Araling Panlipunan 7: Ikalawang Markahan Unang Linggo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 7

Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Benzon L. Patron - GNHS


Evaluator: Jhonver Napre S. Capricho, Fatima D. Notarte, Joeden B. Sandot
Illustrator:
Learning Area Supervisor: Dr. Analiza G. Doloricon

Illustration Credits:
Title Page: Marieto Cleben V. Lozada
Visual Cues: Ivin Mae M. Ambos
LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO
Araling Panlipunan Grade 7
Ikalawang Markahan
Unang Linggo

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

Kasanayang Pampagkatuto
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito. (AP7KSA-
IIb-1.3)

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon;
2. nakagagawa ng isang sanaysay na naglalahad ng pagsibol at pag-
unlad ng kabihasnan sa sariling pamayanan; at
3. napapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad
ng sinaunang tao sa Asya.

Takdang oras: 3 oras sa isang linggo

NILALAMAN

Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig:

• Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t-


ibang bahagi ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya
sa pag-aaral sa ebolusyon ng tao.
• Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at
tao samantalang ang artifacts ay anumang mga kasangkapang
ginagamit ng tao.
• Ganunpaman, mayroon ding dalawang aspektong pinagbatayan ng
pinagmulan ng unang tao – ang bayolohikal at kultural.
• Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad
ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan
ang siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag- unlad.
• Batay naman sa ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit
ng mga
sinaunang tao
ang
pinagbatayan sa
pag-unlad ng
pamumuhay ng
tao.

1
• Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng
Ebolusyon ng Tao ng isang French naturalist na si Jean Baptiste Lamarck
(1809).
• Subalit kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag
hanggang sa nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R.
Wallace noong 1858.
• Pinag- ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanang sa kanyang aklat na
Origin of Species noong 1859. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan
(ladder) ang pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang
nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike
ancestors) at ang mga modernong tao (Homo sapiens) ang nasa
pinakatuktok.
• Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng
bipedal primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao.
Ang silangang bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng
mga hominid. Ang mga ito ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong
pangkatang Ardipithecus Ramidus, Australopithecine at Homo.

• Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar, Ethiopia


na ardi na nangangahulugang ground floor at ramid na ibig
sabihin ay root. Tinatayang sila ay may taglay na katangian ng
chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa pagiging
bipedal).

• Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na


nangangahulugang Southern Ape. Ito ay nagtataglay ng
magkaparehong katangiang tao at bakulaw. Sila ang sinasabing
mga ninuno ng makabagong tao.

• Gayunpaman, ang Homo naman ay nagmula sa salitang Latin


na nangangahulugang “tao”. Sila ay may mas malalaking utak
at may kakayahang makalikha ng mga kagamitan.

• Ang Homo ay nahahati sa tatlong species Homo Habilis (handy man),


Homo Erectus (upright man), at
Homo Sapiens (wise man). Ang
mga Homo Erectus ay ang
unang pangkat na lumabas sa
kontinenteng Africa at nagpunta
sa iba’t ibang kontinente
kasama na ang Asya.

2
Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang Asyano

Ang panahon ng Bato ay ang panahon ng paglilinang ng tao na nahahati


sa dalawa: Paleolitiko (Lumang Bato) at Neolitiko (Bagong Bato).

A. Panahong Paleolitiko ang mga tao ay:


• nomadiko (walang permanenteng tirahan)
• nangangaso at namumulot ng
pagkain
• gumagamit na ng kamay di kagaya
ng hayop
• nakapagsalita at nakatanggap ng
anumang impormasyon
• mas malaki ang utak bunga ng
pagiging mas matalino sa mga
hayop
• nakakalakad na ng maayos at may
pisikal na katangian
• mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba
• gumagamit ng apoy

B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay:


• napag-aralang gumamit ng matalas, makinis at matulis na
kasangkapang yari sa bato
• natutong magsaka at mag-alaga ng
hayop
• namuhay sa permanenteng lugar
• naging malikhain gaya ng paghahabi ng
tela, paggawa ng lutuan, basket, palayok at
gamit sa bahay
• namumuhay na magkasama na naging
sanhi sa pagbuo ng isang pamayanan,
pagkaroon ng lider, at pagtatag ng
organisadong pamahalaan

C. Panahon ng Metal ang mga tao ay:


• gumamit ng mga bagay na yari sa metal
(tanso o copper)
• gumawa ng mga mamahaling bagay gaya
ng alahas at kagamitang pandigma
• nakaimbento ng bronse (bronze),
pinaghalong metal na tanso at metal na tin
• nakalikha ng mga kagamitang
pansaka at kagamitang panlaban o
mga armas na may matatalim na
bahagi
• sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos at
mga bariles na mula sa bronse

3
• nadiskubre rin ang iron o bakal

Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

KABIHASNAN – Ito ay isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na mataas na


antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang ugat na “bihasa” na ang
kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon ang kabihasnan ay
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Sakop
nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa lungsod.
Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining
na nakasanayan o nakagawian.

SIBILISASYON - Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng


Africa sa Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag
na “SIBILISASYON”.

Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na ang ibig


sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan namang “ng mga
mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na
pamumuhay sa lungsod. Ito ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunan ng
umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Hindi
tahasang sinabi nakapag namuhay sa lungsod ay sibilisado ka o kung namuhay
sa hindi lungsod ay hindi kana sibilisasyon. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon
kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang pamumuhay gamit ang
lakas at talino nito.

Mga Batayang Salik sa Pagkakaroon ng Kabihasnan


1. sistema ng pagsusulat
2. masalimuot na relihiyon
3. pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
4. espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan
5. mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura

4
GAWAIN 1: HALINA’T TUKLASIN

Panuto: Tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba at magbigay ng iyong ideya o


kaalaman ukol sa salitang nabanggit. Pagkatapos sagutan ay ibahagi ito sa
iyong mga kasamahan sa bahay para sa pagwawasto.

Kabihasnan Sibilisasyon

GAWAIN 2: PICK IT UP!

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng
pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum.

PANAHONG PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL


PALEOLITIKO
1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

5
GAWAIN 3: GAMIT NILA NOON, GAMIT KO NGAYON, LEVEL UP!

Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na


nasa unang kolum. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang
paggamit nito ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang
nasa halimbawa.
Halimbawa: 1. Dahon = A = F

MGA KAGAMITAN NOON NGAYON


1. Dahon F.

2. Puno G.

B.

3. Clay o Luwad H.

C.

4. Balat ng I.
hayop

D.

5. Buto ng hayop J.

E.

K.

6. Bato
F.

6
REPLEKSYON:
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay (essay). Ilahad kung paano nagsimula at
umunlad ang kabihasnan/sibilisasyon sa inyong pamayanan. Gawin ito sa isang
buong papel.

TAYAHIN

A. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. pamumuhay na nabago ng kapaligiran
B. pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
D. pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?


A. kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
B. kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng
pagsulat
C. kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at na pangkat ang tao ayon
sa kakayahan
D. sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring
panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat

3. Alin sa mga nabanggit ang tamang kahulugan ng sibilisasyon?


A. kung ikaw ay nakatira sa lungsod
B. kung ikaw mula sa angkan ng mga maharlika
C. kung ikaw ay naninirahan sa malalayong lugar
D. kung ikaw ay natutung humarap sa hamon ng kapaligiran at paano mo ito
matutugunan

4. Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ng mga


sinaunang kabihasnang Asyano.

7
A. kotse, pera, karangalan, kaibigan
B. tv, ref, computer, cellphone, wifi
C. kaharian, katungkulan, katapangan, kagalingan
D. apoy, kuweba, bato, dahon, balat ng hayop at kahoy

5. Paano magkasingkahulugan ang salitang kabihasnan at sibilisasyon?


a. kapag ang tao ay may nasasakupan
b. kapag nanirahan ng magkasama sa isang bubong
c. kapag ang tao ay may tiyak na patutunguhan sa kanyang buhay
d. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at
baguhin ang pamumuhay gamit ang lakas at talino

B. Punan ang patlang. Ibigay ang tamang salita upang mabuo ang
pangungusap.
1. Ang ________ at ________ ang ginamit na pangunahing ebidensya sa
pinagdaanang ebolusyon ng tao.
2. Ang pinagbatayan ng pinagmulan ng unang tao ay ang Teorya ng
_____________ ng biologist na si Charles Darwin.
3. __________ ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko
sa mga unang tao at iba pang nilalang na malatao na naglalakad ng
tuwid noong panahong prehistoriko.
4. Ang Homo species ay binubuo ng tatlong pangkat, ang mga ito ay ang
______, ______ at ______.
5. Ang _______ ay nag-ugat sa salitang Pilipino na hasa, samantalang ang
sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Latin na _______ at ______.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like