Report
Report
Report
SA
PANANALIKSIK
IPINASA NI:
BASIERTO, JHORIC JAMES
(BSED-3)
IPINASA KAY:
G. RONALD N. VERANO
ANO ANG MGA KONSIDIRASYON SA PAGPILI NG SULIRANIN.
Kasapatan ng Datos - kailangan may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin.
Limitasyon ng Panahon - Tandaan ang kursong ito ay para sa isa o dalwang markahan lamang.
May mga paksa na mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa dalawang markahan,
upang maisakatuparan.
Kakayahang Pinansyal - May mga paksang mangangailangan ng maraming gastusin.
Kailangang pumili ng paksang maaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.
Kabuluhan ng Paksa - Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan.
Kailangan pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maari ring pakinabangan ng
mananaliksik at ng iba pang tao.
Interes ng Mananaliksik - Magiging madali ito para sa isang mananaliksik sa pagkukuha ng
Bilang unang hakbang, ibigay ang kahulugan ng kultura. Kunin ang kahulugan sa iba't
ibang sanggunian. Matutong magtala at sumulat ng mga kahulugan sa kard. Magbasa ng
mga aklat na sinulat ng mga banyagang awtor. Kumonsulta rin sa mga lokal na awtor sa
pamamagitan ng pagsangguni sa mga aklat sa edukasyon at sikolohiya.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literatura. Ano ang sinasabi ng mga may akda tungkol sa
kultura?
Ang pagsusuri sa mga baryabol ay nagdudulot ng higit na pakinabang at kawilihan sa
iyong imbestigasyon. Anong espesyal na aspekto ng kultura ang iyong natipon? Maaari
ka bang magbigay ng ilang baryabol? Kaninong kultura ang bibigyan ng tuon o pansin?
Ang kultura ba ay may kaugnayan sa wika? May pagkakaiba ba sa kultura kahit nasa
iisang lugar tulad sa isang probinsiya?
Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa kultura. Ano-ano ang mga resulta ng
mga nasabing imbestigasyon? Ano-anong mga baryabol ang kanilang ginamit?
Nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol sa iba't ibang aspekto ng kultura, anong mga
pagsisiyasat ang nagawa na at ano ang mga resulta nito?Ang lahat ng mga resulta ay
dapat isulat sa kard o kapirasong papel, isang mananaliksik sa bawat pahina.
Sa puntong ito, nadedelimitahan mo na ang malawak na suliranin. Maaaring handa ka
nang pumili ng iyong mga baryabol, isa o dalawa lamang, dahil sa ikaw ay baguhan pa
lamang.
Napagdesisyonan mo na ba kung sino ang iyong pag-aaralan? Ang mga kalahok mo ba'y
mga mag-aaral sa elementarya, hayskul, o mas matatanda nang mga mag-aaral?
Maaari mo nang ipahayag ang iyong suliranin. Pag-aralan ang mga baryabol na napili,
gayundin ang mga kalahok na iyong gagamitin. Ipahayag ang suliranin sa pormang
patanong. Isaisip na maaari mo pa ring baguhin ang suliranin pagkatapos, datapwa't sa
paraang ito ay mayroon ka nang nasimulan.
a) Suliranin
Ang suliranin ay isang isyu o pagkakaroon ng problema na nagdudulot ng kawalan ng
kasiyahan, dismaya, o kaguluhan sa isang indibidwal o lipunan. Ang suliranin ay
nagaganap sa iba’t ibang larangan ng buhay tulad ng edukasyon, ekonomiya, politika,
kalikasan, at iba pa.
Ito ay isang hamon na kailangang malutas upang mapabuti ang kalagayan ng mga indibidwal at
ng lipunan bilang isang kabuuan.
sa mga partikular na bagay. Tumutukoy rin ito sa tentatibo o nabuong haypotesis na paglalahad
na nangyari sa mga bagay o konsepto. Presentasyon din ito ng pangkalahatang proposisyon at
konklusyon na kailangang gawing balido sa pamamagitan ng pag-aaral. Naglahad si Cozby
(1985) ng dalawang tungkulin ng teorya: 1) Ang teorya ay nagsasaayos at nagpapaliwanag ng
iba't ibang ebidensiya o realidad; 2) Nakapaglilikha ito ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng
pagtuon ng pag-iisip para mapansin ang mga bagong aspekto ng gawi obehavior, Kung gayon,
ang teorya ay nagsisilbing gabay para sa obserbasyon ng mundo.
Samakatwid, ang teorya ay nagsisilbing batayan sa pagsusuri. Kaya, ang teorya ay may tungkulin
sa pananaliksik.
Nakatutulong sa pananaliksik para sa mas produktibong pag-oorganisang mga realidad,
batas, konsepto, at prinsipyo;
Nagsisilbing gabay sa bagong tuklas;
Natutukoy ang mga puwang sa imbestigasyon at dahil dito ay nabibigyang- tuon ang
aspektong napakahalaga at nakatutulong sa pagsagot sa mga tanong;
Nagbibigay-sigla sa pananaliksik lalo na kapag may mga dokumentong nakatutulong sa
pag-aaral.
Mga natapos na pananaliksik
Mga problemang praktikal
Journal, aklat, tesis, disertasyon, mass media
Mga pagbabago sa larangan ng teknolohiya
Kaibigan o propesor Iba-iba ang opinyon na maaaring basehan o pagkukuhanan ng
problema ✓Ordinaryongpagpupulong,pakikipag-usapodiyalogoosa pamamagitan ng
pakikinig.
Pagkatapos mong maintindihan ang mga katangian, hakbang, at maaaring pagkunan ng mga
suliranin sa pananaliksik, makapipili ka ngayon ng paksang maaari mong pag-aralan. Ang
susunod na haharapin mong problema ay kung paano bubuuin o kung paano mo ilalahad ang
mga suliranin sa iyong gagawing pananaliksik. Ang paglalahad ng suliranin ay isang mahalagang
bahagi ng pananaliksik o manuskrito na binubusisi tuwing titingnan ang iyong papel.
Dapat maging malinaw ang iyong paraan ng pagbuo ng mga katanungang sasagutin sa iyong
pananaliksik. Ang mga suliraning iyong ilalahad ay laging nakaangkla sa layunin ng iyong
pananaliksik. Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin o mga suliranin. Sa simula,
ang suliranin na iyong napili ay maaaring napakalawak. Ang pangkalahatang suliranin ay
maaaring gawing tiyak o espesipiko. Ipinapahayag sa pangkalahatan ang suliranin o layunin sa
pananaliksik kung naipapahayag ito sa kabuuang layon, gustong gawin o maaaring gustong
matamo sa pananaliksik. Nagiging tiyak naman ito kung ipinapahayag nito ang tiyak o
ispesipikong layon o nais gawin sa pananaliksik.
Halimbawa:
Paksa: Kahirapan sa Pagkatuto at Pagtuturo ng Filipino sa mga Mag-aaral na may Dalawang
Pagkamamamayan
Pangkalahatan: Nais suriin ang mga kahirapang kinakaharap ng mga mag aaral na may
dalawang pagkamamamayan sa pagkatuto ng Filipino, gayundin ang suliraning kinakaharap ng
mga guro ng Filipino sa pagtuturo ng Filipino.
Mga Tiyak na Suliranin:
1.Ano ang sa loobin ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng
asignaturang Filipino? 2.Ano ang antas ng kahirapan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino?
3.Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan?
b) Rationale - Ito ang bahaging nagsasad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Gaya ng natalakay na sa unang bahagi, taglay ng rasyunal ang pinagmulan ng ideya o
kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa
o pag- aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Layunin (Objective) - Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa.
Maaari itong pangkalahatan(general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang layunin, ipinahayag
nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin,
ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
Mga tiyak na Layunin:
a. Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan ng text
messaging:
b. Naibibigay ang mga paraan ng paggamit ng mensahe sa Filipino gamit ang text
messaging:
c. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino gamit ang Text
messaging.
Metolohiya (Methology) - Ang paraan (technique) at pamamaraan (method) ginagamit sa
pagkuha ng datos at pagsusuri ng piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng metolohiya.
Maaaring gamitin sa pagkuha ng datos ang serbey, questionnaire, case study, obserbasyon,
intervyu at iba pa, kung magsusuri, magagamit ang paraang empirical, komparatibo,
interpretasyon o pagpapakahulugan. Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin.
Inaasahang bunga (expected outcome, output) - Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng
isinasagawang pananaliksik. Maaarig banggitin dito ang mga idinagdag gaya ng apendiks.
c) Balangkas na Konseptwal
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang pinakaepektibong
paraan ngpagsasaling-wika sa aspeto ng pananalapi at ekonomiks sa wikang Filipino. Ito
ay ginamitan ng Input-process-output model. Sa input frame, inilahad dito ang mga
kwalipikado sa pagtugon sa sarbey nakumukuha ng kursong Pananalapi. Makikita naman
sa process frame ang mga hakbang na gagawin ng mgamananaliksik ukol sa pagkuha ng
mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon. Ang output frame aysumasaklaw sa
mga nakalap na mga datos ukol sa kung ano ang pinakaepektibong paraan ng
pagsasaling-wika sa aspeto ng pananalapi at ekonomiks sa wikang Filipino.
d) Balangkas na Teoretikal
Ang teoretikal na balangkas na ito ay bumubuo ng pundasyon ng iyong pananaliksik.
Nililimitahan nito ang saklaw ng iyong pag-aaral sa nauugnay na data at ginagawang mas
makabuluhan ang iyong mga obserbasyon at iniisip. Ito ay dinisenyo upang madagdagan
ang pag-unawa at makabuo ng bagong kaalaman.
Ang balangkas na ito, na binubuo ng isang pormal na teorya, ay nagsisilbing batayan para sa
pananaliksik. Ito ay nagsisilbing reference point para sa iyong proseso ng pananaliksik. Ito ang
batayan ng lahat ng pananaliksik
e) Paradigma ng Pag-aaral
Ito ay isang representasyong gamit ang dayagram ng conceptual framework. Sa
pamamagitan ng ilustrasyon, ginagamit ng mananaliksik ang kanyang mahusay na
paghihinuhang ipakikita sa tinatawag na “input” o ang hakbang sa kalutasan ng anumang
suliranin, ang proseso sa pagsasagawa at ang “output” o ang kalutasan o kalalabasan.
Teoryang Paradigma- ginagamit ito ng mga teoryang kung bakit ang isang
phenomena ay nangyayari at ang relasyon ng mga ito sa bwat isa.
Konseptwal na Paradigma-Halos kapareho ito ng teoretikal, ang pagkakaiba
lamang ay ang gamit ng konsepto. Sa teoretikal, ang konsepto ay abstraksyon.
Gayong ang konseptwal ayg umagamit ng mga “construct” na tiyak dahil
ipinapakita rito ang mga malayang baryabol at di-malayang baryabol.
f) Paglalahad
Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongkretong ibinunga at mga natuklasan sa pag-aaral
batay sa mga impormasyon o datos na nakalap sa pananaliksik nang sa ganoon ay
makapagmungkahi at makagawa pa ng mas malalim na pag-aaral.