Ang Wika Ko Ni Rio Alma

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“ ANG WIKA KO” NI RIO ALMA”

Ang wika ko’y wikang atin, katutubo.


Na minana pa ni ina sa nuno ng kanyang nuno.
Taglay nitó ang salaysay na taal at mula puso,
At ang ugat ng lumípas na tagbagyo nang tumubo.

Hindi ito natatakot sa pagsakop,


Yumayaman ito kahit lumuluhang nakagapos
Ngunit kapag nakalaya, asahan mong magsasabog
Ng bulaklak at insenso sa anak ng paghahamok.

Ang wika nga, walang wikang isinílang,


Upang maging mas mataas kaysa ibang salitaan.
Aba, hintay! Walang wikang sa sarili’y yumayaman
Nang higit pa sa may- ari’t gumagamit araw -araw.

Umibig man at manalig sa banyaga,


Ngunit huwag lilimutin ang sarili’t inang wika
Malango na sa mabango’t bulaklaking dayong dila
Ngunit huwag isasangla pati diwa mong malaya.

Ang wika ko’y wika nating malikhain,


May hiwaga ng gunitang pag hinukay, lumalalim
Langhapin mo’t ang linamnam, umaalab kung haplusin
Kabaak mo, buong-buo, iyong-iyo pag inangkin.

You might also like