MODULE 6 Fil I

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bato Institute of Science & Technology, Inc

Dolho , Bato , Leyte


Pangalan: __________________________________ Course/ Yr.&
Sec._____________________
Instructor: Melona L. Borong Date: Sept.26-Oct.1, 2022

Modyul # 6

Aralin 6: Siklo ng Pagpaplanong Pagtuturo

I N T R O D U K S Y O N:

Tulad ng maraming bagay, ang pagpaplano ay dinadaan din sa masalimuot at komplikadong


proseso bago tuluyang mabuo sa kasalukuyang anyo nito. Ang prosesong ito ay paulit-ulit na
nagaganap taglay ang pagpapayaman at pagpapabuti sa mga natukoy na kahinaan o kakulangan
mula sa naunang pagpaplano. Lumilikha ito ng isang padron para sa guro upang matutunan ang
siklo o cycle na nabuo. Mapapansin natin sa aktuwal na estratehiya o gawain ng guro.

LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay dapat na:

1. Nahuhubog ang kabatiran ng kurikulum at mga kagamitan sa pagtuturo.

2. Nasusunod ang wastong siklo ng pagpaplanong pagtuturo.

A K T I B I T I:
Mag-isip ng isang gawain na nagpapakita o nagtataglay ng pagsunod ng siklo o hakbang
nito.

A N A L Y S I S:
Paano nakakatulong ang pagsunod sa mga hakbang o siklo ng bawat gawain?

A B S T R A K S Y O N:
Ang Siklo ng Pagpaplanong Pagtuturo

1. Ganap na Kabatiran sa Kurikulum

Ito ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi: (1) Pamantayang Pangnilalaman, (2)


Pamantayan sa Pagganap, at (3) Tatas. Tinutugon ng mga bahaging ito ang mga bagay na dapat isagawa
ng isang guro sa kaniyang pagtuturo sa klase. Halimbawa, sa pamantayang pangnilalaman nakahanay
ang mga prinsipal na kaalaman o kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, sa pamantayan sa

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


[email protected]
Cell No. 09552505396
pagganap nakahanay ang mga prinsipal na kasanayan o kakayahang dapat maipagkaloon sa mag-aaral
upang maisakatuparan ang mga gawaing itinakda ng bawat aralin, samantalang sa bahaging tatas
isinasaad ang pamantayan ng katangiang dapat taglayin ng mga mag-aaral mula sa nilalamang aralin at
kasanayang ipinalilinlang.

2. Kabatiran ng mga Kagamitan sa Pagtuturo

Matapos maisapuso ng guro ang kurikulum, dapat bigyang-kaisipan naman niya ang mga
kagamitang kaniyang gagamitin. Ang bawat paksa sa klase, performance task na isasagawa, at layuning
nais ng guro ay magagawa nang mahusay kung may sapat na gamit. Sa kasalukuyang panahon, hindi
nakapagtataka na ang mga paaralan ay nag-invest na sa mga computer-based lesson na umaangkop sa
mga mag-aaral na millennial, at mahilig sa Internet based-learning packages.

3. Angkop na Estratehiya sa Pagtuturo

Ang paggamit ng angkop na estratehiya sa klase ang nagbibigay-lakas ng loob sa guro upang
maisagawa niya ang kaniyang nais sa klase. Iba-ibang pangkat at uri ng mag-aaral, iba-iba rin ang
estratehiyang gagamitin ng guro. May mga mag-aaral na mabuting gamitan ng top-down na metodo sa
pag-aaral o iyong tinatawag noon na deductive method at ang iba naman ay gumagamit ng bottom-up o
inductive method kung saan hinihimay-himay ng guro ang bawat detalye bago tumungo sa
pinakamahalagang paksa ng aralin.

4. Aktuwal na Pagtuturo sa Klase

Lahat ng kaisipan o inaaasahan ng guro ay mababalewala kapag nabigo siya sa


pinakamahalagang bahagi ng pagkaklase at ito ay ang aktuwal na pagtuturo sa mga mag-aaral. Sa
bahaging ito nabubuo ang lahat ng ideya ng mag-aaral tungkol sa isang aralin. Mayroon ding mga
hakbang na dapat sundin ang guro para sa epektibong pagkaklase.

5. Pagtataya

Paano mo malalaman na epektibo ang iyong mga paghahanda, estratehiya, at aktuwal na


pagtuturo? Ang pagtataya o assessment ang nagsasabi sa guro kung dapat ba niyang ituloy ang kaniyang
mga hakbangin o itigil sandal ang proseso upang ayusin ang pinakamahalagang bagay na makikinabang
sa kaniyang mga gawa at ito ay ang kaniyang mga mag-aaral. Dapat ba niyang ulitin ang kaniyang
pagtuturo o reteaching o dapat na siyang magpatuloy sa susunod na kabanata ng kaniyang Gawain?
Magsasagot lamang ito kung mayroong sapat na impormasyon ang guro kaugnay ng kalagayan ng
kaniyang mga mag-aaral at maibibigay ito sa kaniya ng pagtataya.

PAGLALAPAT

1. Ano-ano ang mga salik at siklo ng pagpaplanong pagtuturo? Gumuhit ng isang ilustrasyong
nagpapakita nito. (10 pts.)

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


[email protected]
Cell No. 09552505396
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

P A G T A T A Y A:

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat salik. (20 pts)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Aling bahagi ng siklo ang pinakamahalaga? Ipaliwanag kung bakit. (10 pts)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Roseta V. Comisco-Gallo, et.al Modyul para sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1


(Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino)

Joselito C. Gutierrez, et.al Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan, at Kultura sa K-12 Kurikulum

Rosario U. Mag-atas, et.al Komunikasyon sa Akademikong Filipino

COPYRIGHT INFRINGEMENT
This MODULE is granted copyright protection for a period of one Academic Year 2022-2023. This means that NO
student has the right to reproduce or copy, share and alter the content of this module without seeking permission.

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


[email protected]
Cell No. 09552505396

You might also like