DLP - MATH2 - Isaig - Final (1) - Copy - 1 Copy Pla

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

MASUSUSING BANGHAY ARALIN SA MATEMATIKA II_Q3_W5

MELC: Reads and Writes Unit Fractions

I – LAYUNIN: Pagkatapos ng inilaang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Makapagbabasa ng unit fraction na may denominator na 10 at pababa (Cognitive)
b. Mapakapagsusulat ng unit fraction na may denominator na 10 at pababa (Psychomotor)
c. Maipakita ang pakikiisa sa mga pangkatang suliranin (Affective)

II – PAKSA: Pagbasa at Pagsulat ng Unit Fractions na may Denominator na 10 at Pababa

Sanggunian: M2NS-IIId-76.1; https://www.youtube.com/watch?v=ieugBg7Bzt0


Kagamitan: visual aids, manipulative instructional materials, PowerPoint Presentation;
Integrasyon: Values; English; Music

III – PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain:

1. Drill:
Magandang umaga mga bata! Kumusta kayo ngayon? Mabuti po, guro!
Ako’y nagagalak na kayo ay nasa mabuti!
Bago tayo, mag umpisa sa ating aralin, manalangin muna
tayo. (ang mga bata ay tatayo para sa
(Pangungunahan ng guro ang panalangin) panalangin)
Ilan tayo ngayon?
(Ililista ng guro ang mga batang lumiban)

Ngayon naman tayo ay magkakaroon ng maiksing laro. Pipili


ako ng ilan sa inyo upang buuin ang mga larawan na nasa
kahon.

1.

Ilang hati ng pizza ang inyong nabuo na katumbas ng isang Mayroong anim na hati ng pizza ang
buong bilog? katumbas ng isang buong bilog.

2.

Ilang hati ng hugis puso ang inyong nabuo na katumbas ng


isang buong puso? Mayroong dalawang hati ng puso ang
katumbas ng isang buong puso.tatsulok
3.

Mayroong apat na hati ng tatsulok ang


Ilang hati ng hugis tatsulok ang inyong nabuo na katumbas katumbas ng isang buong tatsulok.
ng isang buong tatsulok?

Mahusay mga bata!


2. Balik-tanaw:
Ngayon, tayo ay magbalik-tanaw
(Ang guro at magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
gawain bilang balik-tanaw sa nakaraang aralin)

Panuto: Idikit ang hayop sa kung saang ordinal number siya (Ang mag-aaral ay gagawin ang gawain)
nararapat.

1. tenth 1. turkey
2. sixth 2. giraffe
3. ninth 3. goat
4. fourth 4. tiger
5. seventh 5. sheep
Mahusay mga bata!

B. Paglinang na Gawain:

1. Pag-ganyak:

Sino ang mahilig sa pizza?


Gusto kong gamitin niyo an inyong imahinasyon
Mayroon ako ditong isang pizza (larawan ng malaking
pizza). (magkakaiba ang mga sagot)
Sa laki ng pizza na ito, magkakasya kaya ito sa atin? Kailangan po natin ito hatiin.
Paano kaya ito magkakasya sa atin?
Ipagpalagay natin na tayo ay pamilyang may sampong
miyembro.
Ilang hati kaya ang dapat kong gawin para lahat ng Kailangang hatiin sa sampong hati ang
miyembro mabigyan? pizza.
Mahusay!

Ilang bahagi ng pizza ang bumubuo sa kabuoan?


Magaling! May sampong bahagi ng pizza ang
(Isusulat ng guro ang bilang 10 sa pisara) bumubuo sa kabuuan.
Bilang ako ang nanay sa pamilya, ako muna ang unang
kakain.
(Babawasan ng guro ang pizza ng isang bahagi)
Ngayon ilang bahagi ng sampong hati ang nabawas? May isang bahagi ng pizza ang nabawas.
Mahusay! May
(Isusulat ng guro ang bilang 1 sa pisara)
Ngayon naman, mayroon akong limang baso ng tubig.

Bilangin po natin. 1,2,3,4,5


Ilang baso ng tubig? May limang bote ng tubig.
Mahusay!
(Isusulat ng guro ang bilang 5 sa pisara)
Ngayon naman, ako ay nauhaw,
(Kinuha ng guro ang isang bote ng tubig)
Ilang baso ng tubig ang nabawas? May isang baso ng tubig ang nabawas.
𝟏 𝟏
𝟏𝟎 𝟓
Ang dalawang ito ay halimbawa ng unit fractions.
Ito ay may parehas na bilang 1 sa itaas na
Ano ang pagkakaparehas ng dalawang fractions?
bahagi.
Mahusay!

SOLO-TAXONOMY
Base sa nabuo nating halimbawa ng unit fraction, paano
Ang unit fraction ay fraction o hating-
natin mailalarawan ang unit fraction?
bilang na may bilang isa sa taas na bahagi
Tumpak!
o isang bahagi ng kabuuan.
2. Paglalahad:
Ito ang ating aralin ngayong umaga, tungkol sa pagbasa at
pagsulat ng unit fractions.
Bago tayo magtungo sa ating paksa. Subukan muna nating
kilalanin kung saan ang unit fraction sa mga sumusunod na
halimbawa.

Panuto: Itaas ang emoji ng like kung ang fraction sa


flashcard ay unit fraction at taas naman ang dislike kung
hindi.

Magaling mga bata!

3. Pagtatalakay:

Ano nga ba ang fraction? (magkakaiba ang mga sagot)


Mga bata, ang fraction o hating-bilang ang ginagamit
upang maipakita ang bahagi ng isang buo o grupo.
Isa sa mga halimbawa ang ginawa natin sa pizza.
Mayroon itong mga bahagi.
𝟏
Nakabuo tayo ng unit fraction na 𝟏𝟎
Ang bilang 1 mga bata o ang bilang na makikita sa itaas na
bahagi ay ang numerator samantalang ang 10 ang makikita
sa ibabang bahagi ay ang denominator.
Ang numerator ay bilang ng bahagi ng kabuuan
samantalang ang denominator naman ay ang bilang ng
kabuuan. Ang guhut sa gitna ng numerator at denominator ay
tinatawag nating fraction bar.
Pagsasanay 1:
Panuto: Sa tulong ng ibinigay na datos. Isulat ito sa
fractional form.

Halimbawa.
𝟏
Numerator 1 , Denominator 8 Sagot: 𝟖 1
1. 7
1. Numerator 1 , Denominator 7
1
2. 5
2. Numerator 1 , Denominator 5
1
3. 10
3. Numerator 1 , Denominator 10
1
4. 2
4. Numerator 1 , Denominator 2
1
5. 9
5. Numerator 1 , Denominator 9

Magaling mga bata!


Isinusulat natin ang unit fraction sa
Paano natin naisulat ang unit fraction? paglagay ng numerator o bilang ng bahagi
ng kabuuan sa itaas na bahagi ng fraction
Tumpak! at denominator o bilang ng kabuuan naman
sa ibabang bahagi.
Ang inyong ginawa ay pagsulat ng unit fraction na may
denominator na 10 at pababa.
Ngayon naman paano natin kaya ito babasahin?
Mga bata sa pagbabasa po ng unit fractions, unang binabasa (magkakaiba ang mga sagot)
ang numerator at sinusundan nang pagbasa sa denominator.

Ang numerator ay binabasa sa pamamamaraang Cardinal


Numbers.
One, Two Three, Four, Five, Six, Seven, Eight Nine, Ten
Samantalang ang denominator naman maliban sa sa 2 na
binabasang half ay binabasa sa pamamaraang ordinal
numbers.
Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh, Eighth, Ninth, Tenth

Ordinal Number
2 3 4 5
half third fourth fifth
6 7 8 9
sixth seventh eighth ninth

Pagsasanay 2:
Panuto: Sa tulong ng gabay na table sa pisara basahin natin
ang mga unit fractions sa flashcards.
(Pangungunahan ng guro ang pagbasa sa tulong ng table na
nakapaskil sa pisara)
(Babasahin ng mga mag-aaral ang mga
unit fractions sa tulong ng table at gabay
ng guro)

Magaling!
(Ipapabasa ng guro ang mga ordinal numbers, pagkatapos
ng ilang ulit ay ipapabigkas ito sa kanilang ng walang
gabay)

Paano naman po natin ito binabasa? Ang numerator ay binabasa sa


pamamamaraang Cardinal Numbers.
One, Two Three, Four, Five, Six, Seven,
Eight Nine, Ten
Samantalang ang denominator naman
maliban sa sa 2 na binabasang half ay
binabasa sa pamamaraang ordinal
numbers.
Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh,
Eighth, Ninth, Tenth
Mahusay!

C. Pangwakas na Gawain:

1 – Paglalahat: 5 minutes
 Ano ang unit fraction? Ang unit fraction ay fraction o hating-
bilang na may bilang isa sa taas na bahagi
o isang bahagi ng kabuuan.
 Paano natin isinusulat ang unit fraction? Isinulat natin ang unit fraction sa paglagay
ng numerator sa itaas na bahagi ng fraction
at denominator naman sa ibabang bahagi.
 Paano natin binabasa ang numerator at denominator? Ang numerator ay binabasa sa
pamamamaraang Cardinal Numbers.
One, Two Three, Four, Five, Six, Seven,
Eight Nine, Ten
Samantalang ang denominator naman
maliban sa sa 2 na binabasang half ay
binabasa sa pamamaraang ordinal
numbers.
Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh,
Eighth, Ninth, Tenth

Mahusay!

2 – Paglalapat: 10 minutes
Pangkatang Gawain
Panuto: Ang klase ay papangkatin ko sa apat. Bawat
pangkat ay may iisang gawain. Itaas ang flag kung tapos na
ang gawain. Ang unang makapagtataas ng flag na may
tamang sagot ay ang makakakuha ng puntos. Sa dulo ng laro,
ang pinakamaraming puntos na grupo ang panalo.

Pagsasanay 1:
Panuto: Hanapin ang simbolong bilang para sa unit fraction.
I-konek ito sa hanay B.
(Ililista ng guro ang puntos ng grupong nauna)

Pagsasanay 2:
Panuto: Bilugan kung alin sa mga sumusunod ang tamang
pagsulat ng fractional form ng bawat unit fraction.

1 1 1 1 1 1 1 1 1
7 6 5 4 3 2 1 2 3 1 1 1
6 4 3
(Ililista ng guro ang puntos ng grupong nauna)

Pagsasanay 3:
Panuto: Bilugan kung alin sa mga sumusunod ang tamang
pagsulat ng ngalan ng bawat unit fraction.
1 1 1
6 4 3
one-six one-four one-third
one-sixth one-forth one-three
one-sith one- fourth one-tree one-sixth one-fourth one- third

3. Pagpapahalaga:
1. Paano niyo ginawa ang mga pagsasanay?
2. Paano naatulong ang pagkakaisa sa pangkatang suliranin? Ginawa namin ito ng tulong-tulong.
Ang pagkakaisa sa pangkatang suliranin ay
Bigyang Diin: nakakatulong upang mapabilis ang
“Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang paggawa sa gawain.
nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!”
-Awit 133:1

IV – PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang tamang pagsulat


ng ngalan o fractional form sa bawat hugis ng unit fraction. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

1.

A. one-for B. one-forth C. one-fourth


C

2.

A. one-tree B. one-three C. one-third C

3.

A. one- eighth B. one-ninth C. one-tenth B

4.
𝟏 𝟐 𝟐 A
A. B. C.
𝟐 𝟏 𝟐

5.

𝟏 𝟏 𝟏
A. B. C. B
𝟖 𝟕 𝟔

VI – TAKDANG ARALIN:

Sa gabay ng inyong mga magulang o guardian. Iguhit ang


mga hugis sa short bond paper. Kulayan ang isang bahagi
nito ng kahit anong kulay at isulat ang ang tamang ngalan at
fractional form.

1. 2. 3.

4. 5.

(Ang guro ay mamimigay ng activity sheet para sa takdang- (Aawitin ng mga bata ang pangwakas na
aralin ) awitin)

Ngayon naman awitin natin ang ating pangwakas na awitin.


(Pangungunahan ng guro ang pangwakas na awitin)

Prepared By: Ms. Leah Luz C. Isaig, LPT


Mga IMS

1. drll- iprint at gawing jigsaw

2. iprint ito at lagyan ng bulsa bulsa

3. malaking pizza na pwede mahiwalay ang isa

Waterbottle 5

4. flash card

5. visual aid
Ordinal Number
2 3 4 5
half third fourth fifth
6 7 8 9
sixth seventh eighth ninth

Visual ½ cartolina 4 copies

Panuto: Hanapin ang simbolong bilang para sa unit fraction. I-konek ito sa hanay B.

Panuto: Bilugan kung alin sa mga sumusunod ang tamang pagsulat ng fractional form ng bawat unit fraction.

1 1 1 1 1 1 1 1 1
7 6 5 4 3 2 1 2 3

Pagsasanay 3:
Panuto: Bilugan kung alin sa mga sumusunod ang tamang pagsulat ng ngalan ng bawat unit fraction.

1 1 1
6 4 3

one-six one-four one-third


one-sixth one-forth one-three
one-sith one- fourth one-tree

print lp and quiz and ass

You might also like