Co 1 (1ST Quarter 2023) Pagbibigay Solusyon Sa Naobserbahan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAARALAN FORTUNE ELEMENTARY SCHOOL BAITANG/ANTAS 6

GURO MARK ANTHONY P. LIM ASIGNATURA FILIPINO

PETSA Octubre 25, 2023 MARKAHAN UNA

Grade 6 PANGKAT 6-MATIMYAS


Daily Lesson Log
ORAS 8:00 – 8:50 AM
(Pang-araw-araw na Pagtuturo)

I.LAYUNIN/ (ALAMIN)

A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan karanasan at damdamin

B. Pamantayang Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Tiyak na Nakapagbibigay ng sarili o maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid (F6PS-Ig-9)
Layunin 1.1 Nakikilala ang suliranin at solusyon
Isulat ang code ng bawat kasanayan 1.2 Nakapagtatala ng mga suliraning naobserbahan sa paligid

Integrasyon sa Araling Panlipunan: AP6TDK-IVe-f-6

Nasusuri ang mga isyung panlipunan sa kasalukuyang panahon

Integrasyon sa ESP

Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa

D. Nilalaman/Paksang Aralin Pagbibigay ng Maaaring Solusyon sa Suliraning Naobserbahan sa Paligid

II. KAGAMITANG PANTURO

A. SANGGUNIAN K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Validated Q1 Filipino 6 CIM - BOW

2. Mga Pahina Sa Kagamitang Pang-mag-aaral Filipino 6- Q1-Modyul 11 - pah.1-18

3. Mga Pahina Sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Mula Sa Portal Ng E-Libro : https://sites.google.com/depedmarikina.ph


Learning Resource LRMDS: https://lrmds.deped.gov.ph/detail/21859
https://www.youtube.com/watch?v=C28AL8W8FWE

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Video Presentation, TV, Test Paper, Drill Board, Strip Cartolina paper at Marker

III. PAMAMARAAN

Pang-araw-araw na Gawain (5 minuto) A Pang-araw-araw na Gawain


1. Pagdarasal at Pagbati
Indicator 5: Established safe and secure learning 2. Paglinis at pagsasaayos ng silid-aralan
environments to enhance learning through the 3. Paglista sa mga mag-aaral na lumiban
consistent implementation of guidelines, policies 4. Kumustahan
and procedures. Kumusta?
Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin, isulat o iguhit ang inyong nararamdaman o emosyon sa araw na ito sa inyong drill board.
Indicator 6: Maintained learning environment that
promote fairness, respect and care to encourage 5. Paglalahad ng alituntunin sa pamamagitan ng Akronim na R.E.S.P.E.T.O para sa pangkalahatang gabay sa mga gawain.
learning.
R - Responsibilidad: Ang bawat miyembro ay may tungkulin at obligasyon na gampanan ang kanilang bahagi sa pangkatang gawain.
E - Epektibong Komunikasyon: Mahalaga ang malinaw at bukas na pag-uusap sa pagitan ng mga kasapi upang masiguro na nauunawaan ang mga plano at
hakbang na dapat gawin.
S - Sipag at Tiyaga: Kinakailangan ang determinasyon at pagtitiyaga upang matapos ng pangkat ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
P - Pagtutulungan: Importante ang pagtutulungan at pagtulong-tulong ng bawat miyembro para sa tagumpay ng pangkat.
E - Efisiensiya: Dapat magamit ng pangkat nang maayos at mabilis ang mga mapagkukunan upang maging produktibo.
T - Tiwala: Mahalaga ang pagtitiwala sa bawat miyembro ng pangkat upang magkaroon ng magandang samahan at masiguro ang tagumpay ng gawain.
O - Organisasyon: Kailangang maayos ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga hakbang para sa epektibong paglunas ng mga gawain.

Sa pamamagitan ng paggamit ng akronim na R.E.S.P.E.T.O., maaring maging gabay ito sa mga miyembro ng pangkat upang magkaroon ng maayos na
koordinasyon at masiguro ang tagumpay ng kanilang gawain.
(Ipaalala ng guro na gamitin ang alituntunin na ito sa lahat ng pagkakataon ).

Tanong: Sa inyong pananaw, bakit mahalaga na magkaroon tayo ng alituntunin?


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ o Balik-Tanaw sa Nakaraan?
pagsisimula sa bagong aralin/ (3 minuto) KLASE GAME KNB?
Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng maikling pelikula ang mga sumusunod.
1.1.2 Apply knowledge of content within and across curriculum Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
teaching areas.

1. Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan o pinagdausan ng pelikula.

A. Istorya B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema

2. Ito ay ang tunog habang may eksena at nagbibigay-buhay sa bawat eksena.

A. Musika B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema


3. Ito ang paggamit ng Visual Effects sa paglutang ng mga pangyayari sa pelikula.

A. Musika B. Tagpuan C. Tauhan D. Sinematograpiya

4. Sila ang nagbibigay buhay o gumaganap sa karakter sa pelikula

A. Musika B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema

5. Ito ang pagkakabuo at pagkakaayos ng kuwento.

A. Istorya B. Musika C. Tagpuan D. Tauhan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (5minuto) Motibasyon: (Estratehiya: Pagsusuri ng larawan)


(Magpanuod ng isang video na nagpapakita na mga suliraning panlipunan.)

Indicator 1: Applies knowledge of content within and across Kilalanin ang mga suliraning panlipunan na inyong makikita sa bidyo.
curriculum teaching areas. (Script: Sa paglipas ng panahon, sa pagsikat ng haring araw, At patuloy na pamumuhay ngunit sa kabila nito ay may kaakibat na suliraning kinakaharap ang ating bansa na nangangailangan
ng matibay at pangmatagalang solusyon mula sa kabataang tinatawag na pag-asa ng bayan.)
Indicator 3: Applies a range of teaching strategies to develop
(Mga ilang larawan sa bidyo.)
critical and creative thinking, as well as other higher-order
thinking skills

1. Ano-anong suliraning panlipunan ang naobserbahan ninyo sa bidyo?


2. Sa inyong pananaw, bakit kaya hanggang ngayon ay hindi mabigyang solusyon ang suliraning ito?
3. Kanino galing ang pahayag na ”Ang kabataan ay pag-asa ng bayan?”
4. Paano mo naisip na maaari kang maging bahagi ng pag-asa ng bansa sa hinaharap?
5. Pagbibigay ng layunin
Ang layunin natin sa araw na ito ay makapagbigay ng sarili o maaaring solusyon sa naobserbahang suliranin sa paligid. Handa na ba?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin ng TARA LARO TAYO! 1 Salita, 4 Larawan


bagong aralin
Isulat ang salitang mabubuo sa inyong drill board na may kaugnayan sa apat na larawang inyong makikita
(4 minuto)

1.4.2. Use a range of teaching strategies that

enhance learner achievement in literacy and Ipabasa sa mga mag-aaral ang kahulugan nito.
numeracy skills
Suliranin - Ito ay isang problema, isyu, o kahinaan sa sistema na nangangailangan ng solusyon. Ang mga suliraning ito ay maaaring magmula sa iba't

ibang aspeto ng buhay tulad ng ekonomiya, edukasyon, kalusugan, seguridad, kultura, at iba pa.

Solusyon - Ito ay ang mga hakbang o pamamaraan na ginagamit upang malutas o maibsan ang isang suliranin. Ang mga solusyon ay maaaring maging

patakaran, programa, o aksyon na maaaring gawin ng pamahalaan o ng iba't ibang sektor ng lipunan.

Alam nyo ba?

Ang mga suliranin o problemang kinakaharap sa kasalukuyan ng mga mamamayan o isang lipunan ay tinawag na SULIRANING PANLIPUNAN.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng HALINA’T MANOOD


bagong kasanayan #1
Panoorin ang bidyong Isyung Panlipunan. Itala ang mga suliraning inyong maoobserbahan sa bidyo. Tandaan ang mga alituntunin sa panonood.
(5 minuto)

Indicator 2: Uses a range of teaching strategies that enhance


learner achievement in literacy and numeracy skills.

Indicator 3: Applies a range of teaching strategies to develop

critical and creative thinking, as well as other higher-order


thinking skills. https://www.youtube.com/watch?v=C28AL8W8FWE

Ano-ano ang mga suliraning panlipunan ang inyong naobserbahan?

Alin sa mga ito ang inyong nararanasan?

Paano mo maisasagawa ang pagbabago sa sarili mo upang maging bahagi ng solusyon sa mga suliraning panlipunan na nabanggit?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Pangkatang Gawain: Pagsusuri ng bidyo “Isyung Panlipunan”
bagong kasanayan #2 Direksyon:
(10 minuto)
Direksyon: Ang bawat pangkat ay magkaroon ng kolaborasyon at diskusyon mula sa suliraning inyong mapipili.

Suliranin:
Indicator 1: Applies knowledge of content within and across

curriculum teaching areas. Unang-una, tukuyin ang mga suliranin na natukoy sa bidyo na may pamagat na "Isyung Panlipunan." Isulat ang mga ito sa unang bahagi ng tsart.

Indicator 2: Uses a range of teaching strategies that enhance

learner achievement in literacy and numeracy skills. Dahilan:

Pagkatapos tukuyin ang bawat suliranin, ilista ang dahilan kung bakit ito naging isang isyung panlipunan. Ano ang mga dahilan o kaganapan na nagdulot ng suliranin na

ito? Isulat ito sa pangalawang bahagi ng tsart.

Solusyon:

Pagkatapos, isipin at isulat ang mga mga maaaring solusyon para sa bawat suliranin. Anong mga hakbang o programa ang maaaring gawin upang masolusyonan ang

bawat isa? Isulat ang mga solusyon sa pangatlong bahagi ng tsart.

Kalalabasan ng Solusyon:

Sa huling bahagi ng tsart, ipahayag kung ano ang inaasahang kalalabasan o epekto ng bawat solusyon. Anong maaaring mangyari pagkatapos maisakatuparan ang

solusyon?
SULIRANIN DAHILAN SOLUSYON KALALABASAN

Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng solusyon sa suliranin

1. Alamin ang ugat o dahilan ng suliranin.

2. Isipin ang maaaring maging solusyon.

3. Isipin ang taong makatutulong sa paglutas ng suliranin.

4. Isipin ang maaaring maging kalabasan o kahihinatnan.

F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain:


(Tungo sa Formative Test) Makinig sa maikling kuwento at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
(5 minuto)

Indicator 2: Uses a range of teaching strategies that enhance


learner achievement in literacy and numeracy skills.

Ang pamilyang Santos ay nakatanggap ng “disconnection notice” mula sa Meralco. Dahil sa init na nararanasan, hindi maiwasan ang mataas na pagkonsumo ng kuryente
kaya naman tumaas nang tumaas ang kanilang bayarin. Ang dating konsumo na 281 kwh ay pumalo ito sa 700 kwh.

SULIRANIN / PROBLEMA SANHI BUNGA SOLUSYON

1. Ano ang suliranin inyong naobserbahan sa kuwento?


2. Ano ang dahilan nito?
3. Ibigay ang bunga at maaaring solusyon.
4.Paano nakuha ang konsumo ng pamilyang Santos?
5. Sa inyong palagay, paano ka makatutulong sa inyong mga magulang sa bayarin sa kuryente?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay BARANGAY SK ELEKSYON


(10 minuto) Pangkatang Gawain:
“Paglalahad ng Suliraning sa Barangay at Pagbibigay ng Solusyon”
Indicator 5: Established safe and secure learning environments to Direksyon:
enhance learning through the consistent implementation of
Mag-organize ng mga pangkat ng mga mag-aaral at ihanda ang kanilang presentasyon.
guidelines, policies and procedures.

Indicator 6: Maintained learning environment that promote Paglalahad ng Suliranin:


fairness, respect and care to encourage learning. Ang bawat pangkat ay dapat maglalahad ng isang suliraning inyong naobserbahang sa barangay Fortune. Magbigay ng mga mahahalagang detalye o impormasyon ukol
sa suliraning naobserbahan.

Pagbibigay ng Solusyon:
Pagkatapos ng paglalahad, ang bawat pangkat ay magbigay ng mga solusyon o mungkahi o plataporma para sa suliranin na kanilang naobserbahan.

Tips:
Maging malikhain at magbigay ng mga solusyon na maaring maging epektibo sa pagresolba ng suliranin.
Pwedeng gamitin ang mga visual aids o iba't ibang paraan ng presentasyon upang mas lalong maging malinaw at kaakit-akit ang kanilang pagsusuri.

Ipaalala ang pamantayan sa pagsasagawa “R.E.S.P.E.T.O.”

H. Paglalahat ng Aralin I-TWEET Mo!


(5 minuto) SHARE KO LANG!
Paano makapagbigay ng sariling solusyon sa suliraning naobserbahan sa paligid?
Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng solusyon sa suliranin
1. Alamin ang ugat o dahilan ng suliranin.
2. Isipin ang maaaring maging solusyon.
3. Isipin ang taong makatutulong sa paglutas ng suliranin.
4. Isipin ang maaaring maging kalabasan o kahihinatnan

I. Pagtataya sa natutuhan KAYA Mo `To!


(5 minuto) Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon.
Piliin ang iyong sariling solusyon sa isang suliraning ito..
1. Anong solusyon ang maaaring gawin sa basurang nagkalat sa paaralan?

a) Magtayo ng mga basurahan at magkaroon ng regular na paglilinis. (4)


b) Mag-organize ng environmental campaign. (2)
c) Magturo ng proper waste disposal. (3)
d) Magkaroon ng palaro ukol sa kapaligiran. (1)
2. Paano matutulungan ang mga nahihirapang mag-aaral sa Matematika?

A) Magkaroon ng extracurricular activities sa Matematika. (1)


B) Magtayo ng tutoring sessions o study groups. (4)
C) Pahabain ang oras ng pag-aaral sa Matematika. (3)
D) Mag-assign ng mga guro na magbibigay ng support. (2)

3. Anong paraan ang maaaring gawin para sa mga estudyanteng nahihirapan sa pagbasa?

A) Magturo ng remedial reading classes. (4)


B) Magkaroon ng storytelling sessions at reading clubs. (2)
C) Mag-assign ng mga guro o tutors sa reading techniques. (3)
D) Magtayo ng community library. (1)

4. Anong programa ang maaaring ipatupad para sa mga mag-aaral na galing sa broken family?

A) Magkaroon ng pampamilyang aktibidad. (2)


B) Mag-organize ng pagsasanay sa life skills. (1)
c) Magtayo ng mga programa para sa mga magulang. (3)
D) Magtayo ng counseling sessions at support groups. (4)

5. Anong hakbang ang maaaring gawin upang labanan ang sore eyes sa paaralan?

A) Magtayo ng mga clinic para sa mga apektado. (1)


B) Magdistribute ng pamplet tungkol sa sore eyes. (3)
C) Magtakda ng seminar ukol sa pangangalaga sa mata. (4)
D) Hayaan na lamang at gagaling rin ito. (0)

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Gawain: Sanaysay Tungkol sa Kabataan bilang Pag-asa ng Bayan
remediation Isulat ang iyong sariling sanaysay tungkol sa kung paano maaaring maging bahagi ang kabataan sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa. Ipakita ang iyong
(KARAGDAGANG GAWAIN) mga ideya at mungkahi na maaaring makatulong Lipuna-unlad ng ating Lipunan.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial bilang ng mga mag-


aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang Stratehiyang dapat gamitin:


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? __Kolaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__Discussion
Iba pa: _________________________________________________________
F.Anong suliranin ang aking naranasan na Mga Suliraning aking naranasan:
solusyon sa tulong ng aking punungguro at __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
superbisor? __Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Iba pa: ___________________________________________________________

G.Anong kagamitang panturo ang aking __Pagpapanuod ng video presentation


ginamit/nadiskubre na nais kong ibahagi sa mga __Community Language Learning
kapwa ko guro? __Ang “Suggestopedia”
__Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Differentiated Instructions
__Guided Instructions
__Targeted Instructions
Iba pa: ___________________________________________________________

Inihanda ni:

MARK ANTHONY P. LIM Sinuri ni:

Guro sa Filipino 6

Wilfredo A. Santos Jr.

DalubGuro sa Ika-6 na Baitang

Fortunato A. Sabido Jr.

DalubGuro sa Ika-6 na Baitang

Pinagtibay ni:

SHERLY ANN D. HERNANDEZ

Punong-guro

You might also like