Lesson Plan Demo Fil 7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I.Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang kahulugan ang mga reperensyang panghalip na Anapora at
Katapora.
B. Nailalahad ang kahalagahan ng mga reperensyang Panghalip na Anapora at
Katapora
C. Nagagamit ang mga wastong panandang anaporik at kataporik na pangngalan.

II.Nilalaman
A.Paksa: Kohesyong Gramatikal - Anapora at katapora

III.Kagamitang Panturo:
A.Mga Sanggunian: Filipino 7 - Panitikang Rehiyunal, Final-K-12-MELC, Larawan –
internet(CNN NEWS,GMA NEWS)
-https://www.facebook.com/montalbannews/videos/469932995141630/
B.Kagamitan:Telebisyon Ppt,Laptop,Biswal,Pisara,Yeso

IV:Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1.Panimula
 Pagbati(Isang Mapagpalang Umaga sa inyong lahat! Magandang Umaga din
po Gng.Camacho!
 Panalangin-Magsitayo ang lahat (Pipili ang guro ng isang mag-
aaral upang pangunahan ang panalangin) (Panalangin)
 Pagpapalinis ng klase(Bago kayo magsiupo,pulutin ang mga kalat
sa ilalim at ihanay ng maayos ang mga upuan.
 Pagtala ng liban
(Pipili ang Guro ng isang mag-aaral upang sabihin kung sino ang
lumiban ngayong araw.) (Pupulutin ang mga kalat
at aayusin ang mga
upuan)
2.Balik –aral
Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng halimbawa ng balita. (Ikinalulugod ko pong
sabihin sa inyo na walang
lumiban ngayon araw.)
Itatanong sa klase kung ano ang kanilang nakikita sa pisara . (Ma’am mga balita po!)
-Magaling!Ito ay mga balita.
* Ano ang balita?(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral.)
(Ang balita ay isang uri ng
lathalain na tumatalakay sa
mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o
loob ng isang bansa na
nakatutulong sa
3.Pagganyak: pagbibigay-alam sa mga
Iayos natin! mamamayan.

 Panuto: Pagsama-samahin ang mga salitang nanghahalili sa mga


pangalan at mga pangngalan.Pipili ng tig-dalawang kinatawan sa
kalalakihan at kababaihan,bibigyan ng 30 segundo para maisaayos ang
gawain.

PANGHALILI
Sila,Siya,Tayo,Kaniya,Kanila,Ito,Doon,Iyo,Ako,Akin,Ikaw (Tatayo ang mga pinili na
kinatawan sa harapan at
PANGNGALAN isasaayos ang gawain)
Bata,Guro,Drayber,Pangulo,Aso,Pusa,Puno,Lapis,Bag,Bisikleta

Pagwawasto sa ginawa ng mga mag-aaral.

B.Pagpapaunlad
Pag-uugnay ng Pagganyak sa Aralin
Alamin Natin!
 Ano sa palagay ninyo ang aralin natin sa araw na ito batay sa mga ginawa (Ma’am maaring Panghalip
nating activity? po!)
Magaling !ito ay may kaugnayan sa ating aralin.
 Iuugnay ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral sa paksang
tatalakayin hanggang sa mailahad na nito ang pamagat ng paksang
aralin.
“ Kohesyong Gramatikal “ ( Cohesive Device )
Anapora Katapora

C.Pagtalakay sa aralin

Ang kohesyong gramatikal ( cohesive device reference ) - ay mga (Pagtatawag at


salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit - ulit ang mga salita. pagpapabasa )
Ang cohesive devices na ito ay mga Panghalip. (Pagsali sa talakayan)
Ang Panghalip - ay mga salitang humahalili o pumapalit sa pangngalan
Hal.
- sila , siya, tayo, sila,at kaniya
- tao o hayop ang pinagu-usapan -ito, doon, dito, siya
- lugar/ hayop ang pinagu-usapan - ito , doon , dito
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-
ugnay ang pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o
referensya
2 uri
1. Anapora - Mga Panghalip na ginagamit sa Hulihan bilang panimula sa
pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap.(Pangngalan+Panghalip=Anapora)
Hal. -Sina Raja Sulayman at Andres Bonifacio ang mga bayaning
Filipino. Sila ay mga dakilang Manilenyo
- Si Rose ay maganda.Siya ay laging sumasali sa beauty contest sa
kanilang lugar.
- Tanyag ang lalawigan ng Zambales dahil sa mga produktong mabibili
rito tulad ng matatamis na mangga.
2. Katapora - Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan.(Panghalip+Panggalan=Katapora)
Hal . Siya ay palaging sumusunod sa tagubilin ng magulang kaya naman
hindi napapahamak si Ana.
- Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan
- Walang katulad ang ganda ng lugar na ito kaya patuloy na dinarayo
ng mga turista ang

Gabay na tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga panandang na Anapora at (pagsagot ng m ga mag-


Katapora? aaral ng posibleng
kasagutan)
2.Paano nakakatulong ang paggamit ng mga panandang anapora at
katapora ng panggalan sa pagkukuwento o pagsasalaysay?
3.Ano ang mas madalas ninyong magamit Anapora o Katapora?
4.Bakit Mas madalas niyo itong gamitin?
5.Sa inyong palagay,mas nagiging malinaw at maayos baa ng isang
pahayag kung gagamit ng panghalip?Bakit?

D.Pagpapalihan
 Collaborative activity

Pick & do it!

Panuto: Bumunot ng isang gawain at gawin ito kasama ang mga ka- (Pakikinig sa panuto ng
grupo. Gumamit ng mga panandang Anapora at Katapora sa mga gawain.)
pangungusap.
(Ipapaliwag ng guro ang gagawin ng mga mag-aaral.)

Mga gawain ( Differentiated Activities )

 Gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng mga dahilan , epekto at


solusyon sa kinakaharap nating mga probema sa ating lipunan ngayon.
Gumawa ng isang pagbabalita na naglalaman ng mga dahilan , epekto , at
solusyon sa pagkakaroon ng deskriminasyon sa lipunan.

Gumawa ng isang poster tungkol sa kawalan ng trabaho ng mga Pilipino.


Ilahad ang dahilan , epekto at solusyon nito.

Rubriks - pagbibigay ng marka sa mga nagsipag-ulat.Pwedeng Gumamit


ng emoji o kaya mga bilang 1-4 sa pagbibigay ng marka sa mga kaklase na
nagsipag-ulat. Ipaliwanag kung bakit iyon ang kanilang ibinigay na marka

Pagpapabunot ng guro sa Gawain (Pagbunot ng


representante ng bawat
grupo)
Narito ang holistikong pamantayan sa pagbibigay ng marka sa bawat
pangkat
Napakahusay Mahusay Medyo Paularin
Pamantayan mahusay
4
3 2 1
Kasingkahulugan (Prentasyon ng bawat
- Nailahad ng malinaw na ideya grupo.)
Nilalaman
- Lohikal ang presentasyon,
magkakaugnay ang mga konsepto
Paggamit ng Wika
- Wasto ang paggamit ng Gramatika

Kabuuan

E.Paglalapat

Panuto: Gumamit ng wastong panandang anapora at katapora ng panggalan


upang mabuo ang pangungusap sa bawat bilang.Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (Kukuha ng ika-apat na
1. Malaki-laki na ang magkapatid na Rosa at marta kaya isinama na
______ ng kanilang magulang sa probinsiya. bahagi ng papel at
2. __________ ang matalik kong kaibigan, si Nora. magsasagot)
3. ________ ay ginabi sa pag-uwi kaya hinanap na sina Maria, Rosa
at Nena ng kanilang mga magulang.
4. Pumunta ang magkaibigan sa lugar kung saan nagkaroon ng
sunog.Nagbigay _____ ng tulong sa mga biktima ng sunog.
5. Masaya si Rosa Tuwing ____ ay nagkukuwento ng kanyang
naging karanasan.

Sagot: sila, Siya, sila, sila, siya

F.Kasunduan
Story Review !
Gumawa ng story review
Gawin itong maganda at creative.
Mga dapat isulat sa story review - Petsa , pangalan ng tagasuri, pamagat ,
awtor, mga pangungusap/ pahayag na kohesyong gramatikal.( tukuyin kung ito
ay Anapora o Katapora )
G.Pagninilay
Tanong:

Ano ang mga dapat tandaan sa Anapora at Katapora sa pagbuo ng


pangungusap?

Inihanda ni:
Sarah Jane G.Camacho (App.Code= T1J-MON-2023 -0112)
Guro sa Filipino 7

You might also like