Panitikan NG Kalinga

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Panitikan ng Kalinga

Ang Alamat ng Sleeping Beauty


Noong unang panahon sa liblib na bayan ng Dacalan, Tanudan, may isang napakagandang
dalaga na nagngangalang Lupting. Siya ay kaisa-isang anak nina Kamu at Usa-ay. Bukod sa
pagiging maganda siya rin ay mabait masipag at mapagmahal na anak. Kung kaya`t dahil sa
kanyang naiibang kagandahan, lahat ng kabinataan ng Dacalan at karatig bayan ay
nagpapantasyang ligawan ang napakagandang dilag na si Lupting. Maraming kabinataan ang
nagtangkang ligawan at hingin ang kamay ng dalaga subalit lahat ay hindi nagtagumpay. Ang
kakaibang kagandahang ito ay umabot sa pandinig ni Finsay ng Luplupa, Tinglayan na isang
matapang, malakas, matangkad at matikas na mandirigma ng Luplupa. Gaya ni Lupting, maraming
kadalagahan ang nagpapantasya sa kakisigan at katapangan ni Finsay pero ni isa ay wala siyang
mapusuan hanggang sa maabot ng kanyang kaalaman ang tungkol sa napakagandang dalaga ng
Dacalan na si Lupting. Nang marinig ni Finsay ang tungkol sa dalaga, ginawa niya ang lahat para
mapuntahan at makilala ito.
Isang araw, umakyat ng Dacalan si Finsay at namataan niya si Lupting na nag-aani ng palay
sa kanilang palayan. Dahil sa naiibang kagandahan ni Lupting, lahat ng pagod ni Finsay ay nawala.
Gayundin kay Lupting nang makita si Finsay ay naglaho ang lahat ng pagod niya. Sa wakas
natagpuan na ni Finsay ang pinapangarap na dalaga na mabait, masipag, mapagmahal at
napakaganda.
Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng pagnguya ng momma. Nagkaintindihan sila
ng kanilang nararamdaman. At sa araw ding iyon ay hiningi ni Finsay ang kamay ni Lupting. Kung
kaya`t umuwi sila ng Dacalan para pormal na ipakilala ni Lupting sa mga magulang ang napusuang
si Finsay. Masayang tinanggap ng mga magulang ni Lupting si Finsay at nagpasalamat dahil sa
wakas ay natagpuan na ng kanilang anak ang katuwang niya sa buhay.
Maraming kabinataan sa Dacalan ang nainggit sa pagdating ni Finsay dahil siya ang
mapalad napinili ni Lupting. Sa araw ding iyon, nagpakatay ng limang baboy ang mga magulang
ni Lupting para sa kanilang pag-iisang dibdib. Kinabukasan bago sila maghiwalay, nagkasundo
ang dalawa na magkita sila sa tuktok ng Bundok Taungay pagkaraan ng isang linggo para iuwi ni
Finsay si Lupting sa kanyang bayang Luplupa. Sa kanyang paglalakbay pabalik ng Luplupa,
sinamahan siya ni Lupting sa tuktok ng bundok. Kahit na gustong sundan ni Lupting si Finsay ay
di niya magawa dahil sa nakitang senyales sa atay ng baboy na kinatay na may masamang
mangyayari.
Hindi lang dahil sa atay ng baboykundi dahil na rin kaugaliang kailangang maghiwalay ng
isang linggo ang bagong mag-asawa bago sila magsamang muli. Maraming kabinataanang natuwa
sa paghihiwalay ng dalawa. Marami ang umasa na di na muling babalik si Finsay.
Dumating ang takdang araw ng kanilang pagkikita sa tuktok ng Bundok Taungay, umakyat
si Lupting na punong puno ng saya at sigla sa kanyang mga labi. Samantala habang naghahanda
si Finsay sa kanyang pag-akyat sa Bundok Taungay ay biglang nagkaroon ng paglusob ng mga
taga Tulgao sa Luplupa kung kaya`t lahat ng kalalakihan ay naghanda para mkipaglaban sa mga
mandirigma ng Tulgao. Marami ang namatay sa magkabilang tribo at hindi nakaligtas si Finsay.
Dahil alam na ni Finsay na di na siya makakapunta sa napag-usapan nila ni Lupting kinausap niya
ang kanyang kapatid na puntahan si Lupting sa tuktok ng Bundok Taungay at sabihing di na siya
makakapunta.
Samantala, nakarating na si Lupting sa tuktok ng Bundok Taungay at laking dismaya niya
nang makitang walang Finsay na naghihintay sa kanya. Sa oras ding iyon ay dumating ang kapatid
ni Finsay at ibinalita kay Luptingang masamang nangyari sa minamahal na si Finsay. Parang
pinagsakluban ng langit at lupa si Lupting. Di niya inakala na ang kanyang mahal na si Finsay ay
di na niya makikita at makakasama pa. Pinauwi niya ang kapatid ni Finsay at siya`y nagpaiwan.
Sa kanyang pagluluka, hiningi niya kay Kabunian na siya`y kunin nalang dahil wala ng silbi ang
kanyang buhay kung wala rin lang si Finsay na kanyang minamahal. Walang batid ang kanyang
paghinagpis at panaghoy hanggang sa siya`y mahiga at umasang muling makasama si Finsay sa
kabilang buhay.
Kinaumagahan, nagulat na lamang ang mga tao sa Luplupa dahil ang dating Bundok
Taungay ay nagkahugis babae. Ang kapatid ni Finsay ay nagsabing ang hugis babae ay walang iba
kundi si Lupting na siyang minamahal ni Finsay. Dito nagtatapos ang pag-iibigan nina Finsay at
Lupting na kahit sa kamatayan ay di napaghiwalay ang kanilang pagmamahalan sa isa`t isa. Ang
walang hanggang pagmamahalan nina Finsay at Lupting ay naisalinwika sa iba`t ibang henerasyon
sa mga tribo ng Dacalan at Tinglayan hanggang sa kasalukuyan.
Dulliyaw at Kiwada
(Maikling Kwento)

May dalawang magkapatid na babae sina Ikawayan at Kiwada. Isang araw, pumunta si
Ikawayan sa palayan ngunit may humahadlang sa kanyang daanan na malaking ahas na
nagsasabing pakasalan niya ito o kung hindi ay kakainin niya ito..
“Bakit gusto mo akong pakasalan?” tanong ni Ikawayan. “Halika at ibibigay ko sa iyo
ang isa sa mga kalabaw ng aking ama, mas magandang kainin iyon.”
Hindi sabi ng ahas. “Pakasalan mo ako at hindi kita kakainin!”
“Ito ang aking gintong pulseras! Kunin mo pero pabayaan mo akong mag-isa,” sabi ni
Ikawayan. Pero tinanggihan ng ahas at tinanong niya kung maaaring sundan siya. Hindi
pinakialaman ni Ikawayan hanggang makarating sila sa palayan. Nakita ng kanyang ama ang
ahas at agad nagmadali na patayin ito, ngunit mahinahong sabi ng ahas na, “kapag papatayin mo
ako, malalaman ng lahat ng ahas at pupuntahan ka nila at papatayin ka rin. Walang nagawa ang
ama ni Ikawayan kundi malungkot niyang itinapon ang palakol at nakita niyang sinusundan ng
ahas ang kanyang anak.

Sa hapon umuwi si Ikawayan. Patuloy pa rin na sinusundan ng ahas hanggang sa


pagpasok sa kanilang bahay at tumakbo si Ikawayan. Ang kapatid niyang si Kiwada ay
mapagmahal kaya itinuring niyang bisita ang ahas.

Araw-araw pumupunta ang ahas sa palayan ng ama nina Kiwada upang tulungan siya.
Ginawa ng ahas ang tungkulin ng isang lalaki sa bahay. Kapag umuwi siya ay may maraming
kahoy na nakatali sa kanyang buntot at nagpapatulong siya sa ama nina Kiwada na tanggalin ito.
Sa oras na iyon, nagsimulang mag-ispiya ang matanda sa ahas ganoon din ang pagtataka ni
Kiwada.

Isang araw, sinundan ni Kiwada ang ahas sa bukid. Nakita niya ang balat nito at sinunog
agad. Sa hapon, may isang batang lalaki na hinahanap ang balat ng ahas. Siya si Dulliyaw, ang
nagpapanggap na ahas. Natagpuan niya si Kiwada na nakaupo sa tabi kung saan niya ang
kanyang balat at tinanong niya ito kung saan niya inilagay ang balat ng ahas. Sinabi ni Kiwada
na sinunog niya.

Sinundan ni Dulliyaw si Kiwada sa kanilang bahay at pinakasalan niya. Nagseselos si


Ikawayan. Hindi niya akalain na ang ahas na iyon ay isang gwapong batang lalaki. Noong
ipinananak ng kapatid ang una nilang sanggol, nag-alok si Ikawayan na siya ang magiging
komadrona. Ipinagpalit niya ang sanggol sa kuting at itinapon ang lalaking sanggol sa
kakahuyan.

Natagpuan ni Magsalipa ang sanggol at inalagaan niya ito. Ginawa ulit ni Ikawayan na
ipagpalit sa dalawang kuting ang dalawang sanggol na anak ng kanyang kapatid. Lahat ng
tatlong lalaki ay inalagaan ni Magsalipa.
Isang araw, pumunta ang tatlong lalaki sa bukid ng tuno na pag-aari ni Dulliyaw.
Bumabalik sila tuwing gabi upang magnakaw. Nagalit si Dulliyaw kung bakit nababawasan ang
kanyng tanim kaya naisip niyang hulihin ang nagnanakaw nito. Isang gabi, nagtago siya sa bukid
at nakita niya ang tatlong lalaki.

Hahampasin sana niya ito ngunit biglang lumabas si Magsalipa at sinabing, “Ngayon
malinaw na kung bakit mo itinapon ang iyong mga anak upang hindi sila makihati sa iyong
pananim.”

Nabigla si Dulliyaw, “Anong ibig mong sabihin” Tanong niya kay Magsalipa.
Ipinaliwanag naman ni Magsalipa ang ginawa ni Ikawayan at akala ni Dulliyaw na kuting ang
kanilang mga anak. Hindi niya akalain na naitapon sa bukid ang kanilang totoong mga anak.

Kinuha ni Dulliyaw ang tatlong lalaki at dinala sa kanilang bahay ni Kiwada. Masaya si
Kiwada na ibigay sa bawat anak ang kuting , masaya rin ang tatlong lalaki na magkaroon ng
alaga.
Nagselos si Ikawayan dahil hindi lang natagpuan ang tatlong lalaki kundi nahanap pa nila
ang tunay nilang magulang at nabigyan pa sila ng alagang kuting.

You might also like