol sa pagbili ng
pamahalaan ng mga hacienda sa mga haciendero at ipagbibili ng hulugan sa mga
magsasaka.
A. FACOMA C. ACCFA
B. Land Tenure Reform Law D. Masagana 99

Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A: Panuto: Sumulat ng tula tungkol sa mga naiambag nina Pangulong Quirino,
Magsaysay at Garcia sa pag-unlad ng bansa.
___________________________________________________________________________

GAWAIN B: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba.


https://www.youtube.com/watch?v=fFpxpxRtSmI
https://www.youtube.com/watch?v=yd4ZIt0zuZ4
https://www.youtube.com/watch?v=4APa0VMQQyY
1. Itala sa iyong kwaderno ang mahahalagang impormasyong iyong narinig at napanood.

Sanggunian
• Antonio, Eleanor D., et. al., Kayamanan: Batayan sa Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6, Rex Bookstore, Inc., 2017, pp. 203-215.
• https://www.youtube.com/watch?v=fFpxpxRtSmI
• https://www.youtube.com/watch?v=yd4ZIt0zuZ4
• https://www.youtube.com/watch?v=4APa0VMQQyY
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: DOLLY V. FERNANDO


Content Evaluators: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: ROGER N. AGCAOILI
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Ikalimang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

1
Ano ang target ko?
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang naiisa-isa mo ang mga programang ipinatupad
ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946-1972 batay sa mga sumusunod:
1. Administrasyong Macapagal;
2. Administrasyong Marcos.

Ano ako magaling?


Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang layunin ni Pangulong Diosdado P. Macapagal sa kanyang pamumuno sa ating
bansa?
A. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng bansa.
B. Matanggal ang sistema ng pangungupahan sa mga lupa.
C. Mapaunlad ang mga baryo.
D. Mapalakas ang kilusang kooperatiba.
2. Sino ang pangulo na lumagda sa pagpapatibay ng Batas Republika Blg. 3844 noong
Agosto 8, 1963?
A. Pang. Ramon Magsaysay C. Pang. Carlos Garcia
B. Pang. Diosdado Macapagal D. Pang. Ferdinand Marcos
3. Sino ang maimpluwensiyang mangangalakal na nakialam sa pamahalaan at mapalawak ang
kanyang negosyo gamit ang salapi?
A. Jose Diokno B. Harry Stonehill C. Bill Gates D. Henry Ford
4. Sino ang may-ari ng Sabah na pinaupahan ito sa isang mangangalakal na Ingles noong
1897?
A. Sultan ng Sulu B. Sultan ng Jolo C. Sultan ng Cebu D. Sultan ng Basilan
5. Alin dito ang bansang hindi kasama sa samahang MAPHILINDO ?
A. Pilipinas B. India C. Indonesia D. Malaysia
6. Alin dito ang pangako ni Pang. Marcos na magiging dakilang muli ang Pilipinas?
A. “Kung ano ang makabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti sa buong bansa.”
B. “This country will be great again.”
C. “Ang Asya ay para sa mga Asyano.”
D. “The Filipino is worth dying for.”
7. Ano ang malawakang programang impraestruktura na naging dahilan upang si Pangulong
Marcos ay taguriang ________.
A. Idolo ng Masa C. Ama ng Wikang Pambansa
B. Infrastructure Man D. Erap para sa Mahirap

2
8. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng naging programa ni Pang. Marcos
maliban sa isa.
A. Pagsasakatuparan ng higit na malawak na programa ng reporma sa lupa.
B. Pagsasaayos ng mga malalaki at maliliit na industriya.
C. Paglipat ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 ay naging
Hunyo 12.
D. Pagpapalakas ng kilusang kooperatiba.
9. Alin sa mga sumusunod ang programang naipatupad ni Pang. Marcos?
A. Pilipino Muna C. Green Revolution
B. Kodigo ng Reporma sa Lupang Sakahan D. Austerity Program
10. Kailan idineklara ang Batas Militar na naging hudyat ng pagtatapos ng Ikatlong
Republika?
A. Setyembre 21, 1972 C. Enero 26, 1970
B. Agosto 21, 1983 D. Pebrero 27, 1970

Aralin PROGRAMANG IPINATUPAD NG MGA PANGULO TUNGO


5 SA KAUNLARAN NG BANSA

Bawat pangulo ay may tungkulin na dapat gampanan para sa kaunlaran ng bansa. Siya
ang nagpapatupad ngmga programa para sa kaayusan at kabutihan ng bawat mamamayan nito.
Siya ay binigyan ng kapangyarihan upang pamunuan ang nasasakupan ng naaayon sa batas.
Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang bansa sa pagkamit ng kaunlaran.

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Iguhit ang kung ito ay patakaran at programa ng pamahalaan para sa pagtugon ng
mga hamon at suliranin. Iguhit naman ang kung hindi sa patlang bago bilang.

______1. Pagtatag ng Presidential Complaints and Action Committee upang bigyan ng


kaluwagan ang mamamayan na ipahayag ang kanilang mga pangangailangan.
______2. Pagbigay ng karapatan sa mga manggagawa para magtatag ng unyon, welga, at
makipag-ayos sa pamahalaan sa pamamagitan ng Magna Carta ng Paggawa.
______3. Hindi pagsapi sa mga samahang panrehiyon upang di makapag-angkat ng mga
produkto sa ibang bansa.
______4. Pakikiisa sa Austerity Program upang makatipid at magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
______5. Pagtangkilik sa sariling produkto sa pamamagitan ng pagsunod sa patakarang
Pilipino Muna.

3
Ano ang gagawin ko?
Tunghayan ang bawat larawan.

1. Ilarawan ang pangyayaring isinasaad ng bawat isa. ________________________


2. Ilarawan ang kontribusyon nila sa ating bansa._____________________

Ano ang kahulugan?


PROGRAMANG IPINATUPAD NG MGA PANGULO TUNGO SA
KAUNLARAN NG BANSA
Panunungkulan ni Diosdado P. Macapagal
(Disyembre 30, 1961 – Disyembre 30, 1965)
Naging pangulo si Diosdado P. Macapagal matapos ang halalan noong
Nobyembre 14, 1961. Layunin ng kanyang administrasyon na maitaas ang antas
ng pamumuhay ng bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pagtataas ng sahod ng mga
manggagawa. Kasama rin ang pagbibigay ng mga murang pabahay at pagpapabuti
ng kalagayan ng mga magsasaka. At pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
Reporma sa Lupa
Ang programa ng reporma sa lupa ay pinagtibay ng Batas Republika Blg. 3844 na
nilagdaan ni Pang. Diosdado Macapagal noong Agosto 8, 1963. Ito ay sa kabila ng pagtutol ng
mga may-ari ng lupang pansakahan. Nakatakda sa batas na ito ang pagbibigay sa mga walang
lupa ng mga lupang pag-aari ng pamahalaan.
Pinalitan niya ang patakaran sa paghahati ng paupahang lupa sa pagitan ng kasama at
may-ari ng lupa. Ibinaba sa 25% ng kabuuang ani ang ibabayad ng kasama sa may-ari ng lupa.
Inatasan niya ang labindalawang bayan ng Luzon na isakatuparan ang Kodigo ng Reporma sa
Lupang Sakahan (Agricultural Land Reform Code) upang masimulan ang pagbabago.
Gayunpaman, hindi ito lubusang naging matagumpay dahil sa kakulangan sa panustos
at mga katiwalian sa pamahalaan. Ibinunyag ni Kalihim Jose W. Diokno ng Kagawaran ng
Katarungan ang sabwatan ng mga senador, mga kagawad ng gabinete, at ilang mamamahayag
sa isang Amerikanong nagngangalang Harry Stonehill. Siya ay isang maimpluwensiyang
mangangalakal na gumamit ng salapi upang makialam sa pamahalaan. At mapalawak niya ang
kanyang negosyo sa Pilipinas.

4
Programang Pangkabuhayan
Gumawa ng Limang Taong Programa si Pang. Macapagal na naglalayong mapatatag
ang kalagayan at kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Ngunit ayon sa mga kritiko, ito ay
nanatiling plano lamang at hindi naisakatuparan.
Karamihan pa rin sa mga Pilipino ay walang maayos na tirahan. Bukod pa ito sa mga
suliranin sa kakulangan ng hanapbuhay, laganap na kriminalidad sa lungsod, at paglala ng
polusyon.
Pagbabago sa Petsa ng Pagdiriwang ng Kasarinlan
Si Pangulong Macapagal din ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan ng bansa. Sa
Hunyo 12 sa halip na Hulyo 4. Kung ating gugunitain, ang pagpapahayag ng pagsasarili ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ginawa ni Pang. Roosevelt ng Estados Unidos. Ito naman ay
natapat naman sa kaarawan ng kalayaan ng Amerika.
Ang Hunyo 12, 1898 ang petsa kung kailan ipinahayag ni Hen. Emilio Aguinaldo sa
Kawit, Cavite ang kasarinlan ng mga Pilipino. Para kay Pang. Macapagal, marapat lamang na
ang Pilipino ang magdeklara ng kanilang kalayaan. Sa kasalukuyan, ang Hulyo 4 ay
ipinagdiriwang bilang Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano (Philippine-
American Friendship Day).
Patakarang Panlabas
Pormal na naghain ng pag-aangkin at muling mapasaatin ang Sabah si Pang.
Macapagal. Sa dahilang sakop ito ng teritoryo ng Pilipinas. Bukod dito, sagana rin ito sa likas
na yaman at maraming Pilipinong Muslim ang nakatira. Ang Sultan ng Sulu ang may-ari nito
at ito ay pinaupahan lamang sa isang mangangalakal na Ingles noong 1897.
Kinuha ito ng Britain noong Hulyo 10, 1946. Pagkaraan ng 16 taon, binalak ng
Inglatera na ibalik ang teritoryo ng Sabah sa Malaysia noong 1962. Kasama ang Sarawak at
Singapore upang bumuo ng estado ng Malaysia. Dahil sa malaki ang pakinabang nito, tinutulan
ito ni Pang. Macapagal.
Iminungkahi niya na magtatag ng samahan na bubuuin ng Malaysia, Pilipinas, at
Indonesia (MAPHILINDO). Ito’y upang mapanatili ang mapayapang pag-uugnay sa pagitan
ng tatlong bansa. Pinagkasunduan din nila na lulutasin ang suliranin sa Sabah sa mapayapang
paraan. Nagkaroon ng plebesito at bumoto ang mga mamamayan. Ninais ng mga mamamayan
ng Sabah na sumanib sa Malaysia kaya’t nawalan ng saysay ang paghahabol ng Pilipinas.
Panunungkulan ni Ferdinand E. Marcos
(Disyembre 30, 1965 – Setyember 21, 1972)
Nanumpa si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong
Disyembre 30, 1965. Ipinagpatuloy niya ang programang reporma sa lupa,
trabaho at pagbaba ng presyo ng bilihin. Kasama rin ang pagtaas ng sahod,
pag-alis ng nepotismo at katiwalian sa serbisyong pampamahalaan.
Ipinangako niya na magiging dakilang muli ang Pilipinas ayon sa
pahayag niyang “This country will be great again” sa kanyang pamumuno. Si
Fernando Lopez naman ang Pangalawang Pangulo.
Mga Programang Pangkaunlaran
Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos, inilunsad ang malawakang programang
impraestruktura tulad ng paggawa ng mga kalye at tulay . Maging ang irigasyon, paaralan,
LRT at iba pa kaya tinawag siyang Infrastructure Man.
Upang matustusan ang mga proyektong ito, hinimok niya ang Kongreso na magpatibay
ng bagong batas tungkol sa pagtaas ng buwis. Umutang ang pamahalaan ng salapi sa mga
bangko at sa ibang bansa.

5
Sa ilalim ng unang termino, nagkaroon ng maraming pagbabago. Ang ilan sa mga ito
ay:
1.Pagsasakatuparan ng higit na malawak na programa ng reporma sa lupa;
2.Pagpapagawa ng higit na modernong irigasyon at paraan ng pagsasaka;
3.Pagpapalaganap ng mga paglilingkod na pangkalusugan sa mga pook-rural;
4.Pagbabago ng organisasyon ng Hukbong Sandatahan at pagbabawas sa kriminalidad;
5.Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ay nabigyan ng
tiyak na kaparte sa kinikita ng pamahalaan;
6. Pagsasaayos ng mga malalaki at maliliit na industriya;
7. Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan;
8. Pagpapagawa ng higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (tulad ng North Diversion
Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
9. Pagsisimula ng Green Revolution;
10. Pagkakaroon ng Miracle Rice, paglaki ng produksiyon ng bigas at mais dahil sa
paggamit ng higit na modernong irigasyon at pagsasaka;
11. Pagpapalakas ng kilusang kooperatiba;
12. Paglawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas;
13. Pagpapasigla at pagtangkilik sa ating sining at kultura sa pamamahala ng Unang Ginang
Imelda Marcos.
Pakikipag-ugnayang Panlabas
Ang Pilipinas ay sumali sa mga gawaing pang-internasyonal sa ilalim ng pamahalaang
Marcos. Noong Setyembre, 1966, ipinadala niya sa digmaan sa Vietnam ang Philippine Civic
Action Group (PHILCAG). Binuo ito ng mga sundalo, inhinyero, at medikong Pilipino.
Nagtayo sila ng mga tahanang nasira ng digmaan at gumamot ng libo-libong sibilyan ng
Timog-Vietnam.
Noong Oktubre 24-26, 1966, inanyayahan ni Pang.Marcos ang ilang bansang laban sa
komunismo tulad ng Estados Unidos, Australya, New Zealand, Timog-Korea, Thailand, at
Timog-Vietnam na magpulong sa Maynila. Tinalakay nila kung paano masusugpo ang
paglaganap ng komunismo sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.
Binigyang-sigla ni Marcos ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang Asyano. Kabilang
ang Pilipinas sa mga bansang nagtatag ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
(Association of Southeast Asian Nations o ASEAN) noong 1967.
Setyembre 21, 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar (Martial Law)
na naging hudyat ng pagwawakas ng Ikatlong Republika.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Isa-isahin at ilarawan ang mga naging programa ng bawat pangulo? ______
2. Bakit nawalan ng saysay ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah? ___________
3. Sa iyong palagay, nakapagdulot ba ng kaunlaran ang mga programang ipinatupad ng
bawat pangulo ?__________________________

6
Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A: Pagtambalin ang HANAY A sa HANAY B. Piliin at isulat ang titik ng


wastong sagot.
A B

____1. Sila ay binubuo ng mga medikong A. Batas Republika Blg. 3844


Pilipino, inhenyero at sundalo na pinadala
sa Vietnam.
____2. Ito ay taunang pagdiriwang tuwing B. Jose W. Diokno
ika-4 ng Hulyo.
____3. Siya ang Amerikanong mamamahayag.
____4. Batas na nagtatakda ng pagbibigay D. Philippine Civic Action Group
ng mga lupa na pag-aari ng pamahalaan para
sa mga walang lupa.
____5. Siya ang kalihim ng Kagawaran ng E. Philippine-American Friendship Day
Katarungan na nagbunyag ng
sabwatan sa pamahalaan. F. Martial law

GAWAIN B: Iguhit ang kung ang nagsasaad ng ambag ni Pang. Diosdado P. Macapagal
at naman kung ito ay kay Pang. Ferdinand E. Marcos.
_____1. Pagtatag ng samahang MAPHILINDO
_____2. Pagkakaroon ng Miracle Rice
_____3. Pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations
_____4. Agricultural Land Reform Code
_____5. Pagsisimula ng Green Revolution

GAWAIN C: Punan ang mga letra sa krosword upang mabuo ang kasingkahulugan
ng bawat salita.
¹P
Pababa:
²K 1. Reporma
³M G S A 2. Kasarinlan
B L
⁴P N Y Y Pahalang:
3. Kasama
4. Imbitasyon
⁵ E G Y N 5. Mangangalakal
O N

7
Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Nagwagi sa pagkapangulo si Pang. Diosdado Macapagal matapos ang halalan noong
Nobyembre 14, 1961. Layunin niyang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan
sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at murang pabahay
na matitirahan.
Bahagi rin sa mga programa ni Pangulong Macapagal ang mapabuti kalagayan ng mga
magsasaka. Kasama nito ang pagpapaunlad sa kabuhayan ng ating bansa. Nagpatupad ng
reporma sa lupa, programang pangkabuhayan, pagbabago sa pagdiriwang ng kasarinlan, at
nagkaroon ng mga patakarang panlabas.
Sinundan siya ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagsimulang manungkulan noong
Dsiyembre 30, 1965. Siya ay nangako at nagsabi ng katagang “This country will be great
again”.
Nagpatupad siya ng mga programang pangkaunlaran at nakibahagi sa pakikipag-
ugnayang panlabas. Idineklara niya ang Batas Militar na naging hudyat ng pagwawakas ng
Ikatlong Republika noong Setyembre 21, 1972.

Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN: Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba nang may buong katapatan.
Natuklasan ko sa araling ito na bilang mag-aaral ay dapat akong maging
__________________________________________________.

Kumusta na ang target ko?

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Siya ang ikalimang pangulo ng Republika ng Pilipinas na nahalal noong Nobyembre 14,
1961.
A. Diosdado Macapagal C. Corazon Aquino
B. Ferdinand Marcos D. Fidel Ramos
2. Alin dito ang hindi naging programa ni Pangulong Diosdado Macapagal ?
A. Pagsisimula sa Green Revolution.
B. Pagbibigay ng mga murang pabahay.
C. Pagpapabuti ng kalagayan ng mga magsasaka.
D. Pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.

8
3. Sino ang tumutol sa pagpapatibay ng Batas Republika Blg. 3844 na nilagdaan noong
Agosto 8, 1963?
A. mga kasama C. mga may-ari ng lupang pansakahan
B. mga haciendero D. mga dayuhan
4. Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan tuwing ika-4 ng Hulyo ay inilipat ni Pang. Macapagal
tuwing ___________.
A. Hulyo 4 B. Hunyo 12 C. Pebrero 25 D. Abril 9
5. Anong bansa ang nag-aangkin sa Sabah sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Macapagal?
A. Singapore B. Malaysia C. Sabah D. Britain
6. Anong samahan ang iminungkahing itatag ni Pang. Macapagal upang mapanatili ang
mapayapang ugnayan ng tatlong bansa ?
A. ASEAN C. United Nations
B. MAPHILINDO D. WHO
7. Sino ang nagwaging Pangalawang Pangulo sa naganap na eleksiyon noong Disyembre 30,
1965 ?
A. Gerardo Roxas C. Gonzalo Vasquez
B. Manuel Manahan D. Fernando Lopez
8. Alin dito ang programang/mga programang inilunsad ni Pang. Marcos para sa kaunlaran
ng bansa?
A. Pagpapatayo ng higit sa 80, 000 silid-aralan.
B. Pagpapalaganap ng mga paglilingkod na pangkalusugan.
C. Pagpapalakas ng kilusang kooperatiba.
D. Lahat ng nabanggit.
8. Aling programa ang nakatutulong sa pagpapabuti at pagpapanatili ng magandang
pakikipag-ugnayan natin sa ibang bansa?
A. Pagsasakatuparan ng higit na malawak na programa ng reporma sa lupa.
B. Paglawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas.
C. Pagbabago ng organisasyon ng Hukbong Sandatahan at pagbabawas sa
kriminalidad.
D. Pagpapagawa ng higit na modernong irigasyon at paraan ng pagsasaka.
9. Sino ang nagpatupad ng mga programa para sa pagpapasigla at pagtangkilik ng sining at
kulturang Pilipino?
A. Kalihim Jose W. Diokno
B. Pang. Diosdado Macapagal
C. Ferdinand Lopez
D. Unang Gng. Imelda Marcos
10. Ito ang batas na idineklara ni Pang. Marcos na hudyat ng pagwawakas ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas.
A. Batas Militar C. PHILCAG
B. Batas Republika Blk. 3844 D. MAPHILINDO

9
Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A: Panuto:Ibigay ang mga naging ambag ng mga sumusunod na pangulo


ng bansa tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

DIOSDADO P. MACAPAGAL FERDINAND E. MARCOS

GAWAIN B: Panuto :Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba at gawin ang
nakasaad na Gawain .
a. https://www.youtube.com/watch?v=adUz_7p-TMk
b. https://www.youtube.com/watch?v=SfUauY0QNb8
1. Gumawa ng sanaysay tungkol na napanoon na video.

Sanggunian
• Antonio, Eleonor D., Banlaygas, Emilia L., Dallo, Evangeline M. (2017):
KAYAMANAN 6 (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan) Rex
Publishing; Sampaloc Maynila. pp. 218-228
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangkalahatang_halalan_sa_Pilipinas,_1961
• http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_16_MGA_PAGBABAG
O_SA_IBA_.PDF
• http://malacanang.gov.ph/presidents/third-republic/diosdado-macapagal/
• http://malacanang.gov.ph/ferdinand-marcos/
• https://www.heraldextra.com/news/opinion/herald-editorials/thumbs-up-
thumbs-down/article_a5543f74-4137-5d3b-9c0f-8cca2f076ca1.html
• https://www.officialgazette.gov.ph/featured/third-republic/
• https://www.youtube.com/watch?v=adUz_7p-TMk
• https://www.youtube.com/watch?v=SfUauY0QNb8

10
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: RHEA Y. SANTIZO


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax:

Email Address:
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Ikaanim na Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang naiuugnay mo ang mga suliranin, isyu at


hamon ng kasarinlan noong panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakakahadlang
ng pag-unlad ng bansa.

Ano ako magaling?

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kailan kinilala ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang hiwalay at nagsasariling bansa?
A. Hunyo 12, 1898 B. Abril 23, 1946 C. Hulyo 4, 1946 D. Abil 15,1948
2. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Ferdinand E. Marcos B. Elpidio R. Quirino C. Manuel A. Roxas D.Carlos P. Garcia
3. Ilang bahagdan ng mga paaralan ang nawasak sa bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. 50 bahagdan B. 60 bahagdan C. 70 bahagdan D.80 bahagdan
4. Sino ang humalili at nagpatuloy sa paglutas sa mga suliraning naiwan ni Pangulong Roxas
dahil sa kanyang biglaang pagpanaw?
A. Carlos P. Garcia B. Elpidio R. Quirino C. Ramon Magsaysay D. Ferdinand E. Marcos
5. Alin dito ang hindi kabilang sa mga sulirang kinaharap ng administrasyong Quirino?
A. Ang kahirapan sanhi ng mababang sahod ng mga manggagawa.
B. Ang pag-usbong ng usapin sa insureksiyon.
C. Pagsasagawa ng boycott, rally at demonstrasyon sa iba’t-ibang lugar sa Maynila.
D. Pagkawala ng hanapbuhay dahil sa unti-unting pag-alis ng mga negosyong Amerikano sa
Pilipinas.
6. Saan bumagsak ang sinakyang eroplano ni Pangulong Ramon Magsaysay?
A. Mt. Lantoy sa Cebu C. Mt. Kapayas sa Cebu
B. Mt. Mauyog sa Cebu D. Mt. Manunggal sa Cebu
7. Bakit ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia ang Austerity Program?
A. Para sa matipid na paggasta at mabawasan ang korapsiyon.
B. Para sa matipid na paggasta at mapaunlad ang kalakalan.
C. Para sa maluwag na korapsyon at pandaraya sa pamahalaan.
D. Para sa maunlad na pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis.
8. Sino ang hinirang na ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Carlos P. Garcia B. Diosdado Macapagal C. Ramon Magsaysay D. Elpidio R. Quirino
9. Alin ang hindi dahilan sa pagsasailalim ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong
1972 ?
A. Ang pagsilang ng aktibismo.
B. Ang paglala ng suliranin sa Huk.
C. Ang pambobomba sa Kalakhang Maynila.
D. Ang suliranin sa pambansang kapayapaan at kaayusan.
10. Aling pangungusap ang naglalarawan sa pagtugon ng mga pangulo ng Ikatlong Republika tungkol sa mga
hamon ng pamumuno sa nagsasariling bansa?
A. Pinaigting ang pakikipagkaibigan sa mga malalakas na bansa.
B. Pakikipagtulungan sa mga bansang may pamahalaang diktatoryal.
C. Pagpapatupad ng iba’t-ibang programa bilang pagtugon sa mga suliranin ng bansa.
D. Pagpapatupad ng mga batas na higit na makapagbibigay ng mabuting antas ng
pamumuhay sa mga nakakaangat.

Aralin MGA SULIRANIN, ISYU AT HAMON NG KASARINLAN NOONG


PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA
6

Makaraang mawakasan ang kolonyalismong Espanyol, Amerikano at okupasyong


Hapones sa Pilipinas, panibagong hamon ito para sa mga Pilipino. Ang pagbangon mula sa
pagkawasak dulot ng nakaraang digmaan at pagharap sa mga suliranin at isyu bilang
nagsasariling bansa ang nais tugunan ng mga pangulo ng ating bansa.

Ano ang balik-tanaw ko?

Isulat sa loob ng bilohaba ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangulo sa Ikatlong


Republika.
1.. 4. Ferdinand E. Marcos
Manuel A. Roxas
2. 5.
Elpidio R. Quirino
Carlos P. Garcia
Ramon F. Magsaysay
3. 6.
Diosdado P. Macapagal

Ano ang gagawin ko?

Suriin ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng Intramuros sa Maynila matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sagutin:
1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa
larawan?
__________________________________
2. Sa iyong palagay ano kaya ang
pangunahing suliranin at hamon ng
kasarinlan sa ilalim ng Ikatlong Republika?
__________________________________
Ano ang kahulugan?

MGA SULIRANIN, ISYU AT HAMON NG KASARINLAN NOONG PANAHON NG


IKATLONG REPUBLIKA
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakamit ng Pilipinas ang
minimithi nitong kalayaan. Kinilala ng US ang Pilipinas bilang hiwalay at nagsasariling bansa
noong Hulyo 4, 1946. Kasabay nito ang pagpapasinaya ng Ikatlong Republika ng bansa. Noong
Abril 23, 1946 nang mahalal si Manuel A. Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika.
At si Elpidio R. Quirino ang nagwagi bilang pangalawang pangulo.
Manuel A. Roxas (1946-1948)
Sa pag-upo ni Manuel A. Roxas bilang pangulo noong 1946, naharap ang bansa sa mga
hamon ng muling pagbangon matapos ang digmaan. Nahirapang makabangon ang bansa dahil
sa mga nasirang imprastruktura, kalsada at tulay.
Nawasak din ang halos 80 bahagdan ng mga paaralan at naparalisa ang transportasyon.
Bagsak din ang produksiyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at taniman. Dagdag na
suliranin din ang mababang moral ng mga mamamayan. Dahil sa pagkawala ng mga mahal
nila sa buhay at kabuhayan.
Napakalaking halaga ang kinakailangan upang muling maisaayos ang lungsod.
Nawalan ng katiwasayan at kaayusan dulot nito dumami ang masasamang- loob sa Maynila.
Naiwang hindi pa nalulutas ang marami sa matitinding suliranin ng bansa sa biglang pagpanaw
ni Roxas noong Abril 15, 1948 sa sakit sa puso.
Elpidio R. Quirino (1948- 1953)
Sa biglaang pagpanaw ni Roxas, humalili sa kaniya bilang pangulo ang kaniyang
pangalawang pangulo na si Elpidio R. Quirino. Ipinagpatuloy ni Quirino ang paglutas sa mga
suliraning naiwan ng nakaraang administrasyon.
Pangunahin na rito ang usapin sa kahirapan sanhi ng mababang sahod ng mga
manggagawa. At pagkawala ng hanapbuhay sa unti-unting pag-alis ng mga negosyong
Amerikano sa Pilipinas.
Nagdulot ito ng kawalan ng tirahan at pag-usbong ng mga usapin sa insureksiyon.
Insureksyon ito ay isang pagkilos o pagpapakita ng paglaban sa awtoridad o sa pamahalaan.
Naging magulo ang kalagayang politikal sa bansa partikular sa Gitnang Luzon. Tumangging
makiisa sa pamahalaan ang pangkat ng HukBaLaHap (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon).
Sila na dati’y nanlaban na sa pananakop ng mga Hapones.
Sa pagtatapos ng panunungkulan ni Quirino, hindi lubusang natugunan ng kaniyang
pamahalaan ang mga suliranin ng bansa. May mga kontrobersiya ring hinarap ang kaniyang
pamunuan. Gaya ng pandaraya sa halaan at paggamit ng pondo ng bayan sa pagbili ng
mamahaling kagamitan.
Ramon F. Magsaysay (1953- 1957)
Marami sa mga suliranin sa administrasyon ni Pangulong Roxas ang hindi pa rin
nalulutas sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Magsaysay. Hindi pa rin lubusang
nakabangon ang bansa mula sa mga pinsala ng nakaraang digmaan. Naging isang malaking
balakid din sa kaayusan ng bansa ang usapin ng insureksiyon. Maging mga usaping may
kaugnayan sa reporma sa lupa.
Marami ang nagdalamhati sa biglaang pagkamatay ni Magsaysay. Nang bumagsak ang
sinakyan niyang eroplano sa Mt. Manunggal sa Cebu noong Marso 17, 1957.
Carlos P. Garcia (1957- 1961)
Sa pag-upo ni Garcia, sinasabing nasa malubhang suliraning pinansyal ang bansa.
Naging sentro ng kaniyang programa ang pagtitipid at maingat na paggasta. Pinaghigpitan din
ang pag-angkat ng mga dayuhang produkto na nakauubos ng mga reserbang dolyar ng bansa.
Sa pagtatapos ng termino ni Garcia, sa kabila ng batikos sa kaniyang mga programang
laban sa mga ugnayang panlabas. Naging malinaw ang kaniyang pagsusumikap na bigyan ng
pagkakataon ang mga Pilipino na magsimula ng kabuhayang hindi nakasandal sa ekonomiya
ng ibang bansa. Ang mga programa ng pagtitipid o austerity ay maaring nakatulong din upang
mabawasan ang korapsiyon at pandaraya sa pamahalaan.
Diosdado P. Macapagal (1961- 1965)
Nobyembre 14, 1961 hinirang na ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika si
Pangulong Diosdado Macapagal. Kabilang sa mga itinuturing na pinakamalaking hamon ng
administrasyon niya ay ang kawalan ng katatagan ng ekonomiya ng bansa. Patuloy ang
pagbaba ng halaga ng piso sa panahong ito. Laganap pa rin ang kahirapan at kawalan ng
hanapbuhay ng maraming Pilipino.
Naging sentro ng kanyang panunungkulan ang paglutas ng suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, mababang pasahod ng mga manggagawa. Kasama rin ang pangangailangan sa
murang pabahay at pagkakaroon ng matatag na ekonomiya.
Natapos ni Macapagal ang kaniyang termino subalit maraming suliranin ng bansa ang
hindi natugunan sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Hindi niya natupad ang mga
naipangakong pagbabago. Bagkus ay nagsimula pang bumaba ang halaga ng piso sa mga
panahong ito.
Ferdinand E. Marcos (1965-1972)
Sa pag-upo ni Marcos, naharap ang bansa sa mga suliraning ekonomiko. Namana niya
ang mga suliranin mula sa mga naunang administrasyon. Isang malaking hamon sa kaniyang
pagkapangulo ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Tulad
ng hanapbuhay, tirahan at maaayos na antas ng pamumuhay.
Taliwas sa mga magagandang nagawa ni Marcos sa kanyang unang termino. Sa ikalawa
niyang termino ay lumubha ang malalaking suliraning Pambansa gaya ng mga sumusunod:
a. Pagsilang ng Aktibismo;
b. Suliranin sa pambansang kapayapaan at kaayusan;
c. Impluwensya ng Komunista;
d. Pagsilang ng Moro National Liberation Front (MNLF);
e. Mga pambobomba sa Kalakhang Maynila.
Naging karaniwan ang halos araw-araw na pagsasagawa ng boycott, rally at
demonstrasyon sa iba’t-ibang lugar sa Maynila. Naging usap-usapan rin ang mga kaso ng
malawakang katiwalian sa pamahalaan. Pati ang pang-aabuso sa karapatang pantao. At
pagmamalabis ng mga opisyal sa kanilang kapangyarihan.
Tiningnan ng administrasyong Marcos ang mga suliraning nabanggit bilang sagabal sa
pagpapatupad ng programang pangkaunlaran. Ginamit niya rin ang mga ito na dahilan upang
isailalim ang niya ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
Naharap man sa maraming suliranin, sinubukang tugunan ng mga pangulo ang
pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ay sa pamamagitan ng mga programang ipinatupad
sa ilalim ng kanilang panunungkulan.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong panahon ng Ikatlong Republika?
___________________________________________________________________________
2.Paano tinugunan ng mga pangulo ng Ikatlong Republika ang mga hamon ng pamumuno ng
nagsasariling bansa?__________________________________________________________
Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN 1: Panuto: Tukuyin kung sinong Pangulo ng Ikatlong Republika ang humarap sa
hamon o suliraning nakalahad sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Manuel A. Roxas Ramon F. Magsaysay
Elpidio R. Quirino Carlos P. Garcia
Diosdado P. Macapagal Ferdinand E. Marcos
________1. Paglubha ng malalaking suliraning pambansa kagaya ng pagsilang ng aktibismo,
suliranin sa pambansang kapayapaan at kaayusan at pambobomba sa kalakhang
Maynila.
________2. Patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso sa panahong ng kanyang panunungkulan.
________3. Pagbaba ng moral ng mga mamamayan dahil sa pagkawala ng mga mahal nila sa
buhay at kabuhayan.
________4. Magulo ang kalagayang politikal sa bansa partikular sa Gitnang Luzon dahil sa
pangkat ng HukBaLaHap.
________5. Malubhang suliraning pinansyal ng bansa.

GAWAIN 2: Panuto: Gumawa ng timeline ng mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan


noong panahon ng Ikatlong Republika gamiting gabay ang mga pangungusap na nasa loob ng
kahon.

- Pang-aabuso sa karapatang pantao


- Pagmamalabis ng mga opisyal sa kanilang kapangyarihan
- Kawalan ng hanapbuhay ng maraming Pilipino
- Patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso
- Paglala ng suliranin sa Huk
- Naging isang malaking balakid ang mga usaping may kaugnayan sa reporma sa lupa
- Pinaghigpitan ang pag-aangkat ng mga dayuhang produkto
- Nawasak ang halos 80 bahagdan ng mga paaralan at naparalisa ang transpportasyon

1946-1948 1948-1953 1953-1957 1957-1961 1961-1965 1965-1972

Pang. Roxas Pang. Quirino Pang. Magsaysay Pang.Garcia Pang. Macapagal Pang.Marcos

GAWAIN 3: Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pangungusap ay naglalahad ng


katotohanan at kung ito ay opinyon.
______1. Naharap ang bansa sa mga hamon ng muling pagbangon matapos ang ikalawang
digmaan.
______2. Ipinataw ang batas militar dahil sa mga kaguluhan noon sa bansa.
______3. Magkakaiba ang naging pamamaraan ng pagtugon ng bawat pangulo sa mga suliranin
ng bansa.
______4. Ang mga programa ng austerity ay nakatulong upang mabawasan ang korapsiyon at
pandaraya sa pamahalaan.
______5. Si Pangulong Magsaysay ang may pinakamagandang programa ng paglutas sa
suliranin ng insureksiyon sa bansa.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Sa pagsisimula pa lamang ng Ikatlong Republika, marami na itong kinaharap na krisis.
Isa sa mga naging krisis ay ang di-ganap na malayang pamamahala gawa ng impluwensiya ng
Amerika. Nagkaroon din ng krisis sa kabuhayan at kakulangan ng pondo ng pamahalaan.
Kasama rin dito ang katiwalian sa pamamahalaat di ganap na kapayapaan at kaayusan
ng bansa at pagbaba ng moralidad.
Bawat naging pangulo ng Republika ng Pilipinas ay nagsikap na matugunan ang
napakaraming hamon ng pagsasarili at pagiging malaya.Iba’t iba ang naging pamamaraan ng
pagtugon ng bawat panguluhan sa mga suliranin ng bansa.
May mga programang nakatulong sa pagbabago ng bansa. At mayroon din namang
nagdulot pa ng mas malalaking suliranin sa pamayanan.

Ano ang kaya kong gawin?

Sagutin ang pangunahing tanong sa malikhaing paraan batay sa natutunan mong aral.
Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga nasimulang programa tungo
sa pagbabago at pag-unlad na ginawa ng mga naging pangulo ng bansa? Ipaliwanag ang
iyong kasagutan sa pamamagitan ng isang sanaysay.

Kumusta na ang target ko?

Panuto : Basahin mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba.Piliin at isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Kailan nahalal si Manuel A. Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Repblika?
A. Abril 23, 1946 B. Abril 24, 1946 C. Abril 25, 1946 D. Abril 26, 1946
2. Ano ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948?
A. aksidente sa eroplano B. aksidented sa kotse C. atake sa puso D tuberkulos
3. Ito ay nangangahulugan ng isang pagkilos o pagpapakita ng paglaban sa awtoridad o sa
pamahalaan.
A. produksiyon B. liberalisasyon C. insureksyon D. restriksyon
4. Alin ang hindi dahilan ng paglutas ng mga suliranin sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Magsaysay ?
A. Nagkaroon ng mga usaping may kaugnayan sa reporma sa lupa.
B. Tumaas ang halaga ng piso sa dolyar dulot ng pangingibang bansa.
C. Marami pang mga pinsala ang hindi natugunan dulot ng nakaraang digmaan.
D. Naging isang malaking balakid sa kaayusan ng bansa ang usapin ng insureksiyon.
5. Paano nagtapos ang panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay?
A. Nagkaroon siya ng malubhang karamdaman.
B. Bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano.
C. Nagkaroon siya ng kasong graft and corruption.
D. Pinaalis siya sa pwesto ng mga mamamayan sa pamamagitan ng People Power.
6. Sino ang nanumpa bilang ikaapat na pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong
Disyembre 30, 1957?
A. Ferdinand E. Marcos B. Elpidio R. Quirino C. Manuel A. Roxas D.Carlos P. Garcia
7. Bakit naghigpit sa pag-aangkat ng mga dayuhang produkto noong panahon ng
panunugkulan ni Pangulong Garcia?
A. Naging sanhi ng pagkaubos ng mga reserbang dolyar ng bansa.
B. Naging sanhi ng pagkakaroon ng alitan sa mga pribadong kompanya.
C. Naging dahilan upang tumaas lalo ang binabayaran nating utang sa ibang bansa.
D. Naging dahilan upang mas tumaas pa ang kita ng mga dayuhang mangangalakal.
8. Alin ang pinakamalaking hamon na hinarap ng administrasyon ni Pangulong Macapagal?
A. Paglaganap ng mga komunista.
B. Malaking suliraning pangkalusugan ng bansa.
C. Kawalan ng katatagan sa ekonomiya ng bansa.
D. Pagkakaroon ng malawakang kaguluhan sa buong panig ng Pilipinas.
9. Kailan isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar?
A. Setyembre 21, 1972 B. Setyembre 22, 1972 C. Setyembre 23, 1972 D. Setyembre 24, 1972
10. Alin ang hindi kabilang sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong panahon
ng Ikatlong Republika?
A. suliraning pangkabuhayan C. suliraning pang-ekonomiya
B. suliraning pampulitika D. suliraning pangkaligtasan

Ano pa ang kaya kong gawin?

Gawain 1: Panuto: Pumili ng isang hamon, isyu o suliranin na kinahaharap ating bansa sa
kasalukuyan. Pagkatapos ay bumuo ng isang tula na nagbibigay ng solusyon sa hamon, isyu o
suliraning iyong napili.
__________________________________________________________________
Gawain 2 : Panuto: Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang youtube link:
https://www.youtube.com/watch?v=yrGWXlM4HaQ
Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Banlaygas, and Emilia L, Dallo, Evangeline (2017): KAYAMANAN 6. Rex
Publishing; Sampaloc Maynila. pp. 168-216
• De Robles, Irene C., Gabuat, Maria Annalyn P., Torcuator, Dolores Maria H. (2014): ISANG
BANSA ISANG LAHI 6. Vibal Publishing Inc; Metro Manila, Cebu at Davao. pp. 164-198
• Garcia, Crispin T., Tecson, Rowena R., Vinoya, Zaida D. (2014): Yaman ng Lahing Pilipino. ICS
Publishing Inc; Marikina City. Pp. 168-199
• Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan 1)
Modyul 16 ‘ANG PAGBABAGO SA IBA’T IBANG PAMAMAHALA’BUREAU OF
SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig
City
• https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1256?page=2
• https://twitter.com/intramuros/status/1043124500529729536
• https://brainly.ph/question/2078238
• https://www.youtube.com/watch?v=yrGWXlM4HaQ

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: AMOR C. PERALTA


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Ikapitong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang naibibigay mo ang iyong sariling pananaw
tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan sa kasalukuyan.

Ano ako magaling?


Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Sinong Pangulo ng bansa ang nagsimulang manungkulan pagkatapos mapaalis si
Pangulong
Marcos?
A. Pang. Gloria M. Arroyo C. Pang. Corazon C. Aquino
B. Pang. Fidel V. Ramos D. Pang.Joseph E. Estrada
2. Ano ang saligan ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan ni Pang. Corazon C.
Aquino
hanggang sa kasalukuyan?
A. Saligang Batas 1935 C. Saligang Batas 1973
B. Saligang Batas 1943 D. Saligang Batas 1987
3. Sinong Pangulo ng bansa ang nagpairal ng batas ukol sa Expanded Value-Added Tax?
A. Joseph E. Estrada C. Fidel V. Ramos
B. Rodrigo R. Duterte D. Benigno Aquino
4. Ano ang dahilan ng pagharap sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph E. Estrada ?
A. Pagkakasangkot sa ilegal na sugal na jueteng.
B. Pagpapairal ng Expanded Value-Added Tax.
C. Naging lider ng pag-aaklas.
D. Pagputok ng eskandalo ukol sa Hello Garci, Tape.
5. Anong legal na proseso ang nagtatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal sa pamahalaan
na
lumabag sa batas?
A. Impeachment Complaint C. Calibrated Pre-emptive Response
B Plebesito D. Agreement
6. Alin ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa panunungkulan ni
Pangulong Arroyo?
A. Paglala ang katiwalian sa pamahalaan.
B. Pagbaba ng kalidad ng pamumuhay ng mga tao.
C. Patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.
D. Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
7. Tumutukoy sa isang marahas na pamamaraan na ipinag-utos ni Pangulong Arroyo upang
sugpuin ang paglaganap ng pagrarali.
A. Calibrated Pre-emptive Response C. Expanded Value-Added Tax
B. Pork Barrel D. Coup d’etat
8. Sinong Pangulo ng bansa ang naghain ng reklamong impeachment complaint laban kay
Chief Justice Renato Corona?
A. Pang. Gloria M. Arroyo C. Pang. Benigno Aquino
B. Pang. Rodrigo R. Duterte D. Pang. Fidel V. Ramos

9. Sino ang ating kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas?


A. Rodrigo R. Duterte C. Gloria Macapagal Arroyo
B. Benigno ‘Noynoy’ Aquino D. Joseph Estrada Ejercito
10. Alin ang hindi kabilang sa mga programang naipatupad ni Pangulong Rodrigo R. Duterte
para
sa mga mamamayan.
A. Paglaban sa matinding korapsyon.
B. Pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap ng illegal na gamot.
C. Pagsulong ng transparency sa mga proyekto, kontrata at transaksiyon sa negosyo
ng pamahalaan.
D. Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.

ANG SARILING PANANAW TUNGKOL SA


MGA PAGTUGON NG MGA PILIPINO SA
ARALIN
PATULOY NA MGA SULIRANIN , ISYU AT
7 HAMON NG KASARINLAN SA
KASALUKUYAN
Bagama’t tuluyang nang napasaatin ang kasarinlan na minimithi ng mga Pilipino. Hindi
pa rin dito natatapos ang mga hamon sa kasalukuyang kasarinlan. Ang bansa ay nahaharap sa
maraming suliranin at hamon.Ito’y susubukang tugunan ng mga bagong maihahalal na Pangulo
ang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga programang ipinatupad
sa ilalim ng kanilang panunungkulan.

Ano ang balik-tanaw ko?


Panuto. Kilalanin kung sinong Pangulo ng Ikatlong Republika ang humarap sa suliraning
nakalahad sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

1. Pagsilang ng aktibismo, suliranin sa pambansang kapayapaan at kaayusan at pambobomba


sa
Kalakhang Maynila.
2. Patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso sa panahong ng kanyang panunungkulan.
3. Ang mababang moral ng mga mamamayan dahil sa pagkawala ng mga mahal nila sa
buhay at
kabuhayan.
4. Naging magulo ang kalagayang politikal sa bansa partikular sa Gitnang Luzon dahil sa
pangkat
ng HukBaLaHap.
5. Malubhang suliraning pinansyal ng bansa.
Manuel A. Roxas Diosdado P. Macapagal Elpidio R. Quirino
Carlos P. Garcia Ferdinand E. Marcos Ramon F. Magsaysay

Ano ang gagawin ko?

Tingnan ang larawan.


Ang kahirapan sa pamumuhay ay matagal na at patuloy na nagiging suliranin ng ating
bansa.

Sagutin:
1. Anong suliranin ang nais ipabatid ng lawaran? __________________________
2. May pag -asa pa ba na mabago ang pamumuhay ng ating mahirap na mamamayan?___

Ano ang kahulugan?


ANG SARILING PANANAW TUNGKOL SA MGA PAGTUGON NG MGA PILIPINO SA
PATULOY NA MGA SULIRANIN , ISYU AT HAMON NG KASARINLAN SA
KASALUKUYAN
Naharap man sa maraming suliranin, sinubukang tugunan ng mga Pangulo ang
pangangailangan ng mga mamamayan.
Corazon Cojuangco- Aquino (1986- 1992)
Napaalis si Pangulong Marcos sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng Rebolusyong
EDSA. Nagsimulang manungkulan si Pangulong Corazon Aquino sa gitna ng maraming
suliraning naiwan ng dating pangulong Marcos. Kabilang sa mga suliranin ay ang paglugmok
ng ekonomiya at malawakang paghihirap ng mga mamayan. Maging ang malaking
pagkakautang sa mga dayuhang bansa.
Kasama rin ang pagkalugi ng mga bangkong pag-aari ng pamahalaan. Kabil pagbagsak
ng moralidad ng mga mamamayan. Problema rin ang pag- aalsa ng mga militar tulad ng kudeta
(coup d’etat). Ito ay pag-aaklas ng isang maliit na organisasyong grupo o seksiyon ng estado
upang pabagsakin at palitan ang nakaluklok na gobyerno.
Marami ang nagnais sa hanay ng militar na halinhinan at patalsikin si Pangulong
Corazon Aquino. Subalit dahil nasa likod niya ang simbahan at mga mamamayan. Naisulong
din niya ang panunumbalik ng demokrasya.
Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino, napatatag niya ang
pamahalaan laban sa mga ibig magpabagsak nito. Nakapagpatupad siya ng mga programang
pang-ekonomiya at libreng edukasyon sa sekondarya.
Maging ang karapatan sa pagboto at pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.
Maging paglikha ng Saligang Batas 1987 na naging saligan ng ating pamahalaan hanggang
ngayon.
Fidel Valdez Ramos (1992-1998)
Sa kampanya noong halalan ng taong 1992, naghain si Pangulong Fidel V. Ramos ng
plataporma tungo sa maunlad na kabuhayan. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na
kapangyarihan sa mga mamamayan. Tulad ng ibang mga presidente na nailuklok hindi rin
nawalan ng kinakaharap na suliranin si Pangulong Ramos tulad ng pork barrel. Ito ay
nawawalang pondo ng gobyerno na pinaghihinalaang napupunta sa bulsa ng mga kawani ng
gobyerno. Ito ay sa halip na magamit sa proyekto para sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
Nagpairal din ito ng Expanded Value-Added Tax (E-VAT) at pag-alis ng kontrol sa presyo
ng langis. Kaya’t tumaas ang presyo ng mga bilihan at tumaas din ang kriminalidad. Bumaba
ang agrikultura sa bansa at umangat ang kaunlaran ng bansa. Ngunit ang dating mayaman
lamang ang lalong yumayaman at ang mahihirap ay hindi gaanong natutulungan.
Magkagayunman, ang pangunahing programa ng pamahalaan ni Pangulong Ramos ay
umunlad ang ekonomiya ng bansa. Kasama rin ang pagkaroon ng katahimikan ang bansa at
paglikom ng pondo.
Joseph Ejercito Estrada (1998-2001)
Bagama’t maikli lang ang kanyang panunungkulan, ipinangako ni Pangulong Joseph
Ejercito Estrada na hahanguin ang mamamayan sa kahirapan. At aalisin ang katiwalian sa
pamahalaan o ang milyon-milyong pisong napupunta sa bulsa ng mga kawani ng gobyerno.
Sa pamumuno ni Pangulong Estrda, binigyan niya ng priyoridad ang ekonomiya ng bansa
ngunit marami ang naging hadlang sa kanyang programang pangkabuhayan. Gaya ng mga
sumusunod:
1. Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa;
2. Mga kalamidad na naganap sa ating bansa;
3. Pagtaas ng presyo ng gasoline at mga bilihin;
4. Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya at marami
pang iba.
Nasangkot din siya sa ilegal na sugal na jueteng. Kaya naman naharap siya sa kasong
impeachment. At nahantong muli sa People Power II hanggang mapaalis si Estrada sa
Malacańang.
Ang Impeachment Complaints ay tumutukoy sa legal na prosesong batay sa ating Saligang
Batas na nagtatanggal sa mga nagkasala at lumabag sa batas at konstitusyon sa kanilang
kinalalagyang pwesto sa pamahalaan.
Gloria Macapagal- Arroyo (2001-2010)
Nang mahalal si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 bilang pangulo sa ilalim
ng Ikalimang Republika. Inihayag niya sa kanyang talumpati sa Quirino Grandstand sa Luneta
ang kanyang 10-Point Program. Ito ang nais niyang itaguyod at isulong sa loob ng anim na
taong panunungkulan. Subalit, nang maupong muli ang panunungkulan si Pangulong Arroyo,
maraming suliranin ang kinakaharap ng bansa.
Paghihirap ng mga Mamamayan
Malaking paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan dahil patuloy ang paglala ng
ekonomiya ng bansa. Lumala ang katiwalian sa pamahalaan. Patuloy ang pagtaas ng halaga ng
gasoline at mga bilihin. At malubha na ang kriminalidad. Samakatuwid, bumaba ang kalidad
ng pamumuhay ng mga tao.
“Hello, Garci Tape”
Hunyo, 2005 nang pumutok ang iskandalo ukol sa “Hello, Garci” tape. Ito ay naglalaman
ng pakikipag-usap ni Pangulong Arroyo kay COMELEC Commisioner Garcilliano noong
panahon ng eleksiyon. Ayon sa mga usapan sa tape, pinasisiguro na lalalamang siya ng isang
milyong boto sa kanyang mga kalaban. Maraming mamamayan ang nawalan ng tiwala sa
pagkalehitimong pagkapangulo ni Gloria Arroyo.
Pagsupil sa mga Nagpoprotesta
Hindi naglaon ay ipinagbawal ni Pangulong Gloria M. Arroyo ang pagrarali upang
masugpo raw ang karahasan. Nag-utos siyang gamitin ng mga pulis at military ang Calibrated
Pre-emptive Response (CPR). Ito ay isang marahas na pamaraan upang sugpuin ang
paglaganap ng pagrarali.
Hindi naibangon at napaunlad ng pamahalaan ni Pangulong Arroyo ang ekonomiya ng
bansa lalong lumala ang kalagayan nito.
Benigno ‘Noynoy’ Aquino III (2010-2016)
Hunyo 30, 2010 nanumpa sa tungkulin si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino II sa
Quirino Grandstand sa Maynila. Inilahad niya ang kanyang mga layunin para sa ating bansa.
Bagama’t maganda ang inihaing layunin ng Pangulong ‘Noynoy’ Aquino, patuloy pa rin ang
pinakamalaking hamon sa administrasyong Aquino. Ito ay ang mga kakulangan sa pondo ng
pamahalaan at malaking utang sa ibang bansa. Maging ang katiwalian sa pamahalaan at
kakulangan sa trabaho. Kasama rin ang kakulangan sa puhunan sa pangangalakal at kahirapan
sa pamumuhay.
Impeachment ni Hukom Renato Corona
Sinampahan ng Administrasyong Aquino ng reklamong impeachment si Chief Justice
Renato Corona. Naganap ito noong Disyembre 12, 2011 laban sa katiwalian (korapsyon) sa
pamahalaan.
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro
Upang matigil ang rebelyon sa rehiyon, nagkaroon ng kasunduan ang dalawang panig
noong Oktubre 15, 2012. Ito ay nang nilagdaan ang Framework Agreement on the
Bangsomoro.Nakasaad dito na gagawa ng mga batas ang kongreso upang maisakatuparan ang
pagpapalawak ng nasasa-kupan ng ARRM at Bangsamoro Autonomous Government.
Magkaroon din ng plebesito upang apbrubahan ito ng mga mamamayan sa lugar na
nasasakupan nito. Marso 27,2014 nang ang pamahalaan ng ating bansa at ang Moro Islamic
Liberation Front (MILF) ay pumirma sa Comprehensive Agreement Bangsamoro.
Sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, hindi lubusang natugunan ng
kaniyang pamahalaan ang mga suliranin ng bansa. May mga kontrobersiya ring hinarap ang
kaniyang pamunuan gaya ng Manila hostage crisis noong Agosto 23,2010. At maging Yolanda
victims noong Nobyembre 8, 2013 at ang Mamasapano incidents noong Enero 25,2015.
Rodrigo A. Duterte
Ikalabing -anim na pangulo at kasalukuyang pangulo ng ating bansa.Nang maupo sa
panunung-kulan si Pangulong Duterte ay maraming suliranin ang kinakaharap ng ating bansa
tulad ng mga:
1. Mataas ang antas ng kriminalidad sa buong bansa;
2 Malala ang kriminalidad sa lansangan tulad ng nakawan, hold-up, carnap at carjack;
3.Paglaban sa terorista;
4. Patuloy na pagtaas ng mga bilihin;
5. korapsyon, kapwa matataas at mababang antas sa pamahalaan;
6. pagguho ng tiwala sa pamahalaan;
7. mataas ang bilang ng mga walang trabaho;
8. malalang smuggling
9. matinding traffic sa metro manila na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa; at
10. ang lumalalang pandemya sa ating bansa.
Sa kabila ng mga hamon na ito, may mga programa na naipatupad ang administrasyong
Duterte para sa mga mamamayan tulad ng:
1. Paglaban sa matinding korapsiyon
2. Pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap ng illegal na gamot;
3. Pagsulong ng transparency sa mga proyekto, kontrata at transaksiyon sa negosyo
ng pamahalaan. At marami pang iba at magpapatuloy ito hanggang sa matapos ang
kanyang termino.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ibigay at ipaliwanag ang mga suliraning kinakaharap ng bawat pangulo ng ating
bansa. __
2. Para sa inyo, ano ang pangunahing suliranin ng ating bansa ngayon ang dapat malutas
agad? At Bakit? _______________________________________________________.

Ano pa ang gagawin ko?

Gawain A. Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B upang matukoy kung kaninong
administrasyon ang humarap sa mga sumusunod na hamon o suliranin ng ating bansa.
Hanay A Hanay B
____ 1. Gloria Macapagal Arroyo A. Malaking utang sa ibang bansa
_____2. Benigno Aquino III B. Mataas ang antas ng kriminalidad sa buong
bansa.
_____3. Rodrigo A. Duterte C. Nag-utos na ipagbawal ang rali sa EDSA
upang masugpo ang karahasa
_____4. Joseph E. Estrada D. Pork Barrel
_____5. Fidel V. Ramos E. Kawalan ng tiwala ng mga lokal at
dayuhang negostante sa ekonomiya

Gawain B. Panuto: Lagyan ng kung ang isinasaad na pahayag ay tunay na nangyari


at kung ito ay isang opinyon.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1 Naghirap nang husto ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Arroyo.
_____2. Lubusang natugunan ng Administrasyong Benigno Aquino ang mga suliranin
ng ating bansa.
_____3. Isa sa mga programa ni Pangulong Duterte ay ang kampanya laban sa pagsugpo
ng mga kriminalidad sa lansangan.
_____4. Nagkaroon muli ng People Power II sa panunungkulan ni Pangulong Estrada.
_____5. Si Chief Justice Renato Corona ay sinampahan ng reklamong impeachment
sa Administrasyong Duterte.
Gawain C: Panuto: Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay tungkol sa mga suliraning
kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa at Mali kung hindi sa sagutang papel.
______1. Maraming walang trabaho.
______2. Pagtaas ng kaso ng Covid19 sa bansa.
______3. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
______4. Dumaraming kriminalidad sa lipunan.
______5. Pag- unlad ng ekonomiya .

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Matapos mapaalis si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA ay
nanungkulan si Pangulong Corazon C. Aquino. Ginamit niyang saligan ng pamahalaan ang
Saligang Batas ng 1987 at maging sa kasalukuyan.
Nagkaroon ng iba’t ibang programa at suliraning kinaharap ang bawat pangulo
hanggang sa kasalukuyan. Gaya na lamang ng kudeta , isyu sa pork barrel, at ang “hello garci”
tape.
Iba’t- iba man ang naging pananaw ng pagtugon sa bawat suliranin ng bansa, subalit
bawat naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay nagsikap na matugunan ang napakaraming
hamon, suliranin at isyung kinakaharap ng bansa tungo sa maayos, maunlad ng malayang
bansa.

Ano ang kaya kung gawin?

Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay, aling kasalukuyang suliranin ng ating


bansa ang dapat pagtuunan ng ating pangulo? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
pamamagitan ng sanaysay.
_____________________________________________________________________
___.

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa pag-aaklas ng isang estado upang pabagsakin at palitan ang
nakaluklok sa gobyerno?
A. kudeta B. digmaan C. katiwalian D. giyera
2. Ang tawag sa nawawalang pondo ng gobyerno na pinaghihinalaang napupunta sa bulsa ng
mga kawani ng gobyerno?
A. pork barrel B. scam C. kaban ng bayan D. E-VAT
3. Ano ang kahulugan ng EVAT?
A. Expanded Value-Added Tax C. Extended Value-Added Tax
B. Extension Value-Added Tax D. External Value-Added Tax
4. Ilang taon nanungkulan si Pangulong Joseph E. Estrada sa bansa?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
5. Sinong tinutukoy na kausap ni Pangulong Arroyo sa iskandalong “Hello, Garci” tape?
A. Comelec Commisioner Garciliano C. Chief Justice Renato Corona
B. Kalihim Harry Roque D. FG Mike Arroyo
6. Kailan nilagdaan ang Comprehensive Agreement Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaang
Aquino at ang Moro Islamic Liberation Front?
A. Marso 26, 2014 B. Marso 27, 2014 C. Marso 28, 2014 D. Marso 29,2014
7. Kailan sinampahan ng reklamong impeachment complaint si Chief Justice Renato Corona?
A. Disyembre 12, 2011 C. Disyembre 12, 2013
B. Disyembre 12, 2012 D. Disyembre 12, 2014
8. Anong kontrobersiyal na naganap noong Enero 25, 2015 sa panunungkulan ni Pangulong
Benigno Aquino?
A. Manila Hostage Crisis C. Mamasapano Incidents
B. Yolanda Typhoon Victim D. Dengvaxia Vaccination
9. Ang nakawan, hold-up, carnap at carjack ay ilan lamang sa mga suliraning kinakaharap
ng _____________________?
A. Administrasyong Estrada C. Administrasyong Macapagal
B. Administrasyong Aquino D. Administrasyong Duterte
10. Saan nanumpa ng kanilang tungkulin ng mahalal sina Pangulong Gloria Arroyo, Benigno
Aquino at Rodrigo R. Duterte?
A. Quirino Grandstand sa Maynila C. Luneta Park
B. Museum ng Pambansa D. Sa Senado

Ano pa ang kaya kung gawin?

GAWAIN A: Panuto:Sumulat ng isang pangako na magagawa mo upang makatulong sa pag-


unlad ng ating bansa. ________________________________________________________.

GAWAIN B: Para sa karagdagang gawain. Panoorin ang video gamit ang link na nasa
ibaba.
(https://www.youtube.com/watch?v=Jcod7donA60)
1. Itala ang mga hamon at suliraning napanood sa video at isulat sa iyong dyornal.

Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Banlaygas, Emilia L, Dallo, Evangeline M. (2017)
KAYAMANAN 6, Rex Publishing; Sampaloc Maynila pp. 260 – 302.
• CHILD LABOR- WordPress.com
‘Hakbang upang Matuldukan’ – Child Labor: Children Playing In Reality.
• https://www.youtube.com/watch?v=Jcod7donA60
(MGA ISYU AT PROBLEMA SA PILIPINAS)

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: RHEALYN M. TARDIO


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator : CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist:MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMDS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 8
Ikawalong Linggo
PaunangSalita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukado rmula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mgamakabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mgasumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang napapahalagahan mo ang pagtatanggol ng


mga Pilipino sa pambansang interes sa pamamagitan ng mga programang ipinatupad ng mga
Pangulo ng Pilipinas.

Ano ako magaling?

Panuto: Basahin ang pangungusap ng nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng RFC?
A. Rehabilitation Finances Corporation C. Rehabilitation Finance Cooperative
B. Rehabilitation Finance Corporation D.Rehabilitating Finance Corporation
2. Sinong pangulo ang nagtatag ng programang Agriculture Credit and Cooperative Financing
Administration para matulungan ang mga magsasaka ?
A.Pang. Emilio Aguinaldo C. Pang. Manuel L. Quezon
B.Pang. Manuel Roxas D. Pang. Elpidio Quirino
3. Ang pagpapagawa ng mga posong sa mga baryo at mga daan ay binigyang-pansin sa panahon
ng panunungkulan ni ______.
A. Pang. Ramon Magsaysay C. Pang.Manuel Roxas
B. Pang. Sergio Osmena D. Pang. Diosdado Macapagal
4. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa programang “Pilipino Muna” ni Pangulong
Carlos P. Garcia?
A. produktong imported C. produktong agrikultural
B. produktong Pilipino D. imported at lokal na produkto
5. Kailan nanumpa si Ferdinand Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas?
A. June 12, 1898 C. December 30, 1965
B. December 30, 1953 D. Hunyo 30, 2010
6. Alin sa mga sumusunod ang programang binigyang-diin ni Pangulong Fidel V. Ramos sa
panahon ng kanyang panunungkulan?
A. programang pangkalusugan C. programang pang-edukasyon
B. programang pang-ekonomiya D. programang pang-imprastruktura
7. Alin ang programang ipinatupad ni Pangulong Corazon Aquino na nauukol sa
pagmamay-ari ng magsasaka sa knyang lupang sinasaka
A. CARP B. MTPDP C. LTRL D. FACOMA
8. Alin ang hindi kabilang sa mga programang ipinatupad ni Pangulong Joseph Estrada?
A. Epektibong pamamalakad ng pamahalaan.
B. Pagpapaunlad ng Edukasyon .
C. Pantay-pantay na kaunlarang pang-ekonomiya sa lahat ng rehiyon.
D. Pagsususog ng Saligang Batas na nauukol sa kapakanan ng mga empleyado.
9. Ang programa ni Pang. Arroyo na nagsilbing daan upang masugpo ang kahirapan ng
bansa ay ang________.
A. Rice Sufficiency Program C. 4Ps Conditional Program
B. Anti-Poverty Strategy D. Enhanced Philhealth Program
10. Kailan sinimulan ni Pang. Duterte ang pambansang kampanya laban sa iligal na droga
sa Pilipinas na kilala din bilang “Oplan Tokhang”?
A. Hunyo 23, 2010 B. Hunyo 30, 2010 C. Hulyo 1, 2016 D. Hulyo 2, 2016

Aralin MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NG MGA


8 PANGULO TUNGO SA PAMBANSANG INTERES
Mula ng tayo ay tuluyan ng makalaya at nagkaroon ng malasariling pamahalaan, patuloy
pa rin ang pagsisikap ng mga Pilipino. Ito ay para sa pagbangon at pagpapaunlad ng ating
bansa.
Halina’t alamin natin ang ginawa ng mga naging pangulo ng Pilipinas tungo sa isang
maunlad at malayang bansa.

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi . Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Si Pang. Estrada ay naharap sa kasong impeachment dahil sa pagkakasangkot sa
illegal na sugal na jueteng
2. Isa sa mga suliranin na kinaharap ni Pangulong Duterte ay ang patuloy na pagtaas
ng mga bilihin sa bansa.
3. Ang eskandalo ukol sa “Hello Garci Tape” ay nangyari sa panunungkulan
ni Pang. Corazon Aquino
4. Sinampahan ng Administrasyong Aquino ng reklamong impeachment si Chief
Justice Renato Corona.
5. Naipatupad Pangulong Corazon Aquino ang mga programang pang- ekonomiya at
libreng edukasyon sa sekondarya .

Ano ang gagawin ko?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang problemang kinakaharap ng ating bansa na pinapakita ng larawan?
________________________________________
2. Sino sa inyong palagay , sino ang gagawa ng hakbang upang malutas sa problemang
ito?____________________
IBIGAY ANG KAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD:
1. RFC
2. MTPDP
3. CARP
4. LTRL
5. FACOMA
6. NMYC
7. GNP
8. NEDA
9. DBP
10. GDP

Ano ang kahulugan?

MGA PROGRAMANG IPINATUPAPAD NG MGA PANGULO TUNGO SA


PAMBANSANG INTERES
Manuel Roxas
Nang manungkulan si Pang. Manuel Roxas ay pinagtuunan niya ng pansin ang
paglalagay ng elektrisidad sa iba’t-ibang lalawigan. Pati pag-anyaya sa mga Amerikano na
magtatag ng mga negosyo at pagtatatag ng Rehabilitation Finace Corporation (RFC). Bilang
pagtulong sa mga mamamayan na magnegosyo. . Ito ngayon ang Development Bank of the
Philippines (DBP).
Elpidio Quirino
Ipinagpatuloy ni Pang.Elpidio Quirino ang mga nasimulang programa ni Manuel
Roxas. Nagpatayo ng Agriculture Credit and Cooperative Financing Administration
(ACCFA). Pati rin ang Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) bilang
pagtulong sa mga magsasaka na makabili ng sarili nilang kagamitan sa pagsasaka. At nagtatag
din ng rural bank na napapautang sa mga magsasaka.
Ramon Magsaysay
Sa panunungkulan ni Pang. Ramon Magsaysay noong Disyembre 30,1953 ay
binigyang pansin niya ang pagpapagawa ng mga posong artisyano (artesian well ) sa mga
baryo at mga daan. Kasama rin ang pagpapagamit ng mga makabagong pamamaraan sa
pagsasaka. At pagmungkahi sa Kongerso ng Land Tenure Reform Law (LTRL) na
nagtatadhana ng paghahati sa mga malalaking asyenda.
Carlos Garcia
Nang pumanaw si Pang. Ramon Magsaysay, nanumpa si Carlos P. Garcia bilang
pangulo ng Pilipinas. Itinatag niya ang Pilipino Muna (Filipino First Policy) at mga
palatuntunang pagtitipid. Binawasan niya ang pag-aangkat ng mga dayuhang produkto o
imported goods.
Diosdado P. Macapagal
Naging pangulo si Pang. Diosdado P. Macapagal matapos ang halalan noong 1961.
Itinatag niya ang Kodigo sa Pagbabago sa mga Lupang Sakahan ( Agricultural Land Reform
Code) . Dito nakapokus ang paghati sa dalawang ani ng kasama. Ang isa para sa may-ari at ang
isa ay para sa kasama.
Ferdinand Marcos
Nanumpa si Pang. Ferdinand Marcos bilang Pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas noong Disyembre 30, 1965 . Ipinagpatloy niya ang mga sinimulang programa ni
Macapagal. Ipinokus niya ang pagpaparami ng mga pananim at pagpapalaki ng ani.
Nagtatag din siya ng mga bagong patakarang panlabas. Ito ay ang Open Door Policy
na nag-aakit sa mga dayuhan na mamuhunan at magtayo sa Pilipinas ng negosyo.
Corazon Aquino
Ilan sa mga programa ni Pang. Corazon Aquino ay pagbawas sa mga Pilipinong walang
hanapbuhay at pag-aangat ng kalagayan ng mga manggagawa . Inatasan din niya ang
Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang paghahanap ng trabaho sa ibang
bansa.
Ipinagpatuloy pinagtibay ng National Manpower Youth Council (NMYC)sa tatlong
sentrong panrehiyon .Para sa nagtuturo sa mga kabataan ng mga kaalaman at pagsasanay sa
kursong bokasyonal at teknikal.
Kasama rin ang pagsususog ng Saligang Batas na nauukol sa kapakanan ng mga
empleyado. Pati ang kanilang mga karapatang magtayo at sumapi ng mga union.
Kasama rin ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
na ukol sa pagmamay-ari ng magsasaka sa kanyang sinasakang lupa. At ang pagtaas ng halaga
ng produktong iniluluwas at pagkakaroon nang mabilis na pagbabago sa mga kagamitang
makinarya sa pagsasaka.
Fidel V. Ramos
Binigyang- diin ang bagong balangkas ng programang pang-ekonomiya . Pinokus nang
mabuti ang batas sa pamumuhunan ng mga dayuhan na nagbigay ng kaluwagan sa pagpasok
ng dayuhang kapital.
Itinatag nag Pilipinas 2000 na nakapokus sa pagpapatayo ng mga bagong paaralan at
relokasyon ng mga iskwater. Pati mga proyektong imprastruktura at paglalaan ng malaking
pondo para sa pangunahing pangangailangan.
Inilunsad din ang Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP) na
pinangangasiwaan ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ito ay
naglalayong gawing pang-industriya ang ating bansang Pilipinas. Binabalangkas dito ang mga
sumusunod :
1. Pagbaba ng antas ng kahirapan;
2. Pagtaas ng Gross National Product (GNP);
3. Pagtaas ng kawalan ng hanapbuhay na mababasa 10 % .
Joseph Estrada
Si Joseph “Erap” Ejercito Estrada ang nahalal ng ikalabintatlong pangulo ng ating
bansa. Inilahad niya ang mga pagbabago na ibig niyang isakatuparan sa kanyang
panunungkulan. Anim ang lawak ng kanyang programa. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Epektibong pamamalakad ng pamahalaan;
2. Pagpapaunlad ng edukasyon, kalusugan at nutrisyon;
3. Pagkakaroon ng sapat na pagkain at proteksyon sa ating kapaligiran;
4. Kaunlaran ng awtomiyang lokal at kagalingan ng kapangyarihan ng sibilyan ;
5. Pantay-pantay na kaunlarang pang-ekonomiya sa lahat ng rehiyon; at
6. Sistemang transportasyong pangmasa .
Gloria Macapagal Arroyo
Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pang. Gloria Arroyo maraming programang
pang-ekonomiya ang kanyang ipinatupad. Ilan sa mga kilalang programang ito ay gaya ng 10
Point Agenda. Ito ay ang programa na idineklara niya sa harap ng mga tao sa Quirino
Grandstand. Ang Anti-Poverty Strategy ay programang nagsilbing daan upang masugpo ang
kahirapan sa bansa.
Siya ay tumugon din sa mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng CARP .
Sa kanyang panunungkulan lumago ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas nang
halos 4.7 % at pagpapababa ng presyo ng bilihin.
Benigno ‘Noynoy’ Aquino III
Hunyo 30, 2010 nanumpa sa tungkulin si Pang. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa
Quirino Grandstand sa Maynila. Binigyan-pansin niya ang katahimikan at katatagan ng bansa
at kahirapan ng mamamayan .
Ipinatupad din nya ang AFP Modernization Program at K To 12 Basic Education
Program. Ito ang programa kung saan naglalayong tulungan ang mga kabataan na pantayan
ang sistema ng edukasyon , hindi lamang sa buong Asya kundi sa buong mundo. At ang 4Ps
Conditional Program, Enhanced PhilHealth Program at ang Rice Sufficiency Program.
Rodrigo Roa Duterte
Ang isang pangunahing patakaran ng Administrasyong Duterte ay ang pagtanggal sa
katiwalian sa korapsyon. Sinimulan ni Pang. Duterte ang isang pambansang kampanya laban
sa iligal na droga sa Pilipinas . Ito ay kilala rin bilang “Oplan Tokhang” noong Hulyo 1 2016.
Ilan pa sa kanyang mga kasalukuyang programa ay ang sumusunod :
1. Panatilihin ang kasalukuyang mga patakaran sa macro-economic, kabilang ang mga
patakaran sa pananalapi, pera, at kalakal ;
2. Ang progresibong reporma sa buwis at mas mabisang pagkolekta ng buwis;
3. Dagdagan ang pagiging mapagkumpitensya at ang dali ng pagnenegosyo;
4. Mapabilis ang taunang paggastos sa imprastraktura ;
5. Itaguyod ang kaunlaran sa kanayunan at halaga ng kadena patungo sa pagtaas ng
pagiging produktibo ng agrikultura at turismo sa kanayunan;
6. Siguraduhin ang seguridad ng pag-upa ng lupa upang hikayatin ang mga
pamumuhunan;
7. Mamuhunan sa pagpapaunlad ng kapital ng tao, kabilang ang mga sistemang
pangkalusugan at pangedukasyon;
8. Itaguyod ang agham, teknolohiya, at ang malikhaing sining upang mapahusay ang
makabagong ideya at malikhaing kakayahan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ibigay at ilarawan ang mga programang ipinatupad ng mga naging pangulo
ng Ikatlong Republica ng Pilipinas .___________________
2. Nasiyahan ka ba sa mga ginawa ng mga Pilipinong naglingkod upang
mapabuti ang ating bansa? Bakit? _______________________

Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A: Panuto: Isulat sa patlang kung sinong pangulo ang nagpatupad ng mga
sumusunod na programa upang matugunan ang mga ang suliranin na kinakaharap ng
ating bansa. Piliin ang iyong sagot sa kahon.
Diosdado Macapagal Manuel Roxas Benigno Aquino III
Carlos P. Garcia Elpidio Quirino
__________1. Pagtatatag ng Farmers Cooperative Marketing Association .
__________2. Pagbabawas sa pag-aangkat ng mga dayuhang produkto .
__________3. Pagpapatupad ng K to 12 Basic Education.
__________4. Pagpapautang sa mga magsasaka.
__________5. Pagtatatag ng Kodigo sa Pagbabago sa mga Lupang Sakahan.

GAWAIN B: Panuto : Pagtambalin ang bawat pangulo sa hanay A sa mga naging programa nito sa
hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
________1. Benigno Aquino III A. Oplan Tokhang
________2. Carlos Garcia B. AFP Modernization Program
________3. Ferdinand Marcos C. Filipino First Policy
________4. Diosdado Macapagal D. Open Door Policy
________5. Rodrigo Duterte E. Agricultural Land Reform Code

GAWAIN C: Panuto : Iguhit ang Bituin ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


pamamaraan ng mga sa pag papaunlad ng bansa at Bilog ( ) kung hindi .
__________1. Katiwalian sa pamahalaan.
__________2. Pagpapatibay ng mga reporma sa lupa para sa mga magsasaka.
__________3. Pakikipagsabwatan ng mga miyembro ng pamahalaan para sariling kapakanan.
__________4. Pagpapalaganap ng mga programang pangkalusugan sa mga
pook-rural.
__________5. Pagpapasigla at pagtangkilik sa ating kultura.

Ano ang natamo ko?

Nabigyang mulin ng pagkakataon ang mga Pilipino na pamahalaan ang bansa matapos
nitong makamit ang lubos na kalayaan mula sa mananakop. Nagkaroon tayo ng mga Pangulo
na naguna para harapin ang mga hamon at suliranin ng bansa.
Iba-iba man ang kanilang mga pamamaraan buong-puso silang naglingkod para
maprotektahan at mapaunlad ang bansang Pilipinas.

Ano ang kaya kong gawin?

Panuto: Sagutin ang pangunahing tanong sa pamamagitan ng isang sanaysay.

Kung ikaw ang pangulo ng bansa, paano mo haharapin ang kasalukuyang


krisis sa Covid 19 ?
Kumusta na ang target ko?

Panuto: Basahin ang pangungusap ng nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
__1. Kailan nagsimulang manungkulan si Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas?
A.Disyembre 30, 1952 C. . Disyembre 30, 1954
B. Disyembre 30, 1953 D. Disyembre 30, 1955
__2. Sinong pangulo ang nagtatag ng Kodigo sa Pagbabago sa mga Lupang Sakahan?
A. Pang. Diosdado Macapagal C. Pang. Manuel L. Quezon
B. Pang. Manuel Roxas D. Pang. Elpidio Quirino
__3. Ano ang programang itinatag ni Pang. Fidel Ramos?
A. 10 Point Agenda C. Medium Term Philippine Development Plan
B. Anti-Poverty Strategy D. Pilipinas 2000
__4. Anong patakarang panlabas ang ipinatupad ni Pang. Marcos na nag-aakit sa mga
dayuhan na mamuhunan at magtayo ng negosyo sa bansa?
A. Open Door Policy C. Mutual Defense Policy
B. Filipino First Policy D. Anti-Poverty Strateg
__5. Kailan nagsimulang manungkulan si Pang. Ferdinand Marcos bilang pinuno ng bansa?
A. June 12, 1898 C. December 30, 1965
B. December 30, 1953 D. Pebrero 28, 1945
__6. Sinong pangulo ang nagpatupad ng programang K to 12 Basic Education Program ?
A. Pang.Corazon Aquino C. Pang. Benigno Aquino III
B. Pang.Emilio Aguinaldo D. Pang. Diosdado Macapagal
__7. Bakit kailangan ipatupad ang programang CARP?
A. Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na magkaroon ng lupa.
B. Upang mapabuti ang kaalaman sa argrikultura.
C. Upang makabili ng makabagong kagamitan para sa pagsasaka .
D. Upang maging may-ari ng kaukulang sinasakang lupa ang mga magsasaka.
__8. Alin ang hindi kabilang sa mga programang pinatupad ni Pangulong Joseph Estrada?
A. Epektibong pamamalakad ng pamahalaan.
B. Pagpapaunlad ng edukasyon.
C. Pantay-pantay na kaunlarang pang-ekonomiya sa lahat ng rehiyon.
D. Pagsususog ng Saligang Batas na nauukol sa kapakanan ng mga empleyado.
__9. Ano ang tawag sa programang ipinatupad ni Pang. Gloria Arroyo?
A. Pilipinas 2000 C. Rice Sufficiency Program
B. Ten Point Program D. Anti-Poverty Strategy
__10. Alin programang ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tumutukoy sa
pambansang kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas?
A. AFP Modernization Program
B. Oplan Tokhang
C. Enhanced Philhealth Program
D. K to 12 Basic Education Program
Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A. Panuto:Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa mga


nagawa ng ating mga pangulo ng bansa.

GAWAIN B. Panuto: Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang youtube link


:https://www.youtube.com/watch?v=aWB5OIB8XF4
Sanggunian
• Eleonor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo, KAYAMAN
Binagong Edisyon, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6, REX Book
Store 856 Nicanor Reyes St., CM Recto Avenue, City of Manila, pp.170-221
• Pilipinas Ang Lupang Hinirang - Alegria S. Floria , Eleanor M. Dallo- Antonio,
emilia L. Banlaygas,Rosalinda R. Belarde , Leonora L. Oriondo dd. 327-338
• https://www.youtube.com/watch?v=aWB5OIB8XF4
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MAY FRANCES C. DE GUZMAN


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: [email protected]; [email protected]

You might also like