ESP8 Q4 Modyul 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Ikaapat na Markahan – Modyul 5


Ang Sekswalidad ng Tao

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Alamin
Magandang araw mag-aaral, ikaw ay magpapatuloy sa pagkatuto ng mga
paksang mayroong kaugnayan sa Sekswalidad. Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang
makapagpapamalas ng pag-unawa sa tamang pananaw sa sekswalidad bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at
sa pagtupad mo sa iyong bokasyon na magmahal.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay makatutukoy sa mga elemento ng tunay


na pagmamahal na kailangan upang maunawaan ang wastong pananaw sa
sekswalidad, makasusuri sa kaugnayan ng pagmamahal bilang birtud sa pag-
papaunlad ng sekswalidad at makabubuo ng mga paraan upang maipahayag ang
pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad.

EsP8IPIVb-13.3

Modyul
5 Sekswalidad

Balikan
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik S kung
ikaw ay sumasang-ayon at HS naman kung hindi.

_______1. Ang maagang pagbubuntis ay isang banta sa pagpapa-unlad sa


sekswalidad.

_______2. Walang masamang naidudulot sa nagdadalaga o nagbibinata ang


pornograpiya.

_______3. Ang paggabay ng mga magulang ay nakakatulong upang makaiwas sa


Maagang pagbubuntis o pagkalulong sa pornograpiya.

_______4. Ang pornograpiya ay maaring mag udyok sa isang tao na gumawa ng


masama.

_______5. Ang sapilitang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ay isang


kasalanan.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Pagkatapos,
isulat ang titik ng iyong kasagutan sa sagutang papel.

_____1. Ang pagkakaroon ng wasto at maayos na pag-unawa sa sariling


sekswalidad na naihahayag sa kasarian, kilos, saloobin at kaisipan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata.
A. wastong pamamahala sa emosyon
B. tamang pananaw sa sekswalidad
C. tamang ugnayan sa kapwa
D. maayos na kaisipan

_____2. Anong birtud ang nararapat na taglayin at linangin upang higit na


maunawaan ang kahalagahan ng sekswalidad?
A. pagmamahal
B. pagtitimpi
C. paggalng
D. pag-asa

_____3. Paano nakakatulong ang tamang pananaw sa sekswalidad sa


pagpapaunlad ng sarili?
A. Nagkakaroon ng malinaw na pagkilala ang isang tao sa kanyang sarili
B. Nakakatulong ito upang hindi maging handa sa darating na pagsubok
C. Gabay sa pagkilos ng angkop sa pangangalaga sa kaluluwa
D. Ito ang magsisilbing batayan sa pag-aaral

_____4. Paano nagiging pundasyon ng tunay na pagmamahal ang puppy love?


A. Pagdating ng tamang panahon at tamang integrasyon ng senswalidad at
damdamin maaring umusbong ang puppy love tungo sa tunay na
pagmamahal.
B. Ang puppy love ay isang pundasyon ng pagmamahalan na kailangan
kapwa isakilos at linangin ng nagmamahalan.
C. Sa pamamagitan ng puppy love, higit mong nakikilala ang pagkatao ng
isang minamahal.
D. Ang puppy love ay sapat na basihan upang maging pundasyon ng
pagmamahal.

Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-


_____5.
ibig mo. Masyado ka raw mailap sa kanya. Sa pag-aalala mong iwan ka
niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan
mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong Kung
talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit
hindi pa tayo mag-asawa?”

2
Bilang isang responsableng lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa tayo hindi handa para sa
ganitong ugnayan.
B. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw
ay nalilito.
C. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
D. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siyamapariwara.

Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang


_____6.
itinuturing niyang best friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang
mapalapit sa iyong kaklase na kanyang naiibigan. Pumayag ka ngunit
habang sila’y unti-unti nang nagkamabutihan ay nasasaktan ka at
nakakaramdam ng pagseselos.

Ano ang iyong gagawin?


A. Hindi na ipagpatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na
magkalapit
B. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
C. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman
D. Sasangguni sa guro o guidance counselor

_____7. Bilang isang birtud, saan nakatuon ang paglinang at pagkilos ng


pagmamahal?
A. Sa pananaw ng ibang tao sa nagmamahalan
B. Sa ikabubuti ng minamahal at nagmamahal
C. Sa pagpapalago ng pagmamahalan
D. Sa ikabubuti ng sarili lamang

_____8. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapag-sisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang
magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng
pagmamahal sa mundo –ang likas na nagpapadakila sa tao.”

Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?


A. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang
kakayahang magsilang ng sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
B. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang
pagiging Manlilikha
C. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos.
D. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.

3
_____9. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
tamang pananaw sa sekswalidad?
A. Upang malinang ang mga talino
B. Upang makatugon sa bokasyon ng celibacy.
C. Upang maging handa sa maagang pag-aasawa
D. Upang maging handa sa susunod na yugto ng buhay.

_____10. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ano ang naidudulot ng kawalang ng


tamang pananaw sa seskwalidad?
A. Ganadong harapin ang bagong yugto ng buhay.
B. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili,
C. Nagkakaronn ng pangarap
D. Labis na tiwala sa sarili

Tuklasin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng salitang nasa hanay A. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
___1. Mapanlikha a. ito ay ang kakayahang magpasya para sa
sarili.
___2. Kasal b. bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga
pandama (senses) at damdamin na tinatawag
na sentiment, na bunsod naman ng emosyon.

___3. Kilos-loob c. mahalagang katangian ng pagmamahal

___4. Sex drive o sekswal na d. pinakamahalagang palatandaan ng


pagnanasa paghahandog ng sarili

___5. Puppy love e. Ito ay udyok o simboyo ng dadamin, maaaring


supilin o hayaang mangibabaw sa pagkatao

4
Suriin

Magaling! Batid ko na ikaw ay handa na para ipagpatuloy ang iyong pagkatuto


at higit pang madagdagan ang iyon kaalaman. Basahin at unawain ang teksto na nasa
ibaba at sagutan ang mga kasunod na katanungan.

Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng sekswalidad


at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki. Kung hindi mapag-
iisa ang sekswalidad at pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata, magkakaroon
ng kakulangan sa kaniyang pagkatao pagsapit ng sapat na gulang (adulthood). Sa
isang taong nasa sapat nang gulang, ang kakulangan na ito ay maaaring magkaroon
ng manipestasyon bilang kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga karamdamang
sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning sekswal.

Sa ngayon nasa proseso ka ng pag-iisa o pagbubuong ito.

Kailangan mo ang masusing pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat na


pagpapasiya at angkop na pagpili upang makatugon sa hamong ito.

Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao
bilang tao. May dalawang daan patungo dito – ang pag-aasawa at ang buhay na
walang asawa (celibacy). “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao
lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang
magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa
mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.” (Banal na Papa Juan Paulo II)

Ayon sa Banal na si Papa Juan Paulo II sa kaniyang akdang “Love and


Responsibility”, upang gawing higit na katangi-tangi ang pagmamahal, at upang ito
ay maging buo at ganap kailangang ito ay magkaroon ng integrasyon. Ibig sabihin,
kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal ayon sa
kung alin ang dapat mangibabaw o mauna.

Mahahalagang Elemento ng Tunay na Pagmamahal


• Sex drive o sekswal na pagnanasa
o Ito ay udyok o simboyo ng dadamin, maaaring supilin o hayaang
mangibabaw sa pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw,
maaari itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o
maging sanhi ng abnormalidad sa sekswal na oryentasyon. Sa
kabilang banda, kung mapamamahalaan at mabibigyan ng
tamang tuon, ay maaaring makatulong sa paglago niya bilang tao
at magbigay ng kaganapan sa kaniya bilang lalaki o babae.

5
•Kilos-loob (will)
o Likas sa bawat tao ang pagkakaroon ng kilos-loob (will) ito ay ang
kakayahang magpasya para sa sarili.
• Pangdama o emosyon
o Likas sa tao ang pandama o emosyon, isang paraan upang
ipahayag ang inisip at damdamin.
• Pakikipagkaibigan
o Isang paraan na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
o Maaring maging isang simula ng pagkilala sa katapat na kasarian
tungo sa mas malalim na ugnayan.
• Kalinisang puri
o Ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ay pag-oo at hindi pag-
hindi. Ito ang pag-oo sa pagkatao ng tao. Ang birtud na ito ay
tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang minamahal bilang
isang bagay.
Ang Puppy Love
• Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na
pagmamahal. Ang totoo maaari naman talaga itong maging simula o
pundasyon ng isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pagdating
ng tamang panahon. Kailangan lamang ng tamang integrasyon ang
nararamdamang senswalidad at damdamin.
• Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng
mga pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na
bunsod naman ng emosyon. Kapag nakakilala ka ng isang tao na sa
iyong pamantayan ay nakaaakit, natural lamang na ang una mong
naging batayan ng paghuhusga ay ayon sa iyong mga pandama.
• Ang mahalaga, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa
lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang
iyong nararamdaman ay paghanga lamang at hindi pa tunay na
pagmamahal.

Ang Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal

• Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng


minamahal. At dahil nga may malayang kilos-loob ka, walang makapagdidikta
sa iyo kung sino ang mamahalin mo. Gayon din naman, hindi mo madidiktahan
ang sinuman na mahalin ka.
• Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang magmahal. Ang
mga paghangang nararamdaman mo ay maaari ngang mauwi sa pagmamahal
kung kapwa kayo malayang magpapasiya na pagsikapang mahalin ang isa’t
isa.
• May mga mahahalagang elementong isinasaalang-alang ang tunay na
pagmamahal.

6
o Una, tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay.
o Ikalawa, iginagalang ninyo kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat
isa

Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod


• Ang pagmamahal, dahil malaya ay dapat kapwa nasa mga taong
nagmamahalan. Hindi maaaring isa lamang sa kanila ang nagmamahal. Hindi
magkaiba o hiwalay ang pagmamahal ng bawa’t isa sa isa’t isa.
• Ang pagmamahal ay nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan.
Samakatuwid iisang pagmamahal lang ito na pinagsasaluhan ng mga
nagmamahalan. Hindi ito basta pagsusukli lamang sa pagmamahal sa atin
kundi pakikibahagi sa iisang karanasan
• Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao
sa minamahal. Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay
ang pagpapakasal. Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali mo ang iyong
sarili sa minamahal habambuhay. Magagawa mo lamang ito kung ganap na
ang iyong pagkatao – ang pagkalalaki o pagkababae.
• Kung sa wakas ikaw ay handa na at nakatagpo ng kabiyak, magiging
responsibilidad ninyo kapwa ang isa’t isa, at ito’y malugod ninyong tatanggapin
dahil sa pagmamahal na inyong pinagsasaluhan

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud


• Ang pagmamahal ay isang birtud at hindi isang emosyon; at lalong hindi
pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama.” Dahil nga ito’y birtud, ang
pagmamahal ay kailangan ng paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito.

Mahalagang katangian ng pagmamahal:

MAPANLIKHA- ang magbigay-buhay at makibahagi sa pagigng manlilikha ng Diyos.

Dalawang Uri ng Pagbibigay-buhay:


1. paraang pisikal o sekswal – ang pagsisilang ng sanggol.
2. paraang ispiritwal – ang mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa
iba.

• Higit na masusubok ang tunay na pagmamahal sa panahong lumipas na


ang paghanga na bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon.
• Sa panahong ito masusukat kung ang minahal mo ay ang pagkatao ng
minamahal at hindi ang konsepto lamang ng inakala mong siya.
• Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng
panahon ay lalo pang napabubuti nito ang mga taong nagmamahalan.

7
Pagyamanin
Panuto: Upang masukat ang iyong kaalaman mula sa binasa, sagutin ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

_____1. Kailan higit na masusubok ang tunay na pagmamahalan ng dalawang tao?


A. Sa panahong lumipas na ang paghanga na bunsod ng mga pandama at ng
matinding emosyon.
B. Tuwing mayroong pagkakamali ang isang miyembro ng pamilya
C. Sa panahong kapwa matanda na ang mag-asawa.
D. Tuwing ang mag-asawa ay magkaroon ng alitan.
_____2. Ano ang dalawang mahahalagang elementong isinasaalang-alang ang tunay
na pagmamahal?
A. Tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay at iginagalang
ninyo kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat isa.
B. Itinuturing na mas mataas ang kapares at mayroon kalayaan ang bawa
isa.
C. Sex drive o sekswal na pagnanasa at kilos-loob o will.
D. Pinag-isa ng kasal at matibay ang pagmamahalan.
_____3. Ano ang maaring epekto kung hahayaang mangibabaw ang sex drive o
sekswal na pagnanasa?
A. Maaari itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o maging
sanhi ng abnormalidad sa sekswal na oryentasyon
B. Magiging pantay pantay ang karanasan ng bawat tao tungkol sa
pagmamahal.
C. Magiging maayos dahil mayroong kakayahan magpahiwatig ng damdamin
sa kapwa
D. Maaring makagawa ng hindi magandang bagay sa iyong kapwa
_____4. Ano ang nais ipahiwatig ng Banal na Papa Juan Paulo II sa kaniyang akdang
“Love and Responsibility”, upang gawing higit na katangi-tangi ang
pagmamahal, at upang ito ay maging buo at ganap kailangang ito ay
magkaroon ng integrasyon?
A. Kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal
ayon sa kung alin ang dapat mangibabaw o mauna.
B. Magiging katangi-tangi ang pagmamahal kung napapamalas ito sa sekswal
na pamamaraan.
C. Isali at gamitin lahat ng birtud upang maging matagumpay ang pagmamahal
D. Hindi magiging buo ang pagmamahal kung walang elemento ng kilos-loob
_____5. Bakit mahalaga ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao?
A. Upang maging ganap ang pagkababae at pagkalalaki
B. Upang maiwasan ang pagkalito sa kasarian
C. Upang maging ganap ang pagkatao
D. Upang tanggapin sa lipunan

8
Pagyamanin
Panuto: Kilala ang samahang Boy Scout at Girl Scout of the Philippines sa
pagtataglay at pagsasabuhay ng mga mahahalagang birtud tulad ng
mapagkakatiwalaan, malinis, matapat, magalang, matapang, marangal,
maaasahan, maka-Diyos at matulungin.
Sa puntong ito, gamitin ang mga birtud na nabanggit bilang badge. Sa ibaba
ay mayroon mga pahayag tungkol sa pagiging responsbleng babae o lalake mula sa
Pro-Life Philippines (Pilar et. al., 2005). Tukuyin anong badge ng pagpapahalaga ang
taglay ng bawat pahayag. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo. Isulat ang ginawa
sa sagutang papel.

Ako ay responsableng babae…


Marangal 1. Ang aking mga halik ay di hamak na mas matimbang kaysa
anumang regalo at bulaklak
________________2. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at hindi isang laruan
________________3. Ang unang “AYAW KO” ay mahirap ngunit ang mga susunod
ay madali na
________________4. Ang aking pananamit, pagkilos, at pananalita ay maaaring
magsilbing tukso sa aking kasintahan. Ako ay magiging mabini
para sa aming proteksyon.
________________5. Malaki na ang nagawa ng aking mga magulang para sa akin,
nais kong lagi nila akong ikapuri.

Ako ay responsableng lalaki….


________________6. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang ng aking kasintahan
at ng aking mga magulang. Hindi ko ito sisirain
________________7.Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-asa kong
igagalang ng ibang lalaki ang aking kapatid na babae
________________8.Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama ang aking nobya.
Isang pagkakamali ang umasa nang higit pa bilang kabayaran
sa pagtatagpong ito
________________9. Balang araw, magiging isang ina at asawa ang aking nobya.
Dapat siyang magsilbing halimbawa sa kaniyang mga anak at
maipagmalaki ng kaniyang asawa. Tutulungan ko siyang maging
malinis ang puso at maging disente tulad ng gusto ko sa
mapapangasawa ko
_______________10. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter
gayon din ng katawan. Isang kahinaan ang kakulangan ng
pagpipigil sa sarili. Gusto kong malaman ng aking kasintahan na
ako ay tunay na lalaki

9
Isaisip
Panuto: Nakasulat sa ibaba ang iba’t-ibang sitwasyon na maaring mangyari sa iyo.
Alamin at isulat sa sagutang papel ang maaring maging bunga nito at ano ang
nararapat na gawing upang maiwasang mangyari ito sa iyo.

Mga Sitwasyon Masamang Ibubunga Nararapat gawin upang


maiwasan ang sitwasyon
1. Sumama sa bahay ng
manliligaw
2. Pakikipa-date
pagkatapos ng klase
3. Pagkakaroon ng
kasintahan na hindi
alam ng mga
magulang
4. Panliligaw sa daan o
kalsada
5. Panonood ng
malalaswang
palabras kasama ang
nobyo/nobya

Kraytirya 5 3 1 Iskor
Kaangkupang Lahat ng sagot Mayroong 7-8 Mayroong mga
sa paksa ay angkop sa sagot ang ang sagot subalit hindi
paksa angkop sa angkop sa paksa
paksa.
Nakapagbibigay Naibigay lahat 7-8 masamang 2-3 masamang
ng masamang masamang bunga ng bunga lang ng
bunga. bunga ng pagkilos ang kilos ang naibigay.
pagkilos ay naibigay.
naibigay.
Nakapagbibigay Naibigay lahat Naibigay ang Hindi
ng nararapat ng nararapat nararapat nakapagbigay ng
gawin upang gawin upang gawin upang nararapat gawin
maiwasan ang maiwasan ang maiwasan ang upang maiwasan
sitwasyon. sitwasyon. sitwasyon ang sitwasyon.
subalit kulang.
Kabuuang puntos

10
Isagawa
Panuto: Bilang isang babae o lalaki na mayroong tamang pananaw sa sekwalidad,
basahin at sagutin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagut sa sagutang
papel.

Sitwasyon 1
Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig
mo. Masyado ka raw mailap sa kanya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong
mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan mong talagang mahal mo
siya. Tinitigan ka niya at tinanong “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” bilang isang
responsableng lalaki o babae, ano ang gagawin mo?Bakit?

Sagot at Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sitwasyon 2

Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang


itinuturing niyang best friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang
mapalapit sa iyong kaklase na kanyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang
sila’y unti-unti nang nagkamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng
pagseselos. bilang isang responsableng lalaki o babae, ano ang iyong gagawin at
bakit?

Sagot at Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ibuod mo!

Tunay nga na marami ka nang natutunan! Bilang boud ng iyong mga natutunan,
gamit ang graphic organizer sa ibaba, sagutin ang mahalagang tanong:

Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa sekswalidad?

11
Rubriks para sa pagtatala ng puntos
Kraytirya 10 6 3 Iskor
Kaangkupang Lahat ng sagot Mayroong 1-2 Maryoong mga
sa paksa ay angkop sa sagot ang hindi sagot subalit hindi
paksa. angkop sa paksa. angkop sa paksa
Kalinawan ng Malinaw at Malinaw ang Nagpahayag ng
pagpapahayag maayos ang pagpapahayag ng ideya subalit hindi
ng mga ideya pagpapahayag ideya subalit malinaw.
ng ideya kulang..
Sagot at Nabigyan ng Nabigyan ng Hindi nabigyan ng
paliwanag sa kompletong sagot at paliwanag sagot at paliwanag
dalawang sagot at ang dalawang ang dalawang
katanungan paliwanag ang katanungan subalit katanungan
dalawang kulang
katanungan
Kabuuang puntos

12
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.
_____1. Kailan higit na masusubok ang tunay na pagmaahalan ng dalawang tao?
A. Sa panahong lumipas na ang paghanga na bunsod ng mga pandama at
matinding emosyon.
B. Tuwing mayroong pagkakamali ang isang meyembro ng pamilya
C. Sa panahong kapwa matanda na ang mag-awasa.
D.Tuwing ang mag-asawa ay magkaroon ng alitan
_____2. Ano ang dalawang mahahalagang elementong isinasaalang-alang ang tunay
na pagmamahal?
A. tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay at iginagalang
ninyo kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat isa.
B. itinuturing na mas mataas ang kapares at mayroon kalayaan ang bawat isa
C. sex drive o sekswal na pagnanasa at kilos-loob o will
D. pinag-isa ng kasal at matibay ang pagmamahalan
_____3. Ano ang maaring epekto kung hahayaang mangibabaw ang sex drive o
sekswal na pagnanasa?
A. Maaari itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o maging
sanhi ng abnormalidad sa sekswal na oryentasyon.
B. Magiging maayos dahil mayroong kakayahan magpahiwatig ng damdamin
sa kapwa.
C. Magiging pantay pantay ang karanasan ng bawat tao tungkol sa
pagmamahal.
D. Maaring makagawa ng hindi magandang bagay sa iyong kapwa.
_____4. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
tamang pananaw sa sekswalidad?
A. Upang maging handa sa susunod na yugto ng buhay.
B. Upang makatugon sa bokasyon na magmahal
C. Upang malinang ang mga birtud
D. A at B
_____5. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ano ang naidudulot ng kawalang ng
tamang pananaw sa seskwalidad?
A. Nagdudulot ito ng mga karamdamang sikolohikal
B. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili
C. Nagkakaroon ng suliraning sekswal
D. Lahat ng nabanggit
_____6. Paano nakatutulong ang tamang pananaw sa sekswalidad sa pagpapaunlad
ng sarili?
A. Nakakatulong ito upang maging handa sa mga darating na hamon sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga

13
B. Nagkakaroon ng malinaw na pagkilala ang isang tao sa kanyang sarili.
C. Nakakatulong ito bilang gabay sa pagkilos ng angkop at nararapat
D. Lahat ng nabanggit
_____7. Paano nagiging pundasyon ng tunay na pagmamahal ang puppy love?
A. Sa pagdating ng tamang panahon at tamang integrasyon ng senswalidad at
damdamin maaring umusbong ang puppy love tungo sa tunay na
pagmamahalan
B. Ang puppy love ay isang pundasyon ng pagmamahalan na kailangan
isakilos at linangin ng nagmamahalan.
C. Sa pamamagitan ng puppy love, higit mong nakikilala ang pagkatao ng
isang minamahal
D. Ang puppy love ay sapat na basihan upang maging pundasyon ng
pagmamahal
_8. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing
niyang best friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa
iyong kaklase na kanyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang sila’y unti-unti
nang nagkamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos.
Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi na ipagpatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit
B. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
C. Kakausapin aang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman
D. Sasangguni sa guro o guidance counselor
_____9. Bilang isang birtud, saan nakatuon ang paglinang at pagkilos ng
pagmamahal?
A. sa ikabubuti ng sarili lamang
B. sa ikabubuti ng minamahal at nagmamahal
C. sa pananaw ng ibang tao sa nagmamahalan
D. sa pagpapalago ng pagmamahalan
_____10. Bakit mahalaga ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao?
A. Upang maging ganap ang pagkababae at pagkalalaki
B. Upang maiwasan ang pagkalito sa kasarian
C. Upang maging ganap ang pagkatao
D. Upang tanggapin sa lipunan

Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung ang ipinapahiwatig ng
pahayag ay wasto at ang salitang MALI kung hindi wasto.
1. Dapat magkaroon ng limitasyon sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian.
2. Mas nauunawaan ng kaibigan ang pinagdadaanan ng kapwa kabataan kaysa
sa magulang.
3. Hinahangad ng isang nagmamahal ang kabutihan ng minamahal.

14
4. Ang tao ay hindi kabahagi sa pagiging mapanlikha ng Diyos.
5. Normal na sa panahon ngayon ang magkaroon ng sekswal na ugnayan sa
katapat na kasarian.
6. Ang paggalang sa sekswalidad ng kapwa ay isang paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal.
7. Ang kilos-loob ng isang tao ay maaaring diktahan ng iba.
8. Hindi na kailangang linangin at paunlarin ang sekswalidad ng isang kabataan
dahil sapat na ito.
9. Dahil may kalayaan ang magmahal, sapat na isang tao lamang ang
magmamahal.
10. Ang mabuhay bilang biyaya sa iba ay isang paraan ng pagbibigay-buhay.
Sanggunian
Barcelona, Villa Eden C, Dinio, Carmela O., “ Ang Pagsasabuhay II” Rex Printing
Company, INC.2011
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Unang
Edisyon, 2013
Punsalan, Twila G., et al, “Pagpapakatao 8, Rex Printing Company, INC 2012
https://tl.innerself.com/content/personal/relationships/couples/sexuality/5132-make-peace-
with-your-sexuality.html
https://pngtree.com/freepng/man-and-woman-bride-and-groo

Mga bumubuo ng modyul para sa mag-aaral

Manunulat: EMILY A. GOMERA


Francisco Ramos National High School
Division of Zamboanga Sibugay
Editor: Epimaco M. Paster Jr., LPT, MBA, MPA
Kabasalan National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Tagasuri: Edelee C. Salvador


Surabay National High School
Division of Zamboanga Sibugay
Jeffrey S. Libed
Taway National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D. – EPS


Education Program Supervisor
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS
Aurelio A. Santisas
OIC- Assistant Schools Division Superintendent
Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC – Schools Division Superintendent
15

You might also like