Ang Matsing at Ang Pagong

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Matsing at ang Pagong

(mula sa Bagobo)
ni Laura Watson Benedict
isinafilipino ni Donna Sabido

Bakit masama ang pagiging gahaman sa kapwa?


Sa iyong sariling pananaw, tama ba ang paghihiganti?

Isang araw, habang ang pagong ay marahang gumagapang malapit sa sapa, nakakita siya ng isang
batang matsing na umiinom ng tubig. Nang makita ng matsing ang pagong, ito’y tumakbo patungo sa
kaniya at masayang bumulalas, “Halina, pagong! Maghanap tayo ng makakain!”
Sila ay nagtungo sa isang bukid, malapit sa sapa na maraming puno ng saging. Pagkatingin nila
sa itaas, nakakita sila ng kumpol-kumpol ng hinog na prutas.
“Dahil ako’y gutom at ikaw rin ay gutom,” wika ng matsing, “ikaw muna ang umakyat, pagong.”
Kaya ang pagong ay marahang gumapang paakyat ng puno. Ito’y nakaakyat pa lamang ng
kakaunting layo nang sinabi ng matsing, “Roro s’punno, roro s’punno!” (“Madulas pababa, madulas
pababa!”)
Agad nadulas pababa ang pagong sa lupa. Nang ito’y sumubok ulit umakyat ng puno, sinabi ulit
ng matsing, “Roro s’punno!” hanggang sa nadulas ulit pababa ang pagong. Sinubukan niyang umakyat
nang paulit-ulit ngunit siya ay laging nabibigo tuwing sinasabi ng matsing ang, “Roro s’punno!”
hanggang siya ay nadulas pababa ng lupa. Nang siya ay napagod at huminto, sinabi niya kay matsing,
“Ikaw naman ang sumubok.”
“Sayang naman,” bulalas ng matsing, “gutom pa naman tayong dalawa.” Kinailangan lang ng
matsing ng tatlong talon upang maabot ang hinog na mga bunga. “Hintayin mo muna akong matikman
itong mga prutas para malaman kung ito’y masarap at matamis,” sinabi niya sa pagong habang
sinisimulan niyang kainin ang mga saging nang mabilis.
“Bigyan mo naman ako,” pakiusap ng pagong.
“Oo nga pala!” sigaw ng matsing, “pero nakalimutan kong alamin kung ito’y masarap at
matamis…” kaya patuloy nitong kinain ang mga saging sa puno hanggang sa halos lahat ng bunga ay
nakain na niya.
“Maghulog ka kahit iisa lamang!” pakiusap muli ng pagong.
“Bigyan mo ako ng isang minuto,” bulong ng matsing.
Sa wakas, nang tatlong saging na lamang ang natira sa bunga, sinigaw ng matsing, “Langag-ka!
pudung-nu yan matanu!” (Tumingala ka! Ipikit mo ang iyong mga mata!)
Sinunod ng pagong nang walang pag-aalinlangan. Nang sinabi ng matsing na buksan ng pagong
ang kaniyang bibig, siya ay agad sumunod sa utos ng matsing. Pagkatapos, sabi ng matsing, “Babalatan
ko itong saging para sa iyo.” Kaysa gawin ang kaniyang pahayag, umupo ang matsing sa tapat ng
nakabukas na bibig ng pagong at inihulog ang balat ng saging sa loob ng bibig ng pagong. Humiyaw sa
galit ang pagong ngunit ang ginawa lamang ng matsing ay tumalon pataas-baba habang humahalakhak.
Nang siya ay napagod, kinain niya ang natirang mga bunga sa saging. Habang inuubos ng matsing ang
mga bunga sa puno, gumawa ng maliit na kubo gawa sa kawayan ang pagong. Pinatalas niya ang dulo ng
kawayan hanggang ito’y maging matulis at matalim at itinago ito ni pagong sa bubungan na gawa sa
malalaking dahon.
Pagkababa ng matsing sa puno ng saging, sinabi ng pagong, “Umakyat ka sa ibang mataas na
puno at tumingin ka sa langit. Kapag madilim na ang langit, sabihin mo sa akin sapagkat uulan na maya-
maya. Pagkatapos, bumaba ka rito sa bubong ng ating maliit na kubo. Hayaan mo kung ito man ay
masira, maaari naman tayong gumawa nang mas matibay pa ulit.”
Sumunod ang matsing sa pag-akyat ng puno at tumingin sa langit.
“Madilim na ang langit!” sigaw nito.
“Talon na pababa!” bulalas ng pagong.
Tumalon ang matsing ngunit, ito’y napaslang ng matutulis at matatalim na dulo ng mga kawayan
kung saan ito’y dumaong.

You might also like