Mod3pagtuturo NG Filipino Bilang Pangalawang Wika
Mod3pagtuturo NG Filipino Bilang Pangalawang Wika
Mod3pagtuturo NG Filipino Bilang Pangalawang Wika
MODYUL 3
Ni Ronnie Rubi, EdD.
Linggo 4-5
Paksa : Paano Natututuhan ang Wika
Introduksiyon
Sinasabing ang pag-iisip at ang wika ay magkalapit ang ugnayan at ang kanilang
debelopment ay magkasabay din. Dito mahalaga ang kasanayang makro gaya ng pakikinig,
pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat. Kaugnay nito kailangang matamang masubaybayan
ang pagkatuto ng bata o ng mag-aaral upang maging matagumpay ang kanyang pagkatuto.
.
Layunin:
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagbabahagi ng opinion at ideya sa pagiging wikang Pambansa ng Filipino at sa pagtuturo
ng wika;
Naipaliliwanag ang teoretikal na pananaw sa pagkatuto ng wika gamit ang colage ;
Nakapagsasagawa ng pagsusuri ng mga teorya at kung paano ito naaangkop sa pagkatuto g isag bata
ayon sa isasagawang obserbasyon.
Panimulang GawaiN
PANUTO:
GAWAIN 1: Magsalaysay ka.
Ibahagi mo sa klase kung paano ka natutong magsalita, magbasa, magsulat at making sa wikang
Filipino.
Natuto ako ng . . .
Sa pamamagitan ng . . .
Naisagawa mo ba ang gawain?
Pagtalakay
Iba-iba ang palagay sa kung paano natututuhan ang wika. May naniniwala na dahil sa likas
na kakayahan; sa iba naman naniniwalang bunga ito ng panggagaya samantalang sa iba naman
na ito ay bunga ng isang proseso. Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang
malinang ang kakayahan sa wika. Alamin natin ang iba’t ibang teorya ng wika na may malaking
impluwensiya sa pagkatuto ng wika.
Teoryang Behaviorist
Ang mga bata ay may kakayahang matuto ng wika at ang kanilang pagkatuto ay
maaaring kontrol ng kanilang kapaligiran. Ito ang paniniwala ng mga behaviorist. Ang kilos at
gawi ng mga bata ay maaring mahubog sa pamamagitan ng kanilang kapaligiran.
Ang kakayahang intelektuwal ng mga bata ay maaaring mapayaman at mapagtibay sa
pamamagitan ng pagkokontol nito.Naniniwala si Skinner (1968) na ang bata ay maaring
mapabuti kung pakikinggan ang sinasabi ng nagtuturo at uunawain ang tamang direksyon.
Kaya kailangang alagaa ang bata ang pag-unlad na intelektuwal sa pamamagitan ng
pagganyak at pagbibigay ng wastong gabay. Ang teoryang behaviorist ay nagbibigay sa mga
guro ng isang set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo.
Nagbibigay ng set ng mga simulain ang teoryang behaviorist na batay sa ALM na nagging
popular noong 1950 at 1960. Ito ang mga panguahing katangian:
1. Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
2. Mga pag-uulit at dril;
3. Paggamit lamang ng target na wika;
4. Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
5. Kagyat na pagwawasto ng kamalian at ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa
guro.
Teoryang Innative
Sa pagkatuto batay ito sa paniniwalang ang mga bata ay may “likas na salik” sa
pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965, ) na ang kakayahan sa wika ay kasama
ng pagkasilang at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyonsa
kanyang kapaligiran. Higit na nalilinang ang wika dahil sa nabibigyang-hugis ito ng sosyo-
kultural na kaligiran.
Inilarawan ni Chomsky na ang bawat bata ay may taglay na LAD o Language acquisition
device. Ito ang tumatanggap ng impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Sinusuri ang
wikang ito pagkatapos na marinig bubuoin sa isipan ang tuntunin. Ang mga tuntuninay
inilalapat habang nakikipag-usap ang bata.ang device o kasangkapan ang ginagamit ng bata sa
pagproseso ng pagkatuto hanggang maabot nila ang sapat na edad.
Teoryang Kognitib
Naniniwala ang teoryang ito na ang bawat nag-aaral ng wika ay dapat patuloy na mag-
isip at gawing may saysay ang gawain. O tinatawag na dinamikong proseso. Sa pagkatuto may
nagaganap na pagkakamali at sa pagkakamali diyan natuto ang bata. Naniniwala ang teoryang
ito na sa pagkakamali may nagaganap na pagkatuto. Nakatutok ito sa mga bata. Ang pokus ay
patuklas na pagkatuto nsa pamamagitan ng pagdulog na pasaklaw at pabuod.
Sa pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na
halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas ang bata ng isang paglalahat. Ang
dulog na pasaklaw naman ay kabaliktaran ng dulog na pabuod.
Dito nagsisimula sa paglalahad ng mga tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa. Sa
teoryang kognitibist palaging nakatutok sa kaisipang ang pag-aaral ay isang aktibong prosesong
pangkaisipan.Sa ganitong paraan tungkulin ng gurong maglahad ng bagong impormasyon na
maiuugnay ng mag-aaral sa kanilang kasalukuyang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa
dating kaalaman. Kailangang himukin ng guro na mag-isip ang mag-aaral ng may kamalayan at
pag-uusapan ito upang malinang angat mapaunlad ang kanilang kaisipan. Ang ipinagkakaiba ng
dalawang teorya ay naniniwala agn innativist na di kailangang turuan ang bata dahil likas ang
kakayahang mauto ng bata. Samantalang sa panig ng kognitibist kailangan ang suporta ng guro
upang mapabilis ang pagkatuo ng bata.
Teoryang Makatao
Nakatuon sa teoryang ito na ang pag-aaral ay umiiral sa kahalagahang pandamdamin at
emosyunal. Naanalig sa tagumpay ng pagkatuto na mangyayari lamang kung angkop ang
kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa bagong kaalaman
at impormasyon. Kung ang mga kondisyong ito’y hindi matutugunan, ang anumang paraan ay
hindi magiging matagumpay.
Ang suporta ng guro ay lubhang napakahalaga sa pagkatuto ng bata. Malaki ang
gampanin ng bawat salik na kinakailangan ng teoryang ito.
Ang Tungkulin at Gamit ng wika
May iba’t ibang tungkulin at gamit ang wika:
1. Instrumental – ginagamit ang wika upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang
kinakailangan katulad na lamang ng material o serbisyo.
Halimbawa
Nais bilhin ang selpon sa isang mall
Pag-oorder ng pagkain sa restawran
Paghahanap ng trabaho
2. Interaksyunal – sa isang komunidad, may iba’t ibang tao tayo na makikilala o
makakahalubilo. Kaya dapat matuto tayong makiisa o makipagkapuwa sa kanila.
Halimbawa
Pagbati sa mga kapitbahay
Pagkuwentuhan sa mga taong bagong kakilala sa paaralan
3. Personal – ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang
kinabibilangan.
Halimbawa
Pagpapahayag ng isang opinion sa isang pulong
Pagiging bukas sa mga problema sa sarili
4. Regulatori – tungkulin ng wika ang kontrolin ang kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao.
Ginagamit rin ito sap ag-iimpluwensiya ng tagapagsalita sa madla
Halimbawa
Pag-uutos ng tatay sa anak na lalaki na gawin ang isang bagay.
Pagsasalita sa debate.
5. Heuristik – gamit ng wika na kadalasang makikita sa mga paaralan. Ginagamit upang
madagdagan ang kaalaman ng isang tao.
Halimbawa
Pagtatanong ng isang guro sa mag-aaral ukol sa tinalakay na aralin sa klase.
Pagdalo sa seminar
6. Imahinatibo – tugkulin ng wika na makalikha o makabuo ng kuwento, tula at iba pang
akda gamit ang malikhaing ideya o kaisipan.
Halimbawa
Pagsulat ng Nobela
Paggawa ng bagong awitin
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Inaasahang Awtput:
Bumuo ng isang dayalogo gamit ang tungkulin ng wikang Transaksyunal at
interaksyunal. Kumanda sa pagbabahagi nito sa klase.
Rubrik:
Kawastuhan ng tungkulin ng wikang ginamit – 10 pts.
Kawilihang hatid ng dayalogo – 5pts.
Kalinawan ng pagbigkas – 5pts.
_______
(20 pts.)
Resorses/Materyal:
Badayos, Paquito, et al. (2013). Mga Pananaw na Teoretikal. Isang kompaylasyon mula sa isang
panayam pangwika. (UP).
Google.com - Philnews.ph/2020/08/08