Batayang Estruktura Module 1

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

i

YUNIT 1

MODYUL 1
BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG
FILIPINO

ARALIN 1 – KAHULUGAN AT PANANAW SA WIKA

ARALIN 2 – MGA TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA

ARALIN 3 - VARAYTI NG WIKA

Module I
2

MODYUL I

BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

 INTRODUkSIYON

Ang unang bahagi ng modyul ay tumatalakay sa kahulugan at pananaw sa


wika, mga teorya ng wika at iba’t ibang varayti ng wika.

LAYUNIN

Pagkatapos pag-aralan ang modyul, inaasahang :

1. Matalakay ang kahulugahan, kalikasan at pananaw sa wika.


2. Masuri at maunawaan ang mga teorya sa pagkatuto ng wika.
3. Makagamit ng iba’t ibang varayti ng wika sa pagpapahayag.

 PANUTO/ INSTRUKSIYON NG MODYUL

Nahahati sa tatlong aralin ang modyul na may iba’t ibang kasanayang


pampagkatuto sa tulong ng makabagong teknolohiya at mga estratehiya na gagabay
sa mga mag-aaral. Basahin at unawaing mabuti ang aralin upang masagot nang
tama ang mga pagsasanay.

Maaaring kontakin ang iyong guro sa pamamagitan ng tawag, text o chat sa


kanyang personal na messenger o di kaya naman sa google klas ng klase. Maari ding
sa itinakdang araw na face to face na pagkatuto.

Isang mapaglang paglalakbay at pagtuklas ng bagong kaalaman!

Module I
3

Aralin 1

 KAHULUGAN AT KALIKASAN
NG WIKA

Kahulugan at Pananaw sa Wika

Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa


isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at
kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga karugtong na batas para maiulat ang nais
sabihin ng kaisipan. Ito ay isang sistemang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.
Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles, “Ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.”.Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay
salamin ng lahi.
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang
behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na
maaaring pasalita o pasulat.
Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang
malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin.Ito ay
paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.
Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at
may angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong,
kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa
kanyang ispesipikong kakayahan.
Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig.Kung titingnan
ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang
pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kani-kaniyang
posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at
kinabibilangan.
Isang disiplinang maituturing ang pag- aaral sa wika sa loob ng lipunan at
ito’y kabilang sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang
mas malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o katayuan nito para sa ating
ikagagaling bilang praktisyoner ng wika.
Isang katangian ng wika bilang penomenong panlipunan ay ang kabuuan ng
pag-iral at patuloy na pagbabago ng wika kasama ang maraming gamit at antas ng
istruktura nito na malinaw na sumasailalim sa mga karanasan.
Ang wikang ginagamit ng isang lipunan ay maaaring sumailalim sa mga
paniniwala nito at mga karanasan.Maaari tayong hubugin ng ating wika matapos
natin itong mabigyan ng kahulugan.

Module I
4

PAG-ISIPANG MABUTI

Magbigay ng limang kahulugan ng wika at bigyang


paliwanag ang bawat isa.

Aralin 2

Mga Teorya ng Pagkatuto ng Wika

1.Teoryang Behaviorism

Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang


naging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal
ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito.
Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak
at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa
mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na
pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang
Gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng
pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak
para maging isang doctor o isang abugado. Ang mga gurong umaayon sa
paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring “Magaling.”
“Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige, ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng
mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual
Method (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa
teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa
ibaba.
Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
Paggamit lamang ng target na wika;
Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

2. Teoryang Innatism
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwala ng bata ay
ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni

Module I
5

Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas


itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para
sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng
bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng
tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language
Acquisition Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang
isang likhang isip na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa
kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong
LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan
na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White,
1989).

3. Teoryang Cognitive

Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang


prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang
mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon,
alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng
orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa
patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay
nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong
ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan
at sa kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at
pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang
bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa
kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto
na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

4.Teoryang Makatao

Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng


mga salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha
ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot

Module I
6

kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang


nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong
tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent
Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

PAG-ISIPANG MABUTI

Pumili ng 2 sa mga teoryang pangwika ang lubos mong


pinaniniwalaan? Bakit?( Bigyang katwiran ang bawat sa nang di
kukulangin sa limang pangungusap

Aralin 3

Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika ay sanhi ng pagkakaiba ng
uri ng lipunang ating ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad,
kasarian, at ang uri ng pangkat etniko.
1.Idyolek
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat
indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.

Halimbawa:

“Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro


“Hoy Gising” – Ted Failon
“Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
“Di umano’y -” – Jessica Soho

2. Dayalek
Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito
ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan.

Halimbawa:

Tagalog – “Mahal kita”


Pangasinan- “Inaro ta ka”
Bikolano – “Namumutan ta ka”

3. Sosyolek
Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na
grupo.

Module I
7

Halimbawa:

Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)

4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga
iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.

Halimbawa:

Palangga – Sinisinta, Minamahal


Kalipay – saya, tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan

5. Ekolek
Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula
sa mga bibig ng bata at matanda.

Halimbawa:

Palikuran – banyo o kubeta


Papa – ama/tatay
Mama – nanay/ina

6. Pidgin
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala
ninuman”.

Halimbawa:

Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.


Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.

7. Creole
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar
hanggang sa naging personal na wika.

Halimbawa:

Mi nombre – Ang pangalan ko


Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?

Module I
8

I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa
gubatan.

8. Register
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na larangan, pangkat o
domain.

Halimbawa:

larangang medikal: antibiotic, x-ray, plasma, COVID-19


larangan ng agrikultura: abono, patubig, ani

PAG-ISIPANG MABUTI

Magbigay tig-3 sariling halimbawa ng mga salita / pahayag sa


bawat barayti ng wika.Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng sariling tula.

Module I

You might also like