2nd Quarter Exam G7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Division of Camarines Norte
CAMARINES NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Daet

Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay
ito sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga SUMERIAN sa kabihasnang pandaigdig?


A. Sistema ng Pagsulat na tinatawag na cuneiform C. Mga seda at porselana
B. Ang pagtuklas ng pottery wheel D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal
system
2. Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang ilog Huang Ho na tinatawag na Yellow River. Ano ang
mahalagang ginagampanan ng nasabing ilog sa kabihasnang pandaigdig?
A. Sa taunang pagbaha ng ilog, nag- iiwan ito ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa
lupaing agrikutural.
B. Pangingisda ang naging pangunathing hanaptulaying tao
C. Naging tagpuan rig mg mangangalalal ang liog Huang Ho
D. Sa taunang pagbaha ng lilog, lalong guminhawa ang buhay ng mga Tsino
3. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
4. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon nig senitralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitentura
at sistema ng pagsulat
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
C. Kapag naging maayos ang parumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
5. Ano ang dalawang lumang lungsod ang umusbong sa Kabihasnang Indus?
A. Mhergah at Mesopotamia C. Tigris at Euphratis
B. Mohenjo Daro at Harappa D. Bombay at Calcutta
6. Alin sa mga sumusunod na katangian ang may kaugnayan sa sinaunang kabihasnan?
A. May mataas na antas ng teknolohiya
B. May kakayahan ang mga tao sa gawaing panlipunan
C. May kasanayan sa pagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumi
D. Pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.
7. Sa anong panahon ng ebolusyong kultural, umaasa ng malaki ang tao sa kanyang kapaligiran.
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng katangian ng pamumuhay ng Panahon Neolitiko?
A.Magagaspang na bato ang gamit na kasangkapan
B. Metal ang kanilang kagamitan bilang pansaka at sandata sa pakikidigma
C. Nadiskubre ang pagsasaka at pagpapaamo ng hayop
D.Nomadiko ang pamumuhay sa panahong ito
9. Sa anong panahon ng bato ang nagsilbing transisyon at patuloy ang pagbabago dahil sa pag-agapay sa
pagbabago ng kapaligiran?
A.Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng metal
10. Paano isinasagawa ang kowtow bilang pagpapakitang paggalang ng mga Tsino sa kanilang emperador?
A. Pagyuko sa emperador ng tatlong beses na ang noo ay humahalik sa semento
B. Pagpupugay sa emperador sa pamamagitan ng pagsaludo
C. Paghalik sa kamay ng emperador
D. Pagyuko at pagmamano sa kamay ng emperador
11. Bahagi ng paniniwalang Tsino na ang kanilang emperador ay tinatawag na Son of Heaven o "Anak ng
Langit", ano ang kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na mga nasasakupan.
B. Namumuno siya dahll pinili siya ng mga mamamavan
C. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga ng Diyos
D. Namumuno ang emperador batay sa kautusan na itinakda
12. Sino ang kinikilala ng mga Hapones na diyosa ng araw na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng
kanilang emperador?
A. Hwaning C. Izanagi
B. Amaterasu D. Manu
13. Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama no mga bahagi na
sinisimbolo ng Iba't Ibang Diyos, tinatawag slyang Devaraja na ang ibig sabihin ay
A. Diyos at hari C. Haring Diyos
B. Diyos at pari D. Paring Diyos
14. Kakatawanin mo ang lyong paaralan para sa Isang paligsahan ng debate ukol sa pilosopiya, paniniwala,
at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Anong gagawin mong paghahanda bago ang
paligsahan?
A. Gumawa ng outline ng Isyu,magsaliksik,at mag-aral sa posibleng rnga katanungan
B. Magsaliksik at sanayin na humarap sa karamihan
C. Magbasa, manood ng balita at maghanda
D. Magbasa at magsaliksik sa isyu
15. Sa China ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae tinatanggalan sila ng kuko, binabalian ng
buto sa daliri at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa. Ano ang Implikasyon nito sa kanilang
kultura?
A. Naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura
B. Naging batas na ng llpunan ang ganitong Gawain
C. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon
D. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito
16. Ano ang relasyon ng suttee o sati sa mababang pagtingin sa mga kababalhang Indian?
A. Itinuturing na mababang mlyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado ang kanilang mga
karapatan
B. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan
C. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno
D. Hindi pinagkalooban ang mga kababalhan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
17. Alin ang tamang pagkasunod-sunod sa sistemang caste
1. Brahmin
2. Vaisyas
3. Katriyas
4. Sudras

A. 1, 2, 3, 4 C. 1, 3, 2, 4
B. 2, 4, 1, 3 D. 3, 2, 1, 4
18. Ang mga sumusunod ay mga relihiyon sa Asya, alin sa mga sumusunod ang nagpapatupad ng
Brahmanismo.
A. Tsina C. Burma
B. India D. Cambodia
19. Kung ang Confucianismo ay nababatay sa pilosopiya sa estado, lipunan at pamilya, saan naman
nababatay ang paniniwala ng Taoismo
A. Virtues o pamamaraan ng pamumuhay. C. Pamamalakad ng pamahalaan
B. Reincarnation D. Batas
20. Kung ang Sinocentrism ay nangangahulugang sentro ng mundo, ang Khan ay nangangahulugang:
A. Universal Ruler C. Divine origin
B. Mandate of Heaven D. Cakravartin
21. Paqsunod-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnan ng Asyano ayon sa pangyayari.
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing.
2. Lumitaw ang neolitikong pamayanan sa Indus.
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ang namayagpag.
4. Ang kabihasnang Indo-Aryan ay nabuo noong 1500 BCE.
A. 1,2,3,4 C. 1,4,2,3
B. 1,2,4,3 D. 4,1,2,3
22. Ano ang kaibahan ng emperador sa karaniwang tao/ Tsino?
A. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno samantala ang tao ay
tagasunod.
B. Ang emperador ay maaring umabuso sa kapangyarihan samantalang ang tao ay hindi.
C. Ang emperador ay pinakamabuti sa lahat samantala ang tao ay maaaring makagawa ng masama.
D. Ang emperador ay pinagpala ng langit samantalang ang karaniwang) tao ay hindi pinagpala.   
23. Ano ang malaking kaugnayan ng sistemang cuneiform ng Sumerian sa sistemang calligraphy sa
kabihasnang Tsino.
A. Kaugnayan sa panulat. C. Kaugnayan sa paniniwala.
B. Kaugnayan sa teknolohlya. D. Kaugnayan sa pamahalaan.
24. Ang Caste system sa India ay ang pag uri-uri ng tao sa lipunan na may iba't- ibang antas. Sa
kasalukuyang panahon, ano ang maituturing na makabagong caste system.
A. Ang malaking agwat ng mayaman at mahlrap.
B. Ang hindi pantay na pagtanggap ng serbisyong pampubliko para sa mayaman at karaniwang
mamamayan.
C. Ang mayaman ay karaniwang may mataas na posisyon sa pamahalaan samantalang ang mahirap ay
karaniwang nasa katamtaman at mababang posisyon sa pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit.
25. Paano naiiba ang sistemang panrellhiyon ng kabihasnang Shang sa kabihasnang Sumer at Indus?
A. Nagsasagawa ang Hari ng Shang ng tungkuling panrellhlyon.
B. Tumutupad ang Harl ng Shang ang lampas sa itinatadhana ng simbahan.
C. Naniniwala ang Shang sa pang orakulo o paghuhula.
D. Ang pananampalataya ng Shang at batay sa maraming Diyos.
26. Ayon sa kasaysayan, halos lahat ng rellhlyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Alin sa mga sumusunod na
dahilan ang sumusuporta dito?
A. Dahil malnam ang Asya upang pag-usbungan ng Iba't Ibang paniniwala.
B. Dahil sa lawak ng teritoryong sakop ng Asya at damI ng taong naniniwala dito.
C. Dahil tagpuan Ito ng Iba't Ibang lahi sa mundo.
D. Dahll dito unang umusbong ang kabihasnan sa Asya.
27. Sa anong paniniwala nagkapareho ang pilosopiyang Taoismo at pilosopiya ng Shintoismo?
A. Paniniwala sa iisang Diyos C. Paniniwala sa pamilya
B. Paniniwala sa kalikasan D. Paniniwala sa estado.
28. Ano ang naging papel ng batas sa paniniwalang legalismo?
A. Dahil sa batas nagiging matatag ang tagasunod ng legalismo.
B. Lahat ng miyembro ng lipunan ay kumikilos at gumagawa ng mabuti at wasto.
C. Naisasakatuparan ang pagbatikos sa ibang pilosopiya.
D. Ito ang nagiging basehan ng paniniwalang legallsmo.
29. Kailan sinasabi na ang Isang tao ay kabilang sa isang pangkat etnolinggwistiko?
A. Pagkakapareho ng wika at pinanggalingan C. Pagkakapareho ng tradisyon at paniniwala
B. Pagkakapareho ng pag-unlad. ng kasaysayan D. Lahat ng nabanggit
30. Ang di-pagkain, di-pag-Inom at pagpigil sa seksuwal na relasyon ng mag-asawa ay paraan ng pag-
aayuno ng mga Muslim. Bakit ginagawa nila Ito?
A. Upang ipakita ang kanilang paniniwala sa buong mundo.
B. Upang ipagmalaki ang kakaibang paniniwala mayron sila.
C. Upang sumunod sa Limang Haligi ng Islam.
D. Upang ipasa sa mga henerasyon ang kanilang paniniwala.
31. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon. Naataasan ka ng iyong guro na mamuno
sa paglikha ng presentasyon sa ibat- Ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa
pagbuo ng nilalaman ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng rellhiyon, sino ang nagtatag,at saan naltatag
B. Kasaysayan ng relihiyon at mahalagang aral nito
C. Kasaysayan ng relihlyon, sino ang nagtatag at ang impluwensya nito sa bansa
D. Kasaysayan ng rellhiyon, mahalagang aral, impluwensya sa bansa at kalagayan nito sa kasalukuyang
panahon
32. Batay sa konsepto ng pag -aaral ng rellhlyon, ano ang pinakamahalagang aral / impluwensya na
naibigay nito sa mga tao?
A. Natutunan ng tao ang pagsamba sa isa o higit pang Diyos
B. Nakatulong ito sa pamumuhay ng tao
C. Itinuring nila na ang NINUNO ay kawaksi ng Diyos
D. Relihiyon ay isa saklaw ng pamahalaan
33. Sa India at batay sa relihiyong Hinduismo, Isang tradisyonal na paraan ukol sa pagpapatunay ng
pagmamahal sa asawarg lalaki ay dapat gawin ng asawang babae. Sa paanong paraan ito isinasagawa?
A. Sa paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan ng kanyang asawa.
B. Sa pag-asikaso sa mga naiwang anak.
C. Sa pagtugon sa pangangallangan ng asawang lalakl.
D. Sa pamamagitan ng pagtalon ng funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng asawang lalaki.
34. Paano ipinapakita sa Kodigo ni Hamurabi ang pagtrato sa mga kababalhan sa panahong Sumer?
A. Paglikha ng mga batas na magtataguyod sa maayos na kaugalian sa lipunan sa kanilang
nasasakupan.
B. Pagbibigay ng kalayaan sa kababaihan na magtrabaho sa ibang lugar
C. Pag- aalis sa kaugalian tulad ng suttee
D. Mababang pagtingin sa katayuan ng mga kababalhan
35. Ang gawaing ginagampanan ng mga babae sa lipunan noong unang panahon ay mangasiwa sa mga
kailangan ng pamilya sa loob ng tahanan. Alin ang nagpapakita sa kasalukuyang ginagampanang papel
ng kababaihan?
A. Pagsasanay sa mga gawaing pangkalalakihan.
B. Pagpuri sa kanilang ginampanang tungkulin sa lipunan.
C. Pagkakaloob ng karapatang disiplinahin ang mga anak.
D. Pagbibigay karapatan na lumahok sa pulitika.
36. Batay sa Batas ni Hammurabi sa panahon ng mga Babylonian ang pag-aasawa ay maituturing na isang
transaksiyong pananalapi. Ano ang ibig Ipahiwatig nito?
A. Ang babae ay nagbibigay dote sa kanyang napapangasawa.
B. Ang babae ay maituturing na bagay na maaaring Ikalakal.
C. Ang mga lalaki ay namimili ng mayayamang babae.
D. Ang mga babae ay nagiging suwail sa kanilang mga magulang
37. Sa India at batay sa relihiyong Hinduismo, isang tradisyonal na paraan ukol sa pagpapatunay ng
pagmamahal sa asawang lalaki ay dapat gawin ng asawang babae. Sa paanong paraan ito isinasagawa?
A. Sa paghingl ng tawad sa nagawang kasalanan ng kanyang asawa.
B. Sa pag-asikaso sa mga nalwang anak.
C. Sa pagtugon sa pangangallangan ng asawang lalaki.
D. Sa paramagitan ng pagtalon ng funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng asawang lalakl
38. Sinasabing ang mga kababaihan sa ngayon ay marunong ng humarap sa humon ng kasalukuyang
panahon. Ano ang manihinuha ino dito?
A. Marunong na makipaglaban ang tabae sa kanyang mga karapatan.
B. Mayroon ng kalayaan sa lahat.ng bagay.
C. Mas higit ang karapatan ng kababalhan kesa sa kalalakhan.
D. Mayroon ng pagbabago at pag-unlad sa karapatan ng mga kababalhan sa lipunan.
39. Paano pinapahalagahan ng mga Asyano ang Iba' Ibang kontribusyon na mga sinaunang lipunan at
komunidad sa Asya?
A. Pinapahalagahan Ito sa pamamagitan ng paggamit at pagpaunlad nito sa araw-araw na
pamumuhay.
B. Pinapahalagahan ito sa pamamagitan ng paglikom ng impormasyon nas may kinalaman sa
sinaunang lipunan.
C. Pinapahalagahan ito sa pamamagitan ng ga kolekslyon na kagamitan noong Sinaunang panahon.
D. Pinapapahalagahan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nakakatanda.
40. Bakit pinanatili ng mga Tsino ang ambag na sistema ng pagsulat ng kanilang kabihasnan?
A. Upang maipakita sa ibang Asyano na may sarill silang sistema ng pagsulat
B. Upang maipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang sisterna ng pagsulat
C. Upang madall ang pagpapahayag ng kanllang saloobin gamit ang sistema ng panulat.
D. Upang maipakita ang kanilang kagandahan sa pagsulat.
41. Paano nakatulong ang mga kontribusyon ng sinaunang lipunan sa pagbuo at paghubog ng
pagkakakilanlang Asyano?
A. Nakakatulong Ito sa pag-unlad ng kanilang kaalaman
B. Nakakatulong Ito sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kanllang ginawa.
C. Nakakatulong Ito upang pagyamanin ang kulturang Asyano
D. Nakakatulong ito upang Ipaalam ang pagiging Isang Asyano.
42.Paano nalinang ng mga bansang Asyano ang Ibat ibang ambag nila sa kabihasnan?
A. nalinang ito sa pamamagitan ng kanilang kagustuhan
B. nallnang ito sa pamamagitan ng kanllang pagkakalsa
C. nalinang ito sa pamamagitan ng kanilang tlyaga
D. nalinang ito sa pamnamagitan ng kanillang matatag na adhikain
43. Bilang Isang mag-aaral paano mo malpapakita ang kontribusyon ng Tsino sa Kabihasnan?
A. Itago sa loob ng aparador
B. Ipakita ito sa pamamagitan ng tradisyon gaya ng paputok, pagkain at iba pa
C. Sumayaw at umawit ng musikang Tsino
D. Pumunta sa Tsina at doon na manirahan
44. Isa sa apat na Noble Truth ng Buddhaism ay ang buhay at pagcurusa ay hindi mapaghiwalay. Ano ang
implikasyon nito sa ating buhay?
A. Bahagi ng buhay ng tao ay paghlhirap at pagdurusa
B. Hindi maalis ang paghihirap ng tao mula ng siya ay isilang
C. Ang paghihirap ay pwedeng takasan
D. Ang pagsisikap ay kaaklbat ng pagdurusa
45. Paano pinahalagahan ng mga Saliendras ang relihiyong Buddhismo?
A. Pagpapatayo ng Borobodor na pinalibutan ng estatwa ni Buddha
B. Ipinangalan sa kanila ang kabundukan
C. Naging sentro ng Sailindra ng kalakalan
D. Simbolo ng kanilang kapangyarihan
46. Bilang isang mag-aaral ng Kabihasnang Asyano, Ano ang maaari mony gawin upang ipakilala ang
kontribusyong Asyano sa Kabihasnan?
A. Gumawa ng clippings at I post ito sa facebook
B. Maglakbay sa mga bansa sa Asya
C. Gumawa ng isang advertisement na nagpapakita ng kayamanan no Asya
D. Tangkilikin ang mga produktong Asyano
47. Maaaring narinig mo na mula sa Isang gallt na tao ang mga katagang "Kakarmahin din siya balang araw"
o di kaya, "Makarma sana siya. Kapag Ito ay napakinggan , tila ba ang taong nagsasabi nito ay nais
mapahamak ang taong kaniyang pinagsabihan Marahil nakatatak sa isipan ng ibang mga tao na ang
karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit hindi ito ang tunay na diwa ng karma. Ang tunay na diwa ng
karma ay.
A. Ang ating gawain ay kasama natin maglakbay kahlt saan at kahit gaano kalayo man ang ating
marating sa buhay.
B. Ang paniniwala na ang gawang mabuti ay resulta ng mabuting gawa lamang sa kapwa.
C. Ang pagtugon sa rnasamang pangyayari sa kapwa ay produkto nang negatibong karanasan di sa
kapwa.
D. Ang mabuti at di-mabuting gawa at may katumbas na mabuti at di-mabuting resulta.
48. Paano ginagampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanllang tungkulin bilang lider sa Asya ?
A. Itinataguyod at Ipinapanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno.
B. Pinapalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababalhang pinuno sa kanilang bansa.
C. Pinapataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamumunuan.*
D. Bininigyan ng pagkakataon ang mga kababalhang may kakayahang manungkulan sa kanilang bansa.
49. Sa palagay mo, paano nabibigyan ng pantay na pagpapahalaga sa karapatan ang iga kababalhang
Asyano ?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay karapatan sa kababaihan na makilahok sa gawaing pampulitika.
B. Magtrabaho sa ibang bansa
C. Pagbibigay sa kanila ng kalayaan sa lahat aspekto tulad ng mga kalalakihan
D. Pagbibigay ng dote
50. Ano ang naging epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong png-ekonomiya at pampulitika ng mga taga Timog at Kanlurang
Asya.?
A. Naging tagapagtaguyod ng batas hingil sa pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan.
B. Naging instrumento ng pagpapatalsik sa mga masamang pinuno ng bansa
C. Naiparating nila ang mga kanilang karapatang ipinaglalaban hinggil sa anyo ng pang-aapi at
diskriminasyon
D. Lahat ng nabanggit

Inihanda nina:

JOHN EZRA A. PEREYRA


FLORDELIZA B. SIGUENZA
EMALYN MARAS
Mga guro sa Grade 7

Pinagtibay:

MA. LOURDES M. BALANE


Head Teacher AP
KEY TO CORRECTION

1. A 11. A 21. A 31. D 41. C


2. B 12. B 22. A 32. A 42. D
3. A 13. C 23. A 33. D 43. B
4. A 14. A 24. C 34. D 44. A
5. B 15. A 25. A 35. D 45. A
6. D 16. A 26. B 36. A 46. C
7. A 17. C 27. B 37. D 47. D
8. C 18. B 28. B 38. A 48. D
9. B 19. A 29. A 39. A 49. A
10. A 20. A 30. C 40. B 50. B

You might also like