Edited Lesson Plan in ESP 4-Del Prado (Key Cylyn Jala)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PST Name: Key Cylyn A.

Jala Date Submitted: March 3, 2022


Subject Mentor: Date of Teaching: March 7,2022

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV

I. Layunin

Pagkatapos ng 30–minuto na talakayan, ang mga mag-aaral sa


IV-Del Prado ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod ng may
85% na kahusayan:

a. nasasabi ang kahalagahan ng buhay mula sa Diyos;


b. natutukoy ang mga paraan sa pangangalaga ng kalusugan ng
ating katawan at isipan; at
c. naipapakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili.

II. Paksang- Aralin

Paksa: Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan


Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag- Aaral 4
pahina 270-280

III. Mga Kagamitan


● PowerPoint Presentation

● Video Presentation

● Larawan ng bata

IV. Pamamaraan

A. Paghahanda

Magandang umaga mga bata! (Magandang araw po, Teacher Key)


Ako si teacher Key ang magiging guro sa ESP. Maaari ko bang malaman
kung handa na ang lahat para sa leksyon ngayong araw? Pakipindot ang
heart emoji. Magaling! Ngayong handa na ang lahat, ano-ano ang mga bagay
na dapat natin tandaan sa ating klase? E-mute ang microphone upang
walang distraction kapag tayo ay nagtatalakay, pindutin ang raise hand button
kung gustong sumagot at hintayin lamang na tawagin ang inyong pangalan,
makinig at syemppre buksan ang camera dahil nais kong makita ang
magaganda at gwapo niyong mga mukha! Mahusay! Maaasahan ko ba ang
lahat ng mga ito sa inyo? Thumbs up! Mabuti kung ganon.

1. Pagganyak

Ngayon mga bata, may ipapakita akong larawan.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Sige nga… (May batang


lalaki na kumakain) Ano ang kanyang kinakain? Tawagin natin si…
(Pizza, fries at burger) Mahusay! Kumakain ba kayo ng ganitong
pagkain? (Opo) Madalas ba kayong kumain ng ganitong klaseng
pagkain? (Opo/Hindi po) Sa tingin ninyo, mabuti ba ang dulot ng
mga pagkaing ito sa ating katawan? (Hindi po) Tama! Ang mga
pagkaing ito ay hindi dapat kinakain araw-araw.

B. Paglalahad

Sa oras na ito, manonood tayo ng video na may kinalaman sa


larawan na inyong natunghayan kanina. Pero bago ang lahat, ano-ano
kaya ang dapat nating gawin habang pinapanood ang video? Maari bang
tawagin natin si … (Makinig, i-turn-off ang microphone, intindihing mabuti
ang video) Tama! Makinig, i-turn-off ang microphone, intindihing mabuti
ang video, at kuung maaari ay isulat ninyo ang mga importanteng
impormasyon sa video dahil mamaya ay magtatanong ako) Handa na ba
ang lahat? (Op
C. Pagtatalakay

Naunawaan niyo ba ang video presentation? (Opo) Magaling. Ngayon


ako ay magtatanong kagnay sa video na inanood ninyo. Magbibigay ako ng
puntos sa mga magbibigay ng kanilang mga kasagutan

1. Base sa video na inyong napanood, ano ang pamagat ng


kwento? Ano ang iyong sagot … (Alam Ko Na)

2. Sino ang bata sa kwento? Titingnan ko ditto kung sino talaga


yung nakinig sa kwento at hindi lamang natulog. Tawagin natin
si… (Si Adrian)

3. Ano-ano ang kinakain ni Adrian tuwing recess at pananghalian?


(Sa recess ay fries at softdrinks. Sa pananghalian naman ay
pritong manok at sinigang na baboy)

4. Ano ang mga gawain na madalas gawin ni Adrian? Marami ang


nagtataas ng kanilang kamay. Ang galling naman! (Manood ng
telebisyon, maglaro ng computer games, magbabad sa harap
ng laptop, mag-upload ng selfie pictures sa facebook.
makipagtext sa kaibigan at magpuyat)

5. Suunod na tanong. Pagkalipas ng ilang panahon, ano ang


nangyari kay Adrian? (Bumibigat ang kanyang timbang,
nanghihina ang katawan, lumabo ang paningin, madalas
magkasakit, laging bugnutin at pagbabago sa ugali)

BAkit parehong kamay lg yung nakikita kong nakataas? Saan


na yung iba.

6. Ano ang pangaral ng kanyang Inay at Itay? Ano ang sinabi ni


Inay a Iay na kng saan sa ingin ni Adrian tama sila? (“Anak,
ingatan mo ang inyong sarili. Handog ito sa iyo ng Diyos at ang
bawat handog ng Diyos ay may kaakibat na panagutan.”)
Salama….
7. Bakit kaya natin dapat pahalagahan ang buhay na biyaya o
bigay ng Diyos? Ano ang dahilan bakit natin dapat pangalagaan
ang buhay nain? (Sinuma’n at lalo’t higit ang Diyos ay magiging
masaya kung inaalagaan natin ang ating kalusugan at
pangangatawan)

8. Sa paanong paraan kaya natin mapangangalagaan ang


kalusugan ng ating katawan at isipan? Sino pa ba ang hindi
natin natatawag? (Kumain ng tamang pagkain, sapat na oras ng
pagtulog, pamamahinga at ehersisyo gayundin ang pagiging
malinis at maayos sa ating mga sarili)

D. Paglalahat

Base sa ating talakayan bakit mahalaga ang pangangalagaan ang buhay na


mula sa Diyos? (Sinuma’n at lalo’t higit ang Diyos ay magiging masaya kung
inaalagaan natin ang ating kalusugan at pangangatawan) Muli, sa paanong paraan
kaya natin mapangangalagaan ang kalusugan ng ating katawan at isipan? (Kumain
ng tamang pagkain kagaya ng prutas at glay, sapat na oras ng pagtulog walo o anim
na oras na pagtulog, pamamahinga at ehersisyo gayundin ang pagiging malinis at
maayos sa ating mga sarili) Magaling!

E. Paggamit

Ngayon magkakaroon tayo ng gawain. Ang tawag sa gawaing ito ay


“Gusto ko, Ayaw ko”. Magbibigay ako ng mga sitwasyon at sasabihin niyo
lamang ay “gusto ko” kapag ito ay inyong ginagawa at “ayaw ko” kung hindi.
Maliwanag ba? (Oo) tandaan, tatawagin ko lamang ang mga nakapindottt ng
raise hand button para sa pagbigay ng kasagutan. Kung handa na, pindutin ang
hear button. Sa tingin ko lahat ay handa na. Maghanda. Unang sitwasyon…

1. Nag-eehersisyo ako araw-araw.


2. Naghuhugas ako ng paa pagkahubad ng sapatos.
3. Nagpapahinga ako pagkatapos ng pagdidilig ng mga halaman.
4. Naliligo ako araw-araw.
5. Madalas ako kumain ng hotdog, tocino, at barbecue.
Tawag tayo yung mga di pa nakasagot.
6. Buong araw akong naglalaro ng video games.
7. Kumakain ako ng gulay at prutas.
8. Hindi ako gumagawa ng takdang-aralin.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon, class! Bigyan po natin ng


masigabong palakpakan ang ating mga sarili!

V. Pagbibigay- Halaga

Para sa inyong huling gawain, ito ay ipopost ni teacher sa MS Teams. Bago


yan, basahin muna natin ang mga panuto.

Panuto: Gumawa ng isang pangako o resolusyon na nagpapahayag ng mga


gagawin
upang mapangalagaan ang buhay na mula sa Diyos.

Isusulat ninyo ito sa isang malinis na bondpaper, ipipicture at ituturn in sa MS


Teams. Malinaw ba?

Maraming salamat sa lahat! Ma’am…?

Pangako Ko, Tutuparin Ko

Ako, __________________________,
(Pangalan mo) bilang isang nilikha ng Diyos ay nangangakong
__________________________ simula ___________________. Upang
_______________________. Naniniwala ako na _______________ dahil
_____________________________.

_________________

L
agda

You might also like