Teoryang Ebolusyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

School: ALBALATE INTEGRATED SCHOOL Grade Level: BAITANG 7

Learning
Teacher: BB. AILEEN L. JABON ARALING-PANLIPUNAN
Area:
Date Time Section Quarter: 2nd
Teaching
Dates & Week: 1
Grades 1 to 12
Time: NOVEMBER 6, 2023 1:00PM-1:50PM
Daily Lesson Session: 1
Plan

I. MGA LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
A. Pamantayang Pangnilalaman relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
B. Pamantayang Pagganap relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakilanlang Asyano
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto
 Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.
II. NILALAMAN
A. Paksa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig
III. KAGAMITANG PANTURO
A. References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages AP7KSA-IIa-1.1
3. Textbook pages
4. Additional materials from
TV, Laptop, Chalkboard, chalk
Learning Resource (LR) Portal
B. Other Learning Resources
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagbabalik Tanaw
Tanong:
1. Bakit kailangan kelangan ang yamang tao sa bansa?

Pagganyak

Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na nasa unang kolum.


Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito ngayon?

• Arkeologo – syentipikong pag-aaral sa mga labi at mga material at kasangkapang


naiwan ng mga sinaunang tao sa mundo.
Unlocking of Difficulties • Australopithecin- wikang Latin na nangangahulugang Southern Ape
• Fossils - labi ng mga halaman, hayop at tao
• Artifacts- kasangkapang ginagamit ng tao

B. Pagtatalakay

Bawal Ang Judgemental:


Aktibiti

Analisis Kilalanin at bigyan pangalan ang mga larawan sa taas.

Abstraksiyon Sa hapong ito, tatalakayin natin ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya at daigdi.
Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t- ibang bahagi
ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pag-aaral sa ebolusyon ng
tao.

Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao.
Ang artifacts ay anumang mga kasangkapang ginagamit ng tao.

May dalawang aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang


bayolohikal at kultural.

Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki ng


bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay ang siyang pangunahing
ginamit na batayan sa pag- unlad.

Batay naman sa ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga


sinaunang tao ay ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

Teorya ng Ebolusyon

Sinasabing ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa teorya ng isang French


naturalist na si Jean Baptiste Lamarck (1809), ang Teorya ng Ebolusyon ng Tao.

Subalit kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag hanggang sa


nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Pinag-
ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanang sa kanyang aklat na Origin of Species noong
1859. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan (ladder) ang pinagdaanang ebolusyon
ng tao, kung saan ang nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike
ancestors) at ang mga modernong tao (Homo sapiens) ang nasa pinakatuktok.

Hominid
Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng bipedal
primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang silangang
bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng mga hominid.
3 Uri ng Hominid

1. Ardipithecus Ramidus
2. Australopithecine
3. Homo.

Ardipithecus ramidus
Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar, Ethiopia na ardi na
nangangahulugang ground floor at ramid na ang ibig sabihin ay root. Tinatayang sila ay
may taglay na katangian ng chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa pagiging
bipedal).

Australopithecine

Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na nangangahulugang


Southern Ape. Ito ay nagtataglay ng magkaparehong katangiang tao at
bakulaw. Sila ang sinasabing mga ninuno ng makabagong tao.

Hatiin ang ang klase sa dalawang grupo at magkaroon ng debate ukol sa pinagmulan ng
unang mga tao sa daigdig.
Aplikasyon
Ang unang pangkat ay magbibigay opinion at maninindigan ayon sa teorya ng
ebolusyon. Ang pangalawang pangkat naman ay maninindigan ayon sa paniniwala na
ang tao ay ginawa ng Diyos.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan


ng unang tao sa daigdig?
a. Ebolusyong Bayolohikal b.Teorya ng Ebolusyon c.Teoryang Humanismo
d.Teoryang Eksistensyalismo
_____2. Ang tawag sa anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao na
siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pinagdaanang ebolusyon ng tao.
a. Clay b. Fossils c. Artifacts d. DNA remnants
C. Asesment _____3. Ito ay ang pangkat ng Homo species na tinatawag na taong nag-iisip.
a. Homo Sapiens b. Homo Habilis c. Homo Erectus d. Home Neandethalensis
_____4. Ito ay kabilang sa pangkat ng Hominid na nagtataglay ng katangian ng isang
ganap at tunay na tao.
a. Homo b. Australopithecine c. Ardipithecus d. Civitas
_____5. Sa kontinenteng ito nagmula ang unang pangkat ng Homo erectus na
nagtungo sa ibang panig ng daigdig na nakarating sa Asya at Europa.
a. Africa b. Australia c. North America d. Antartica

D. Takdang-aralin
V. REMARKS
VI. REFLECTION

Prepared by: Noted by:

Aileen L. Jabon Griv Brown V. Aguirre

You might also like