Cot1 2021-2022

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI – Davao Region
Schools Division of Davao City
MAHAYAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Purok 1 Barangay Mahayag, Davao City

Office of the School Head

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


November 4, 2021

I. Mga Layunin

Most Essential Learning Competency: Napapahalagahan ang mga Kaisipang Asyano na


nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano. (AP7KSA-IIf- 1.9

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang iba’t ibang Kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano;

b. Nasusuri ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng


sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano;

c. Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog


ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Asyano.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Mga Paniniwala at Kaisipang Asyano
B. Mga Kagamitan: Module Q2-M4, Laptop, Internet
C. Mga Sanggunian: Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Paniniwala at
Kaisipang Asyano (Unang Edisyon, 2020)
D. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao,
Valuing – Current Events/Pandemya
E. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at Kooperasyon
F. Mga Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED LEARNING,
EXPLICIT TEACHING

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagtala ng Liban
 Balik-aral

Paggamit ng Laro “Tukuyin Mo!”


Paggamit ng Laro “Tukuyin Mo!”
Panuto: Tukuyin ang mga pangunahing ilog sa mapa na may malaking
ambag sa paglago ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang.

 Pagganyak:
Paggamit ng ICT
Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
Video Presentation

https://www.youtube.com/watch?v=9Kgx4menH_o

Itanong sa klase:
1. Tungkol saan ang video presentation?
2. Ano-ano ang mga kulturang asyano ang patuloy paring
ginagawa sa kasalukuyang panahon?

B. Panlinang na Gawain (4 A’s)

1. Activity: Picture Presentation


Panuto: Tukuyin ang mga larawan at kung saang bansa ito nagmula.
abacus/Tsina sushi/Japan epiko/India
Itanong sa klase:
1.Tukuyin ang mga sumusunod na larawan.
2. Saang mga bansa nagmula ang mga ito?
3. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa iyo bilang isang Pilipino?

Pagtalakay sa napapanahong issue/Current Events/Valuing


Itanong sa klase:
4. Ano ang mga kulturang naging popular sa panahon ng
pandemya?

2. Analysis
Panuto: Paggamit ng laro “Ano ang Nawawalang Titik?”
Malayang Talakayan

Mga Kaisipang Asyano


Sin_c_ntr_sm ng China
“m_nd_te of h_av_n”
D_vine Or_gin ng Emperor sa Japan
D_v_ra_a at C_krav_rt_n ng India at Timog Silangang Asya

Panuto: Mag-THUMBS UP kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang


impormasyon at THUMBS DOWN naman kung mali.

1. Ang kabihasnang Tsino ay isa sa mga pinagmulan ng mga kaisipang Asyano


lalo na sa larangan ng pilosopiya, pamamahala at imbensiyon. THUMBS UP

2. Ang SINOCENTRISM ay ang paniniwala ng mga elitistang tsino noong QUING


DYNASTY na ang China ang sentro ng mundo. Sa kanilang paningin, ang
kanilang bansa ang nangunguna sa halos lahat ng larangan at higit na angat
kung ikukumpara sa ibang tao at lupain. THUMBS UP

3. Naniniwala ang India na ang mga isla nila ay lupa ng mga diyos dahil nabuo o
inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si IZANAGI at kanilang
Diyosa na si IZANAMI na naging bunga ay si AMATERASU-OMI-KAMI na
kinilala ng mga Hapones na diyosa ng araw o SUN GODDESS. THUMBS DOWN

4. Ang kaisipang cakravartin ng India ay tumutukoy sa pagkilala na ang kanilang


diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng diyos ng
araw, buwan, apoy, tubig, hangin, kayamanan at kamatayan. THUMBS DOWN

5. Sa paniniwala ng India, itinuturing ng mga tao na ang isang hari na


cakravartin ay isang buhay na imahe ng diyos na namumuno sa kanilang
lipunan. THUMBS UP

3. Abstraction
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung anong kaisipang Asyano ang
tinutukoy at batayan ng pinagmulan ng kaisipang
ito.
Pangkat 2
Panuto: Tukuyin at isulat ang mga katangiang pagkakakilanlan ng
bawat kaisipang Asyano.

Pangkat 3
Panuto: Tukuyin at isulat ang mga impluwensya sa lipunan ng mga
kaisipang Asyano sa kasalukuyang panahon.

Ang bawat pangkat ay may 15 minuto para sa paghahanda at (3) tatlong


minuto para sa presentasyon. Bibigyan ng puntos ang bawat pangkat gamit ang
rubriks.
4. Application
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano kaya ang mga naging impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa


kalagayang panlipunan at kulutra sa Asya noon at sa
kasalukuyang panahon na marami ng mga problemang kinakaharap sa
henerasyon ngayon at sa darating pa?

2. Bilang isang mag-aaral sa inyong henerasyon, nakakatulong kaya ang


inyong mga natutunan tungkol sa mga kaisipang Asyano sa
paghubog ng iyong pagkatao o kung sino kayo? Ipaliwaang ito kung
bakit?

C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang mga konseptong natutunan ko mula sa aralin ay_______________.


2. Ang mga mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa
aralin ay _____________________________.
3. Ang mga impormasyon na gusto kong subukan mula sa aking
natutuhan sa aralin ay _______________________________.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang hinihingi ng bawat
pangungusap.
________1. Sa kaisipang Tsino, ito ay ang salitang Tsino na ang ibig ipagpakahulugan ay
“Gitnang Kaharian”.
________2. Sa kaisipang Hapon, siya ang itinuturing ng mga Hapones na diyos ng araw.
________3-4. Sila ang diyos at diyosa na nagbigay bunga sa bansang Japan.
________5. Ito ay ang kaisipang Asyano na sinasabing ang pinuno ay hindi maaaring
palitan o tanggalan ng tungkuling mamuno.

V. Karagdagang Gawain/Takdang Aralin


Panuto: Magsaliksik o magtanong tungkol sa mga kaisipan na ginagamit, sinusunod o
nakasanayan sa inyong bawat komunidad sa inyong lolo’t lola o hindi
kaya sa inyong mga magulang. Isulat ang mga nakabubuti at di
nakabubuting epekto nito sa paghubog ng inyong komunidad o sa paghubog bilang
tao. Isulat ninyo ang inyong mga kasagutan sa isang sagutang papel.

Prepared by: Observed by:

MARY CHRISTELLE SABAN-AVILA NICK B. JAMISOLA


SST 1 School Head

You might also like