SLK Epp 5 q1 WK 3 Edited

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of City of Bogo
Buac, Cayang, Bogo City, Cebu

EPP 5 Agriculture
Self-Learning Kit
First Quarter (Week 3)
Masistemang
Pangangalaga ng Tanim
na mga Gulay

1
EPP 5 Agriculture
Self-Learning Kit
First Quarter (Week 3)
Masistemang
Pangangalaga ng Tanim
na mga Gulay

2
Paunang Salita:
Ang mga pananim ay dapat pangalagaan dahil ito ay nagdudulot ng
maraming biyaya sa pamilya. Bilang isang mag-aaral dapat mong malaman ang mga
tamang hakbang sa pag-aalaga ng mga pananim na halaman. Dapat mong
malaman kung paano mapanatiling malusog ang mga gulay na pananim.

Para sa mga Mag-aaral:


Ang self–learning kit na ito ay makakatulong sa iyo upang malaman at
maintindihan ang agriculture competencies para sa markahang ito. Ang bawat
leksyon ay may kaagapay na aktibidad na kailangan mong sundin upang maicompile
sa iyong portfolio. Kailangan mo lang sundin ang mga direksyon at lagyan ng label o
tatak ang mga aktibidad na iyong ginawa para sa maayos na pagsasama-sama at
pag tsek sa mga gawain.

Para sa Tagapagdaloy:
Bilang isang facilitator o tagapagdaloy, ikaw ay may malaking maitutulong sa
mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang kaalaman sa markahang ito. Kailangan
mong gabayan at tulungan ang mga mag-aaral sa mga gawain na iniatas sa kanya
sa modyul na ito para sa kanyang pagganap at maging parti ito ng kanyang portfolio.

ALAMIN

Ang mga gulay ay nangangailangan ng natatanging pag-aalaga upang


tumubo nang mabilis at mamunga nang masagana. May mga paraan ng wastong
pag-aalaga sa mga pananim na gulay upang ito ay makapamunga ng masagana.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. Natatalakay ang masistemang paraan ng pangangalaga ng tanim na


mga gulay
2. Naisasagawa ang wastong pamamaraan sa pagdidilig, pagbubungkal
ng lupa at paglalagay ng organikong abono sa halamang gulay
3. Nasusunod ang wastong pamamaraan sa pangangalaga ng tanim na
mga gulay
4. Naipapakita ang wasto at masistemang pangangalaga sa halamang
gulay

3
SUBUKIN
(Portfolio No.1)

Panuto: Gamit ang ½ na papel, kilalanin ang mga sumusunod na gulay sa hanay B
at isulat kung anong parti nang gulay ang ginagamit sa pagtatanim (2 puntos bawat
isa)

A B
1.

2.

3.

4.

5.

7.

4
8.

9.

10.

BAGONG ARALIN

BALIKAN

Sa nakaraang baitang, inyong napag-aralan at natutuhan ang ilang mga


hakbang tungkol sa pangangalaga ng mga pananim. Naaalala nyo pa ba ang mga
pamamaraan sa pangangalaga ng mga pananim? Ano ang kahalagahan ng mga
ito?

TUKLASIN
(Portfolio No. 2)

Panuto: Sa isang ½ tumawid na papel, subukang sagutin ang mga sumusunod.


Lagyan ng tsek () kung ito ay nagpapakita ng wastong pangangalaga sa halaman,
at ekis (X) naman kung hindi.

______1. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang didiligan.
______2. Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong lipat na punla.

5
______3. Kung ang gamit mo ay regadera, kailangang may malalaki itong butas.
______4. Diligin lamang ang halaman, huwag diligan ang lupa na nakapalibot sa
halaman upang hindi ito mamasa-masa.
______5. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Gawin ito sa hapon o di
kaya sa umaga.
______6. Ang pinakamagandang panahon sa paglalagay ng pataba ay pagkatapos
na mamunga ng mga gulay dahil mas kailangan nito ang sustansya.
______7. Dapat diligin ang halaman araw-araw.
______8. Dapat bungkalin ang lupa sa gilid ng halaman hanggang sa pinaka
malalim na ugat.
______9. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig sa halaman.
______10. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Bungkalin lamang ng mababaw
ang mga halamang gulay.

SURIIN
Ang pagtatanim ng gulay ay may masistemang pamamaraan na dapat
sundin. Ang mga gulay ay nangangailangan ng ibayong pag-aalaga upang tumubo
at makapamunga ng marami.

PAGTATALAKAY

May mga wastong pamamaraan ng pagbubungkal, wastong dami ng tubig sa


pagdidilig at wastong pamamaraan ng pag-aabono ang dapat sundin upang maging
malusog at masagana ang pag-aani sa bunga nito.

Narito ang mga pamamaraan ng masistemang pangangalaga ng tanim na mga


gulay.

Pagdidilig ng halamang gulay mula sa binhi hanggang paglaki


1. Gamitin ang regadera bilang kasangkapan sa pagdidilig ng halamang
gulay. Kung ang gamit mo ay regadera kailangan iyong maliliit lamang
ang butas.
2. Sa umaga at hapon ang mainam na oras sa pagdidilig ng halamang gulay.
3. Dapat hindi diligan ng maraming tubig ang mga maliliit na halaman dahil
ito ay nakakalanta.
4. Dapat malinis na tubig ang gagamitin sa pagdidilig.

6
5. Dahan-dahan sa pagdididlig upang hindi sumabay ang lupa sa agos ng
tubig.
6. Hindi lamang ang ugat ang kailangang mabasa ng tubig, mas mainam na
sa pagdididlig, isali ang mga dahon nito.

Pagbubungkal ng lupa ng halamang gulay

Ang pagbubungkal ay isang paraan ng pagpapaluwag ng lupa. Kapag maluwag


na ang lupa, madaling bunutin ang mga damo.

Masistemang paggawa at magandang epekto ng pagbubungkal ng lupa sa


halamang gulay
1. Gawing katamtaman ang pagbubungkal ng lupa.
2. Dapat mababaw ang pagbubungkal ng halamang gulay.
3. Madaling dadami ang ugat ng halamang gulay.
4. Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman.
5. Kunin ang damo sa paligid ng halaman upang hindi maagaw ang nutrisyon na
para sa halaman.
6. Gumamit ng asarol sa pagbubungkal ng lupa.
7. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa kung hapon o
kaya sa umaga.
8. Kailangang bungkalin ang lupa nang minsan o dalawang beses sa isang
linggo upang makahinga ang mga ugat ng halaman.

Paglalagay ng abonong organiko

7
Ang organikong abono ay mainam na gamitin para sa halamang gulay, dahil
ito ay may sustansya na galing sa natural na pamamaraan. Ito ay maaaring dumi ng
hayop o compost. Kapag naglalagay ng abono ito ay maaaring ilagay bago
magtanim, habang nagtatanim, o pagkatapos magtanim upang mapanatili ang
sustansya ng lupa. Ilagay ang abono sa tamang lugar ng halamang gulay. Kapag
maglalagay ng abono sa mga pananim, dapat isaalang-alang ang sariling kalusugan,
kaya gumamit ng gwantis at huwag kalimutang maghugas ng kamay bago gumawa
ng ibang bagay.

Ang masistemang pangangalaga ng halamang gulay na pananim ay


makatutulong upang magkaroon nang mas maraming ani. Ang pagbubungkal,
paglalagay ng abono at ang pagdidilig ng halaman ay ang mga masistemang
pamamaraan na nakakatulong sa halamang gulay upang maging malusog at
magkaroon ng masaganang ani.

PAGYAMANIN
(Portfolio No. 3)

Panuto: Itugma ang mga salita sa ilalim ng Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
A B
____1. regadera A. abonong ginagamit sa halamang gulay
____2. asarol B. paraan ng pagpapaluwag ng lupa
____3. sa umaga at hapon C. uri ng tubig na gagamitin sa pagdidilig
____4. organikong abono D. kasangkapang ginagamit sa pagbubungkal
____5. pagbubungkal E. ginagamit ito sa pagdidilig
____6. paglalagay ng abono F. nakakatulong ito sa paglaki ng mga halaman
____7. malinis na tubig G. mainam na oras sa pagdidilig
____8. kalusugan H. dahilan ng pagbubungkal
____9. makahinga ang mga ugat I. paraan ng pagbubungkal ng lupa
____10.mababaw na pagbubungkal J. isaalang-alang kung maglalagay ng abono

8
ISAISIP

Ang pagsasagawa ng masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay ay


makakatulong sa pagkakaroon nang masaganang ani ng mga pananim na gulay.

ISAGAWA
(Portfolio No. 4)

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Ang pangangalaga ng halamang gulay ay may mahahalagang sistema


na dapat sundin.
_____2. Ang wasto at masistemang pangangalaga ng mga gulay ay nagdudulot
ng masaganang ani.
_____3. Ang pagbubungkal ng lupa ay nagdudulot ng masamang epekto sa mga
pananim na gulay.
_____4. Ang abono ay hindi nakakatulong sa paglaki ng halamang gulay.
_____5. Dapat maghugas ng kamay matapos ang gawain sa hardin.
_____6. Diligan ng malinis na tubig ang mga halamang gulay.
_____7. Ang pagbubungkal ay isang paraan ng pagpapaluwag ng lupa.
_____8. Dapat malalim ang pagbubungkal ng halamang gulay.
_____9. Kapag maglalagay ng abono sa mga pananim, dapat isaalang-alang ang
sariling kalusugan.
_____10.Dapat diligan ng maraming tubig ang halamang gulay sa umaga,
tanghali at hapon.

TAYAHIN
(Portfolio No. 5)

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno
1. Ito ay ang kasangkapang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.
A. timba B. regadera C. asarol D. metro
2. Kailan dapat diligan ang mga halaman?
A. Araw-araw tuwing umaga at hapon
B. Araw-araw tuwing tanghaling tapat
C. Minsan sa isang linggo at maaga
D. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon
3. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapaluwag ng lupa?

9
A. pagdidilig C. paglalagay ng pataba
B. pagbubungkal D.paglalagay ng bakod
4. Alin sa mga ito ang ginagamit sa pagdidilig?
A. pala B. regadera C. kalaykay D. dulos
5. Anong uri ng abono ang mas mainam gamitin sa mga halamang gulay?
A. organikong abono C. langis
B. buhangin D. basurang hindi nabubulok
6. Kailangang bungkalin ang lupa nang ____________________.
A. araw-araw C. minsan sa isang buwan
B. gabi-gabi D. minsan o dalawang beses sa isang linggo
7. Alin sa mga ito ang hindi tamang pangangalaga sa mga halaman?
A. pagbubungkal C. paggamit ng pataba
B. paglalagay ng bakod D. pagdidilig ng sobrang tubig
8. Kailan dapat naglalagay ng abono o pataba sa mga halaman?
A. bago,habang at pagkatapos magtanim C. bago mag-ani ng pananim
B. pagkatapos lamang magtanim D. habang nagtatanim
9. Sa pagbubungkal ng lupa, ano ang dapat alisin para hindi maagawan ng
sustansiya ang mga tanim?
A. ugat B. uod C. damo D. bunga
10. Anong uri ng tubig ang dapat gamitin sa pagdidilig ng halamang gulay?
A. marumi B. matamis C. malinis D. maalat
11. Bakit dapat bubungkalin ang lupa ng halamang gulay?
A. Upang makahinga ang mga ugat C. Para mamunga kaagad
B. Upang tubuan ng damong ligaw D. Para maubos ang mga ugat
12. Bakit mahalaga ang paglalagay ng abono sa mga halaman?
A. Dahil nakakatulong ito sa paglaki ng mga halaman.
B. Dahil nagbibigay ito ng maraming lupa.
C. Dahil nakakaapekto ito sa kalusugan.
D. Dahil nakatutulong ito sa pagdami ng insekto.
13. Alin sa mga ito ang nagpapahayag ng wastong pangangalaga sa halamang
gulay?
A. Ang mga halamang gulay ay kailangang diligin araw-araw.
B. Diligin ang mga halaman tuwing umaga o sa hapon.
C. Gumamit ng regadera sa pagdidilig.
D. Lahat ng nabanggit
14. Ano ang mangyayari sa mga pananim kapag sinunod ang masistemang
pangangalaga sa mga pananim?
A. Magkakaroon ng masaganang ani.
B. Dadami ang lupang taniman.
C. Magkakaroon ng sirang pananim.
D. Papasok ang malakas na hangin.
15. Alin dito ang wastong paraan ng pagbubungkal ng lupa?
A. Bungkalin ang lupa nang minsan o dalawang beses sa isang lingo.
B. Dapat bungkalin nang mababaw lamang ang mga halamang gulay

10
C. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa.
D. Lahat ng nabanggit

KARAGDAGANG GAWAIN

Sa tulong ng inyong mga magulang gawin ang masistemang pamamaraan sa


pangangalaga ng mga pananim na inyong natutunan.

INSIDE BACK COVER

11
DIVISION OF CITY OF BOGO

JUNE GAY B. PABILLON/RIZA ANCAO


Writers

JUNE GAY B. PABILLON/RIZA ANCAO


Illustrator

JUNE GAY PABILLON


Layout Artist

LEVINA C. PELAYO
Editor

CLEOFE F. ANDALES
Reviewer/Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVL

DR. MYRNA A. GARCIA


Division ADM Coordinator

DR. FELIPA C. MANTOS


Division ADM Coordinator (Alternate)

LOURDESITA P. GUARDIARIO
LRMDS Education Program Supervisor

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

ROSELLER N. GELIG, CESO VI


Schools Division Superintendent

BACK COVER

12
This self-learning kit will help you explore the EPP TLE 5 competencies that you
need to develop in this quarter.

Each lesson has corresponding activity that you need to comply in order to compile
your portfolio.

Enjoy learning the importance of planting and propagating trees and fruit-bearing
trees and marketing seedlings.

This material was contextualized by the


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education

13
Region VII

Division of City of Bogo


ROSELLER N. GELIG, CESO VI
Schools Division Superintendent

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

LOURDESITA P. GUARDIARIO
LRMDS, Education Program Supervisor

DR. MYRNA A. GARCIA


Division ADM Coordinator

DR. FELIPA C. MANTOS


Division ADM Coordinator (Alternate)

CLEOFE F. ANDALES
Education Program Supervisor EPP/TLE/TVL

JUNE GAY B. PABILLON/ RIZA A. ANCAO


Writers

REGIONAL OFFICE
DR. SALUSTIANO T. JIMENEZ
Officer-in-Charge
Office of the Regional Director

DR. CRISTITO A. ECO


Officer-in-Charge
Office of the assistant Regional Director

DR. MARIA JESUSA C. DESPOJO


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMS, Education Program Supervisor

DR. CESAR RESTAURO


ADM Coordinator

DR. ROLANDOV. VILLEGAS


Education Program Supervisor EPP/TLE/TVL

MGA BATAYAN NG ARALIN

14
Peralta, Gloria A., Ed.D., Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan...et.al. Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Teacher’s Guide 5.1946-A F.Torres St., cor.
Diamante Ext. Sta. Ana, Manila:VICARISH Publication and Trading, Inc., 2016.14-16

Peralta, Gloria A., Ed.D., Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan...et.al. Kaalaman at


Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5.1946-A F.Torres St., cor. Diamante Ext. Sta. Ana,
Manila:VICARISH Publication and Trading, Inc., 2016.67-75

Mga Link:

https://previews.123f.com/images/romrodinka/romrodinka1510/
romrodinka151000207/47230919-adorable-little-kid-boy-watering-plants-and-vegetables-
with-can-in-greenhouse-and-garden-child-helpi.jpg

https://www.istockphoto.com/photo/watering-plants-watering-vegetables-in-the-nature-
garden-gm924962874-253837681

https://www.fao.org/countries/55528/en/phl

https://www.nydailynews.com

https://www.bas.gov.ph

https://lrmds.deped.gov.ph

SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin (Portfolio No. 1)

1. Ampalaya -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim


2. Alugbati -Tangkay ang ginagamit sa pagtatnim
3. Kangkong -Tangkay ang ginagamit sa pagtatnim
4. Talong -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
5. Kamatis -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
6. Okra -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
7. Upo -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
8. Kalabasa -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
9. Sitaw -Buto ang ginagamit sa pagtatatanim
10. Malunggay -Buto at sanga

Tuklasin (Portfolio No. 2)


1.  6. X

15
2.  7. 
3. X 8. X
4. X 9. 
5.  10. 

Pagyamanin (Portfolio No. 3)


Tayahin (Portfolio No. 5)
1. E 6. F
1. C
2. D 7. C
2. A
3. G 8. J
3. B
4. A 9. H
4. B
5. B 10. I
5. A
6. D
Isagawa (Portfolio No. 4) 7. D
8. A
1. T 6. T
9. C
2. T 7. T
10.C
3. M 8. M
11.A
4. M 9. T
12.A
5. T 10. M
13.D
14.A
15.D

16

You might also like