Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
SILVER AWARD,NASUNGKIT NG
SCHS SA LARONG PANLALAWIGAN
Ang mga manlalaro ng Sepak Takraw mula sa Sta.Clara High School ay
sumabak sa Provincial Meet 2023 at nasungkit ang Silver Medal na ginanap sa Clisoc Field,Bayombong,Nueva Vizcaya noong Marso 03-05 2023. Ang koponan ng SCHS ay kinabibilangan ng 12 manlalaro na siyang nagwagi sa katatapos lamang na Municipal Meet 2023 at ipinadala ng Munisipalidad ng Aritao upang makilahok sa nasabing paligsahan. Sinamahan sila ng SCHS Sports Coordinator na si Sir Jeric Jay Fontanilla,Coach na si Sir Jastine Gerald Descalzo,Sir Joefranco Jimenez at SCHS Principal na si Gng.Marites M. Villamor. ‘’Winner takes all.’’,ito ang naging basehan ng mga tagapangasiwa ng nasabing palaro sa pagpili ng mga nagwaging koponan.Kung saan,15 koponan mula sa 15 munisipalidad ng Nueva Vizcaya. Ginulantang ng SCHS players ang kanilang mga kalaban dahil sa kanilang ipinamalas na talento.Nagkamit ng dalawang panalo ang Aritao kontra sa Bayombong at Bambang bagama’t hindi naman sila pinalad na manalo laban sa Solano.Sa kabuuan,nakakuha ng dalawang panalo at isang pagkatalo ang Aritao sa mga naganap na bakbakan. ‘’They were all excited to show their talents.’’,ang sabi ni Gng.Marites M.Villamor,punongguro ng SCHS na tinutukoy ang mga mag-aaral na napili sa palaro.Ayon sa kaniya,naging maayos naman ang preparasiyon at pagsasagawa ng paligsahan. Ayon pa kay Sir Jastine Descalzo,coach ng sepak takraw,’’Nag-enjoy naman ang mga manlalaro at nagkaroon silang ng mga bagong kaibigan.’’.Binanggit din niya ang pagmamaliit ng ibang koponan sa mga SCHS players ngunit napatunayan nila ang kanilang kahusayan sa ipinamalas nilang dedikasyon sa paglalaro. Hindi man sila pinalad na maiuwi ang inaasam na gintong medalya,ngunit plano nilang bumawi sa susunod pang Provincial Meet.Hindi pa ito ang huli nilang laban at alam nilang mas marami pang bahagdan ng pagsubok ang kailangang lakarin bilang isang matagumpay na manlalaro.