IDEA-PLAN-F2F EsP Q4 WK 2 Day 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

School Padre Imo Luna MES Grade Level Grade 2

LESSON Teacher Jhona A. Punzalan Learning Area EsP 2


EXEMPLAR Teaching Date April 18, 2022 Quarter Ikaapat na
Markahan
Teaching Time No. of Days
7:25-8:10 Tatlong araw

(Day 1)
I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng likha at
mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos
B. Performance Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap at
Standards nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon
C. Learning Nakapagdarasal nang may pagpapasalamat sa mga biyayang tinanggap, tinatanggap
Competencies or at tatanggapin mula sa Diyos
Objectives
D. Most Essential Nakapagpapakita ng Pasasalamat sa mga Biyayang Bigay ng Diyos
Learning
Competencies (MELC)
(If available, write the
indicated MELC)
E. Enabling
Competencies
(If available, write the
attached enabling
competencies)
II. CONTENT Pagpapakita ng Pasasalamat sa mga Biyayang Bigay ng Diyos
III. LEARNING RESOURCES
A. References
a. Teacher’s Guide MELC EsP2 G2 Q4, PIVOT 4A BOW p. Curriculum Guide: page 38
EsP 2 Unit 4
Patnubay ng Guro EsP2 p.
b. Learner’s Material PIVOT4A LM Q4 EsP2 pp. 7-20
Pages
c. Textbook Pages Edukasyon sa Pagpapakatao 2 pp.231-248

d. Additional Materials
from Learning
Resource (LR)

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

B. List of Learning
Resources for
Development and
Engagement Activities
IV.PROCEDURES
A. Introduction Balik-aral:
(Panimula) Nagpapasalamat ka ba sa mga tao o kaibigan kapag may natatanggap ka
mula sa kanila?

ALAMIN
Narasanan mo na bang magpasalamat sa Diyos? Sa papaanong paraan?
Kailangan ba nating magpasalamat sa Diyos?

SURIIN

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang mga dapat gawin upang


maipakita ang pasasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos.
Maraming mga biyayang ibinibigay sa atin ang Diyos. Dapat nating
pasalamatan ang Diyos sa lahat ng kaniyang nilikha at sa mga biyayang
ipinagkaloob Niya sa atin. Kaya nararapat lang na ingatan, pahalagahan at
ipagpasalamat ang mga ito.

B. Development SUBUKIN
( Pagpapaunlad )
Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. Ano ang mga nakikita mo? Ang mga
ito ba ay biyayang bigay ng Diyos? Nagpapakita ba ang mga ito ng
pagpapasalamat sa mga biyaya ng Diyos?

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

TUKLASIN

Si Ron ang Batang Mapagpasalamat


Ni Joymae De Raya Ramos

Sabado ng gabi, oras na para matulog si Ron, bago siya humiga ay umupo
muna siya sa higaan, pinagdikit ang palad at nagdasal. “Panginoon, maraming
salamat po sa buong araw na ibinigay mo sa akin at sa aking pamliya. Salamat
din po sa mga biyaya at pag-iingat ninyo sa amin. Amen”. Ito ang kaniyang
panalangin bago matulog.
Kinabukasan, maagang nagising si Ron, bago tuluyang bumangon ay
naupo muna siya sa kaniyang higaan, pinagdikit ang palad at nagdasal.
“Panginoon, maraming salamat po sa pag-iingat ninyo sa amin buong gabi.
Amen”
Tumuloy siya sa kusina at nasorpresa si Ron sa kaniyang nakita sa kusina,
ang daming pagkain at may cake pa. “Maligayang kaarawan Ron,” ang bati sa
kaniya ng kaniyang ate Yeziah. “Maraming salamat ate,” ang tugon niya.
“Maligayang kaarawan!” bati ng tatay at nanay ni Ron. “Maraming salamat
po tatay at nanay,” sabay yakap niya sa kaniyang magulang.
Bago kumain ay muling nagdasal si Ron. “Panginoon maraming salamat
po sa pagkaing kaloob mo, salamat po sa muling pagsapit ng aking kaarawan.
Amen.” At masaya nilang
pinagsaluhan ang handa.

PAGYAMANIN:

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

_____1. Sino ang bata sa kuwento?


A. Ron B. Roni C. Ronald
_____2. Ano ang kaniyang ginawa bago matulog?
Siya ay __________.
A. naglaro B. nanood ng telebisyon C. nanalangin
_____3. Ano ang kaniyang panalangin bago matulog?
A. Nagpasalamat siya sa buong araw na ibinigay ng Diyos sa
kaniya at sa kaniyang pamilya.
B. Humingi siya ng maraming regalo para sa kaniyang kaarawan.
C. Humiling siya ng maraming handa sa kaniyang kaarawan.
______4. Ano ang kaniyang ginawa pagkagising?
A. nanalangin
B. Naghahanap ng kaniyang nanay
C. nag-ayos ng kaniyang higaan
5. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang panalanging pasasalamat ni Ron?
Bakit?
A. Opo, para makatulog na siya.
B. Opo, para di siya mapagalitan ng kaniyang nanay.
C. Opo, dahil ito ay nagpapakita ng pasasalamat sa bibiyang bigay ng Diyos.

C. Engagement ISAGAWA
( Pakikipagpalihan ) Tingnan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang larawan na nagpapakita ng
pasasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Napansin mong namumulaklak na ang tanim na halaman ng iyong Nanay.
Ano ang dapat mong gawin?

2. Pinasalubungan ka ng tatay mo ng laruan. Ano ang dapat mong gawin?

3. Maraming pagkaing nakahain sa mesa para sa inyong tanghalian. Ano ang


dapat gawin ng iyong pamilya?

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

4. Umalis ang nanay mo at inutusan ka na alagaan at bantayan ang nakababata


mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

5. Katatapos lang maglaba ng nanay mo. Napansin mong makalat ang loob ng
bahay ninyo. Ano ang dapat mong gawin?

LINANGIN
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang dapat mong gawin upang
maipakita ang pagbibigay pasasalamat at halaga sa mga biyayang bigay ng
Diyos. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang alaga niyang aso.
A. Hindi ko na lang papansinin.
B. Papakainin ko ang alaga niyang aso.
C. Papakawalan ko na lang para makakain ang aso.
2. Binilhan ka ng bagong krayola ng nanay mo.
A.Iinggitin ko ang ibang bata .
B. Iingatan ko at titipirin ang krayola.
C.Gagamitin ko kaagad para maibili ako ng bago.
3. Marami kang pinagliitang damit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatago ko sa aparador.
B. Isasama sa patapong basura.

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

C. Ipapamigay sa mga nangangailangan.


4. Papasok ka na sa inyong silid-aralan. Nasa may pinto ka nang mapansin
mong nasa likod ang kamag-aral mong may kapansanan at nahihirapan siyang
lumakad papunta sa silid-aralan.
A. Aalokin ko siya ng tulong na alalayan sa pagpasok sa silid-aralan.
B. Hindi ko na lang siya papansinin upang hindi siya mahiya.
C. Bibilisan ko ang pagpasok sa silid-aralan.
5. Pagtakapos gawin ang takdang aralin, nakaramdam ka ng antok.
A. Aayusin ko muna ang mga gamit ko bago pumunta sa kuwarto at
magdarasal bago matulog.
B. Pupunta na ako sa kuwarto at iiwanan ko ang mga gamit ko.
C. Matutulog na lang ako sa sala set.

IANGKOP

Isipin ang mga biyayang tinanggap mo sa araw-araw na dapat mong


ipagpasalamat sa Diyos. Magtala o magbigay ng lima at isulat sa iyong
sagutang papel.
1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
D. Assimilation ISAISIP
(Paglalapat) TANDAAN
Maraming mga biyayang ibinibigay sa atin ang Diyos. Dapat nating
pasalamatan ang Diyos sa lahat ng kaniyang nilikha at sa mga biyayang
ipinagkaloob Niya sa atin. Kaya nararapat lang na ingatan, pahalagahan at
ipagpasalamat ang mga ito.

TAYAHIN
Sa iyong sagutang papel, isulat ang Tama, kung ito ay nagpapakita ng

____________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JOSE DISTRICT
__BATANGAS

pasasalamat sa biyayang bigay ng Diyos at Mali kung hindi.


_______1. Ipinamimigay ko sa kapwa ko bata ang aking mga laruan na hindi
ko na nagagamit.
_______2. Iniiwasan ko ang mga aso at pusa na pagala-gala sa bahay namin.
_______3. Nagbibigay ako ng pagkain sa kalaro kong walang pagkain.
_______4. Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.
_______5. Inaapakan ko ang halámang tanim ng aming kapit-bahay.

V. REFLECTION I understand that __________________________________________.


I realize that _____________________________________________.

Prepared by: Checked by:

JHONA A. PUNZALAN MARITES M. KALALO


Teacher III Master Teacher I

____________________________________________________________________________________________

You might also like