Esp 8 Modyul 1 (3rd Quarter)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Grade8 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatatlong Marka, Ika – Unang Linggo – Modyul 1


SY 2021 – 2022

Teacher: RAIHANA G. MACARAMBON


Contact No: 09504880083

Aralin Pasasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa


1

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain.Sa tulong-aral
na ito, ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang mag-aaral, ikaw ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

MGA INAASAHAN

Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at


mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

Layunin:

Sa modyul na ito , inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman:

a. Nahihinuha ang konsepto ng pasasalamat;

b. naipapahayag ang damdamin hinggil sa biyayang natanggap mula sa


kabutihang-
loob ng kapwa; at
c. nasusuri ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at
mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

Aralin:

Bahagi ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong nakagagawa


sa atin ng kabutihan. Mahalaga na isipin ang magandang nagagawa nito sa sarili lalo na
sa mga taong dapat paglaanan ng pasasalamat. Mahalaga rin na malaman ng tao kung
kanino tunay na nagmumula ang mga biyayang natatanggap.

Bilang Pilipino, ang birtud na ito ay isa sa mga katangiang binibigyan ng lubos
na pagpapahalaga dahil kinikilala ang kabutihan ng kapwa lalo na sa oras ng
pangangailangan. Binibigyang-pansin na ang mga biyayang natatanggap ay dahil sa
pagmamalasakit sa kapwa.

Ano nga ba ang pasasalamat?

PASASALAMAT

Nagmula sa salitang latin na gratus Ang pasasalamat ay gawi ng isang


(nakalulugod), gratia (pagtatangi o taong mapagpasalamat; ang pagiging
kabutihan) at gratis (libre o walang handa sa pagpapamalas ng
bayad). pagpapahalaga sa taong gumawa sa
kaniya ng kabutihang –loob. Ito rin ay
ang pagkakaroon ng masigla at magiliw
na pakiramdam tungo sa taong
gumawa ng kabutihan.

Ang pagpapasalamat ay isa sa mga Ang pagiging mapagpasalamat ay


pagpapahalaga ng mga Pilipino. tanda ng isang taong puno ng biyaya,
Naipapakita ito sa utang na loob. isang pusong marunong magpahalaga
Nangyayari ang utang na loob sa sa mga magagandang biyayang
panahon na ginawan ka ng kabutihan natatanggap mula sa kapwa. Isang
ng iyong kapwa. Ayon kay Fr. Albert E. mahalagang bahagi ng pasasalamat ay
Alejo S.J.” Ang pagtanaw sa mabuting mapagpakumbaba dahil kinikilala mo
kalooban ng ibang tao ay maaring na hindi lahat ng mga magagandang
matumbasan ng pagganti rin ng nangyayari sa buhay mo ay dahil
mabuting kalooban sa iba pang tao lamang sa sarili mong kakayahan o
bukod sa pinagkakautangan ng loob. Ito pagsisikap
ay dahil sa oras na umasa ng ganti ang
nagbigay ng tulong sa tinulungang tao,
ang utang na loob ay lumalabnaw at
magwawakas sa oras na makabayad
sa anumang “utang”na material ang
tao.

Antas ng Pasasalamat

Pagbabayad sa kabutihan
Pagkilala sa kabutihang
Pagpapasalamat, na ginawa ng kapwa sa
ginawa ng kapwa abot ng makakaya

Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong bahagi ng


buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na patuloy na
gumagabay sa kanya
Iba pang gawi ng pasasalamat sa kulturang Pilipino

https://images.app.goo.gl/G8PRGZQWU47sB6Ns9

 Pagdiriwang ng mga muslim na tinatawag na Shariff Kabunsuan Si sheriff


Kabunsuan ay isang arabong misyonaryo na ipinakilala ang relihiyong islam sa
mga Pilipino sa mga Mindanao . Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng kanduli,
tawag naman sa isang handaan ng pasasalamat.

 Sa Visayas, mayroon ding pagdiriwang tulad ng Ati-atihan at Dinagyang, bilang


pagkilala sa kabutihan ng Sto. Niño lalo na sa oras ng kagutuman at tagtuyot.

 Sa Visayas pa rin , mayroon ding pagdiriwang na tinatawag na Sinadya sa Halaran,


isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang
natatanggap ng Probinisiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas.

 Sa Luzon naman, ilan sa mga kilalang pagdiriwang ay tinatawag na Pahiyas, isang


pagdiriwang na pasasalamat kay San Isidro Labrador

Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1.Magkaroon ng ritwal ng pasasalamat

Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksyon. Bawat araw, kahit ilang


saglit ay isipin mo ang mga tao o mga bagay na pinapasalamatan mo. Isang
magandang mungkahi kung gagawa ka ng listahan ng mga taong gusto mong
pasalamatan o bagay na nais mong gawin upang maipakita sa kanila ang iyong
pasasalamat. Isipin din ang Diyos ang patuloy na nagbibigay sa iyo ng buhay at
ang kalikasan tulad ng hangin, araw, ulan at iba pa.
2.Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na
nangangailangan ng iyong pasasalamat.

Maaari itong simplehan lamang ngunit nagpaparamdam ng


malalim na pagpapasalamat. Iba ang pakiramdam ng
tumanggap ng isang liham na nakasulat sa stationery
kumpara sa isang pagbati na gamit ang isang test
message,email o faceboook.

3. Bigyang ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan

Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang


ginawa nila sa iyo. Isang magandang pagpapakita ng
pasasalamat ay kapag niyakap mo ang iyong magulang
dahil sa masarap pagkain na niluto para sa iyo upang
maramdaman niya na pinapahalagahan mo ang kanilang
ginagawa..

4.Magpasalamat sa bawat araw

Sa bawat araw ng iyong paggising, isaisip ang


kagandahan at layunin sa buhay. Harapin ang bawat
araw sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga biyayang
natatanggap sa pamamagitan ng pananalangin
paggising sa umaga, bago kumain at pumasok sa
eskwela o umalis ng tahanan, at bago matulog.

5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpababuti sa iyong pakiramdam

Marami tayong mga naririnig o nababasang mga


quotations na nagpapago sa ating kamalayan o
nagpapaganda sa ating pakiramdam. Mas mabuti kung
ang mga ito ay kokolektahin mo sa isang aklat, ilagay
sa mesa o tabi ng higaan para mas madalas mo itong
mabasa o maalala.

6.Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.

Kung ikaw ay may birtud ng pasasalamat, nagagawa


mong maging ang mga simpleng gawain na ikatutuwa
ng ibang tao tulad ng pagbukas ng pinto para sa kanila,
pagbuhat sa kanilang mabibigat na dalahin, pagbibigay ng kontribusyon sa
kawanggagawa at iba pa.

7.Magbigay ng munti o simpleng regalo

Isang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pagalaala


sa taong gumawa sa iyo ng kabutihan na nagbibigay
kasiyahan. Ang mahalaga lamang dito ay bukal sa iyong
puso ang pagbibigay

Gawain 1: PANUTO : Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.Pliin ang


letra na nagsasaad ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

___1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi maituturing na paraan ng


pasasalamat?

A. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakilangan.


B. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang naghihintay ng kapalit.
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
D. Magpasalamat sa bawat araw.

__2. Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa kabutihang nagawa ng iyong kapwa?


A. Nagpapasalamat ngunit masama sa kalooban.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
C. Paggawa ng mabuti sa kanya dahil may hinihintay na kapalit.
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.

___ 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapapakita ng pagpapahalaga at


pagmamahal sa mga taong nagpakita sa iyo ng kabutihan?
A. Bigyan sila ng simpleng yakap o tapik sa balikat at magpasalamat.
B. Magbigay ng malaking halaga.
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
D. Magpadala ng sulat ng pasasalamat sa mga taong nagbigay ng tulong.

___4. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban


sa:

A. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang


pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya
B. Paghinto sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makatulong sa pamilya sa
kabila
nang may pantustos ang mga magulang
C. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
D. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay

___5.. Alin sa sumusunod na kilos ang higit na kahanga-hanga sa pagpapakita ng


pasasalamat sa kapwa ?

A. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat


B. paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
C. pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang ang
trabaho nito
D. pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

TALAAN NG TRABAHO SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _______________________ Section: ______________ Score: ________________

Gawain 2: Tama o Mali: Isulat ang Titik T sa patlang kung ang pahayag ay tama at titik
M kung mali.Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

___1. Ang pasasalamat ay pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong


gumawa sa iyo ng kabutihang-loob

___2. Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan nang patuloy na pagsasagawa
hanggang ito ay maging birtud.

___3. Kapag kinilala at tinugon mo ang kabutihan na ginawa sa iyo ng iyong kapwa lalo
na
sa oras ng matinding pangngailangan ikaw ay tumatanaw ng utang na loob.

___4. Kapag nakagawa ka ng kabutihang loob sa iyong kapwa karapatan mo na


maipagyabang ito upang ikaw ay matularan

___5. Kapag tumatanaw ng utang na loob dapat mo lamang matumbasan ang halaga ng
tulong na nagawa sa iyo kaya dapat ilista ang naitulong nila sa iyo.

____ 6. Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat;

____ 7. Naipapakita ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang na loob.

____ 8. Naipapakita ang pagtanaw na utang na loob kapag tumugon ka sa kabutihang


ginawa sa iyo ng iyong kapwa.

____ 9. Mahalagang magamit ang pasasalamat at utang na loob ng may pananagutan at


sa
tamang paraan.

____ 10. Kailangang maghintay ka ng kapalit sa iyong kapwa dahil sa paggawa mo ng


kabutihan sa kanya.

Gawain 3: Pagpipilian: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

____1. Isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay


maging birtud.
a. masayahin c. pasasalamat
b. palabati d. utang na loob

____2. Ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo sa oras ng


matinding pangangailangan.
a. masayahin c. pasasalamat
b. palabati d. utang na loob

____3. Ayon kay ___________, may tatlong antas ng pasasalamat: pagkilala sa kabutihang
ginawa ng kapwa, pagpapasalamat, at pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa
abot ng makakaya.
a. Aristotle c. Mother Theresa
b. Fr. Albert Alejo d. Santo Tomas De Aquino

___ 4. Kailan nangyayari ang pagtanaw ng utang na loob sa kapwa?


a. tuwing ginagamit sa maling paraan o pang-aabuso
b. kapag ginawan ka ng kabutihang loob ng iyong kapwa
c. kapag nais mong gumanti sa naitulong ng iyong kapwa
d. tuwing may kailangan kang mapatunayan sa iyong kapwa

____5. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng_____.


a. damdamin c. kalooban
b. isip d. konsensiya

____ 6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng taong


isinasabuhay ang pagpapasalamat sa kapwa?

A. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
B. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi
bukal sa kaniyang kalooban.
C. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang
tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
D. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.

_____ 7. Sa mga tulong na naibigay sa iyo ng iyong kapwa, sa paanong paraan mo


maipapakita ang iyong pasasalamat?
A. pagreregalo sa kanila bilang kapalit
B. pagbabayad ng malaking halaga ng pera
C. pagyayabang ng natanggap na tulong
D. pagpapahalaga sa natanggap na tulong

_____ 8. Bilang mag-aaral, alin ang pinakamainam gawin na paraan upang maipakita
mo ang iyong pasasalamat sa iyong magulang ?

A.pagbutihin ang pag-aaral


B. Ipasyal sa paboritong nilang lugar
C. yakapin sila nang mahigpit tuwina
D. bayaran ang lahat ng ginastos nila sa iyo
_____ 9. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsasakatuparan mo ng
ritwal na pasasalamat?
A. Ipagmayabang sa kapwa ang lahat ng mga nagawang kabutihan.
B. Isipin palagi kung magkano na ang halagang naitulong mo sa iyong
kapwa.
C. Isipin kung paano mo matutumbasan ang mga kabutihang ginawa sa iyo
ng iyong kapwa.
D. Isipin na ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa iyo maging ang tao o mga
bagay na pinapasalamatan mo.
______ 10. Ano ang dapat isaalang-alang kapag ang pagbibigay ng simpleng regalo ang
napili mong gawin upang maiparating mo ang iyong pasasalamat?
A. ang antas ng pamumuhay ng iyong bibigyan
B. ang halaga ng bagay na ginawa
C. Mahalaga na ang pagbibigay ay bukas sa iyong puso.
D. kung gaano karami ang nagawa sa iyong kabutihan

Gawain 4: PANUTO : Alamin ang mga salitang nais ipabatid ng bawat larawan.
Gamitin ang clue letters sa ibaba upang magabayan sa pagsagot.

1. 2.

P n l A N r a o

3. 4.

Y k
l h

5.
Q O T T I N

You might also like