PT Q2 Filipino 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BELENG ELEMENTARY SCHOOL

SECOND PERIODICAL TEST


FILIPINO V

Name: __________________________________________ Date: _________________


Section: _________________________

I. A. Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Ang Modyul ni Emry


Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang paglalaro sa kaniyang
Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi
siya makalabas ng bahay.
Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya makapunta sa paaralan,
pinakahihintay naman niya ang pagdating ng modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase.
Hinintay niya ang pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong
niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan nito. Dali-dali niya
itong binuksan at kinuha ang nasa loob.
“Papa, Papa, there’s a story book inside. Can I read it now?” tanong niya. Hindi pa
man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya ito. “But this is not English, how am I
suppose to understand this?”, malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa
envelope.
Sumabad ang lola ni Emry, “ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa anak niyo, ngayon
paano ang pagsagot niyan?” Nagkatinginan ang mga magulang ni Emry at nagkatawanan
sila. “No problem, Mother, I’ll be the translator, no sweat,” sagot ng Papa.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division

1. Ano-ano ang nakahiligang gawin ni Emry?


A. Pagluluto at pagtitinda online
B. Pamamasyal at pamimili sa malls
C. Paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa Youtube
channel.
2. Bakit kaya masaya siya kahit hindi nakalalabas ng bahay?
A. Hindi man siya makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating
ng modyul.
B. Hindi man siya makalabas ng bahay, pinakahihintay niya ang paboritong teleserye sa
TV
C. Hindi man siya makapunta sa paaralan, pinakahihintay niya ang pagtawag ng
kanyang mga kaklase
3. Paano mo mapatutunayan na interesado si Emry na matuto?
A. Agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan ng module, dali-dali niya itong
binuksan at kinuha ang nasa loob.
B. Mahilig siyang manood ng programang pang-isport sa Youtube.
C. Basa siya nang basa ng mga makukulay na magasin.
4. Sa iyong palagay, tama kaya ang lola ni Emry sa kaniyang sinabi?
A. Opo B. Hindi po C. May katwiran po ang lola niya
5. Sino ang magiging translator ni Ermy?
A. mama B. papa C. lola
B. Panuto: Basahin ang journal ni Gyle sa buwan ng Agosto. Sagutan ang mga tanong
pagkatapos.

Agosto 24, 2020


Inihanda ko ang mga gamit para sa aming unang araw ng online class. Masaya ako ngunit
kinakabahan din ng kaunti. Ano kaya ang masasabi ng aking mga kaklase, o ng aking mga guro sa
bagong paraan ng pagkaklase ngayon? Ganap na ikasiyam ng umaga pa ang aming orientation
program ngunit alas otso pa lang ngayon ay nakaharap na ako sa aking laptop. Naligo ako kanina
at nagbihis ng aking uniporme. Pagbukas ko ng Zoom classroom namin ay marami na pala ang
nag-aabang, kasama na rito ang aming guro. Binati namin si Sir. Halos sabay-sabay kaming
nagsalita at nagtawanan kami. Na-realize ko na miss na namin ang isa’t-isa.
Block section kami kaya sila pa rin ang aking mga kaklase noong Grade 11. Kumustahan,
tawanan, at pagbalik ng alaala sa aming Mahahalagang pangyayari sa buhay ni Don Juan
Sumulong mga ginawa noong unang taon. Gusto sana naming na magkakasama kami sa pagkain
sa aming break, pati na rin sa tanghalian gaya ng dati. Nasabi namin na sana ay bumalik ang
panahon na kasama namin ang isa’t-isa. Kahit pa man minsan ay naglolokohan kami ng aming
kamag-aral, kahit may tampuhan, minsan ay awayan pa, mas ninanais namin na bumalik pa rin
ito. Ay sana Panginoon, matapos na po ang pandemyang ito at nang makakilos na po uli kami ng
gaya ng dati.

Agosto 27, 2020


Eksaktong ikasiyam ng umaga nang pumasok ako sa aming klase. Nakauniporme pa rin
ako. Nandoon na pala ang aking mga kaklase at nagkukuwentuhan pa. May tawanan ulit.
Pagpasok ng aming propesor ay tahimik kaming lahat. Nagsimula na ang aming klase sa
pananaliksik. Tinalakay kung ano ang pananaliksik at kung paano ito maisasagawa nang
mahusay. Masaya ang aming naging talakayan sa klase, pinag-isip kami ng aming guro ng
napapanahong paksa ngayon na mahalagang saliksikin. Iba-iba ang mga naisip namin. Nagkaroon
kami ng pagsasanay na bumuo ng mga tanong na aming sasagutin tungkol sa paksa ng aming
pananaliksik. Naging aktibo ang lahat. Marami kaming natutuhan. Natuwa rin an gaming guro
dahil nagging kawili-wili ang aming online class sa araw na ito.
- Gesille G. Grande, Borongan City Division

6. Anong learning modality ang napili ni Gyle at ng kanyang magulang?


A. Modular Digital C. Modular Printed
B. Blended D. Online
7. Anong Application ang gamit ng klase nila?
A. Google Meet C. Messenger Room
B. Zoom D. FB Room
8. Bakit sabay-sabay silang nagsalita at nagtawanan?
A. Namiss nila ang isa’t isa C. Nagpapagalingan sila
B. Nang-iinis sila ng guro D. Nais nilang sumikat sa klase
9. Nais ba nilang matapos na ang pandemya? Bakit?
A. Hindi, para makatipid sila sa baon
B. Oo, upang makabalik na sila sa dating pamamaraan ng pag-aaral
C. Marahil, upang mayroon ulit silang baon
D. Oo, dahil magkakaroon ulit sila ng pagkakataong mamasyal
10. Nagustuhan ba ni Gyle ang online Class niya? Bakit?
A. Marahil, nakakatulog kasi siya sa oras ng klase
B. Hindi, mahina kasi ang internet connection niya
C. Oo, marami kasi siyang natututunan
D. Hindi, maingay kasi ang kanyang mga kaklase.

II. Panuto: Tukuying kung anong sanggunian ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot
11. Ang mga salita rito ay nakaayos nang paalpabeto. Ito ay naglalaman ng kahulugan, tamang
baybay, tamang bigkas, bahagi ng pananalita at pinagmulan ng mga salita.
A. Diksiyonaryo B. Ensiklopedya C. Atlas

12. Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang paalpabeto. Naglalaman ito ng mga
mahahalagang impormasyon o paksa tungkol sa iba’t ibang tao, bagay at pangyayari,
A. Diksiyonaryo B. Ensiklopedya C. Atlas

13. Ito ay naglalaman ng mapa ng iba’t ibang lugar, eksaktong lokasyon, lawak, dami ng populasyon,
lagay ng ekonomiya. Mababasa mo rin ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa isang tiyak
na lugar.
A. Diksiyonaryo B. Ensiklopedya C. Atlas
14. Naglalaman ito ng mga balita o mga pangyayari sa loob at labas ng bansa
A. Pahayagan o Diyaryo B. Almanac C. Internet

15. Ito ay aklat na naglalaman ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa larangan ng palakasan,


politika, ekonomiya, teknolohiya, na nangyari sa loob ng isang taon.
A. Pahayagan o Diyaryo B. Almanac C. Internet

16. Gamit ang laptop, tablet o cellphone at internet connectivity, ang teknolohiyang ito ay
napakalaking tulong sa mga gustong maghanap ng mga impormasyon sa kahit na anong larangan.
A. Pahayagan o Diyaryo B. Almanac C. Internet

III. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang
oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang
magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos
nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of
America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging
pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling
Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay
na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon
natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa
lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

( DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa,
Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214)

_____17. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?


A. Andres Bonifacio
B. Diosdado Macapagal
C. Jose Rizal
D. Manuel Quezon
_____18. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
_____19. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doctor, abogado B. senador, modelo, kawal
C. alkalde, kongresista, pangulo D. abogado, gobernador, senador
_____20. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A. Pamahalaan ng Biak na Bato.
B. Pamahalaang Commonwealth.
C. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
D. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
_____ 21. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
A. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.
_____22. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
A. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
B. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
C. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
D. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.
_____ 23. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,”
ano ang iba pang kahulugan ng salitang kawal?
A. bayani B. doctor C. manunulat D. sundalo
______24. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo?
A. alamat B. kuwentong-bayan C. pabula D. talambuhay
______25. Alin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
A. Mga Ambag ni Manuel Quezon.
B. Ama ng Wikang Pambansa.
C. Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth.
D. Manuel Quezon at ang bansang Pilipinas.
______26. Ano ang ating Pambansang Wika?
A. Filipino B. Ingles C. Espanyol D. Chinese

IV. Panuto: Ilarawan ang tauhan sa bawat sitwasyon ibinigay. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
27. Si Dan ay mahilig lumaboy. Palagi siyang napapagalitan ng kanyang ina dahil sa hindi
sumusunod at hindi nakikinig sa bilin ng magulang. Siya ay pabaya sa
pag-aaral. Si Dan ay isang batang_______
(A. masunurin B. sinungaling C. masikap D. matigas ang ulo)

28. Maaga pa ay nasa harap na ng simbahan na si Rosita upang magtinda ng kandila at


sampaguita. Ibinibigay niya sa kanyang ama ang kanyang kinikita sa araw-araw. Si Rosita ay______
( A. maramdamin B . masayahin C. masipag D. maagap )

29. Si Lea ay bunso sa magkakapatid. Hindi siya nagpapabili ng bagong damit at iba pang gamit
sankanyang ina para sa kanya sapat na ang mga pinagliitan ng kanyang mga ate. Si Lea ay_____
( A. maunawain B. maawain C. matipid D. masikap )

30. Nalaman ni Ben na ampon lamang siya sa pamilyang napamahal na sa kanya. Lubha siyang
nasaktan. Bunga nito, nagsimula siyang magrebelde at magpabaya sa pag-aaral. Si Ben ay_____
( A. maramdamin B. masasakitin C. bukas ang isip D. mapagmahal)

31. Aktibo si Romina sa pagsali sa mga programang pangkabataan na may adhikaing isulong ang
mga halimbawa ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Naniniwala siya na ang
kabataang tulad niya ay pag-asa ng bayan. Si Romina ay_____
(A. aktibista B. makabayan C. palakaibigan D.marunong makisama)

V. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay naghahayag ng paggalang at MALI kung
hindi. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong papel.
_________32. Ako’y napapagod na, kaya ipagpaumanhin mo kung hindi ko na natapos ang aking
gawain.
_________33. Mali yan, panira ka sa ating pangkat.
_________34.Masarap naman ang iyong pagkakaluto, dagdagan mo na lang ng kaunting
pampalasa para lalong maging masarap
_________35. Napakainit naman dahil brownout, kasalanan na naman ito ng CENPELCO.
_________36. Hindi ko kailangan ang iyong tulong,hindi kita kailangan.
_________37. Maganda ang iyong ideya, ngunit kailangan pa din natin tanungin ang iba pa nating
kasapi.
_________ 38.Hindi po ako sumasang-ayon dahil ito po ay ipinagbabawal ng batas.
_________ 39. Mas mabuting manahimik ka na lang kaysa makisali sa aming usapan dahil wala ka
namang alam.
________ 40.Nabasa ko sa pahayagan na hindi totoo ang iyong sinabi, peke ka kaya dapat kang
alisin sa samahan
________ 41. Iba ang aking pananaw, sa aking palagay mas makabubuti na gumamit na lamang
ng mga papel kaysa plastic.

VI.Panuto: Basahin ang bawat talata at piliin kung ano ang angkop na pamagat sa binasang
talata. Titik lamang ang isulat.

42. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas,
gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at
naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si
Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.
A. Ang Unang Bayaning Pilipino C. Panalo sa Laban
B. Si Lapulapu D. Kilalanin ng Katutubo
43. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pagawit,
pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na
tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
A. Burda at Lilok C. Pilipinong Malikhain
B. Pagpinta at Pag-ukit D. Nanguna sa Larangan

44. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang
tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang
gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga
lalawigan.
A. Pista at Bayanihan C. Bayan Muna
B. Pasasalamat sa Bansa D. Tradisyong Pilipino

45. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong
luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng
paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso,
mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
A. Ang Bitamina A C. Pampalinaw ng Mata
B. Gulay at Prutas D. Bitamina at Mineral

VII. Panuto : Isulat kung ang isinasaad sa bawat bilang ay ISLOGAN o PATALASTAS.
_________________ 1. Ito ay isang uri o anyo ng komunikasyon para sa pagmemerkado o pamimili at
ginagamit upang mahimok ang mga madla.
_________________ 2. Ito ay kadalasang binubuo ng 5-15 na salita.
_________________3. Isang maikling mensahe na nakakaantig ng damdamin at madalas nagdudulot
ng matagal na impresyon o leksyon sa mambabasa o nakikinig.
_________________4. Maaaring maging gabay rito ang mga sagot sa katanungang ano, kailan, saan at
paano.
_________________5. Mas nagiging mabisa ang dating kapag may tugma (rhyme) sa huling pantig ng
mga parirala.

Prepared by:

RESALYN P. MARIANO
Adviser/Subject Teacher

Checked and Validated by:

Quality Assurance Team

RAQUEL V. CLAVERIA
Chairman

MAYRIN S. SORIANO LETECIA S. TAMONDONG


Member Member

MA. THERESA G. CALANGIAN DENVER JOY C. ASEJO


Member Member

Approved:

LENI V. MALICDEM
Principal

You might also like