Activity Sheets

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 8


Panitikan sa Panahon ng Katutubong Pilipino (Karunungang Bayan)
Pangalan : ______________________________________
Baitang: 8___________________________________
Seksyon: ______________________________________
Petsa: Oktubre 5-9,2020

A. Background Information for Learners


Ang araling ito ay naglalayong makapaglinang ng sariling kakayahan na
makapagbibigay-kahulugan sa mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na
ginamit sa iba’t ibang uri ng panitikan gaya ng tula, balagtasan, alamat, maikling
kwento,at epiko ayon sa kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


matutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karunungang-bayan;
masusuri kung saan nabibilang ang mga halimbawa ng karunungang-bayan;
maiuugnay ang kaisipan ng karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan; at
mapapahalagahan ang karunungang- bayan na ipinagmamalaki ng bansa
B. .Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (MELC1-F8PB-ia-c-22)
C. Direksyon/Instraksyon
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Unawaing mabuti ang mga pangyayari.


2. Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
3. Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
4. Gamitin nang maayos ang Learning Activity Sheets .
5. Itala ang inyong puntos sa bawat aktibiti.
6. Hangarin na makakuha ng 80% sa kabuoang bilang ng aytem.
7. Kung may katanungan, tumawag, o makipag-ugnayan sa inyong guro sa
pamamagitan ng messenger or text.

D. Eksersayses / Aktibitis

UNANG ARAW
D.1 PANIMULA

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

a. Ano ang Dapat kong Malaman

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


1.Matutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karunungang-bayan;
2.Masusuri kung saan nabibilang ang mga halimbawa ng karunungang-bayan;
3.Maiuugnay ang kaisipan ng karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan; at
mapapahalagahan ang karunungang- bayan na ipinagmamalaki ng bansa

b. Anong Bago?

Aktibiti 1: “Paunang Pagtataya”


Pagsasanay 1: WikaRambulan
Isusulat ng mga mag- aaral ang salitang inilalarawan ng bawat pangungusap sa
pamamagitan ng pagbuo ng salitang nakasalangguhit.
Halimbawa: Ito ay ang uri ng panitikang nagsisilbing daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nabibilang sa kultura ng isang lahi,tribo o bayan.
car oh no Ngang buy Anne- karunungang bayan

1. Ito ay pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan.


vogue tongue -______________
2. Ito ay mga tambal na salita o parirala na patalinghagang pagpapahayag ng ideya.
saw ee cain -_______________ 3. Ito ay karaniwang
nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
zoo la wee cain -_______________ 4. Ito ay nagbibigay
ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa pang araw- araw na gawain, kilos o
desisyon sa buhay. ca savvy hen -________________
5. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. zoo cat -
________________

Iskor:
Pagsasanay 2: Ano ang Pipiliin ko?
Pipili ang mga mag- aaral ng larawan na maaaring sumagot sa bawat pahayag. Ilalagay
nila ang letra ng tamang sagot sa patlang. (Modyul: Subukin p.2)
Halimbawa: D Isang hukbo ng sundalo, dikit- dikit ang mga ulo.

____1.Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

____2. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.


____3.Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako.
____4.Bumili ako ng alipin,mas mataas pa sa akin.
____5.Isang prinsesa nakaupo sa tasa.

A. kasoy B. langka C. sili D. walis E. sumbrero F. aso

Pagsasanay 3: HULArawan
Sa tulong ng pinaghalong letra at larawan, isusulat ng mga mag-aaral ang bagong
salitang kanilang nabuo at ang maaaring maging kahulugan nito.

Halimbawa: taingang kawali


nagbibingi- bingihan

____________1.
____________

____________2. may
____________

____________3.
____________

____________4.
____________

3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

____________5.
____________

Iskor:

Pagsasanay 4: Anong Kulang?


Pupunan ng mga mag- aaral ng tamang salita ang patlang para makabuo ng pahayag.
(Modyul: Subukin p. 2)
Halimbawa: Kung may tiyaga, may nilaga .

1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ________, minsan nasa ilalim.
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang ________.
3. Kuwarta na naging ________ pa.
4. Madali ang maging tao, mahirap ang _________.
5. Daig ng maagap ang _________.

Iskor:
D.2 PAGPAPAUNLAD

a. Anong Alam Ko Na?

Pagsasanay 5: Q & A
Sa tulong ng myembro ng kanilang pamilya, huhulaan ng mga mag- aaral ang pamagat ng
pelikulang Pilipino na may temang Q&A sa Showtime.

1. I believe ito’y pelikula ni FPJ. I believe ito’y may kinalaman sa isang bagay. I believe
ito’y mahirap pasukin and I believe ang pamagat ng pelikulang ito ay ____________.
2. I believe ito’y maaaring almusal o meryenda, I believe ito’y pagkaing Pinoy. I believe
kahit saang panaderya ay mayroon nito and I believe ang pamagat ng pelikulang ito ay
____________.
3. I believe ito’y bahagi ng katawan ng isang tao. I believe ito’y palaging naririnig sa
matatanda. I believe ito’y may kinalaman sa damdamin ng isang tao and I believe ang
pamagat ng pelikulang ito ay ____________.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape


Kahit Butas ng Karayom, Papasukin Ko
Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

Iskor:

Pagsasanay 6: Itala sa Tama


Itatala ng mga mag- aaral ang pahayag sa tamang kolum kung saan ito nabibilang.

1. Nasa Diyos ang awa, 4. bahag ang buntot


Nasa tao ang gawa.
2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo
nasa loob ang kulo.
3. Ang magtanim ng hangin, 6. Ubos-ubos biyaya,
bagyo ang aanihin. bukas nakatunganga.

Sawikain Salawikain Kasabihan

Iskor:

5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Pagsasanay 7: Anong Ibig Sabihin?


Uunawain ng mga mag- aaral ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang maaaring
maging kahulugan nito.

Karunungang- bayan Kahulugan

malayo sa bituka

Taong nanunuyo,
dala- dala’y bukayo.

Malakas ang loob,


mahina ang tuhod.

Pagsasanay 8: Suriin at Piliin


Susuriin ng mga mag- aaral kung anong uri ng karunungang-bayan ang mga pahayag at
pagkatapos ay pipiliin ang kahulugan nito sa mga salita sa biluhaba. Isusulat nila ang sagot
sa mga nakalaang kahon sa dayagram. (Pagyamanin p.8)
1. Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.
2. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib .
3. anak-pawis
4. Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
5. makati ang dila
6. Kung may dilim, may liwanag.

6
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Pagsasanay 9: IVENNliwanag Mo
Batay sa nakalap na impormasyon, isusulat ng mga mag- aaral ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan sa pamamagitan ng Venn Diagram.
Maaari rin silang humingi ng karagdagang impormasyon sa kanilang kapamilya upang mas
mapalawak pa ang kanilang sagot.

Iskor:

A. Kasabihan B. Salawikain

D. Pagkakatulad ng
Tatlo
C. Sawikain

Iskor:

D.3 PAGPAPALIHAN
a. What is more?

Pagsasanay 10: It’s Showtime!


Ang mga mag- aaral ay gagawin ang mga sumusunod na gawain sa hiwalay na papel at
ipapasa kasabay ng modyul.

A. Ready, Lets, GUHIT!


Ang mag- aaral ay guguhit ng isang pangyayari sa kanyang personal na buhay na
nagpapakita ng isa sa mga kaisipan ng mga sumusunod na karunungang bayan:

 Kung may tiyaga, may nilaga.


 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

 Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.

B. KWENTOmazing
Ang mag- aaral ay bubuo ng isang kwentong hango sa kanyang buhay pampamilya at
iuugnay ito sa isa sa mga sumusunod na karunungang bayan:

 Anak na di-paluhain, ina ang patatangisin


 Kung ano ang puno, siya ang bunga.
 Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.

C. MensahAWIT
Ang mag- aaral ay susuriin ang awiting “Kanlungan” ni Noel Cabangon sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng mensahe nito sa kaisipan ng alam nilang karunungang- bayan.
Kanlungan ni Noel Cabangon
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula.

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman

8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Ay kabiyak ng ating gunita


Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Pana-panahon ang pagkakataon


Maibabalik ba ang kahapon?

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Kaangkupan at Pagkakalahad ng Gawain 50%

Kaugnayan sa Karunungang Bayan 25%

Pagkamalikhain 25%

Kabuuan 100%

D4. PAGLILIPAT

Pagsasanay 11: Kaya ko!


Susuriin ng mga mag- aaral ang mga pangungusap kung ito ay kasabihan, salawikain o
sawikain. Isusulat nila ang sagot sa patlang na matatagpuan sa modyul. (Tayahin: p. 1
Pagsasanay 12: Ako Naman!

Bubuo ang mga mag- aaral ng isang kampanya na nagsasaad ng mga paraan kung paano
mapapahalagahan at maipapasa ang mga karunungang- bayan sa susunod pang saling-
lahi.

9
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Kaangkupan sa Paksa 10

Kalinawan 5

Kaayusan 5

Kabuuan 20

Repleksiyon

Pagsasanay 13: Ang Aking Kabatiran


Hihingin ang opinyon ng mag- aaral tungkol sa naging talakayan sa pamamagitan ng
pagbuo ng sumusunod na ideya. Isusulat nila ang kanilang sagot sa kanilang reflection
journal.

Naniniwala ako na mahalagang matutunan ang


karunungang-bayan sapagkat ______________________
_______________________________________________

Sa pamamagitan ng karunungang- bayan, naging malinaw


sa akin na ______________________________________
_______________________________________________
kaya __________________________________________.

E. Sanggunian ng mga Mag-aaral


Panitikan sa Panahon ng katutubong Pilipino, pahina 1-2

Inihanda ni:
JOSEPHINE D. MENDOZA
Dalubguro I

Binigyang pansin:

JOCELYN R. UMALI
Puno VI, Kagawaran ng Filipino

10
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Pinagtibay:

APRILITO C. DE GUZMAN, Ed. D.


Punongguro IV

11

You might also like