Position Paper

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGPAPATIWAKAL

II PANIMULA
PAGPAPAKILALA NG PAKSA
Bakit nga ba nagpapatiwakal ang isang tao? Pagpapatiwakal ay maaaring dulot ng madaming
bagay gaya ng depresiyon, kahihiyan,pagdurusa,kahirapan sa buhay o mga di kanais nais na
sitwasyon sa buhay ng isang tao. Dapat nga ba itong ipangamba ng ating bansa? Ito ay isa a
pinakamaraming isyu sa pilipinas na kailangang bigyan pansin. Ang sadyang Pagkitil at
Pagpatay sa sarili dahil sa ayaw nang mabuhay ay tinatawag na suicide. Ang pagpatay sa sariling
buhay ay parang pagpatay sa ibang buhay ng tao. Isa itong kasalanan, kadalasan ito ay tinuturing
na natatanging solusyon ng mga taong nagdurusa sa hirap.
ANG SARILING PANANAW SA ISYU
Ang buhay ay pinagkaloob sa atin ng diyos kayat kailangan nating pahalagahan ito. Sa
panahon ngayon, laganap na ang mga taong nagpapatiwakal. Nakalimutan na ng ilang mga tao
ang kahalagahan ng buhay. Sa ating buhay, nararanasan natin ang kahigpitan ngunit ang pagkitil
sa sarili ay walang maidudulot na Mabuti at makadudulot ng malaking epekto sa pamilya at
lipunan at lalong lalo na sa Panginoong Maykapal. Napakasayang ng buhay kapag
nagpapatiwakal ang isang tao , sa pagkat maraming mga taong gustog mabuhay ngunit hindi
binigyan ng pagkakataon upang manatili sa mundo.
III MGA ARGUMENTO SA ISYU
BUOD NG MGA ARGUMENTO
Kahit saan mang angulo tayo tumingin, ang pagpapatiwakal ay hindi solusyon sa mga
problemang dumating sa buhay, lalo na sa mga pagsubok na mahirap na lutasin. Ang
pagpapakamatay ay hindi madali, Ito’y isang mahirap na desisyon dahil kaakibat nito ang iyong
tanging buhay. Kapag hindi nakayanan ng tao ang dinanas na pagsubok, sumasagi sa isipan nila
na mas mabuti ang magpakamatay at mas pipiliin nila ito upang mawakasan ang lahat ng
pagdurusa na nararanasan. Ang buhay ay pinagkaloob ng Diyos na naaayon sa kaniyang plano.
Ang paghihirap na nararanasan ng tao ay isa lamang pagsubok Diyos upang malaman kung saan
aabot ang pananampalataya sa kanya. Kung nakikita ng isang tao ang pagpapatiwakal bilang
sagot, ito’y nagpapakita ng isang karuwagan at kawalan ng tiwala sa Diyos at sa sarili. May
gampanin na kailangan makamit ng tao sa buhay at habang nasa proseso ng kaganapan ng isang
tao ay may mga pagsubok na kailangan lampasan. Kahit gaano pa kahirap lutasin ang iyong
problema ay hindi pa rin ito nararapat na bigyan ng permanenting solusyon.
MGA IMPORMASYONG SUMUSUPORTA SA MGA ARGUMENTO
Ang pagpapakamatay ay dahilan ng kawalan ng pag-asa sa buhay, sanhi naman nito ay madalas
na inuugnay sa mga sakit na mental o sakit sa isipan tulad ng bipolar disorder, depresyon,
schziophrena, pagkalulong sa droga at alak. Ang mga salik ng depresyon tulad ng mga
problemang pinansiyal o mga problema sa mga pakiipag-ugnayan sa kapwa ang madalas na
iuugnay dito. May mga pagkakataon na ang tao ay nagipit sa mga problemang kinakaharap at
dahil dito, naisipan na magpakamatay nalang. Kasama sa mga karaniwang pamamaraan ng
pagpapatiwakal ay pagbigti, paglason, sa sarili at pagbaril ng ulo. Humigit-kumulang na 800,000
hanggang sa isang milyong tao ang nagpapakamatay kada taon, na siyang dahilan kaya ito ang
pang-sampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga tao sa buong mundo.
Ayon sa World Health organization [WHO], ang pagpapatiwakal o suicide ay isang “global
phenomenon” sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Iniulat pa ng WHO na sa nakalipas na 45 taon,
ang suicide rates o proporsyon ng pagpapatiwakal ay tumaas ng 60% sa buong mundo.
MGA EBENDENSIYA PARA SA MGA ARGUMENTO
Ayon kay Emile Durkheim, ang pagpapakamatay ay inilalapat sa lahat ng mga kaso ng
kamatayan na nagreresulta nang direkta o hindi direkta mula sa isang positibo o negatibong
pagkilos ng biktima mismo, na alam niyang magbubunga ng resulta na ito. Ayon din sa
mananaliksik rin na si Arzel lumasacna [National Center for Health Statistics, 1993], ang
pagpapatiwakal ay ang ikatlo sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mmga kabataan.
Maaari dahil sa mga pambubully na nagaganap sa skwelahan o di kaya’y ang bata na ito ay
ginahasa ng kaniyang ama o kapit-bahay o walang mga magulang na nagmamahal o nag-aaruga.
Ang pagtangka a pagkitil sa sariling buhay ay isang sigaw sa paghingi ng tulong. Ang indibidwal
na nakaranas ng pagtatangka ng pagsira sa kanyang sarili ay sangkot isang matinding emosyonal
ay sikolohiyang laban. Maaaring mag-tangka ang mga kabataan magpakamatay para mapansin
ng kanyang mga magulang upang Makita na ang biktim ay may problema at may kirot na
nararamdaman sa dibdib.
IV. ANG SARILING POSISYON SA ISYU
1.OPINYON SA UNANG PUNTO
Bilang isang kristiyano, ang pagpapatiwakal ay isang mortal na kasalanan sapagkat ito’y gawa
laban sa kalooban ng Diyos at isang paglabag sa ikalimang utos. Inaalay ng Diyos ang kaniyang
buhay upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan, ang sinumang taong sadyang pinipili ang
pagpapakamatay bilang paraan ay nasa kalagayan ng mortal ng kasalanan. Ito ay isang
panlipunang kasalanan kung ay ninlaan upang magtakda ng isang halimbawa upang sundin. Ang
Diyos say makapagbigay ng pagkakataon na magpatawad sa pasisisi at ang simbahan naman ay
nagbibigay ng panalangin para sa mga taong kumitilsa kanilang buhay. Ang motal na kasalanan
ay maaaring nakapagdadala ng isang tao sa impyerno.
2.MGA EBENDENSIYA
Ayon kay Baltimore Catechism, ang mga tao na kusang-loob at sadyang gumagawa ng pagkitil
sa sariling buhay ay namamatay sa isang estado ng mortal na kasalanan at pagkakaitan ng
Kristiyanong libing. Bakit ba gusting magpakamatay ng isa tao? Maraming dahilan. Una sa lahat,
nabubuhay tayo sa “mga panahong panganib na mahirap pakitunguhan,”at maraming kabataan
ngayon ang nahihirapang hanapin ang mga kaitingan sa buhay. [2 Timoteo 3:1] Gayundin, ang
di-kasakdalan ng tao ay maaaring maging dahilan kung bakit masyadong nag-iisip ng negatibo
ang ilan tungkol sa kanilang sarili at sa kanilang situwasiyon sa buhay. [Roma 7:22-24] kung
minsan, epekto ito ng dinanas ng isa sa pagmamaltrato o pang aabuso. Ang iba naman ay
maaaaring may problema sa kalusugan. Kapansin-pansin na sa isang bansa, tinataya na mahigit
90 porsiyento ng mga nagpakamatay roon ay may sakit sa isip.
IKALAWANG PUNTO NG IYONG POSISYON
1.OPINYON SA IKALAWANG PUNTO
Ang buhay ay sagrado, simula pa lamang ay ipinaalala na niya sa atin kung gaano niya tayo
kamahal at kung gaano kahalaga ang ating buhay. Buhay na tanging sa kanya lamang
nagmumula at tanging siya lang ang may karapatang bumawi nito. Ang buhay na ipinahiram
lamang sa atin. Isang malaking responsibilidad ang pagtanggap sa buhay na isang malaking
biyaya mula sa Diyos. Ang sadyang pagkitil na isang tao sa sariling buhay na naaayon sa
kanyang kagustuhan ay labag sa kalooban ng Diyos. Hindi nararapat ilagay sa sarili nating mga
kamay ang pagpapasiya kung dapat ng wakasan ang buhay dahil hindi lahat ng tao ang nabigyan
ang nabigyang pagkakataon upang matamasa ang buhay na mayroon tayo. Dapat pahalagahan
natin ang ating buhay sa pagkat kung ito’y Nawala na, hindi na ito maibabalik pa.
2.MGA EBENDESIYA
Bakit hindi maaring kitilin ang sariling buhay? Ang pinakadakilang utos ng diyos. San Mateo
22:37-39, “At sinabi sakaniya, iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng
buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.At ang pangalawang katulad ay ito, iibigin mo ang
iyong kapwa na gaya ng iyong sarili. “Sa mg autos na ito, makikita natin na ang ating aksiyon
ay dapat na bundos ng ating pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa iba. Kung iniibig natin ang Diyoa,
pahalagahan natin ang ating sariling buhay bilang bahagi ng plano ng Diyos. Gagawin ang
kanyang kalooban hanggang sa punto na ang ating kamatayan ay para sa ikaluluwalhati ng
kanyang.
IKATLONG PUNTO NG IYONG POSISYON
1.OPINYON SA IKATLONG PUNTO
Maraming karaniwag tao ang deteminadong mabuhay. Kayang hamakin ang lahat, malagpasan
lamang ang hinaharap na problema; subalit di lahat ng tao ay ganito ang pananaw sa buhay.
Dumami na ang bilang ng mga taong nagpapakamatay taon-taon. At kung ito’y magpapatuloy ay
bababa ang populasyon ng mga tao. Kinakailangan ng mga paraan upang maiwasan ang ganitong
Gawain. Komunikasyon ang hakbang upang maagapan pagpapatiwakal. Ang pagtulong at
pagkinig sa kanilang mga problema ay maaaring makatulong sa paglutas ng problema o ‘di
kaya’y maibsan ang bigat ng kanilang problemang dinadala. Maagapan ang mga taong nais
magpatiwakal sa pamamagitan ng pagpapanatiling aktibo at abala sa mga makabuluhang Gawain
tulad ng paglilingkod sa kapuwa. Makatulong din ng malaki ang pagmamahal at support system
ng pamilya, kaibigan at minamahal na nakapagbibigay ng saya sa tuwing makakaramdam ng
malaking dagok buhay.
MGA EBEDENSIYA
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention sa mga taong may edad 10 hanggang 24 na
taong gulang, ang pagpapakamatay ay pang-apat sa pinakamataas na dahilan ng kamatayan sa
mundo o halos 4,600 na kaso ng suicide sa loob ng isang taon. 45 porsyento nito ay gamit ang
ibang uri ng baril, 40 porsyento dahil sa suffocation, 8 porsyento ang dahil sa lason.
Ani ni Sergio A. Perez, ang pamilya ay maaaring maglingkod ng isang mahahalagang papel sap
ag-iwas ng pagpapatiwakal. Sabi din ni Anoushka Thakkar, ang maingat na pakikinig at bukas na
komunikasyon ay makatuulong sa mga tao na kilalanin ang mga kaibigan o ibang mga
indibidwal na maaaring nasa panganib para sa pagpapakamatay.
IV.KONKLUSYON
A.OPINYON NG IYONG POSISYON
Ang opinyon ng aming pananaliksik ay ang pagpapatiwakal ay hindi-hinding magiging paraan
upang problema’y masolusyonan. Unang-una sa lahat, ang pagpapatiwakal ay isang mortal na
kasalanan dahil nakasaad ito sa bibliya at nakasulat din ito sa sampung utos ng Diyos. Pangalawa
, ang buhay ay sagrado ito’y ipinahiram lamang ng Diyos at dapat itong pahalagahan bilang sukli
sa kanyang pagsasakripisyo upang mailigtas tayo mula sa kasalanan. Pangatlo, sa mga panahong
nais magpakatiwakal ng isang tao ay masososlusyonan lamang ito, sa pamamagitan ng
pagmamahal, suporta at kalinga ng pamilya at mga kaibigan. Kayasa pananaliksik na ito ay hindi
maaaring maging sagot ang pagpapatiwakal, huwag magpadala sa mga problema at siguradong
buhay ay gaganda.
B.PLANO NG PAGKILOS
Bilang isang mamamayan sa ating bansang ito, responsibilidad naming panatilihin ang
kaligtasan ng aming kapwa tao. Ang planong pagkilos na dapat naming gawin ay magsagawa ng
mga programa na naghihikayat sa mga taong iwasan ang pagpapatiwakal at magsilbing
tagapagpakinig sa kanilang mga dinadaing na problema. Nararapa ding pagtibayin ang samahan
at pagmamahalan sa loob ng ating tahanan o maging sa lipunan.
V.SANGGUNIAN
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2246136/
http://mshorizonchaserngrappymorning.blogspot.com/2014/09/magpakamatay-paaano-ito-
maiiwasan.htm|

You might also like