Qa For Printing Las1 Grade 8 Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
8
REHIYON V
SANGAY NG SORSOGON
BULUSAN HIGH SCHOOL
BULUSAN, SORSOGON

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO

Kwarter 1 – Bilang _1_

PAKSA: Kaisipan at Pananaw sa Akda


BATAYAN: Filipino 8 Kwarter 1- Modyul 1 : Karunungang-Bayan
Bakas ng Lumipas

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)

II. SUSING KONSEPTO

Magandang araw! Kumusta ka na?


Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan! Salamat sa pagtanggap mo sa unang
aralin natin ngayon nasa ikawalong baitang ka na. Tara! Magsimula tayong matuto..
Sa gawaing ito, makikilala mo ang mga karunungang-bayan na iuugnay mo sa tunay na
pangayayari sa kasalukuyan ang mahahalagang kaisipan na nakapaloob dito.
Handa ka na ba?

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang


mga Espanyol ay ang salawikain, sawikain, kasabihan at bugtong.
Ang salawikain ay karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Ito ay nasa
anyong patula kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod:
 Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
 Kapag may itinanim, may aanihin

Samantala, ang sawikain o kawikaan naman ay isang paraan ng pagsasalita na hindi


gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ito ay mga salitang
eupemistiko, patayutay o idiomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
 Malayo sa bituka – hindi malubha ang pinsala
 Itaga mo sa bato – tandaan

1
Ang kasabihan ay iba sa sawikain sa dahilang ito ay hindi gumagamit ng mga
talinghaga. Payak ang kahulugan at kadalasang maririnig sa pang-araw araw na
pakikipagtalastasan. Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod :
 Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
 Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
 Kung may isinuksok, may madudukot

Ang bugtong ay isang pahulaan na may sukat at tugma. Ito ay madalas na ginagamit sa
paglilibang. Halimbawa ng bugtong ang mga sumusunod:
Bugtong: Kung tawagin sila “santo” hindi naman milagroso.
Sagot : santol

Bugtong: Huminto ng pawalan, lumakad ng talian.


Sagot: sapatos

III. MGA GAWAIN


A. Pagsanayan Mo

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang`mga nasa loob ng kahon. Ibigay ang
mahahalagang kaisipan nakapaloob dito at iugnay sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Habang maiksi ang kumot Ang lumakad nang matulin,


matutong mamaluktot. Kung matinik ay malalim

1. Alin sa dalawa ang mahalagang kaisipang nais iparating ng nasa loob ng unang kahon?

a. Kapag maiksi ang kumot ibaluktot ang paa.


b. Makontento kung ano ang nasa iyo.

2. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang kaisipang nais ipahiwatig ng nasa loob ng
pangalawang kahon?

a. Kapag mabilis lumakad, mas malalim ang magiging sugat sa paa.


b. Ang taong padalus-dalos ay madalas na nagkakamali sa kanyang desisyon.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang angkop na
mahalagang kaisipan na isinasaad ng mga karunungang-bayan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Kapag lumakad nang matulin, 3. Kapag may itinanim,
kung matinik ay malalim. 2. Ang bangang maingay, May aanihin.
tiyak na walang laman.

2
Mga Pagpipilian:
a. Noong nakalipas na buwan nagtanim ang mga tao dahil sa pandemya kaya ngayon ay
may napagkukunan na sila ng makakain.

b. Nagmadali siyang abutin ang pangarap kaya mabilis din ang pagbagsak niya.

c. Kapag masyadong madaldal sa klase madalas na hindi napakikinggan ang sinasabi ng


guro kaya hindi alam ang gagawin

Pagsasanay 3

Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na mga larawan. Piliin mula sa kahon ang
karunungang bayan na tinutukoy sa bawat larawan. Tukuyin din ang mahalagang kaisipan o
aral na itinuturo ng karunungang bayan at magsalaysay ng isang sitwasyon o pangyayari sa
iyong buhay na may kaugnayan dito. Sundin ang pormat sa ibaba at Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

1.
2.

4.

3
5.

Mga Pagpipilian:

a. Ang oras ay ginto e. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.


b. Pag may itinanim, may aanihin. f. Anak na di paluin, ina ang paluluhain.
c. Pagkahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
d. Ang pagsasabi ng tapat, Pagsasama nang maluwat.

1. Karunungang-bayan: _____________________________________________
Mahalagang kaisipan: ____________________________________________
Pag-uugnay sa pangyayari sa tunay na buhay: ________________________

2. Karunungang-bayan: _____________________________________________
Mahalagang kaisipan: ____________________________________________
Pag-uugnay sa pangyayari sa tunay na buhay: ________________________

3. Karunungang-bayan: _____________________________________________
Mahalagang kaisipan: ____________________________________________
Pag-uugnay sa pangyayari sa tunay na buhay: ________________________

4. Karunungang-bayan: _____________________________________________
Mahalagang kaisipan: ____________________________________________
Pag-uugnay sa pangyayari sa tunay na
buhay:

________________________

5. Karunungang-bayan: _____________________________________________
Mahalagang kaisipan: ____________________________________________
Pag-uugnay sa pangyayari sa tunay na buhay: ________________________

4
B. Patataya

Patataya 1

Panuto: Pumili ng isa sa mga karunungang- bayan na tinalakay sa araling ito at


magsalaysay ng isang pangyayari sa iyong buhay na may kaugnayan dito. Ikwento ang tunay
na nangyari. Isulat ang iyong kwento sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang rubrik sa
pagpupuntos sa iyong pagsusulat.

Karunungang-bayan: ________________________________
Pagkukuwento:

Patataya 2

Panuto: Maglahad ng pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan na may


kaugnayan sa isa sa mga karunungang-bayan na natutunan. Isulat ang iyong kwento sa
iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang rubrik sa pagpupuntos sa iyong pagsusulat.

Karunungang-bayan:________________________________
Pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan:

5
IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Para sa Pagsasanay 3; Pagtataya 1 at 2

Pamantayan Puntos
Naiugnay ang mahalagang kaisipan 4
Pangyayari sa buhay 2
Gumamit ng karunungang-bayan 4
Kabuoan 10

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

1. b 1. b. Nagmadali siyang abutin ang pangarap kaya mabilis din ang


2. b pagbagsak niya.

2.
c. Kapag masyadong madaldal sa klase madalas na hindi
napakikinggan ang sinasabi ng guro kaya hindi alam ang gagawin.
3. a. Noong nakalipas na buwan nagtanim ang mga tao dahil sa
pandemya kaya ngayon ay may napagkukunan na sila ng makakain.
Pagsasanay 3
Ang sagot ng mag-aaral ay babasahin at iwawasto ng guro gamit ang rubrik sa pagpupuntos.

Pagtataya 1 at 2
Iwawasto ng guro ang naging kasagutan ng mga mag-aaral gamit ang rubrik sa
pagpupuntos.

VI. PAGNINILAY

Panuto: Isulat ang iyong reaksiyon kaugnay sa aralin. Punuan ang patlang sa ibaba, isulat sa
iyong sagutang papel.

Sa araling ito, natutuhan ko ang _______________________________________________


______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

VII. SANGGUNIAN

Bola, Asuncion B. Filipino 8 Kwarter 1 – Modyul 1: KARUNUNGANG-BAYAN BAKAS NG


LUMIPAS, Regional Center Site, Rawis Legazpi City.

Inihanda ni: ROMMEL E. GABITAN


TI
6
Tiniyak ang Kalidad ni: JOAN G. MARCOS
MT I

You might also like